ILANG MINUTO PANG tumayo sa labas ng bahay nila si Bethany. Pinagmasdan ang maaga pang gabi. Ilang beses siyang napatingala sa langit habang naiisip ang ama. Gusto niya ng mailabas ito sa lalong madaling panahon. Tuwing naiisip niya itong kawawa sa kinaroroonan, parang pinipiga ang kanyang puso. Matapos ang ilang ulit na paghugot ng buntong-hininga ay nagdesisyon na rin siya na pumasok sa loob ng bahay. Napaahon na sa inuupuan niya ang madrasta ni Bethany nang makita ang pagpasok sa pinto ng dalaga. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay umiling lang dito si Bethany sign na negative ang ginawa niyang lakad sa araw na iyon upang kumbinsihin ang target niyang abugado na hahawak ng kaso ng ama. Bago pa siya magsalita ay muling umimik na ulit ang dalaga. “Hindi ko pa rin siya napapayag ngayon, Tita. Ang hirap niyang pakiusapan na tanggapin ang kaso ni Papa. Sinabi ko naman na willing tayong magbayad ng kakailanganing halaga, kaso ay wala pa rin talaga.”Hindi masabi-sabi ni Bethany
PAGKARAAN PA NG ilang usapan ay pinatay na rin ni Bethany ang tawag ng kaibigan at bumalik na siya sa pagtulog. Nang magising siya kinabukasan ay halos tanghali na ‘yun. Hindi naman siya inabalang gisingin ng kanyang madrasta na kasalukuyang umalis na pala ng bahay nila. Iniwanan lang siya ng pagkain sa lamesa na nilagyan lang ng takip. Ang buong akala ni Bethany ay gagaling na siya, ngunit nagkamali siya. Pag-check niya ng temperature ng katawan ay nakita niyang almost 40 degrees pala ang lagnat niya. Kaya naman pala ang feeling niya ay para siyang sinusunog sa sobrang init ng kanyang katawan.“Grabe naman ang lagnat na ito, gusto pa yata akong mag-convulsion.”Sa takot na may mangyaring masama sa kanya ay pinilit niya ang sariling kainin ang pagkain sa table kahit na malamig na iyon. Ni hindi na siya nakapagpalit ng damit dahil gusto na niyang matingnan agad ng doctor. Kinuha lang niya ang bag at cellphone, at pumara na ng taxi sa labas ng bahay nila upang isugod ang sarili sa hospi
NANG MULING MAALIMPUNGATAN si Bethany at idilat ang mga mata ay natagpuan niyang nakaupo sa tabi ang kasamang abugado. Prenting nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ng binata. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Agad na gumapang ang hiya sa bawat himaymay ng katawan ng dalaga. Idagdag pa na nakaalalay ang isang kamay ng binata sa kanyang beywang na mukhang ahas na nakapulupot at para ba siyang niyayakap nang sa ganun ay hindi siya matumba. Nang maramdamang lumingon Si Gavin sa banda niya para tingnan kung gising na siya ay mariin at nagmamadaling naipikit na ni Bethany ang mga mata. ‘Paano ako ngayon magkukunwari na bagong gising?’ problemadong tanong ni Bethany sa kanyang isipan, naghahanap pa rin ng dahilan niya.Nanuot na sa ilong ng dalaga ang natural na amoy ng binata, tumindi pa iyon nang malalim na bumuntong hininga ito nang makitang natutulog pa rin siya. Pinaghalong woody scent iyon na may kasamang maskuladong gel ng aftershave nitong mamahaling ginagamit. Amoy na tila ba maba
