SA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.
“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “Hindi mo ako kayang tiisin kaya ka nga narito ngayon ‘di ba?” masuyong himas pa ng dalaga sa leeg ng lalake.
Muli niya itong siniil ng halik, ngunit agad na nangunot ang noo ni Bethany nang malasahan ang hindi pamilyar na lasa ng laway ng lalake. Bahagya niyang inilayo ang katawan nito, ngunit huli na ‘yun. Nagawa na ng estrangherong lalake na hapitin siya sa bewang upang pigilan sa tangka n’ya sanang pagkuha ng distansya dahil sa bigla na lang naalarma s’ya.
“Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Miss?”
Nakakakiliti para kay Bethany ang dating ng mahinang bulong na iyon ng lalake sa tainga. Tuluyang nahulasan at nilubayan ng espirito ng alak sa katawan si Bethany. Biglang naitulak na niya ang bulto ng lalake palayo sa kanya. Napamulagat ang mga mata niya na halos lumuwa nang makilala kung sino ang napagkamalang dating kasintahan niya.
Si Gavin Dankworth iyon.
Ang pinakamagaling at sikat na lawyer sa bansa na may iba’t-ibang negosyong nakapangalan sa kanya.
‘Oh my God! Anong katangahan mo ito, Bethany, ha?!’
Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya?
Maliban na lang siguro iyong mga nakatira sa bundok na hindi sakop ng kuryente at ng mga teknolohiya kung saan ay sikat ito. Hindi lang ‘yun, ang lalakeng ito rin ay ang future brother-in-law ng ex-boyfriend niyang si Albert. Sa kaalamang iyon ay napaatras na si Bethany, kamuntikan pa nga siyang matumba dahil biglang nagbuhol ang kanyang mga paa.
“Oops, mag-iingat ka Miss. Baka mapasama ang bagsak mo at mabingutan ka. Sayang ang ganda.”
Napangiti na ng pilit si Bethany na may pagngatal pa ng labi sa huling sinabi nito. Halatang palaban ang lalake sa anging hamon niya. Naisip niyang kung nagawa nga siyang lokohin ni Albert, bakit hindi niya pwedeng gawin din iyon lalo pa at wala naman na silang dalawa? Hindi niya kailangang magpa-demure at maging mabuting babae sa mata ng lahat. Bakit hindi niya pagbigyan ang sarili na gawin ang gusto niya kahit sa gabing iyon lang?
‘Ngayong gabi lang, Bethany.’
Sa halip na tumakbo palayo ay muling lumapit si Bethany sa lalake. Muling itinapon ang sarili para yakapin ng nabiglang lalake. Maganda siya, kaaya-aya rin ang hugis ng katawan niya pati amoy niya. Siguro naman ay hindi siya nito magagawang basta na lang tanggihan.
DAHIL SA URI ng propesyon ni Gavin Dankworth ay hindi niya basta maitaboy palayo ang babae. Handa siyang magkaroon ng panandaliang relasyon dito kahit sa gabing iyon lang. Nakita niya kasing malungkot ito at puno ng pananabik ang itinatapong mga tingin sa kanya.
“Uulitin ko ang tanong ko Miss, seryoso ka ba?” binasa pa ni Gavin ang labi habang nakatingin sa magandang mga mata ni Bethany.
Lumunok muna ng laway si Bethany. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang dagundong ng tibok ng puso niya sa loob ng dibdib. Pinadausdos niya ang hintuturo sa bridge ng ilong nito saka malapad na ngumiti.
“Oo naman—”
“Kung ganun, umalis tayo dito.” bulong ni Gavin na hinapit na muli sa beywang si Bethany upang mas ilapit pa ang katawan sa kanya.
Naranasan ng mahalikan ni Bethany, pero hanggang doon lang iyon. Hindi lumagpas doon ang kanyang limitasyon sa katawan. Nananatili pa ring malinis ang puri niya. Birhen pa siya dahil nangako siya sa sariling ibibigay lang niya ito oras na pakasalan siya ng magiging asawa.
“Huwag na, dito na lang tayo. Hindi ko pa nagawang subukan na makipag-make out sa lugar na ito.” pinalambing pa ni Bethany ang boses para mas maging tunog aggressive at expert iyon sa bagay na tinutukoy niya, “Wala naman ditong masyadong dumadaan eh…”
Hindi inaasahan iyong sagot ni Gavin. Mukha kasing inosente ang babaeng kaharap at para bang wala rin itong muwang sa kamunduhan na sinasabi ng katawan nito. Gayunpaman ay hindi na lang nagsalita si Gavin, tutal ngayon lang naman iyon bakit hindi na lang niya pagbigyan? Inilapit na niya ang mukha sa babae at walang pakundangang inangkin ang labi nitong sobrang lambot at matamis kahit nalalasahan pa niya dito ang alak na ininom kanina.
