TBSB Book 4 Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak. Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella. Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
View MoreBella's POV Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko habang tumutunog ang tawag ni Mommy. I knew I had no choice but to answer it. Kahit pa pakiramdam ko, wala na akong ibang naririnig kundi ang pintig ng sariling puso kong puno ng inis at pangamba.Napabuntong-hininga ako bago ko tuluyang sinagot."Mom?""Bella, hija," bungad ng ina ko, ang tono ay pormal pero may bahid ng awtoridad—isang klase ng boses na alam kong hindi puwedeng pagtanggihan. "May family dinner tayo mamayang gabi. You need to come, at isama mo si Brent."Napapikit ako habang napakuyom ang isang kamay. Sa dami ng taong puwede kong isama, bakit kailangang si Brent?"Mom, I don't think—""Bella," putol ng Mommy ko, mas lalong tumalim ang tono. "This is not up for discussion. I already told everyone that you’re bringing Brent. You will be there, understood?"Napakagat ako sa labi. Sa loob-loob ko, gusto kong sumigaw. Bakit ba itinutulak ako ng pamilya ko sa lalaking halos hindi ko kilala? Pero kahit anong galit a
Bella's POV Mas bumigat ang ekspresyon ni Gabriel. “I know, and I’m sorry. Pero hindi gano’n kasimple ang lahat.” Natawa ako, pero puno ng pait. “Gano’n ba? At ano namang komplikasyon ang pinagsasabi mo? Dahil wala akong oras sa 'yo? Dahil mas pinili kong mag-focus sa career ko kaysa sa 'yo?” He didn’t respond. Instead, he just sighed and ran a hand through his hair. Tumingala ako, pinipigilan ang pag-apaw ng emosyon. Hindi ko ito hahayaang maging drama scene. Hindi ko ibibigay kay Gabriel ang kapangyarihang saktan ulit ako. “So that’s it?” I asked, my voice was cold. “Dumating ka lang para sa isang ‘I’m sorry’? Para sabihin sa akin na hindi ito ang iniisip ko? You want to ease your guilt, is that it?” “Bella, please—” “No.” Tumayo ako nang tuwid, hinigpitan ang kapit sa braso ko. “Tapos na tayo, Gabriel. And I don’t care about your excuses anymore.” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nasaktan siya sa sinabi ko, pero wala na akong pakialam. I turned ar
Bella's POV "Mauna ka nang umuwi, Brent. May duty pa ako." Mabilis kong sinabi iyon habang inaayos ang ID ko. Kailangan kong bumalik sa rounds ko, at wala akong balak makipagtagisan ng tingin sa kanya sa loob ng ospital na ito. Tumikhim siya, tila hindi sang-ayon. “Sigurado ka? Pwede kitang hintayin.” Umirap ako. “Kaya ko na ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng yaya.” Nagtaas siya ng kilay pero hindi na nagsalita pa. Ipinatong niya lang saglit ang kamay niya sa likod ko bago siya tumalikod para umalis. I was about to head to the nurse’s station when— "Aba, aba! Sino 'yang pogi mong kasama, iha?" Napapikit ako nang mariin sa malakas na boses ng tiyahin kong si Brielle. She was my father’s elder sister—isang retired nurse na ngayon ay namamahala ng ospital. Kilala siya sa pagiging straightforward, at walang filter ang bibig. “Tita Brielle,” mahina kong sabi habang dinadama ang paparating na kahihiyan. "Hindi mo naman ako pinapakilala sa fiancé mo," aniya, malakas ang boses at
Bella's POV Nagising ako sa tunog ng malakas na ringtone ng cellphone ko. Halos mabulunan ako sa pagbangon habang kinakapa ang phone sa gilid ng kama.“Hello?” garalgal pa ang boses ko.“Bella! Nasa’n ka? Emergency case ‘to—kailangan ka namin sa operating room ASAP!”Agad akong natauhan sa sigaw ng isang resident doctor mula sa kabilang linya.“Oh, my god. On my way!”Napabalikwas ako ng bangon, hindi na ininda ang bigat ng katawan ko matapos ang stress kahapon.Shit. Late na ako.Dali-dali akong nag-ayos. Isang mabilisang hilamos, suklay, at pagkuha ng bag ang ginawa ko bago nagmamadaling bumaba.Pagdating ko sa sala, bumungad sa akin si Brent, nakaupo sa sofa at nakatutok sa balita sa TV. Kahit sa simpleng gray na shirt at sweatpants, hindi maitatangging nakakainis pa rin ang pagiging composed niya. Samantalang ako, mukhang sabog.“Brent, may emergency case ako—”“Hindi mo ba balak maligo?” putol niya, hindi man lang nilingon ako.Napangiwi ako.“Wala na akong oras! Kailangan kong
Bella's POV "Kung gusto ninyong pakasalan ang isa't isa, mas mabuti siguro kung kilalaninin ninyo muna ang isa't isa," saad ni Daddy na soyang ikinagulat ko. Pakiramdam ko ay biglang umurong ang luha ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o malulunod sa frustration habang tinitingnan ang mga magulang ko. "Wait, what?!" halos pasigaw kong tanong, hindi makapaniwala sa sinabi ng Daddy ko. "You want me to live with Brent? As in, sa bahay niya?" "Yes," matigas na sagot ni Daddy. "If you two are really serious about this marriage, then you need to know each other first. Ayokong pumasok ka sa isang kasal nang hindi mo alam kung sino ang pakikisamahan mo habang buhay." Parang biglang natuyo ang lalamunan ko. "Pero, Dad—" sinubukan kong umapela. "We’ve already decided, Bella," singit ni Mommy. "Mas mabuti nang magkasama muna kayo bago ang kasal para malaman ninyo kung kaya ba talaga ninyong magsama. Ayoko ng annulment sa pamilya natin." Napabuntong-hininga ako. I turned to Brent, expecti
Brent's POV Matapos ang matapang na deklarasyon ni Bella, agad kaming hinatak ng kanyang mga magulang papunta sa isang pribadong silid malayo sa ingay ng selebrasyon. Gusto nilang linawin ang lahat. At sa totoo lang, hindi ko sila masisisi. Pagkapasok sa silid, agad na nagsalita si Alexus Del Fuego, ang ama ni Bella. "Brent, I need you to be honest with me," matigas niyang sabi habang nakatingin nang diretso sa akin. "Hindi kita pipilitin kung wala ka talagang balak pakasalan ang anak ko. Kung napipilitan ka lang dahil sa sitwasyon o dahil sa nangyari sa kanila ni Gabriel, mas mabuti pang sabihin mo na ngayon." Tumayo ako nang tuwid. Hindi ako natatakot kay Mr. Del Fuego, pero nirerespeto ko siya bilang ama ni Bella. "Tito, hindi ako napipilitan," kalmado kong sagot. "Kung may isang bagay akong sigurado, iyon ay hindi ko pababayaan si Bella. Alam kong masakit ang pinagdaanan niya, at kung ang pagiging asawa niya ang paraan para maprotektahan ko siya, then I am willing to do it.
