Share

Chapter 3

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-14 23:14:13

Luna’s POV

Five years later…

Ang lambot ng upuan sa crew station ay halos hindi ko na maramdaman. Sa kabila ng pagod mula sa biyahe, ang puso ko ay puno ng pananabik. Sa bawat segundo ng pagbaba ng eroplano, parang mas umiikli ang distansya ko sa anak ko. 

“Cabin crew, prepare for landing,” sabi ng captain mula sa cockpit.

Tumayo ako, sinigurong nakasarado ang overhead bins at nakaayos ang mga pasahero. Lahat ay tila abala sa kani-kaniyang ginagawa, ngunit ang utak ko ay nakatuon lang sa iisang bagay—ang yakapin si Bella. 

Nilingon ko ang bintana. Ang mga ilaw ng lungsod sa gabi ay parang alahas na nakahiga sa kadiliman. Malapit na talaga. Naramdaman ko ang bahagyang pag-iling ng eroplano habang bumaba ito nang tuluyan. 

“Ma’am, are we almost there?” tanong ng isang pasaherong nanay na may dalang sanggol. Ngumiti ako sa kaniya, ang ngiting puno ng sariling pangungulila.

“Yes, Ma’am. Just a few more minutes,” sagot ko.

Sana nga ganito rin kabilis ang lahat—ilang minuto na lang at nandiyan na ako sa piling ng anak ko. 

Habang sinisigurado kong nakaupo at naka-seatbelt ang lahat, bigla kong naramdaman ang pag-init ng mga mata ko. Ilang buwan na rin akong wala sa bahay. Nakita ko si Bella sa video call kahapon, ngumiti siya pero alam kong iba pa rin ang personal. Iba pa rin kapag nakikita at nayayakap ko siya. 

Narinig ko ang anunsyo mula sa kapitan. “Ladies and gentlemen, welcome to Manila. We have safely landed.” 

Napuno ng palakpakan ang kabin, pero ako, ang puso ko lang ang kumakanta. Nakangiti akong tumayo sa gitna ng aisle, nagsimula nang magpaalam sa mga pasahero habang inaayos ang aking sarili. Halos gusto kong mauna pa sa kanilang bumaba. 

Paglabas ko ng eroplano, mabilis ang mga hakbang ko. Hindi ko alintana ang bigat ng dala kong bag. Nang makita ko ang arrivals area, hinanap agad ng mga mata ko si Bella. 

At ayun siya, nakatayo, hawak ang maliit niyang backpack. Kasama niya ang kaniyang Yaya. Nang magtama ang mga mata namin ni Bella, tumakbo siya papunta sa akin.

“Mommy!” 

“Bella!”

Niyakap ko siya nang mahigpit, parang hindi ko na siya kayang bitawan pa. Sa wakas, nasa piling ko na ulit siya.

Habang buhat ko si Bella, ramdam ko ang init ng yakap niya na parang nagpapalakas sa akin matapos ang mahabang biyahe. Napansin ko ang mga naglalakad na pasahero sa paligid, pero mas nakatuon ang atensyon ko sa kaniya. 

“Mommy, may dala ka bang pasalubong?” tanong ni Bella habang nakayakap pa rin sa leeg ko.

Napatawa ako nang bahagya. “Oo naman, pero mamaya na, ha? Gutom ka na ba?” 

“Kaunti,” sagot niya, sabay ngiti na parang kayang tunawin ang lahat ng pagod ko.

Habang naglalakad kami patungo sa parking area, bigla akong napatigil. Ang mundo ko ay tila bumagal, at ang boses ng mga tao sa paligid ay naglaho.

Si Alexus. 

Nakatayo siya sa malayo, malapit sa counter ng crew lounge. Suot niya ang uniporme ng piloto, mukhang mas maayos pa rin kaysa sa dati, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. Ang dahilan ay ang mga mata niyang nakatingin sa akin, na para bang wala nang ibang tao sa paligid. 

“Luna,” tawag niya, malalim at pamilyar ang tinig. Parang naglakbay ang boses niyang iyon mula sa nakaraan, bumalik para guluhin ang kasalukuyan ko. 

Hindi ko alam kung paano ako nakatayo pa. Parang biglang nanigas ang mga tuhod ko. Hawak ko pa rin si Bella, pero ang pakiramdam ko, ako ang nanghihina. 

“Alexus,” mahina kong sagot, halos hindi ko marinig ang sarili ko. 

Lumapit siya. Sa bawat hakbang niya, parang mas bumibigat ang dibdib ko. Ang daming tanong sa isip ko—bakit siya nandito? Bakit ngayon? At paano kung malaman niya? 

Ngumiti siya, pero may lungkot sa likod ng mga mata niya. “Hindi ko inasahang magkikita tayo ulit.” 

“Pareho tayo,” sagot ko, pilit na hinahawakan ang sariling lakas. 

Napatingin siya kay Bella, at sa isang iglap, ang kaba ko ay naging takot. Nakita ko ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya. 

“Luna…” tanong niya, mabagal at may halong pagdududa, “anak mo ba siya?” 

Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Gusto kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Binalot ako ng katahimikan na parang kulungang hindi ko matakasan.

“Bella, punta ka muna kay Yaya, ha? May kakausapin lang ako,” paalam ko kay Bella.

Tumakbo ang bata patungo sa kinaroroonan ni Yaya Ana.

“Ang laki na pala ng anak mo sa ibang lalaki,” sarkastikong sabi ni Alexus kaya hinarap ko siya.

“Hindi mo na kailangan pang idiin kung sino ang ama ng anak ko.” Inirapan ko siya at nagpasyang talikuran siya nang bigla siyang nagsalita.

“So, how’s your life after you cheated on me and got pregnant with the other man?”

Umigting ang aking panga sa tanong ni Alexus. “Iniinsulto mo ba ako?”

“Hindi. Nagtatanong lang ako.” Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso. “Mukhang maayos naman ang buhay mo simula nang naghiwalay tayo.”

“Wala akong oras makipagbiruan o makipag-usap sa iyo, Alexus. Kalimutan na natin kung ano man ang nangyari noon.”

“Paano ko makakalimutan ang ginawa mong pangloloko sa akin, Luna? Hindi madaling kalimutan ang ginawa mo lalo na’t nagbunga ang pangloloko mo sa akin habang nasa ibang bansa ako.” Ngumisi si Alexus at Niluwagan ang kaniyang neck tie. Humakbang siya palapit sa akin.

Napalunok ako nang bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya. Naramdaman ko agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pagtindig ng lahat ng mga balahibo ko sa katawan.

“Ano? Mas napaligaya ka ba ng lalaki mo noon sa kama? Did you fuck everyday? Ilang beses sa isang araw ninyo ginagawa ang –”

Isang malakas na sampal sa pisngi niya ang ginawa ko kaya naputol ang sasabihin niya.

“Oo. Mas masarap siya kung ikukumpara sa iyo. Pinapaligaya niya ako sa kama. Napunan niya ang mga pangungulila ko sa ‘yo, Alexus.” Itinulak ko siya palayo sa akin. “Isipin mo na lahat ang gusto mo. Matagal na tayong tapos. Tahimik na ang buhay ko kaya huwag mo ng gugulohin pa,” matigas kong sabi sa kaniya.  

“Hindi ko akalain na ganito ang magiging buhay mo, Luna,” malamig na sabi ni Alexus. Ang mga mata niya, na dati ay puno ng init, ngayon ay puno ng pagdududa at panghuhusga. “Isang single mother, nagtatrabaho bilang flight attendant. Akala ko ba, mas mataas ang mga pangarap mo?” 

Para bang sinampal ako ng bawat salitang binitiwan niya. Masakit, pero hindi ako nagpakita ng kahinaan. Tumayo ako nang diretso, pilit na nilulon ang namuong galit at hinanakit. Hindi niya kailangang malaman kung gaano kasakit ang mga sinabi niya. Hindi ko siya pagbibigyan. 

“At ano namang pakialam mo, Alexus?” matapang kong sagot, kahit na nanginginig ang boses ko. “Hindi lahat ng tao may buhay na katulad ng sa ’yo—bilyonaryo, piloto, laging nasa taas. Pero alam mo ba? Masaya ako, Alexus. Masaya ako sa piling ng anak ko, at wala kang karapatang insultuhin ang mga pinili ko sa buhay.” 

Hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang siya sa akin, pero sa mga mata niya, nakita ko ang lungkot, o baka pagkabigo. Hindi ako sigurado. Wala na akong pakialam. 

Tumalikod ako. Pilit kong nilakasan ang loob ko habang naglalakad papunta kay Bella, na kanina pa nakaupo sa bench, tahimik na hinihintay ako. Ang liwanag ng ngiti niya ang nagpatigil ng panginginig sa mga kamay ko. 

“Mommy, gutom na ako,” sabi niya, walang kamalay-malay sa tensyon na naganap ilang metro lang ang layo. 

Ngumiti ako sa kaniya, pinilit na burahin ang lahat ng sakit sa mukha ko. “Oo, anak. Tara na, kakain na tayo.” 

Habang hawak ko ang kamay niya at naglalakad papalayo, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Pero sa bawat hakbang din, pinapaalala ko sa sarili ko—si Bella lang ang mahalaga. Siya ang dahilan ng lahat ng ginagawa ko. Wala nang puwang si Alexus sa buhay naming mag-ina. 

Bab terkait

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 4

    Luna’s POVHinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Bella habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng mga taxi. Nakasunod naman sa amin si Yaya Ana.“Luna!” Napatingin ako sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Brielle – ang kapatid ni Alexus, na tumatakbo palapit sa amin. Kasama niya ang kaniyang asawang si Kuya Mark. Niyakap niya ako kaya bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. “It’s been awhile. How are you?” Bumaba ang paningin niya sa batang kasama ko. “Ito na ba ang anak mo?” Tumango ako at tinago ang si Bella sa aking likod. “Yes, Ate Brielle.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nahihiya ako dahil hindi naging maayos ang hiwalayan namin ni Alexus noon. Pinasadahan niya ako ng tingin. “Flight Attendant ka na rin ba?” tanong ni Ate Brielle. Tumango ako. “Kakasimula ko lang po noong isang buwan,” sagot niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng aking anak. “Si Bella nga pala. Anak ko,” pagpapakilala ko.

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-14
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 5

    Luna’s POVHuminga ako nang malalim bago pihitin ang seradura ng pintuan. Pakiramdam ko, bawat hakbang ko papasok sa silid ng ospital ay may nakapatong na mabigat na timbang. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto, ang malamig na hangin mula sa aircon ang unang bumati sa akin, kasunod ang tunog ng makina na mino-monitor ang tibok ng puso ni Bella. Naroon siya, nakahiga sa puting kama, napapaligiran ng mga tubo at wire na nakakabit sa maliit niyang katawan. Napakaliit niya para sa kama, parang napaka-fragile. Pero kahit ganoon, mahimbing ang tulog niya. Parang wala siyang iniinda, habang ako, parang nagugunaw ang mundo. Dahan-dahan akong lumapit, ang mga paa ko ay parang tumitimbang ng tonelada. Naupo ako sa tabi ng kama niya, pinigilan ang panginginig ng mga kamay ko bago hinawakan ang kaniyang maliliit na daliri. “Bella…” bulong ko, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, ang payapang ekspresyon niya na para bang sinasabi niyang okay lang

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-14
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 6

    Nasa labas kami ng ospital at malamig ang simoy ng hangin, pero parang nagbabaga ang paligid dahil sa nag-aapoy na galit sa mga mata ni Alexus.“Alexus, hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari,” mahinahon kong sabi, kahit na nanginginig na ang boses ko. “Nasaktan ka, alam ko. Pero hindi ibig sabihin—”“‘Hindi ko ginusto?’” Mabilis niyang putol sa akin, ang boses niya halos sumigaw. “Ang dali namang sabihin, Luna! Pero anong nangyari sa akin? Anong nangyari sa atin? Niloko mo ako! Niloko mo ako habang nasa ibang bansa ako! I tried to reach you out kahit niloko mo ako. Pero anong ginawa mo? You blocked me. Para akong gago na naghintay, nagtanong, nagmakaawa na bumalik ka, pero wala! Wala akong nakuha kung ‘di katahimikan!”Halos hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong totoo ang bawat salita niya. Alam kong may karapatan siyang magalit, pero hindi ko rin kayang sabihin ang totoo. Hindi dito, hindi ngayon.“Alexus, hindi mo naiintindihan—”“Hindi naiintindihan ang alin? Ang ginawa mong pa

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-23
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 1

    Luna’s POVNapalingon ako sa cellphone ko nang mapansing may tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ng aking pinsan na si Cara.“Luna, nasaan ka?” Nanginginig ang boses ni Cara.“Papunta na ako riyan sa ospital. Katatapos lang ng training namin. Bakit?” Uminom ako ng tubig. Katatapos lang ng training ko. Kaunting tiis na lang, magiging ganap na akong flight attendant. Bumuntong-hininga ako nang mapagtantong may posibilidad na makakahinto ako sa training namin kapag lumubo na ang tiyan ko. Dalawang buwan na akong buntis. Hindi pa alam ng mga pamilya namin ni Alexus ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil pareho kaming natatakot sa magiging reaksiyon nilang lahat.Malaki ang tiwalang binigay nila sa amin na magtatapos kami sa pag-aaral at makakamit namin ang pangarap naming mga trabaho. Iniisip ko rim si Mama. May sakit siya sa puso at kasalukuyan siyang naka-confine ngayon sa isang public hospital. Habang ako naman ay working student at umaasa lang sa schola

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-14
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 2

    Luna’s POVNanatili lang ako sa labas ng silid ni Mama. Nawalan ako ng lakas magpakita nang makita ko siyang kumakain habang masayang kinakausap ng pinsan kong si Nadine. Nag-text si Cara sa akin kanina habang pabalik ako sa ospital. May date daw siya at dumating na si Nadine, na papalit muna sa kaniya. Tumayo ako nang mapansin ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Nadine. “Nandito ka na pala. Kumusta ang practice ninyo?” tanong niya sa akin. “Katatapos lang kumain ni Tita Yassi ng hapunan. Hinahanap ka niya at si Tito James.” Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa sahig. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon. Buntis ako at hindi ko alam kung paano aaminin kay Mama.Napatay ni Papa ang ama ni Alexus at nagnakaw siya sa bangko. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Nadine sa akin. Hinawakan niya ang aking noo. “Magbihis ka muna dahil basang-basa ka sa ulan. Dinalhan kita ng ekstrang damit.” Tumango ako. Ngayon ko lang napansin na basang-basa pala ako sa u

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-14

Bab terbaru

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 3

    Luna’s POVFive years later… Ang lambot ng upuan sa crew station ay halos hindi ko na maramdaman. Sa kabila ng pagod mula sa biyahe, ang puso ko ay puno ng pananabik. Sa bawat segundo ng pagbaba ng eroplano, parang mas umiikli ang distansya ko sa anak ko. “Cabin crew, prepare for landing,” sabi ng captain mula sa cockpit. Tumayo ako, sinigurong nakasarado ang overhead bins at nakaayos ang mga pasahero. Lahat ay tila abala sa kani-kaniyang ginagawa, ngunit ang utak ko ay nakatuon lang sa iisang bagay—ang yakapin si Bella. Nilingon ko ang bintana. Ang mga ilaw ng lungsod sa gabi ay parang alahas na nakahiga sa kadiliman. Malapit na talaga. Naramdaman ko ang bahagyang pag-iling ng eroplano habang bumaba ito nang tuluyan. “Ma’am, are we almost there?” tanong ng isang pasaherong nanay na may dalang sanggol. Ngumiti ako sa kaniya, ang ngiting puno ng sariling pangungulila. “Yes, Ma’am. Just a few more minutes,” sagot ko. Sana nga ganito rin kabilis ang lahat—ilang minuto na

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 2

    Luna’s POVNanatili lang ako sa labas ng silid ni Mama. Nawalan ako ng lakas magpakita nang makita ko siyang kumakain habang masayang kinakausap ng pinsan kong si Nadine. Nag-text si Cara sa akin kanina habang pabalik ako sa ospital. May date daw siya at dumating na si Nadine, na papalit muna sa kaniya. Tumayo ako nang mapansin ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Nadine. “Nandito ka na pala. Kumusta ang practice ninyo?” tanong niya sa akin. “Katatapos lang kumain ni Tita Yassi ng hapunan. Hinahanap ka niya at si Tito James.” Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa sahig. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon. Buntis ako at hindi ko alam kung paano aaminin kay Mama.Napatay ni Papa ang ama ni Alexus at nagnakaw siya sa bangko. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Nadine sa akin. Hinawakan niya ang aking noo. “Magbihis ka muna dahil basang-basa ka sa ulan. Dinalhan kita ng ekstrang damit.” Tumango ako. Ngayon ko lang napansin na basang-basa pala ako sa u

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 1

    Luna’s POVNapalingon ako sa cellphone ko nang mapansing may tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ng aking pinsan na si Cara.“Luna, nasaan ka?” Nanginginig ang boses ni Cara.“Papunta na ako riyan sa ospital. Katatapos lang ng training namin. Bakit?” Uminom ako ng tubig. Katatapos lang ng training ko. Kaunting tiis na lang, magiging ganap na akong flight attendant. Bumuntong-hininga ako nang mapagtantong may posibilidad na makakahinto ako sa training namin kapag lumubo na ang tiyan ko. Dalawang buwan na akong buntis. Hindi pa alam ng mga pamilya namin ni Alexus ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil pareho kaming natatakot sa magiging reaksiyon nilang lahat.Malaki ang tiwalang binigay nila sa amin na magtatapos kami sa pag-aaral at makakamit namin ang pangarap naming mga trabaho. Iniisip ko rim si Mama. May sakit siya sa puso at kasalukuyan siyang naka-confine ngayon sa isang public hospital. Habang ako naman ay working student at umaasa lang sa schola

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status