Kagaya lang din sila ng ibang mga lalake at babae na nagma-make out dala ng espirito ng alak. Malayang pinagbibigyan ang nag-uumalpas na init ng kanilang mga katawan kahit na panandalian lamang ang tagpong iyon sa kanilang pagitan.
“A-Albert…” tawag ni Bethany sa pangalan ng kanyang ex-boyfriend matapos na panandaliang tanggalin ni Gavin ang mapulang labi sa bibig.
Bakas ang pagkaasar na bumalatay sa mukha ng lalake ng mapagtanto na napagkamalan lang pala siya ng babae. Ang buong akala pa niya ay nahimasmasan na ito at namukhaan s’ya.
MATABANG ANG TINGIN na binitawan ni Gavin ang katawan ng babae. Bahagyang isinandal niya ito sa pader. Dumukot siys ng isang stick ng sigarilyo sa kaha sa bulsa at inilagay na iyon sa kanyang bibig. Hinanap din niya sa bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo. Mukhang nakatulog na sa kalasingan ang babae na walang kagalaw-galaw sa pagkakasandal. Ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang itong nakatulog. Gusto ng tuktukan ni Bethany ang sarili dahil hindi niya napigilang usalin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend habang may ibang lalakeng kahalikan. Sino ba namang gaganahan na ituloy pa ang kanyang ginagawa doon?“Albert…” mahinang anas ni Gavin sa pangalang binanggit ni Bethany.Bumalatay sa mukha ang kakaibang pagkairita habang pinagmamasdang mabuti sa mukha si Bethany. Naisip na sobrang interesting naman na ang babaeng ito ay nagkataon pa lang ex-girlfriend ng gunggong na magiging future brother-in-law niya. Sa dami ng makakatagpo niya, sinadya nga ba iyon ng panahon na magkit
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Bethany sa kanilang pintuan ay natanaw na niya agad ang kanyang Tita. Nang mahagip ng mga mata nito ang pagdating niya ay mabilis itong napatayo sa sofa. Kapansin-pansin ang pamumula ng mata. Halatang galing lang sa bago at matinding pag-iyak. Lumibot sa paligid ang mga mata ni Bethany na mayroong hinahanap.“Anong nangyari po ba, Tita? Saka nasaan po ngayon si Papa?”Tita ang tawag niya sa babae dahil ito ang pangalawang asawa ng ama. Hindi naman sa ayaw niya dito kung kaya di matawag na Mama, nasanay kasi siya sa salitang ito.“Napakawalang-hiya talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany!” bungad ng Ginang na hindi sinagot ang tanong niya, “Napakaitim ng budhi!”Napanganga si Bethany. Hindi niya ma-gets kung bakit ipinasok iyon sa usapan nila ng madrasta. Kung tutuusin ay ang layo nito sa tanong niya.“Noong mga panahong nasa laylayan sila ng pamilya niya, pinili mo ang manatili sa tabi niya. Tapos ngayon na nakabangon na sila at nakaangat na, hindi k
MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.“Huwag na huwag mong kakausapi
PARANG HINOG NA kamatis na namula ang buong mukha ni Bethany. Dala ng biglang pagkagulat sa sinabi ni Gavin ay bigla na lang niyang itinaas ang bitbit na paper bag, kung saan nakalagay ang jacket. Dinala niya ito para kung sakaling magkagipitan ay maaari niya itong gawing alibi sa pagpunta.“P-Pumunta ako dito para isauli itong jacket mo. Nakalimutan mo kagabi.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin. Ang buong akala niya ay iba ang sadya ng pagpunta ng babae rito. Umaasa siyang mas malalim ang dahilan ng babaeng kaharap. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinanggap niya ang paper bag. “Okay, salamat sa pagsauli. Hindi ka na sana nag-abala pang dalhin dito.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang humakbang patungo ng elevator. Iniwan na si Bethany doon. Dala ng pagkataranta ay mabilis siyang hinabol at sinundan ng babae. Kailangan niya itong makausap. Hindi naman hinarang ng mga receptionist si Bethany sa pag-aakala na kilala siya ng abugado dahil kinausap siya kanina.“Attorney Dankworth, pwed
“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa i
BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”Maliit na ngumiti si Gavin. “Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito n
MULA SA SIMULA ng relasyon nila hanggang dulo, walang kakayahan si Bethany upang lumaban kay Albert gaya ng pagmamahalan nilang unti-unting naglaho at nawala. Nilingon niya si Albert gamit ang mga matang puno ng labis na poot. Binitawan na siya ni Albert. “Gusto mong maka-close si Gavin Dankworth? May abilidad ka ba ha? Mataas ang standard niya pagdating sa mga babae at hindi siya mabilis ma-involve sa mga babae. At isa pa, naninigas ang katawan mo kapag nahalikan ka. Matatagalan mo ba ‘yun lalo na kapag tatanggalan ka na ng suot niyang damit?”Ayaw makita ni Bethany ang mukha ni Albert kung kaya naman pinanatili niya ang mukhang nakayukod dito.“Anong pakialam mo sa ginagawa ko? Wala namang kinalaman ito sa iyo, kaya wag ka na lang makialam.”Mataman siyang tiningnan ni Albert. “O baka naman hindi mo ako makalimutan kung kaya ginagawa mo ito? Intensyon mong makipaglapit sa future brother-in-law ko para lang makaganti ka sa akin? Sa tingin mo may pakialam ako?”Umasim na ang hitsur
HINDI NA MAIKAKAILA sa mukha ni Bethany ang kahihiyan na agarang lumarawan ng mga sandaling iyon nang dahil sa katanungang iyon ni Gavin. Hindi siya makapaniwala na sa mismong bibig ng abugado pa mismo talaga iyon manggagaling. Para sa kanya ay napaka-unprofessional nito na tanungin siya ng ganun ka-personal na bagay. Idagdag pang hindi naman sila magkaanu-ano o kahit magkaibigan man lang nito. Nakakainsulto sa part niya iyon, subalit pikit ang mga mata na lang niyang hindi papansinin.“Hindi naman siguro masama kung sasagutin mo ang tanong ko.” dagdag pa ni Gavin na inip ng hinihintay ang kasagutan ng kasama niyang dalaga. “Tinatanong kita kung ilang beses mo na siyang nakatabing matulog?” Nanuyo na ang lalamunan ni Bethany. Hindi niya alam kung kung required ba siyang sagutin ang tanong nito. Nanlalamig na ang dalawa niyang palad na magkasalikop na nakapatong sa kanyang kandungan. Nahulog na ang mga mata niya doon. Ilang beses pang napalunok ng laway ang dalaga. Sa totoo lang ni mi
HINDI PA MAN iyon kinukumpirma ni Giovanni na siya nga ay marahas ng napatayo si Margie mula sa kanyang kinauupuan. Ang mga mata ng babae ay nakabaling na kay Giovanni na para bang hinihingan niya ito ng paliwanag. Hindi siya makapaniwala nang makita niyang bahagyang mamula ang pisngi ni Giovanni na para bang kinikilig ito sa tanong kahit pa masyado na iyong personal. Kung hindi iyon totoo, malamang ay itinanggi na niya ang katanungan. Mali pa pala siya na ang buong akala niya in laws lang ang relasyon na mayroon si Giovanni at ang spoiled brat na kapatid ng asawa naman ng pamangkin ng Gobernador na si Bethany Guzman; si Gavin Dankworth na isang abogado. Naisip ni Margie na kaya marahil inilihim iyon ni Giovanni at ayaw pang ipaalam ay dahil nga naman isang malaking eskandalo at kahihiyan iyon ng kani-kanilang pamilya, kahit pa walang mali kung magmamahalan sila. Bukod sa agwat din ng kanilang edad, ang relasyon din na mayroon at namamagitan sa kanilang dalawa ng asawa nitong pamangki
NAGKASALUBONG NA ANG mga kilay ni Giovanni dahil awtomatiko ng napaharap sa banda niya ang mga camera ng mga journalist na kanina lang ay naka-focus pa ang buong atensyon kay Margie. Kulang na lang ay mapakamot sa kanyang ulo ang Gobernador nang dahil sa panibagong usok ng isyu na muli pang sinindihan ni Margie. Bingyan pa nitong panibagong cravings ang ang mga media na naroroon. Ngumisi pa ang babae dahil napagtagumpayan nitong pagtakpan ang kasamaang ginawa niya kay Giovanni. Ganun kabilis na naibaling ni Margie ang atensyon ng lahat mula sa babae patungong muli kay Giovanni na ang buong akala ay matatapos na doon ang lahat. Lihim na naikuyom na ng Gobernador ang kanyang mga kamay. Sobrang pagtitimpi na ang kanyang ginagawa huwag lang siyang sumabog dito.“Bakit ba ayaw mong ilabas ang tungkol sa mag-ina mo? Nagsisinungaling lang ba ako? Patunayan mo. Hindi ba at ito ang totoo? Patunayan mo, Governor Bianchi. Sige, itanggi mo pa sila…” lantarang hamon pa rin sa kanya ni Margie.Kumi
MAKAILANG BESES NG NAPAHILOT na sa kanyang sentido si Giovanni nang makitang nakarehistro ang pangalan ng kanyang pamangkin sa screen ng cellphone niya. Sumasabay pa talaga ito sa problema niya. Sa halip na sagutin ay pinatay niya na ang tawag dahil hindi rin naman sila magkakaintindihan ni Bethany sa ginagawang malakas na pagngawa ni Margie na akala mo ay kinakatay na baboy. Paulit-ulit nitong sinasabi na wala siyang kasalanan at marapat lang na hayaan niya. Hindi na natapos ang babae doon kahit pa namamalat na ang boses ng dahil dito.“Pinatayan ako ni Tito ng tawag,” hindi makapaniwalang turan ni Bethany na hinarap na ang asawa na kakarating lang ng mansion ng sandaling iyon. Ipinahaba pa niya ang kanyang mga nguso dito.Hilaw na natawa na si Gavin. Ilang beses na umiling. Hindi na rin malaman pa kung ano pa ang gusto nito.“Hayaan mo na siya. Huwag mong sabihin ang tungkol kay Briel. Hayaan natin siyang maghanap sa mag-ina kung saang lupalop na ng mundo naroon.” “Baka kasi busy r
UMILING LANG SA kanya si Briel habang mahigpit ang hawak sa kamay ng kanyang anak. Natitibag na ang puso niya na para bang gusto na lang mag-stay, kaso hindi niya magawang suwayin ang isipan niyang bulong nang bulong na kailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Hindi siya pwedeng magpatibag. Sa katunayan noon ay nagdadalawa rin siya ng isip kung aalis ba ng bansa o hindi. Naninimbang din siya sa sitwasyon. Tinitingnan ang magiging pagkakataon kung muli niyang susundin ang kanyang puso sa pagkakataong iyon. Nabanggit sa kanya ng hipag na sa araw na iyon umano ang press-conference ni Giovanni at umaasa siyang maaayos na nito ang lahat at pagkatapos ay babalik na sila sa dati. Ngunit dahil sa tampong kanyang nararamdaman na hindi naman siya tinawagan ng Gobernador upang i-inform ng plano niya, sa loob niya ay gugustuhin niya pa rin umalis ng bansa. Gusto niyang ipakita dito na hindi niya kailangan ang Gobernador na walang isang salita. Batid niyang hindi maglalaon ay malalaman nito ang g
SA MISMONG ARAW ng pag-alis nina Briel at Brian ng bansa ay ang araw din na nagkaroon ng lakas ng loob na magpa-press conference si Giovanni. Ilang araw siyang nagtimpi at ayaw magpadalus-dalos ng mga desisyon sa buhay. Sa pagkakataon kasing iyon din ay nagawa ng mahanap ng mga tauhan niya kung saang lupalop ng Isabela nagtatago si Margie na ganun na lang ang gulat nang makita siyang walang emosyong nasa labas ng pintuan ng pinagtataguan nito. Namutla na agad ang kanyang mukha nang mapagsino ang kanyang kaharap. Lalabas lang sana noon ang babae sa lungga niya upang bumili ng kanyang mga pagkain bago muling mag-hibernate habang nagkakagulo sa social media. Gustong-gusto niya pa ang atensyon na kanyang nakukuha na tila ba nakasakay siya sa alapaap dahil kilala siya ng lahat. Binabati sa nalalapit nilang ilusyon na ginawa niya sa kanyang isipan ng pakikipag-isang dibdib sa Gobernador.“G-Governor Bianchi…paano niyo ako nahanap?”Isang senyas lang ni Giovanni sa mga kasamang tauhan at aga
PWEDE NAMAN TALAGA na iwan niya na muna ang anak, kaya lang ang inaalala niya ay paano kung pagbalik niya ng bansa ay wala na sa puder ito ng mga magulang at kinuha na pala ni Giovanni? Knowing her parents, masyado silang mabait at kasundo sila. Baka mamaya pa, mahirapan siyang kunin ang bata. Saka isa pa, kaya naman sila aalis ng bansa ay para bigyan ito ng lection. Isasama niya ang anak kahit sa dulong bahagi pa ng mundo ang kanyang punta. Kahit makiusap ang kanyang ina, dadalhin niya ito. Walang sinuman ang makkaputol ng desisyon niya.“Okay, hindi ka namin pipigilan, Briel. Kailan niyong mag-ina planong umalis ng bansa? Natawagan mo na rin ba si Drino? Baka magulat iyon sa pagdating niyo.”“Sa lalong madaling panahon, Daddy. Kung pwede sana this week na or next week. Saka yeah, natawagan ko na rin si Tito Drino…hindi rin naman kami ni Brian magtatagal sa kanila, maghahanap ako ng kahit small flat para tirahan naming mag-ina. Magsasama na lang din ako ng isang maid doon.” Tumango
NANG ILANG ARAW pa ang lumipas at nanatiling tahimik pa rin si Giovanni sa isyu at hindi naglabas ng statement ay hindi na iyon tuluyang nagustuhan ni Briel. Asar na asar na siya sa Gobernador. Sa halip na kulitin pa niya itong muli na gawin ang gusto niya ay naisip niya na lang na kagaya pa rin ito ng dati na walang pakialam sa kanilang mag-ina ni Brian. Ni hindi nga nito kayang suplahin ang mga pinagsasabi ni Margie upang linisin din ang kanyang pangalan. Bagay na mas lalong nagpainit pa lalo ng ulo ni Briel. Habang hindi niya ito sinisita at pinag-uukulan ng pansin, lalo nitong pinipiling manahimik lang doon.“Briel, sigurado ka na ba diyan sa plano mo? Huwag kang pabigla-bigla. Mahirap magpadalus-dalos. Ilang beses mo na ba iyang napag-isipan? Ngayon lang?” “Kuya Gav, ilang araw na ang ibinigay ko sa kanya pero ni wala man lang siyang ginagawa. Paralisado ba siya? Naputulan ng dila? Wala man lang siyang statement na inilabas. Pinili niyang manahimik. Bakit siya nananahimik kung h
NAMEYWANG PA ANG Donya na nakalarawan na sa kanyang mukha ang labis na pagkadismaya sa anak. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang parang nawalan ito ng pakialam, lakas at kapangyarihan. Kung noon mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-deny niya sa mga lumalabas na mga rumor patungkol sa kanya, ngunit ngayon para bang kinakailangan niyang pag-isipan iyong mabuti kung ano ang magiging hakbang.“Huwag mong hayaang mas paniwalaan nila na totoo ang online articles. Maglabas ka ng statement mo. Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakatunganga lang dito? Kailangang kontrahin mo iyong sinabi ni Margie, unless plano mong pakasalan nga talaga siya?” puno ng tabang na turan ng kanyang ina dito. “Mama hindi, humahanap lang naman akong pagkakataon—”“Anong humahanap ng pagkakataon? Kung hindi ka kikilos ngayon, hindi ka talaga makakahanap ng pagkakataong sinasabi mo! Mag-release ka ng statement. Sabihin mong hindi totoo ang kumakalat na balita. Anong mahirap doon? Hindi mo ba iniisip ang bunso ng mga
MARAHAN NG HINAGOD ni Bethany ang likod ni Gavin na halatang nagtitimpi lang na makialam sa sitwasyon ng kanyang tiyuhin at kapatid nito. Kung tutuusin ay kaya naman ng abogadong tumulong, kung lalapit si Giovanni sa kanya dahil batid niyang ito lang ang makakapagbigay ng kasiyahan kay Briel. Ngunit sa tingin niya ay hindi ito makikipag-usap sa kanya dahil paniguradong mahihiya ang Gobernador na humingi ng favor dahil pinaiyak niya na naman ang kanyang kapatid. Ganunpaman pa man ay nakahanda pa rin naman siyang tumulong sa kanila kung hihingiin nila pero hindi siya ang kusang mag-o-offer nito.“Kaya nila iyan Gavin, tayo nga nakaya natin ang lahat ng pagsubok noon sa atin sila pa kaya? Nasa tamang daan sila patungo sa magandang katapusan. Ang kailangan lang nilang gawin ay maging matatag gaya natin, di ba? Iyon lang ang kailangan nilang panghawakan at gawin.” patuloy na alo ni Bethany sa asawa. “Thanie, iba naman tayo sa kanila—” “Tama ka, iba nga tayo at iyong mga pagsubok nila ay