MATABANG ANG TINGIN na binitawan ni Gavin ang katawan ng babae. Bahagyang isinandal niya ito sa pader. Dumukot siys ng isang stick ng sigarilyo sa kaha sa bulsa at inilagay na iyon sa kanyang bibig. Hinanap din niya sa bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo. Mukhang nakatulog na sa kalasingan ang babae na walang kagalaw-galaw sa pagkakasandal. Ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang itong nakatulog. Gusto ng tuktukan ni Bethany ang sarili dahil hindi niya napigilang usalin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend habang may ibang lalakeng kahalikan. Sino ba namang gaganahan na ituloy pa ang kanyang ginagawa doon?
“Albert…” mahinang anas ni Gavin sa pangalang binanggit ni Bethany.
Bumalatay sa mukha ang kakaibang pagkairita habang pinagmamasdang mabuti sa mukha si Bethany. Naisip na sobrang interesting naman na ang babaeng ito ay nagkataon pa lang ex-girlfriend ng gunggong na magiging future brother-in-law niya. Sa dami ng makakatagpo niya, sinadya nga ba iyon ng panahon na magkita sila?
“Mula sa umpisa ay kilala mo ako ‘no?” sambit ni Gavin na ikinadilat na ng mata ni Bethany, wala na siyang takas. “Ano ang intensyon mo para gawin ito? Gusto mong gumanti sa magiging bayaw ko? Sa paraang ito mo ba naisip gumanti? Ang sumiping sa akin at ibigay ang katawan?”
Hindi magawang itanggi iyon ni Bethany dahil iyon naman ang totoo. Kilalang tao si Gavin, at kahit itanggi niya ang akusasyon nito ay wala rin iyong silbi. Ang tanging choice na mayroon na lang si Bethany ng mga sandaling iyon ay ang humingi sa lalake ng tawad at saka paumanhin.
“P-Pasensya na Attorney Gavin Dankworth, hindi ko ito sinasadya.”
Inipon niya ang natitirang lakas upang mabilis na lumakad palayo. Tuluyang nawala na ang lasing niya na tila ba naging pampahulas ay ang halik nito. Ilang beses niyang sinalat-salat ang bibig na nadampian ng labi ni Gavin.
‘Bethany naman! Nakakahiya ka! Sana ay hindi mo na lang itinuloy ang plano mong makipag-make out. Tingnan mo ang nangyari? Ipinahiya mo lang ang sarili sa harapan niya.’ lihim na kastigo niya sa kanyang sarili, pahiyang-pahiya na doon.
Napatigil sa paglakad si Bethany. Ilang dipa pa lang ang layo niya kay Gavin na nanatiling nakasunod ang mga mata sa kanyang likuran. Nag-ring ang cellphone na kailangan sagutin.
“Yes po, Tita?”
“Bethany nasaan ka?” gasgas ang boses ng kausap niya sa kabilang linya, halata dito ang pagkataranta. “Bilisan mo, umuwi ka ngayon dito—”
“Bakit po? Ano pong nangyari?”
“Basta umuwi ka ng malaman mo!”
Pagkababa ng tawag nito ay nanghina ang dalawang binti ni Bethany. Kung hindi lang siya nahawakan ni Gavin na mabilis siyang sinundan ay paniguradong bumulagta na siya doon.
“S-Sorry—”
Naputol ang sasabihin niya nang pahagis na i-abot sa kanya ng lalake ang suot na jacket nito matapos na hagurin nito ng mga mata ang bulto appearnace niya. Doon niya napagtantong ang revealing nga pala ng suot niyang damit.
“Isuot mo ‘yan, magka-pulmonya ka pa. Ihahatid na kita pauwi sa inyo.”
Hindi na nagpanggap pa si Bethany na nahihiya dito. Sinuot niya ang jacket nito at mabilis ng sumunod sa lalake na tinutumbok na ng mahabang mga binti ang daan palabas ng bar.
Napahiya na siya, lulubusin na niya. Isa pa, kailangan niya ng sasakyan para makauwi na.
“Maraming salamat,” wika ni Bethany ng pagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan ni Gavin.
Walang imik namang umikot na si Gavin patungo ng driver seat. Hiningi lang nito kung saan ang address ng bahay nila at hindi na ito muli pang nakipag-usap kay Bethany. Panaka-naka ang naging tingin niya kay Gavin na seryoso lang ang mukha. Sa paningin ni Bethany ay ang perpekto naman ng lalake. Hindi lang sa estado nito sa buhay at mga narating kundi pati sa facial features nito na hindi niya itatangging malakas ang hatak ng karisma at sex appeal. Simple lang ang paraan ng pananamit nito, hindi kagaya ng ibang kilala niyang mayaman na pati ang brand ng suot na damit ay naghuhumiyaw ng sobrang karangyaan. Mukha namang mamahalin ang mga gamit nito, iyon nga lang ay di niya kilala ang brand. Batid ni Bethany na ang mga ganitong uri ng lalake ni minsan ay hindi mauubusan ng babae sa kanilang tabi.
“Kung asin ako at tubig iyang mga titig mo, kanina pa ako natunaw dito.” suplado nitong turan.
Mabilis na napaiwas ng mga mata niya si Bethany. Namula sa pasaring ni Gavin. Hindi naman niya sadyang titigan ito, pero wala rin naman siyang ibang idadahilan kapag magra-rason dito.
“Alam kong gwapo ako at nakikita ko ‘yun sa malalagkit mong tingin…”
Awtomatikong umikot ang mga mata ni Bethany pero hindi niya ipinakita kay Gavin. Gwapo nga ang lalake, pero ang yabang at laki ng ulo nito. Sa halip na patulan ang lalake ay pinili ni Bethany na manahimik na lang. Ayaw ng makipag-usap dito.
“Narito na tayo…”
Matapos na itigil ang sasakyan ay hindi agad binuksan ni Gavin ang pinto. Nakangiti siyang humarap kay Bethany na tahimik pa rin sa upuan. Masusi niya na itong pinagmasdan. Sinuyod ang katawan nitong mura pa. Umarko ang isang kakaibang ngiti sa kanyang labi sabay dukot ng business card at iniumang sa babae.
“Pwede mo akong tawagan anumang oras mo gustuhin.”
Nanigas na sa upuan si Bethany. Hindi niya mahulaan ang logic ng lalake na matapos malaman ang katauhan niya ay may lakas pa ito ng loob na bigyan siya ng business card.
Umaasa ba itong tatawagan niya?
“Hindi ko matatanggap ang business card mo, sorry. Kalimutan mo na lang na nakita mo ako. Ang isipin mo na lang ay hindi tayo nagtagpo at nagkakilala sa gabing ito.”
Bago pa makasagot si Gavin ay biglang nag-vibrate ang cellphone ni Bethany. Hinarap na iyon ng babae. Ang akala niya ay galing ‘yun sa Tita niya, pero nang buksan niya ay text lang naman na galing sa kay Albert.
‘Nasaan ka, Bethany?’
“Hmmn, kayo lang ang mag-ex na kilala kong nagpapalitan pa ng text.” wika ni Gavin na hindi namalayan ni Bethany na nakadungaw sa cellphone niya, “Huwag kang mag-alala, hindi ko ‘yan sasabihin o kahit ang banggitin sa kapatid ko.”
Akmang magpapaliwanag pa sana si Bethany na mali ang pagkakaintindi nito, pero nagmamadali na itong bumaba ng sasakyan at binuksan ang pintuan. Sumenyas ito na lumabas na siya gamit lang ang ulo. Wala ng choice doon si Bethany kundi ang bumaba. Nakakahiya naman na siya na nga ang nakisakay, siya pa ang may kapal ng mukhang matagal.
“Salamat.”
Itinaas ni Bethany ang kamay upang magpaalam pero hindi na siya tiningnan ni Gavin. Mabilis itong bumalik sa loob ng sasakyan at walang lingon-likod na pinaandar at pinaharurot na palayo ang sasakyan. Nang mawala ito sa paningin saka pa lang napagtanto na nakalimutan niyang ibalik ang pinahiram nitong jacket.
“Isasauli ko, kapag nagkita ulit kami.”
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Bethany sa kanilang pintuan ay natanaw na niya agad ang kanyang Tita. Nang mahagip ng mga mata nito ang pagdating niya ay mabilis itong napatayo sa sofa. Kapansin-pansin ang pamumula ng mata. Halatang galing lang sa bago at matinding pag-iyak. Lumibot sa paligid ang mga mata ni Bethany na mayroong hinahanap.“Anong nangyari po ba, Tita? Saka nasaan po ngayon si Papa?”Tita ang tawag niya sa babae dahil ito ang pangalawang asawa ng ama. Hindi naman sa ayaw niya dito kung kaya di matawag na Mama, nasanay kasi siya sa salitang ito.“Napakawalang-hiya talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany!” bungad ng Ginang na hindi sinagot ang tanong niya, “Napakaitim ng budhi!”Napanganga si Bethany. Hindi niya ma-gets kung bakit ipinasok iyon sa usapan nila ng madrasta. Kung tutuusin ay ang layo nito sa tanong niya.“Noong mga panahong nasa laylayan sila ng pamilya niya, pinili mo ang manatili sa tabi niya. Tapos ngayon na nakabangon na sila at nakaangat na, hindi k
MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.“Huwag na huwag mong kakausapi
PARANG HINOG NA kamatis na namula ang buong mukha ni Bethany. Dala ng biglang pagkagulat sa sinabi ni Gavin ay bigla na lang niyang itinaas ang bitbit na paper bag, kung saan nakalagay ang jacket. Dinala niya ito para kung sakaling magkagipitan ay maaari niya itong gawing alibi sa pagpunta.“P-Pumunta ako dito para isauli itong jacket mo. Nakalimutan mo kagabi.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin. Ang buong akala niya ay iba ang sadya ng pagpunta ng babae rito. Umaasa siyang mas malalim ang dahilan ng babaeng kaharap. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinanggap niya ang paper bag. “Okay, salamat sa pagsauli. Hindi ka na sana nag-abala pang dalhin dito.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang humakbang patungo ng elevator. Iniwan na si Bethany doon. Dala ng pagkataranta ay mabilis siyang hinabol at sinundan ng babae. Kailangan niya itong makausap. Hindi naman hinarang ng mga receptionist si Bethany sa pag-aakala na kilala siya ng abugado dahil kinausap siya kanina.“Attorney Dankworth, pwed
“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa i
BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”Maliit na ngumiti si Gavin. “Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito n
MULA SA SIMULA ng relasyon nila hanggang dulo, walang kakayahan si Bethany upang lumaban kay Albert gaya ng pagmamahalan nilang unti-unting naglaho at nawala. Nilingon niya si Albert gamit ang mga matang puno ng labis na poot. Binitawan na siya ni Albert. “Gusto mong maka-close si Gavin Dankworth? May abilidad ka ba ha? Mataas ang standard niya pagdating sa mga babae at hindi siya mabilis ma-involve sa mga babae. At isa pa, naninigas ang katawan mo kapag nahalikan ka. Matatagalan mo ba ‘yun lalo na kapag tatanggalan ka na ng suot niyang damit?”Ayaw makita ni Bethany ang mukha ni Albert kung kaya naman pinanatili niya ang mukhang nakayukod dito.“Anong pakialam mo sa ginagawa ko? Wala namang kinalaman ito sa iyo, kaya wag ka na lang makialam.”Mataman siyang tiningnan ni Albert. “O baka naman hindi mo ako makalimutan kung kaya ginagawa mo ito? Intensyon mong makipaglapit sa future brother-in-law ko para lang makaganti ka sa akin? Sa tingin mo may pakialam ako?”Umasim na ang hitsur
HINDI NA MAIKAKAILA sa mukha ni Bethany ang kahihiyan na agarang lumarawan ng mga sandaling iyon nang dahil sa katanungang iyon ni Gavin. Hindi siya makapaniwala na sa mismong bibig ng abugado pa mismo talaga iyon manggagaling. Para sa kanya ay napaka-unprofessional nito na tanungin siya ng ganun ka-personal na bagay. Idagdag pang hindi naman sila magkaanu-ano o kahit magkaibigan man lang nito. Nakakainsulto sa part niya iyon, subalit pikit ang mga mata na lang niyang hindi papansinin.“Hindi naman siguro masama kung sasagutin mo ang tanong ko.” dagdag pa ni Gavin na inip ng hinihintay ang kasagutan ng kasama niyang dalaga. “Tinatanong kita kung ilang beses mo na siyang nakatabing matulog?” Nanuyo na ang lalamunan ni Bethany. Hindi niya alam kung kung required ba siyang sagutin ang tanong nito. Nanlalamig na ang dalawa niyang palad na magkasalikop na nakapatong sa kanyang kandungan. Nahulog na ang mga mata niya doon. Ilang beses pang napalunok ng laway ang dalaga. Sa totoo lang ni mi
PATULOY NA NAGLAPAT ang labi nilang dalawa. Panaka-naka ang pagbukas ng mga mata ni Bethany na animo ay kailangan niyang gawin iyon upang tingnan sa mata si Gavin kung ano ang susunod nitong gagawin upang kaniyang gayahin. Naisip na baka ang kaganapang iyon ay sa panaginip lang niya nararanasan at hindi sa totoong buhay. Kakaiba ang mga halik ni Gavin, ang ibig niyang sabihin ay kakaiba ang paraan ng paghalik nito sa kanya kung ikukumpara niya iyon sa dating nobyo. Nabaling ang kanyang mga mata sa salaming bintana ng sasakyan at nakita niya ang anino nila doon ni Gavin. Bahagya siyang kinilabutan sa nakikita pero wala siyang lakas kung hindi ang tanggihan ang binata. Parang wala siyang ibang choice kung hindi ang patuloy na magpaubaya. ‘Ako ba ito? Ako ba ang babaeng ito? No! Hindi ako ang babaeng nakikita.’Sa kabilang banda ay hindi na napigilan ni Gavin na mabuhay ang kanyang dugo sa pagtugon na ginagawa ni Bethany. Sobrang attracted talaga siya sa katawan ng babae. Nababaliw siya
SOMEHOW AY NA-MISS rin naman ni Briel na asikasuhin siya at alagaan ng ganun ng Gobernador. Iba ang pag-aalalang ibinibigay nito sa kanya na batid niyang puno ng pagmamahal. Damang-dama niya. Marahil ay kaya sobrang minahal niya pa ito kumpara ng pagmamahal niya noon sa dati niyang fiance. Magiging ipokrita siya kung hindi niya aaminin ito ngayon sa kanyang sarili. Pahapyaw siyang tiningnan ni Briel nang marinig ang huling litanya na kanyang sinabi. Parang pinapalabas ni Giovanni na patay na patay siya dito.“Tigilan mo nga ako!” angil niya na muli pang ikinatawa nang mahina ng Gobernador.“Kumain ka habang nagbabasa.” Naupo na si Giovanni sa kanyang harapan at hindi pinansin ang pagtataray niya. Hindi rin ito naupo sa kanyang tabi na unang inaasahan ni Briel na medyo nagbigay sa kanya ng karampot na kahihiyan. Ibinalik ni Briel ang paningin sa papel na hawak kahit na wala pa rin siya doong maintindihan. Kumagat na siya sa apple na nakatusok sa tinidor. Lumambot ang puso doon ni Giov
NAG-INIT PA ANG mukha ni Briel na kulang na lang ay hilingin na sana ay bumuka na lang ang lupa na tinatapakan nila at biglang lamunin siya upang makaiwas sa sobrang kahihiyang nararamdaman. Kanina ay umuusok ang bunbunan niya at galit na galit siya sa Gobernador, ngayon naman ay bigla na lang naglaho iyon nang dahil lang sa isang dampi ng halik? Hindi siya makapaniwala! Ganun na ba siya kabilis mauto? Bakit ba lagi siyang ipinagkakanulo ng kanyang katawan? Palaging may sariling desisyon kahit ayaw niya.“Halika na sa loob, may mga documents akong kailangang ipakita at ipabasa sa’yo. Gusto kong hingin ang opinyon mo at kung ano ang masasabi mo.” malambing na hila at saad ng Gobernador na kinagat ang labi.Nagpahila naman si Briel na hindi na inintindi kung ano ang ibig sabihin doon ng Gobernador. Tututol pa ba siya eh nagawa na naman nitong tunawin ang galit niya? Naiwan ang kanyang isipan sa saglit na halik na kanilang pinagsaluhan na para bang iyon ang pinakamagandang bagay na nangy
NAGING BINGING-AHAS SI Giovanni sa kanyang mga katanungan na para bang wala itong narinig. Hindi na rin naman niya ito kinulit pa dahil paniguradong maiinis lang siya. Hinayaan ni Briel na lamunin sila ng nakakabinging katahimikan. Hinga nilang dalawa at panaka-nakang mahinang ingay ng makina ng kotse ang kanyang naririnig. Pasimpleng nililingon niya ang Gobernador kapag hindi nakatingin sa kanya upang punahin ang mga pagbabago nito sa mga araw na hindi niya nakita. Bumagal na ang takbo ng sasakyan dahilan upang mapatingin sa labas ng bintana si Briel. Pamilyar sa kanya ang lugar. Sa lumang apartment na binili nito sa Bulacan sila pumunta. Anong gusto nitong mangyari? Magbalik-tanaw sila ng magkasama? Napairap na lang sa kawalan si Briel kahit na medyo may kaunting excitement at sakit din sa kanyang puso.“Bakit mo ako dito dinala? Anong plano mo? Akala mo makukuha mo ang atensyon ko kapag dinala mo ako dito? Anong tingin mo sa akin? Basta-basta mo na lang makukuha nang dahil sa pagan
GUSTONG LUMUNDAG NG puso ni Briel s agalak nang marinig niya ang pinagsamang selos at galit sa tinig ni Giovanni. Ganunpaman ay hindi siya kumibo. Napatanong na rin sa sarili. Bakit nga ba ginagawa niya ito? Bakit siya nakikipag-date sa hindi niya gusto gayong hindi naman niya kailangan ng lalaki sa buhay niya? Iisa lang ang sagot niya, nang dahil iyon sa Gobernador. Gusto niyang makita nito na kaya niyang magmahal ng ibang lalaki bukod dito. Sino bang niloloko niya? Sarili lang din naman niya. Sa tingin niya maatim niyang magpakasal sa lalaking iyon nang walang anumang pagmamahal? Hindi siya ganun ka-desperada at kababaw na aabot pa sa puntong iyon ng kanyang buhay. Tama, nahihibang siya. Bumabalik ang pagiging childish niya. Kaya niyang mabuhay ng walang lalaki. Saka kilala na rin ni Brian ang ama niya. Ano pa ang kailangan niyang patunayan? Wala. Bored lang siya. Nagre-rebelde sa ginagawa ni Giovanni.“Bakit hindi ka makasagot, Gabriella?” Walang anu-ano ay ibinigay ni Giovanni
PAHAPYAW NA TININGNAN ni Briel ang sasakyan ng Gobernador sa hindi kalayuan. Puno ng pag-asa na sinunanda ni Giovanni ang kanyang mga mata na bumaling doon. Kung tutuusin ay may choice naman si Briel na tumanggi, pero ewan niya ba kung bakit alipin na naman siya ng sarili na kahit ayaw ng utak niya ay padabog na ang mga paang nagsimula siyang maglakad patungo ng sasakyan. Sumunod naman agad si Giovanni sa kanya. Pagkasara ng pintuan ay agad na siyang hinarap ni Briel. Nakahalukipkip na ang mga braso nito at base sa ipinupukol na tingin ay gusto na niyang sabihin ni Giovanni kung ano ang pakay nito.“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung saan ako nanggaling ngayong gabi?” subok niya sa pasensya nito, gusto pa niyang makita kung paano ito magselos at mairita kada babanggitin niya ang ka-date niya.Lantad sa mga mata ni Briel ang dumaang selos at galit sa mukha ni Giovanni na kaagad din na nawala. Mabilis lang iyong naglaho na para bang wala naman itong pakialam kung makipag-date siya
NAMUMULA ANG MAGKABILANG pisngi nang lumabas si Briel at ang kanyang ka-date ng restaurant kung saan sila nagkasundo nitong kumain ng dinner. Alas-nuwebe na iyon ng gabi. Nagtatawanan pa ang dalawa habang lumululan ng sasakyan na parang siyang-siya sa kung ano ang pinag-uusapan. Humigpit ang hawak ni Giovanni sa cellphone na kanyang tangan. Kanina niya pa tinatawagan si Briel sa numero nito at social media account ngunit hindi nito sinasagot iyon. Deadma. Tipong parang hindi nito iyon nakikita. Kinailangan niya pang tawagan ang pamangkin niyang si Bethany para lang malaman kung nasaan ang babae ng sandaling iyon. Batid niyang nagtatampo ito pero hindi sapat na dahilan iyon para makipag-date ito at sumama sa ibang lalaki. Ano na lang pala iyong nangyari sa kanila sa mansion? Wala lang? Hindi kasama sa bilang? Tawag lang ng laman? Batid niyang mahal pa siya nito. Sa mga paghalik nito. Nag-explain naman na siyang busy siya kaya hindi niya nasagot ang message at tawag nito. Aminado rin si
NAUMID NA MULI ang dila ni Giovanni. Bukod sa naguguluhan ay hindi niya rin napaghandaan ang sunod-sunod na mga katanungan ni Gavin. May malinaw na sagot na siya ngunit napakarami pa niyang kinukunsidera. Kaya nga kailangan talaga nilang mag-usap ni Briel ukol dito, na hindi niya naman alam kung kailan din iyon mangyayari.“Sabihin mo ng maaga para naman makapaghanap kami ng mga lalaking ipipila sa kapatid ko para maging blind date at kalaunan ay potential husband niya. Pumayag na rin naman doon si Briel.” subok ni Gavin na galitin ang Gobernador para naman gumalaw na ito. Blind date? Bakit makikipag-blind date si Briel gayong may nangyari sa kanilang dalawa ng nagdaang gabi? Potential husband? Paano naman siya kung ganun?“Blind date? Pumayag siyang makipag-blind date?”“Hmm, maganda ang kapatid ko kaya panigurado na maraming pipili para maka-blind date niya. Hindi mo naman kailangang mag-alala o mapilitan ang sarili mong panindigan siya. Tungkol naman kay Brian, hindi niya naman si
NAPAAYOS NA NG upo si Briel nang marinig niya ang ingay ng pamangkin niyang si Gabe na pababa na ng hagdan. Saglit niyang nilingon at nakita niyang kasunod na nito ang mga magulang. Pilit niyang iwinaglit ang anumang galit niya kay Margie kahit na mukhang wala naman talaga silang masamang ginagawa ni Giovanni. Hula lang niya iyon. Sa imahinasyon niya lang dahil aminin niya man o hindi, nilalamon siya ng matinding selos nang makiya niya ito. “Ang bisita? Tulog pa?” unang tanong ng Ginang nang maabutan silang mag-ina na nasa kusina.“Nakaalis na, Mommy.” hindi lumilingon na sagot ni Briel kaya hindi niya nakita ang pagkunot nito ng noo patungkol sa kanyang mga sinabi. Napalingon na ito sa kanyang asawa na puno ng pagtataka na roon ang mga mata.“Umalis na? Ang aga niya naman. Saan ang punta? Pinakain mo man lang ba bago siya umalis?”Sa dami ng tanong ng ina ay iisang linya lang ang naging sagot doon ni Briel na hindi pa rin nililingon ang ina niya.“May meeting pa raw na pupuntahan.”
MABAGAL NA MAGKASUNOD at walang lingon-likod na lumabas ang dalawa ng kusina. Hindi na pinigilan pa ng Gobernador si Briel sa nais nitong gawin. Gusto niya rin na makausap ang babae bago man lang siya umalis. Nahihiya lang niyang banggitin iyon at buksan kanina habang kumakain dahil may ibang mga taong makakarinig sa kanila. Nauuna si Briel kung kaya naman tanaw na tanaw ni Giovanni ang maliit na likod nito. Hindi niya inalis ang tingin niya sa babae. Lumihis lang iyon saglit dito at tumama sa mukha ng babae nang makalabas na sila ng pintuan at lumingon sa kanya si Briel upang harapin na siya. Maliit na ngumiti ang babae. Gusto lang talaga niyang ihatid sa labas si Giovanni. “Maraming salamat sa pag-aasikaso, Briel—”“Hmm, mag-ingat ka sa pupuntahan mo…” putol ni Briel sa mga sasabihin pa sana rito ng Gobernador. Muling hinarap ni Briel ang mga sasakyan na naghihintay kay Giovanni na nakaparada sa parking lot ng kanilang mansion. Napag-alaman niya na ang ilan sa mga tauhan niya ay