Brent's POV Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko. Mabigat pa ang katawan ko, at pakiramdam ko ay kulang pa ang tulog ko matapos ang inuman kagabi. Pero nang makita ko ang pangalan ng tumatawag, agad akong bumangon at sinagot iyon. Si Mr. Alexus Del Fuego. "Brent, hijo! Kumusta ka na?" Malakas ang boses niya, tulad ng dati—punung-puno ng awtoridad. "Hindi ako sigurado, Sir," sagot ko habang pinagmamasdan ang liwanag ng araw na sumisilip sa bintana ng kwarto ko. "Ano pong kailangan ninyo?" "Birthday ni Danica ngayon. Gusto ka naming imbitahan dito sa bahay para sa selebrasyon." Napapikit ako sandali at marahang napailing. Wala akong interes na dumalo sa isang handaan para sa babaeng wala naman akong personal na koneksyon. Pero bigla kong naisip si Bella. Napadilat ako at napatingin sa kisame. Kumusta na kaya siya? Ano ang lagay niya matapos ang gabing iyon? Kung pupunta ako, may pagkakataon akong makita siya at malaman kung nasa maayos na siyang kalagayan. "Alrig
Brent's POV Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa babaeng nakasandal sa bar counter, mahigpit na nakayakap sa bote ng alak na para bang ito lang ang tanging makakapitan niya sa mundong ito. Nakakalungkot siyang tingnan. Nakanganga nang bahagya, may bahid pa ng luha ang pisngi, at ang maganda niyang damit ay may bahagyang talsik ng alak dahil sa ilang beses niyang nadulas ang baso sa lamesa. Nakinig lang ako sa bawat salitang sinabi niya kanina—mga reklamo, sakit, at hinanakit na paulit-ulit niyang binabanggit, na para bang inuulit iyon hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya. Ang totoo niyan, sa buong buhay ko, hindi ako mahilig makinig sa mga dramang ganito. Hindi ako mahilig makisawsaw sa problema ng ibang tao, lalo na sa mga relasyon na nagwawakas dahil sa katangahan at kataksilan. Pero ewan ko ba. Sa halip na umalis at pabayaan siyang magpakalunod sa alak at luha, natagpuan ko ang sarili kong nanatili rito—nakikinig sa bawat hinaing ng babaeng ito. Napakatanga
Bella's POV Sagad sa buto ang sakit na nararamdaman ko. Para akong sinaksak ng paulit-ulit, hindi lang sa puso kundi pati sa mismong kaluluwa ko. Pagkatapos ng nangyari sa condo ni Gabriel, hindi ko na alam kung paano ako uuwi ng maayos. Pakiramdam ko, kung babalik ako sa bahay, madudurog ako sa mga tanong at panghuhusga ng sarili kong pamilya—lalo na’t ang babaeng ipinagpalit sa akin ay walang iba kundi ang itinuring kong kapatid. Kailangan kong maglabas ng sama ng loob. Kailangan kong makalimot—kahit sandali lang. Agad kong tinawagan si Esnyr, ang matalik kong kaibigan, at walang paligoy-ligoy na niyaya siyang uminom. "Esnyr, please. Kailangan kita ngayon," mahina kong sabi habang pilit na tinatago ang paghikbi. "Ano ba ‘to, Bella? Anong nangyari?" kabado niyang tanong. "Hala ka! Umiiyak ka ba? Sino nanakit sa’yo? Ipa-Tulfo na natin ‘yan!" Napatawa ako ng bahagya sa reaksyon niya, pero mabilis ding napalitan iyon ng sakit. "Si Gabriel…" bulong ko. May ilang segundo siyang n
Luna’s POVNapalingon ako sa cellphone ko nang mapansing may tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ng aking pinsan na si Cara.“Luna, nasaan ka?” Nanginginig ang boses ni Cara.“Papunta na ako riyan sa ospital. Katatapos lang ng training namin. Bakit?” Uminom ako ng tubig. Katatapos lang ng training ko. Kaunting tiis na lang, magiging ganap na akong flight attendant. Bumuntong-hininga ako nang mapagtantong may posibilidad na makakahinto ako sa training namin kapag lumubo na ang tiyan ko. Dalawang buwan na akong buntis. Hindi pa alam ng mga pamilya namin ni Alexus ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil pareho kaming natatakot sa magiging reaksiyon nilang lahat.Malaki ang tiwalang binigay nila sa amin na magtatapos kami sa pag-aaral at makakamit namin ang pangarap naming mga trabaho. Iniisip ko rim si Mama. May sakit siya sa puso at kasalukuyan siyang naka-confine ngayon sa isang public hospital. Habang ako naman ay working student at umaasa lang sa schola...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments