Hindi sinasadya o sinadya man ng Tadhana na mag-krus ang landas ng lasing na si Bethany at nagtatanggal stress lang na si Gavin ng gabi ng engagement party ng ex-boyfriend ng dalaga; naniniwala sila na may malaking purpose ang pagtatagpo nila. Pagkatapos kasi ng gabing iyon ay sunod-sunod na ang naging interaksyon ng dalawa hanggang sa may mamuong pag-ibig at tuluyang mahulog ang damdamin sa bawat isa. Ngunit subalit datapwat, kagaya lang din ng ibang relasyon at pareha; susubukin sila ng panahon, huhubugin ng mga problema at susukatin ang tatag ng music teacher na si Bethany Guzman at ng abugadong si Gavin Dankworth kung hanggang saan aabot ang binhi ng pagmamahalan nilang naipunla.
view moreSINALUBONG SILA NI Manang Esperanza na abot sa tainga ang mga ngiti sa labi. Tinulungan na silang ipasok ang dala nilang maleta sa loob ng penthouse. Dinala lang niya iyon sa may sala at kapagdaka ay muling humarap. Bakas pa rin ang giliw nito sa mukha at muling nagsalita sa mas masigla nitong tinig.“Welcome back, Attorney and Miss Bethany!”“Hi, Manang Esperanza…” yakap dito ni Bethany, pilit na winawaglit ang pagbigat ng pakiramdam.Si Manang Esperanza na rin mismo ang gumiya kay Victoria patungo sa silid na kanyang o-okupahin matapos na yumakap kay Bethany. Habang nasa Australia pa sila ay pinalinis na iyon ni Gavin sa matanda kung kaya naman pag-uwi nila ay wala na ang mga naiwang kalat dito. Naroon na rin ang ibang mga gamit ni Victoria na ipinakuha na sa bahay nila bago pa man sila makauwi ng bansa. Inabot ni Gavin ang kamay ni Bethany at mabagal nilang sinundang mag-asawa sina Victoria na patungo na ng silid. Sinulyapan lang ni Bethany ang asawa. Mapagpaubaya at tahimik na nag
NAISIN MAN NI Mrs. Dankworth na sa mansion nila padiretsuhin ang mag-asawa upang doon na lang muna mamalagi kaso ay hindi naman iyon pinahintulutan ni Gavin na mangyari dahil alam niyang mahaba ang kanilang naging byahe at kailangan nilang magpahinga ng kanyang asawa upang makabawi ng lakas. Hindi lang iyon. Bakas na sa mga mata ng asawa ang pagod at malamang ay hindi nito magagawang tanggihan ang kagustuhan ng kanyang ina kung ito ang kakausapin kung kaya naman siya na ang magde-desisyon para sa kanila. Uuwi muna sila ng penthouse. Saka na lang sila pupunta ng kanilang mansion.“Sa sunod na lang Mommy, maglalaan na lang kami ng oras at panahon ni Thanie para bumisita sa mansion. Huwag po muna ngayon. Please?” pakiusap ni Gavin na nilingon na ang asawang yakap pa rin ni Briel na animo hindi nagkaroon ng katiting na galit ang kapatid sa kanyang asawa, nakikita pa rin niya na medyo ilang si Bethany kay Briel ngunit saglit lang naman iyon. “Magpapahinga muna kami ng asawa ko.”“Ganun ba
ANG ISANG LINGGO na extension ng pananatili ng mag-asawa sa Australia ay ginugol nila sa pamamasyal at paggalugad sa mga lugar na puntahan ng mga turista sa lugar. Pinuntahan nila ang mga lugar na nakita online ni Bethany kasama ang madrastang si Victoria. Ganundin ang mga restaurant kung saan ay may mga biglaang cravings siya. Sinigurado nilang masusulit ang lahat ng oras na inilalagi nila sa bansa. Wala namang naging reklamo si Gavin na kahit mababakas ang pagod sa mukha ay sunud-sunuran sa lahat ng gusto ng kanyang asawa. Ang makita itong masaya habang namamasyal sila at nakukuha nito ang gusto ay walang katumbas na halaga para sa abogado. Ang makita ni Gavin ang mga ngiti nitong unti-unting nagkakaroon ng buhay ay napakalaking bagay para sa kanya. Nagawa nitong mapanatag ang loob niya. “Sayang 'no, hindi na ako ngayon makakabisita kay Miss Gen na isa sa mga goals ko kung kaya ako umalis ng bansa.” pagsasatinig ni Bethany habang ang kanyang mga mata ay nasa labas ng kanilang eropl
NAMULA PA ANG mukha ni Bethany na para bang hindi sila mag-asawa ni Gavin ng mga sandaling iyon. Medyo awkward kasi ang dating ng kanilang pinag-uusapan kahit na silang dalawa lang naman ang naroroon. Parang hindi normal ang topic na iyon sa kanilang mag-asawa. Binabalot pa ng kahihiyan ang buong katawan ni Bethany kahit na wala naman na siyang itatago pa sa lalaki. Marahil ay dahil hindi naman nila noon napag-uusapan ang ganung bagay. Hinuli pa ni Gavin ang kanyang mga mata upang tingnan ang reaction niya. Natatawa na rin ito ngayon sa kanya.“Dapat gentle lang daw.” dugtong pa ni Gavin na tuwang-tuwa na sa mukha ng asawa. Napalabi na si Bethany, pilit pinigilan ang sariling matawa sa salitang mga ginamit ng asawa. Ang buong akala niya ay makakaya niyang pigilan iyon ngunit sa bandang huli ay tuluyan na siyang humagalpak. Hindi na napigilan ang sarili.“Ang bastos naman ng bibig mo, Gavin!” pandidilat niya ng mga mata habang pulang-pula na ang mukha, kung pwede lang itago iyon sa il
NAKAHIGA NA SILA noon sa kama at tapos ng kumain ng dinner na ipina-deliver lang nila. Halos ayaw umalis ni Gavin sa tabi ng kanyang asawa. Parang may magnet ito na kahit sa paggamit ng banyo ay gusto niyang tulungan pa ito kahit na kaya na naman niya ang kanyang sarili. Gusto niyang paglingkuran ang asawa at bumawi sa kanya. Ituring na prinsesa ang asawa at ibigay lahat ng gusto nito na kahit na ano.“Tigil nga, paano naman ang work mo? Ang business mo?” paikot ng mga mata ni Bethany na animo ay hinahamon ang asawa, “Sure akong tambak at patung-patong na iyon. Pag-uwi natin, busy ka na naman. Wala ka na namang oras sa akin. Sa amin. Panay na naman ang overtime mo at paglalagi sa office mo.”“Hindi iyon mangyayari, Mrs. Dankworth. Uuwi ako ng takdang oras dahil alam kong maghihintay ka sa pag-uwi ko. Ayokong maghintay ka sa akin at baka mamaya ay umiyak ka na naman.” hinalikan pa niya ang noo ni Bethany dahilan para ngumuso ang babae na walang imik na inabot din ni Gavin para halikan.
SA PAGBABALIK NI Gavin ng silid ay mabilis na napabangon si Bethany nang matanaw ang bulto ng asawa. Agad naman siyang tinulungan ni Victoria na agad din nagpaalam na lalabas sandali upang bigyan lang ng privacy ang mag-asawa Hindi nakatakas kay Bethany ang namumulang mga mata ni Gavin at ilong na tila ba galing ang lalaki sa malalang pag-iyak. Tumahip na ang dibdib niya. Maraming mga negatibong bagay na ang dumagsa sa kanyang isipan lalo pa at kinausap ni Gavin ang doctor niya ay hindi niya iyon narinig.“Kumusta na ang pakiramdam mo?” agad na maatamis na ngiti ni Gavin nang magtama ang mata nilang dalawa, nakita niyang titig na titig sa mukha niya ang asawa. “Maayos na ba kumpara sa kahapon?”Hindi pa man nakakasagot si Bethany ay tuloy-tuloy na itong lumapit at naupo sa gilid ng kaniyang kama. Walang paalam na naupo na ito sa may harapan niya at tinitigan siya na para bang sobrang mahal na mahal siya ng asawa. Hindi naman nag-iwas si Bethany ng tingin na binabasa na ang mga iniisip
HINDI MAPALAGAY SI Mrs. Dankworth kung kaya naman tinawagan niya ang asawa upang kumustahin si Nancy. Nag-aalala siya na baka ito na naman ang dahilan ng pagkataranta ng anak gayong nawawala pa ang kanyang asawa. “Nancy is still in a coma. Saka, sa tingin pupuntahan iyon ni Gavin? Tigilan niyo na ngang mag-isip. Tawagan mo na lang ang anak mo at personal mong tanungin kung bakit nagmamadaling umalis. Baka naman si Bethany ang kausap.” “Mabuti pa nga, Gorio. Ito kasing bunso mong anak kung anu-ano ang sinasabi. Si Drino? Nakauwi na ng bansa?” “Hindi ko alam. Ni hindi na siya komontak pa sa akin pagkatapos noong naging huling usap namin.” Minabuti ng Ginang na tawagan si Gavin ngunit hindi makontak ang numero nito. “Briel, subukan mo ngang kontakin ang Kuya mo kung online at sa social media account niya. Bakit ganun? Ayaw mag-connect ng tawag ko sa kanya? Mukhang nawalan yata siya ng signal ngayon.” balik niya sa hapag kung nasaan tulala pa ‘ring kumakain ang anak, muling umikot an
AMININ MAN NI Bethany o hindi ay sukong-suko na siya at ang tanging naiisip na lang niyang pag-asa ay ang marinig ang boses ng kanyang asawa. Gusto niyang akuin ang lahat ng kasalanan niya at pagbayaran iyon kung kaya naman sasabihin na niya dito kung nasaan siya. Hindi na siya nagtatago. Hahayaan niyang tahasang magalit ito sa kanya. Sa bahagi ng kanyang puso ay gusto niyang marinig ang comfort nito kahit na may mortal siyang kasalanang ginawa. Hilam sa luha na nag-activate siya ng social media habang nasa labas si Victoria at kausap nito ang kanyang doctor. Papasok na sana ang kanyang madrasta sa loob nang maudlot siya sa may pintuan nang marinig si Bethany na muli na namang umiiyak, nang sumungaw siya ay nakita niyang hawak nito ang cellphone. Isang daang porsyento na ang hula ng Ginang ay nagdesisyon na itong kontakin ang kanyang asawang si Gavin. Malungkot na napangiti ang Ginang. Sumasakit ang puso niya sa tanawin. Tama ang desisyon nito, kailangan niya ngayon si Gavin upang lum
PARANG WALANG KATAPUSAN at tuloy-tuloy ang pagbalong ng mga luha ni Bethany sa kanyang mga mata matapos na lumabas ng doctor sa pinto ng kanyang kwarto. Puno ng labis na paghihinagpis ang mga impit niyang iyak na may kasamang walang katapusang pagsisisi. Ayon sa doctor, sa taas ng lagnat niya ay nagkaroon siya ng spotting na medyo delikado sa ipinagbubuntis niya. Marahan niyang hinimas ang puson, napuno pa ng sakit ang kanyang buong sistema. Hindi niya lubos maisip na hahantong sila sa pagkakataong iyon. Ang buong akala niya magtatagumpay siya sa lahat ng kanyang naisin. Hindi niya inaasahang sasabay na bibigay ang kanyang katawan at mararamdaman ang sakit na ito. “Mrs. Dankworth, please be calm. We will do everything just to save your baby. Please help us do some favor.”Tuloy pa rin ang pagdurugo niya kaya naman tinapat na rin siya ng doctor na kapag hindi iyon tumigil at hindi nadala ng itinurok nilang gamot ay tiyak na manganganib na mawala ang ipinagbubuntis nilang anak na dalaw
SA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments