PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Bethany sa kanilang pintuan ay natanaw na niya agad ang kanyang Tita. Nang mahagip ng mga mata nito ang pagdating niya ay mabilis itong napatayo sa sofa. Kapansin-pansin ang pamumula ng mata. Halatang galing lang sa bago at matinding pag-iyak. Lumibot sa paligid ang mga mata ni Bethany na mayroong hinahanap.
“Anong nangyari po ba, Tita? Saka nasaan po ngayon si Papa?”
Tita ang tawag niya sa babae dahil ito ang pangalawang asawa ng ama. Hindi naman sa ayaw niya dito kung kaya di matawag na Mama, nasanay kasi siya sa salitang ito.
“Napakawalang-hiya talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany!” bungad ng Ginang na hindi sinagot ang tanong niya, “Napakaitim ng budhi!”
Napanganga si Bethany. Hindi niya ma-gets kung bakit ipinasok iyon sa usapan nila ng madrasta. Kung tutuusin ay ang layo nito sa tanong niya.
“Noong mga panahong nasa laylayan sila ng pamilya niya, pinili mo ang manatili sa tabi niya. Tapos ngayon na nakabangon na sila at nakaangat na, hindi ka lang niya basta itinapong parang basura, gusto pa niyang ipakulong ang ama mo! Napakawalang utang na loob niya!”
Nawindang na sa nalaman si Bethany. Hindi niya iyon ma-proseso. Ligaw na ligaw na s’ya.
“Anong ibig mong sabihin, Tita?” usal niyang parang tatakasan ng ulirat, baha na ang tanong.
“Bakit hindi mo tanungin iyang h*******k at magaling mong ex-boyfriend na hindi pa rin tumitigil? Nasa detention center lang naman ngayon ang ama mo nang dahil sa kanya!”
Parang naputulan na ng dila si Bethany, kilala niya si Albert na bagama't nagkasira sila ay may mabuti pa rin naman itong kalooban.
“Tita—”
“Matagal na kitang sinabihan na hindi siya ang tamang lalake na para sa’yo, anong ginawa mo? Pinairal mo ang katigasan ng ulo mo! Hindi ka nakinig sa amin ng Papa mo!”
“Tita, huwag po kayong mag-alala. Susubukan kong kausapin si Albert. Kilala ko po siya. Baka maaari naman po siyang pakiusapan.” nangangatal na doon ang boses ni Bethany.
Kung tutuusin ay hindi naman sadyang kasalanan iyon ng ama. Subalit dahil bahagi ito ng pamilya niya, parang naging responsibilidad na niya ang gumawa pa ng paraan. Pilit niyang kinukumbinsi na hindi siya bibiguin ni Albert nang dahil sa pinagsamahan nila sa nakaraan. Iyong tipong kahit na hindi sila ang magkakatuluyan, tatanaw ang lalake ng utang na loob kahit paano. Humakbang si Bethany palayo mula sa kinaroroonan ng madrasta. Inilabas ang cellphone at nag-dial na ng numero ni Albert.
“Albert, alam kong wala na tayo pero sana naman ay huwag mo ng idamay pa ang Papa ko. Maawa ka naman sa kanya. Matanda na siya.” mababa ang tonong pakiusap ni Bethany, dinig na dinig niya ang hingal sa boses niya. “Nakikiusap—”
“Bethany, alam mong hindi pwede ang gusto mo! Ang laki ng nawala, kailangan na may managot!”
Ganunpaman ang sagot nito ay gusto pa rin niyang magmakaawa. Nagbabakasakali pa.
“Pero mayroon namang paraan para makuha mo ang gusto mo, Bethany. Iyon nga lang ay kung willing kang gawin ang lahat ng gusto ko. Limang taon lang naman, limang taon kang magiging alipin ko. Ibig sabihin ay ako lang ang may karapatan sa’yo, lalo na sa katawan mo. Kung pumapayag ka, agad-agad ay papakawalan ko ang ama mo at hindi ko na siya idadawit pa sa anumang gulong kinasasangkutan.”
Napapalatak na doon si Bethany. Hindi siya bingi o may sira ang tainga niya para hindi malinaw na marinig ang gustong hingin nitong kapalit. Nahihibang na ba ang lalake? Kahit mahal niya pa ito, nungkang papayag siya sa mga gustong mangyari. Hindi pwede!
“Naririnig mo ba ang sinabi mo? Anong gusto mong mangyari? Limang taon akong magiging alila mo at hindi lang ‘yun, pati ang…”
Hindi magawa pang banggitin ni Bethany ang mga sasabihin dahil tumataas na sa ulo niya ang galit at hinanakit na kinikimkim para sa dating kasintahan.
“Nasa mga kamay mo ang desisyon at magiging kapalaran ng ama mo, Bethany. Ikaw na lang ang pumili.”
“Gago ka pala eh! Gusto mo akong maging kabit? Eh kung binabali ko ang leeg mo sa lima? Nakita mo ang hinahanap mo sa akin!” hinihingal na sigaw ni Bethany na tila ba kapag ginawa niya ‘yun, maiibsan ang sama ng loob na nararamdaman n’ya. “Hindi ako papayag, Albert! Hindi ako papayag na maging kabit mo, magpa-angkin ng katawan kung kailan mo gusto. Narinig mo?”
Nakakabuwisit sa pandinig ni Bethany ang naging halakhak ng lalake sa kabilang linya na tuwang-tuwa sa reaksyon niya.
“Okay, madali naman akong kausap. Maghanda ka na ng lawyer para sa ama mo dahil hindi ko iaatras ang kasong nakasampa sa kanya. Huwag na huwag mo akong masisisi na hindi kita binigyan ng choice. Binigyan kita ng pagkakataong mamili dahil sa pinagsamahan natin, pero iba ang gusto mo. Sa pagkakaalam ko pa naman, kapag bumaba na ang hatol ay maaaring makulong ang Papa mo ng mga isang dekada. Limang taon lang ang hiningi ko sa’yo kapalit ng sampung taong pagdurusa ng Papa mo sa kulungan, choosy ka pa. E di pagdusahan ng Papa mo ‘yun.”
Bumakat na ang matinding galit sa mukha ni Bethany. Grabe na talaga ang pagbabago ng ugali ng lalakeng minsan pang sobrang minahal niya.
“Oo, hintayin mo! Kukunin ko ang pinakamagaling na lawyer sa bansa upang ilampaso ang kasong inihahain mo sa Papa ko, Albert!”
Akmang ibababa na niya ang tawag nang mapigilan niya ito nang banggitin ni Albert ang pamilyar na pangalan na hindi naman sumilid ni minsan sa magulo niyang isipan.
“Ibig mo bang sabihin ay gusto mong kunin si Attorney Gavin Dankworth?”
Lumakas pa ang halakhak nito sa kabilang linya, mas nakakainsulto.
“Nakalimutan mo yatang magiging bayaw ko na siya? Sa tingin mo ba ay tutulungan ka noon? Isang sabi ko lang sa kanya, paniguradong ako ang kakampihan niya at hindi ikaw!”
Nanlamig na ang buong katawan ni Bethany. Sa sinabi nito ay parang wala na siyang takas at lusot pa rito.
“Bakit natahimik ka, Bethany? Pinag-iisipan mo na ba ang offer ko? Huwag kang mag-alala, nakahanda naman akong maghintay sa’yo na lumuhod at magmakaawa sa akin.”
Nahigit na ni Bethany ang hininga. Ngayon pa lang ay nauubusan na siya ng pag-asa. Ngunit agad na nabuhayan ng maisip na hindi lang naman ang lalakeng iyon ang magaling na lawyer, marami din sila.
“Hindi ka magtatagumpay, Albert. Lalabanan kita ng patas!”
MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.“Huwag na huwag mong kakausapi
PARANG HINOG NA kamatis na namula ang buong mukha ni Bethany. Dala ng biglang pagkagulat sa sinabi ni Gavin ay bigla na lang niyang itinaas ang bitbit na paper bag, kung saan nakalagay ang jacket. Dinala niya ito para kung sakaling magkagipitan ay maaari niya itong gawing alibi sa pagpunta.“P-Pumunta ako dito para isauli itong jacket mo. Nakalimutan mo kagabi.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin. Ang buong akala niya ay iba ang sadya ng pagpunta ng babae rito. Umaasa siyang mas malalim ang dahilan ng babaeng kaharap. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinanggap niya ang paper bag. “Okay, salamat sa pagsauli. Hindi ka na sana nag-abala pang dalhin dito.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang humakbang patungo ng elevator. Iniwan na si Bethany doon. Dala ng pagkataranta ay mabilis siyang hinabol at sinundan ng babae. Kailangan niya itong makausap. Hindi naman hinarang ng mga receptionist si Bethany sa pag-aakala na kilala siya ng abugado dahil kinausap siya kanina.“Attorney Dankworth, pwed
“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa i
BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”Maliit na ngumiti si Gavin. “Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito n
MULA SA SIMULA ng relasyon nila hanggang dulo, walang kakayahan si Bethany upang lumaban kay Albert gaya ng pagmamahalan nilang unti-unting naglaho at nawala. Nilingon niya si Albert gamit ang mga matang puno ng labis na poot. Binitawan na siya ni Albert. “Gusto mong maka-close si Gavin Dankworth? May abilidad ka ba ha? Mataas ang standard niya pagdating sa mga babae at hindi siya mabilis ma-involve sa mga babae. At isa pa, naninigas ang katawan mo kapag nahalikan ka. Matatagalan mo ba ‘yun lalo na kapag tatanggalan ka na ng suot niyang damit?”Ayaw makita ni Bethany ang mukha ni Albert kung kaya naman pinanatili niya ang mukhang nakayukod dito.“Anong pakialam mo sa ginagawa ko? Wala namang kinalaman ito sa iyo, kaya wag ka na lang makialam.”Mataman siyang tiningnan ni Albert. “O baka naman hindi mo ako makalimutan kung kaya ginagawa mo ito? Intensyon mong makipaglapit sa future brother-in-law ko para lang makaganti ka sa akin? Sa tingin mo may pakialam ako?”Umasim na ang hitsur
HINDI NA MAIKAKAILA sa mukha ni Bethany ang kahihiyan na agarang lumarawan ng mga sandaling iyon nang dahil sa katanungang iyon ni Gavin. Hindi siya makapaniwala na sa mismong bibig ng abugado pa mismo talaga iyon manggagaling. Para sa kanya ay napaka-unprofessional nito na tanungin siya ng ganun ka-personal na bagay. Idagdag pang hindi naman sila magkaanu-ano o kahit magkaibigan man lang nito. Nakakainsulto sa part niya iyon, subalit pikit ang mga mata na lang niyang hindi papansinin.“Hindi naman siguro masama kung sasagutin mo ang tanong ko.” dagdag pa ni Gavin na inip ng hinihintay ang kasagutan ng kasama niyang dalaga. “Tinatanong kita kung ilang beses mo na siyang nakatabing matulog?” Nanuyo na ang lalamunan ni Bethany. Hindi niya alam kung kung required ba siyang sagutin ang tanong nito. Nanlalamig na ang dalawa niyang palad na magkasalikop na nakapatong sa kanyang kandungan. Nahulog na ang mga mata niya doon. Ilang beses pang napalunok ng laway ang dalaga. Sa totoo lang ni mi
PATULOY NA NAGLAPAT ang labi nilang dalawa. Panaka-naka ang pagbukas ng mga mata ni Bethany na animo ay kailangan niyang gawin iyon upang tingnan sa mata si Gavin kung ano ang susunod nitong gagawin upang kaniyang gayahin. Naisip na baka ang kaganapang iyon ay sa panaginip lang niya nararanasan at hindi sa totoong buhay. Kakaiba ang mga halik ni Gavin, ang ibig niyang sabihin ay kakaiba ang paraan ng paghalik nito sa kanya kung ikukumpara niya iyon sa dating nobyo. Nabaling ang kanyang mga mata sa salaming bintana ng sasakyan at nakita niya ang anino nila doon ni Gavin. Bahagya siyang kinilabutan sa nakikita pero wala siyang lakas kung hindi ang tanggihan ang binata. Parang wala siyang ibang choice kung hindi ang patuloy na magpaubaya. ‘Ako ba ito? Ako ba ang babaeng ito? No! Hindi ako ang babaeng nakikita.’Sa kabilang banda ay hindi na napigilan ni Gavin na mabuhay ang kanyang dugo sa pagtugon na ginagawa ni Bethany. Sobrang attracted talaga siya sa katawan ng babae. Nababaliw siya
ILANG MINUTO PANG tumayo sa labas ng bahay nila si Bethany. Pinagmasdan ang maaga pang gabi. Ilang beses siyang napatingala sa langit habang naiisip ang ama. Gusto niya ng mailabas ito sa lalong madaling panahon. Tuwing naiisip niya itong kawawa sa kinaroroonan, parang pinipiga ang kanyang puso. Matapos ang ilang ulit na paghugot ng buntong-hininga ay nagdesisyon na rin siya na pumasok sa loob ng bahay. Napaahon na sa inuupuan niya ang madrasta ni Bethany nang makita ang pagpasok sa pinto ng dalaga. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay umiling lang dito si Bethany sign na negative ang ginawa niyang lakad sa araw na iyon upang kumbinsihin ang target niyang abugado na hahawak ng kaso ng ama. Bago pa siya magsalita ay muling umimik na ulit ang dalaga. “Hindi ko pa rin siya napapayag ngayon, Tita. Ang hirap niyang pakiusapan na tanggapin ang kaso ni Papa. Sinabi ko naman na willing tayong magbayad ng kakailanganing halaga, kaso ay wala pa rin talaga.”Hindi masabi-sabi ni Bethany
PARA MATIGIL NA ang bunganga ni Patrick ay tinanggap na lang iyon ni Briel. Ininom niya ang tubig para manahimik na si Patrick na alam niyang hindi siya tatantanan hangga’t hindi niya pinagbibigyan. Akma pa nitong pupunasan ng hawak na tisyu ang labi niya na may kalat ng kaunting tubig nang hablutin niya na ang tisyu mula dito. Sigurado siya na pinagmamasdan pa rin sila ni Giovanni at hindi sa pagiging assumera lang niya na kapag nakita nito ang tagpong iyon ay iisipin nitong may relasyon marahil sila ni Patrick; na wala naman. Nagkita lang din sila sa banquet na iyon. Sandali, kailangan niya pa bang ipaliwanag pa iyon sa Gobernador? Bakit niya gagawin ito?“Ako na. Masyado mo akong bini-baby!”“Bini-baby? Ganyan naman kita e-trato dati ah. Speaking of it, pwede na siguro kitang maging baby.” Matalim ang mga matang inirapan siya ni Briel. Alam na ni Patrick ang reaction na iyon ng babae. Pagak na muling natawa lang si Patrick na aliw na aliw sa hitsura ni Briel. Aaminin niya, sobrang
PATULOY LANG SIYANG pinagtawanan ni Patrick sa pagiging defensive at pandidilat ng kanyang mga mata. Hindi pa rin naalis ang malagkit na mga paninitig ng lalaki sa kanya. Nagawa pa nga nitong basain ng laway ang labi niya na medyo ikinailang ni Briel. Kung noon ay ayos lang sa kanya ang bagay na iyon, ngayon ay hindi na. Nagbago na ang pananaw niya mula ng magkaroon ng anak. Bagay na medyo naiintindihan niya dahil alam niya noong taken na siya.“Come on, Briel. Let’s drink!” pag-aaya nito na akmang hahawakan pa siya ngunit mabilis na umatras si Briel upang maiwasan iyon, hindi iyon ginawang big deal ni Patrick kahit gusto niyang taasan ito ng kilay. “It’s been a while na rin kaya noong huling nag-bonding tayo. Taon na nga. Di ba?” anitong nais kumpirmahin ang kanyang sinasabi.“Mamaya na ako. Kayo na lang muna.”Napaawang na ang bibig ni Patrick sa kanyang sagot. Hindi niya inaasahan iyon sa isang Gabriella Dankworth.“Wow! Nakakapanibago ka naman. Pati ba alak nagbawas ka na? Huwag g
DUMUKWANG PAPALAPIT SA tainga ng Gobernador si Gavin at bahagyang tinapik ang balikat nito na para bang magka-level lang silang dalawa ng estado sa mga oras na ito. Tumindi pa ang duda ni Giovanni dito. Nakikinita niya ng mukhang hindi yata nito bibigyan ng matinong sagot sa kanyang mga katanungan.“I don’t know? Why don’t you get up? Simulan mong suyurin ang buong area ng venue. Malamang kapag nakita ka noon, gagawa iyon ng paraan upang huwag mag-krus ang landas niyong dalawa, Tito.”Inaasahan na ni Gavin na pupunta ang kapatid. Ito pa ba? Halata namang mayroon pa 'ring pagtingin sa Governor. Nabubulag lang ito ng galit niya na alam ni Gavin na oras na mapag-usapan nila o magsimul si Giovanni na mag-effort ay walang pag-aatubiling mabibigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Sa hitsura nga ngayon ng kapatid ay mukha namang wala itong anumang iniindang panghihina ng katawan. Gusto niyang matawa. Naguyo siya ng kapatid na hindi kuno pupunta. Na-invite na niya noon si Giovanni nang mapa
TUMANGO LANG SI Bethany kahit na marami pa siyang gustong sabihin sa tiyuhin. Nabaling na ang mga mata ng lahat ng bisita sa stage nang umakyat na doon si Gavin matapos na iinvite ng emcee para sa magiging speech nito bago ang simula ng party. Abot-tainga ang ngiti ng dating abogado na para bang iyon ang unang taon na itinatag ang kumpanya niya. Mababakas ang kaligayahan na salamin ng ngiti niya.“Uupo na kami ni Gabe, Tito.” paalam ni Bethany nang tanggapin na ni Gavin ang microphone.Kinuha na ni Bethany si Gabe sa bisig ng tiyuhin na agad naman nitong ibinigay. Nag-upuan na ang karamihan sa mga guest sa designated nilang table, ngunit may mangilan-ngilan pa ‘ring nakatayo. Bakas sa mukha ni Giovanni na wala siyang planong gawin iyon. Hindi siya uupo. Hahanapin niya pa si Briel.“Maupo ka na rin…Tito...” habilin pa ni Bethany bago tuluyang talikuran siya, nasa dulo na ng dila niya ang sabihin na hindi darating si Briel pero pinili na lang niyang tumahimik. Ayaw niyang masira ang gab
NAKANGITI NA SIYANG sinipat ng Ginang mula ulo hanggang paa. Bakas sa mukha ng ina ang pagiging proud sa kanyang hitsura ngayon na nagawa pang bigyan siya ng kakaibang ngiti sa kanyang labi. May panunukso iyon na hindi pinansin ni Briel. Pakiramdam ng ina ay unti-unting bumabalik ang bunso nila. Bagay na hinihintay nilang mangyari ng kanyang asawa; ang muling maka-adopt sa buhay nila si Briel. “Pupunta na ako, Mommy. Sayang naman ang gown ko saka baka magtampo sa akin si Bethany.“ tugon ni Briel na ipinakita pa ang kanyang kabuohan na para bang sayang naman kung hindi siya pupunta, “Ngayon lang din naman ako pa-party after two years. Reward ko na sa sarili. Hindi rin naman ako magtatagal.”Tumang-tango ang Ginang sa kanyang sinabi. Tama nga naman ang kanyang anak. Reward niya iyon.“Hindi iyon magtatampo, nauunawaan naman niya na masama ang pakiramdam mo. Well, kung okay ka naman na better attend na rin para suportahan ang Kuya Gav mo. Hindi kami pupunta ng Daddy mo eh. We choose to
BAKAS ANG PANGHIHINAYANG sa boses ni Bethany nang sumapit ang araw ng banquet party at malaman niyang hindi makakapunta si Briel dahil umano sa biglaang pagsama ng kanyang pakiramdam. Ano pa nga bang magagawa niya doon? Hindi niya naman pwedeng pilitin ang hipag lalo na kung kalusugan iyon. Iba naman ang naging ngisi ni Gavin nang malaman at marinig iyon; nakakaloko na halatang mayroong ibang plano ang dating abogado. Hindi niya ipinaalam sa asawang si Bethany na tinawagan niya si Giovanni matapos na malaman iyon upang sabihin na may available na invitation slot para sa kanya sa gaganaping anniversary ng kanyang kumpanya. Iimbitahin niya ang Gobernador dahil wala naman ang kapatid dito. Wala pa man ay nagdiriwang na sa galak si Gavin. Nakikinita na niya ang pagkabigo sa mukha ni Giovanni oras na malaman nitong wala naman pala sa party ang kanyang kapatid. Another points niya rin iyon.“Anong nagpabago ng isip mo, hijo?” puno ng pagdududang tanong ni Giovanni nang sagutin niya ang tawag
DUMILIM ANG MUKHA ni Giovanni nang marinig ang huling sinabi ng investigator. Hindi niya nagustuhan na naging ex-boyfriend ito ng pamangkin at lalong hindi niya mapapalampas ang pagiging ex-fiance nito ni Gabriella. Anong tingin ng asshole na iyon sa mukha niya? Gold? Hindi naman ito kagwapuhan sa kanyang paningin. Oo, bata sa kanya pero kung hitsura ang pagbabaehan nila malayong-malayo ito sa mukha niya. Tumingin pa siya sa salamin upang ikumpara ang kanyang hitsura sa dating fiance ni Briel. Ilang beses niya pang sinipat ang kanyang mukha. “Hindi ko maintindihan ang taste ng mag-hipag. Mabuti na lang at hindi iyon ang nakatuluyan ng pamangkin ko.”Sa palagay niya ay kailangan niyang turuan ito ng leksyon. Ang huling tanda niya ay nasa ibang bansa na ito noong minsang mapag-usapan nila iyon ni Briel. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakailangan pa nitong bumalik. Hindi na lang naglagi at piniling tumanda kung saan man ito tumambay na bansa. At talagang sinadya pang makipagkita s
HINDI NA HININTAY pa ni Briel na sumagot si Bethany at mabilis na siyang lumabas ng fitting room upang ipakita ang kanyang sarili sa dati niyang fiance. Napag-alaman ni Briel na may kasama itong babae na kilalang rising actress ng bansa na saglit na tumingin sa ginawang padabog na paglabas niya sa fitting room. Bahagya siya nitong pinagtaasan ng kilay, bagay na hindi na niya pinag-aksayahan ng pansin. Sa puntong iyon ay nabaling na ang tingin ni Albert sa kanyang bulto na ikinatikwas ng isang kilay ni Briel. Sa panlalaki ng mga mata nito ay bakas ang pagkagulat na nakita siya doon. Ang buong akala ni Albert ay si Bethany lang ang naroon, nakalimutan niya na hipag nga pala ito ng dati niyang fiancee. Hindi naman alam ni Briel kung dahil sa biglang paglitaw niya o ng dahil sa hitsura niya kung kaya gulantang ang hitsura nito. Matagal na panahon na rin nang huli siyang makita ni Briel. Wala naman na siyang natitirang galit dito. Nabura na iyon ng mga taong dumaan dahil nabaling na iyon k
NABULABOG ANG MAHIMBING na pagtulog ni Briel ng tawag ng kanyang hipag kinabukasan. Pagdilat ng kanyang mga mata ay wala na sa kanyang tabi si Brian. Lingid sa kanyang kaalaman ay maaga itong kinuha ng kanyang ina upang ibaba at makasama nila ni Donya Livia sa garden upang magbilad sa hindi pa masakit na sikat ng araw. Kumamot siya sa ulo at nakapikit na sinagot ang kanyang cellphone. Wala pa siyang planong ibangon ang sarili niya.“Tulog ka pa?” “Hmm, bakit ang aga mo namang tumawag Bethany?” Mahinang tumawa si Bethany sa kabilang linya. “Anong maaga pa? Alas diyes na kaya Briel. Huhulaan ko napuyat ka kakaisip kay Tito, ano?” Awtomatikong bumukas na ang mga mata ni Briel nang mabanggit iyon ni Bethany sa kanya. Totoo naman iyon, hindi niya rin kailangang itanggi. Ganunpaman ay hindi niya kinumpirmang iyon nga ang dahilan ng pagkapuyat. “Bangon na. Papunta na ako diyan. Samahan mo akong magsukat at mamili ng isusuot nating gown.” “Bakit?” lutang na tanong ni Briel, wala siyang