ILANG SANDALI PA ay nakarating na sila sa isang prestihiyosong ilang palapag na building. Pabalagbag na pumarada ang sasakyan ni Gavin sa parking lot na kulang na lang ay takasan ng ulirat si Bethany sa gulat. Ang akala ng dalaga ay penthouse ang pangalan ng building, pero literal pa lang penthouse iyon ng naturang building ang inookupa ni Gavin. Halos malula siya sa taas noon, hindi na lang niya inisip iyon habang paakyat sila ng elevator. Sa bungad pa lang ng lugar ay halatang mayaman ang nakatira doon. Anino modelo ang nakatira sa klase ng interior at design. “Dito ka lang sa living room, hintayin mo ako dito. Huwag kang pupunta sa kung saan ay baka makalimutan ko mamayang may kasama ako dito.” seryoso ang mga matang bilin ni Gavin kay Bethany na tanging tango lang ang naging kasagutan, “Nasa study room ko ang fax machine ko, saglit lang ako sa loob.” ani Gavin na tuloy-tuloy ang lakad patungo doon.Sinundan siya ng mga mata ni Bethany na dahan-dahan ng naupo. Mabuti na iyong paki
NAPATDA NA DOON si Bethany na ilang segundo ang muna ang lumipas bago pa maigalaw ang namanhid niyang katawan. Nang mapansin ang reaction niya ni Gavin ay tinulungan niya ito. Ibinaba niya ang damit nitong nagawa niyang maitaas kanina, at hilahin pataas ang pang-ibaba nitong skirt na hindi sinasadya niyang naibaba kanina nang haplusin ang hita.“A-Ako na…” nanginginig ang boses na sabi ni Bethany, hindi na makatingin ng diretso sa mga mata ni Gavin na nasa kanya ngayon. Kumibot-kibot pa ang labi niya.“Sorry, hindi ko sinasadya.”Hindi nagsalita si Bethany na sa mga sandaling iyon ay pahiyang-pahiya pa rin. Hindi talaga siya nag-iisip. Ang labas tuloy ay gusto niya ang nangyari dahil hindi siya tumanggi. Napansin naman iyon ni Gavin, at sobrang nakokonsensya siya sa ginawa. Upang ipakitang hindi niya intensyon at makabawi sa dalaga ay siya na mismo ang tumawag kay Attorney Hidalgo at ini-explain ang kaso ng ama ni Bethany. Gusto niya sanang kunin ang kaso, kaya lang hindi pwede lalo
KINABUKASAN AY PUMASOK sa trabaho si Bethany na parang walang nangyari. Hindi niya ipinakita kung paano siya naging problemado. Kailangan niyang paghiwalayin ang personal niyang problema sa trabaho niya. Binati diya agad ng kanyang mga ka-trabaho na worried agad ng malaman ang nangyari sa ama.“May pakpak talaga ang balita.” komento niya na maliit ngumiti.Hindi nagkwento si Bethany ng totoong nangyari, alam kasi niya na wala rin namang maitutulong iyon. Minabuti na lang niya ang manahimik at hayaan na lang sila.“Ayos lang naman ako, kinakaya naman at patuloy na kakayanin ko ang lahat mailabas ko lang si Papa kahit na hindi maibalik ang lahat.” pinal niyang saad nang marinig pa ang ibang kuro-kuro ng mga ito.Alas-diyes ng umaga nang may maghanap sa kanyang delivery rider upang derektang e-deliver sa kanya ang package na galing daw sa isang Gavin Dankworth. Puno ng pagtataka ang mga mata ni Bethany nang malaman iyon. Eh natatandaan niyang ang sabi ng abugado ay ayaw na siya nitong ma
SA MGA SUMUNOD na araw ay naging busy si Bethany sa pag-aasikaso ng maraming mga bagay. Nakipagkita siya kay Attorney Hidalgo at sa ilang beses na pagpunta niya sa office nito ay naipasa na niya ang lahat ng documents na kailangan ng abugado. At ang araw na iyon ay ang pinaleng pakikipagkita nila para masinsinang makausap siya nito. Tahimik niyang pinagmasdan ang abugado sa harapan niya na pinapasadahan ng mata ang mga documents na kanyang hawak. Iyon din ang araw na medyo nagtagal siya sa malawak na opisina ng abogado. Noong mga nakaraang araw kasi, kung wala ang abugado tuwing pupunta siya ay busy naman ito sa ibang kaso kaya madali lang siya doon.“Tutal ay ipinakiusap ni Attorney Dankworth na kunin ko ang kaso ng iyong ama, sasabihin ko na sa’yo ang totoo, hija. Base sa mga na-submit mong documents at explanation, kaya nating mapababa ang magiging sentence ng ama mo sa dalawang taon.” anitong itinaas pa sa kanya ang mata gamit anng suot na salamin sa mata.Napa-angat na sa upuan a
MAGDADAHILAN PA SANA ng kung anu-ano si Bethany, subalit sa bandang huli dala ng hiya sa ama ng lalake ay napilitang pumayag na lang ang dalaga. Baka kasi magsumbong ito sa ama at bitawan na naman nito ang kaso. Hindi niya na alam ang gagawin o kung saan pa siya hahanap ng abugado kapag nangyari iyon. Saka si Gavin Dankworth na ang nagbigay nito sa kanya, mamaya kapag lumapit siya dito baka hindi na ito tumulong pa.“Sige na nga.”Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Patrick na animo ay tumama ito sa lotto.“Yown!” hiyaw pa nito na animo naka-score sa kanyang nilalaro, “Saglit lang Bethany, kukunin ko lang ang sasakyan ko. Hintayin mo na lang ako dito.”Naiiling na sinundan niya ng tingin ang lalake. Mukha naman itong mabait. Hindi rin naman mukhang bastos at maniac gaya na lang ng isang taong kakilala niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo ng maalala si gavin. Hindi niya dapat iniisip ngayon ang binata. Paghinto ng sasakyan nito sa kanyang harapan ay walang arte na siyang lumulan sa kul
TAHIMIK NA LUMABAS sa kusina si Bethany nang mabawi ang pustora na alam niyang ipinagtataka na ng madrasta, upang tumungo sa kanyang silid at mag-ready na. Naiwan niya sina Victoria at Gavin sa loob ng kusina. Hinugasan ni Gavin ang kanyang kamay at muli pang inayos ang nakatupi niyang manggas ng polo shirt. Komportable pa rin siya kahit na tinititigan siya ng Ginang mula ulo hanggang paa.“Mama, ibabalik ko rin po dito ang anak niyo bago ang hapunan. Sa weekend po ay iinvite ko kayo sa bahay para pag-usapan ang plano naming kasal kasama ng mga parents ko. Makikipag-communicate na lang ako kung paano.”Hindi na maitago pa ang saya sa mukha ni Victoria nang marinig niya iyon. Halata niya sa mga mata ng kaharap na abogado na desidido na talagang lumagay sila sa tahimik. Hindi na rin naman sila mga bata kaya bakit hahadlangan?“Hindi ka ba nabibigla, hijo? Hindi sa tutol ako. Ayaw mo bang patagalin muna ang relasyon niyo? Ang ibig kong sabihin ay gusto mo na ba talagang lumagay sa tahimi
BINUHAT NA NI Gavin ang juice at uhaw na uminom doon. Nakalahati niya ang laman nito. Matapos iyon ay ini-angat na niya ang mga mata sa problemado pa ‘ring si Victoria. Naiimbyerna ito sa bumabaha pa nilang kusina dahil sa tubo. “Gaano po ba kalala ang sira, Mama? Pwede ko bang makita? Baka kaya ko ng ayusin.”Nabaling na ang paningin ng tatlo sa binata. Sabay-sabay silang umiling, maging si Benjo at lalong-lalo na si Bethany.“Huwag na Gavin, tinawagan ko naman na ang management. Paniguradong papunta na sila. Mababasa ka. Baha na sa kusina namin.” harang agad ni Bethany sa nais gawin ng nobyo, ayaw niyang pati iyon ay iasa pa nila sa fiance niya.“Baha na? Naku, mas lalong kailangang ayusin na iyon agad.”Tumayo ang abogado at tinungo na ang kusina habang itinutupi ang manggas ng suot niyang polo. Napatayo na rin doon si Bethany at Victoria na may pagkataranta. Makahulugan na lang tumingin si Bethany sa ama habang naiiling. Sinundan na kasi ni Victoria si Gavin patungong kusina na a
NAGING PARANOID SI Bethany nang mga sumunod na araw hanggang sa tuluyang mapabalita na tapos na ang kasal ni Nancy sa hindi niya kilalang lalaki. Ipinaskil ang mga larawan nila ng kasal online na tanging mga larawan lang ng mga magulang ni Gavin ang nahagip na nasa kasal at nasa reception ng nasabing okasyon. Wala doon sina Briel gaya ng hinuha ng kaibigan niyang si Rina. Nang e-check ni Bethany ang social media ng kapatid ni Gavin ay napag-alaman niyang hindi naman talaga ito pumunta dahil bumalik din sila ng bansa ilang araw na ang nakakalipas base sa mga post nilang gala ng fiance nitong si Albert. “Hay naku, Rina! Makakalbo talaga kita!” bulalas ni Bethany na natatawa na sa kanyang sarili, “Pinag-overthink mo akong malala at pinalala mo pa ang mood swings ko na hindi ko alam kung saan galing!”Bago ma-bisperas ng New Year nang siya na ang kusang tumawag kay Gavin upang magtanong kung ano ang plano nila. Inaasahan niya kasing baka nakauwi na rin ng bansa ang mga magulang nito at b
PAGDATING NG MAGKASINTAHAN penthouse ay hindi inaasahan ni Bethany na nakabalik na pala doon ang kasambahay. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong yakapin nang mahigpit na animo ay parang sobrang na-miss siyang makasama. Marahang hinagod lang ni Bethany ang likod ni Manang Esperanza.“Akala ko hindi ka na pupunta dito, Miss Bethany!” anitong mabilis na inilayo ang kanyang katawan sa dalaga na itinaas na ang dalawang kamay matapos na tumingin kay Gavin na nagulantang sa reaction ng maid niya. “Sorry po Attorney, sobrang na-miss ko lang talaga na makita si Miss Bethany.” hingi pa nito ng paumanhin na kapansin-pansin na ang hiya sa buo niyang mukha.“Ayos lang naman po, Manang Esperanza…” nakangiting sambit ni Bethany na umabot na sa mga mata. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin sa kanila ang matanda. Ngunit bago ito umalis ay inabutan ito ni Gavin ng red envelope kung saan ay may laman iyong pera. Ganun na lang ang pasasalamat ni Manang Esperanza sa kanilang dalawa. Sinuklian lang
WALANG PALIGOY-LIGOY NA ibinigay ni Rina ang cellphone niya kay Bethany. Tinawagan naman ng dalaga si Ramir gamit ang cellphone. Ang buong akala ni Ramir ay ang babae iyon kung kaya naman naging casual na siya doon. “Nasaan ka na? Akala ko ba gagamit ka lang ng banyo?” “Si Bethany ito, Ramir.” “Oh? Bethany, bakit nasa sa’yo ang cellphone ni Rina? Nasaan siya?” “Nandito sa banyo. Hindi na makalakad ng maayos si Rina. Pwede bang pakisundo na siya dito ngayon?” “Sige. Papunta na ako diyan.” Hindi nagtagal ay dumating na si Ramir sa pintuan ng women bathroom. Pilit ang naging ngiti sa kanya ni Bethany nang magtama ang kanilang mga mata. Nahihiya na nitong kinuha ang braso ni Rina upang iakbay sa balikat niya. “Ang ganda mo ngayon ah? Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si River sa’yo.” Biglang hindi na naging komportable ang pakiramdam ni Bethany. Hindi niya gustong banggitin pa nito ang lalaki. “Pasensya na Ramir, pero wala na akong kaugnayan sa pinsan mo—”“Alam ko
SINUNOD NI BETHANY ang guidelines na sinabi ni Gavin sa kanya na kailangan niyang gawin kapag nasa banquet na. Pagdating niya sa venue ay tama nga ang hula niyang karamihan sa mga bisita ay nakakainom na at busog na. Kumain muna siya, nakipagbatian sa iilang mga kakilala na nasa party, usap-usap ng kaunti sa mga naroon na binabati siya. Nagpahaging na rin siya kay Miss Gen na hindi magtatagal kasi hinihintay siya ni Gavin dahil may lakad umano sila.“Bakit hindi mo pinapasok dito? Ikaw talaga, sana man lang inimbitahan mo siya dito sa loob, hija.”“I did, Miss Gen.” agad na paghuhugas ng kamay ni Bethany, “Ayaw talaga niya. Kilala mo naman iyon. Baka mang agaw-eksena lang daw siya kaya hindi na lang daw siya papasok. Feeling artista kasi ang isang iyon. Pagkakaguluhan.”Nailing na lang si Miss Gen sa biro niya na agad naman siyang pinayagan. Aniya ay kaya niya na ang mag-estima ng mga bisita. Palabas na si Bethany ng banyo nang makasalubong niya ang kaibigang si Rina na nakalimutan ni
ILANG ARAW BAGO matapos ang taong iyon nang magkaroon ng year end banquet ang music center nina Bethany sa hiling na rin ng mga employee at ng mga kasalukuyang investors nito. Si Miss Gen ang nag-asikaso ng lahat ng mga kailangan noon at dadaluhan na lang iyon ng dalaga. Ilan sa mga bisita ay mga kilalang negosyante na pilit kinukuha ni Miss Gen ang atensyon para maging investors ng center. Hindi naman sobrang rangya ng naturang party. Banquet style lang iyon at mayroong oras din hanggang kailan.“Sigurado ka na ayaw mong sumama sa banquet ng music center, Gavin? As my fiancé welcome kang dumalo at makisalamuha. Sumama ka na. Huwag ka ng mahiya. Hindi rin naman matagal iyon.”Pang-ilang aya na iyon ni Bethany sa nobyo. Syempre proud siya na i-display ang binata bilang fiancé niya at iyabang sa mga naroroon kung sasama ito. Hindi na lang kasi basta boyfriend niya ang abogado, soon to be husband niya na rin ito. Sino bang babae ang hindi mapa-proud doon? Nabingwit niya ang binata.“Hind
HALOS MAPABUNGHALIT NA ng tawa si Gavin nang muli niyang ilingon ang mukha sa may passenger seat ng kanyang sasakyan. Sa mga tingin ni Bethany ay animo papatayin na siya nito o lalamunin nang buo. Puno iyon ng pagbabanta na panay ang irap sa kanya. Nakahalukipkip pa ang dalaga upang ipakita na hindi siya natutuwa. Naiipit kasi sila ngayon sa matinding traffic na lingid sa kaalaman nila ay may aksidente sa bandang unahan kung kaya naman usad pagong sila. “Wala na, nilamon na ng malalaking bituka ko iyong maliliit. Gutom na gutom na ako!”“Thanie? Patience please? Wala namang may gusto na maipit tayo sa traffic—”“Bakit hindi mo sinabi sa aking malayo pala? Sana naghanap na lang ako ng ibang resto na mas malapit!” reklamo nitong parang kasalanan ni Gavin ang mga nangyari, “Sinadya mo bang hindi sabihin sa akin ha?”“Baby, anong sinadya?” gagap niya sa isang kamay ng dalaga ngunit matigas ito at ayaw ipahawak iyon sa kanya, “Hindi mo kasi ako pintapos na magsalita kanina. Hinila mo ako
NAGPALINGA-LINGA SA PALIGID nila si Gavin na may nahihiyang mukha habang panay ang abot ng yakap niyang tisyu sa nobya na nakaupo pa rin. Tipong wala pa itong planong tumayo mula sa kanilang kinauupuan kahit na nag-aalisan na ang mga kasabayan nilang nanood ng movie. Tapos na ang palabas, at base sa reaction ng ng dalaga ay sobra itong na-touch sa naging ending ng movie. Naiintindihan naman ni Gavin iyon dahil hindi lang naman ito ang umiyak, marami sa mga nanood pero naka-move on naman agad. Ang hindi niya maintindihan ay ang nobya na sobrang affected pa rin na animo siya iyong bida. Isa pa, happy ending naman iyon kaya walang nakakaiyak para sa kanya. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan.“Thanie, ano bang nakakaiyak? Happy ending naman siya di ba? They live happily ever after pagkatapos ng mga pinagdaanan.”maamo ang tinig na tanong ni Gavin na bahagyang hinagod ang likod nito.Nag-angat na ng mukha niya si Bethany. Napilitan si Gavin na tulungan ito sa baha ng mga luha sa kanyang