Share

Chapter 4

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-01-14 23:14:35

Luna’s POV

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Bella habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng mga taxi. Nakasunod naman sa amin si Yaya Ana.

“Luna!”

Napatingin ako sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Brielle – ang kapatid ni Alexus, na tumatakbo palapit sa amin. Kasama niya ang kaniyang asawang si Kuya Mark.

Niyakap niya ako kaya bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

“It’s been awhile. How are you?” Bumaba ang paningin niya sa batang kasama ko. “Ito na ba ang anak mo?”

Tumango ako at tinago ang si Bella sa aking likod. “Yes, Ate Brielle.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nahihiya ako dahil hindi naging maayos ang hiwalayan namin ni Alexus noon. 

Pinasadahan niya ako ng tingin. “Flight Attendant ka na rin ba?” tanong ni Ate Brielle.

Tumango ako. “Kakasimula ko lang po noong isang buwan,” sagot niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng aking anak. “Si Bella nga pala. Anak ko,” pagpapakilala ko.

“Mommy, mga kaibigan mo ba sila?” tanong ni Bella.

Ngumiti ako at tumango. Umupo ako upang maka-label ang aking anak. Inayos ko ang headband ni Bella.

Ngumiti si Bella at humarap sa kanila. “Kilala n’yo po ba kung sino ang Daddy ko?”

Napalunok ako sa tanong ni Bella. Hindi ko aakalaing ‘yon ang lalabas na tanong sa bibig niya. Napatingin amo sa taxi na huminto sa harapan namin.

Naunang pumasok sa loob ng taxi si Yaya Ana.

Bumaling ako sa kanila at nagpasyang magpaalam na.

“Ate Brielle, Kuya Mark, mauuna na kami. Ipapa-check up ko pa kasi si Bella,” paalam ko.

“Luna, wait!” saad ni Ate Brielle. Hinawakan niya ang pinto ng taxi. “Hindi alam ni Bella kung sino ang ama niya?”

Hindi ako makasagot makasagot.

“Brielle, hayaan mo na sila. Mukhang nagmamadali sila dahil may check up pa ang bata,” singit ni Kuya Mark.

“Leave them alone.”

Napalunok ako nang marinig ang boses ni Alexus. Nakatayo siya sa harapan namin, madilim ang paningin niya.

Mabilis kong naipasok si Bella sa loob ng taxi. Bigla akong nakaramdam ng kaba nang marinig ang malakas na pag-ubo ni Bella. Niyakap ko siya at sinusubokang pakalmahin dahil nahihirapan na naman siya sa paghinga.

Isinara ko ang pinto at hindi na muling humarap sa kanila dahil mas importante ang kalagayan ng aking anak. Kailangan siyang madala sa ospital agad.

“Mommy…” mahina ang tinig ni Bella habang nakasandal sa dibdib ko.

Ramdam ko ang mabilis at mababaw niyang paghinga. Nanginginig ang buong katawan ko, pero kailangan kong magpakatatag. 

“Bella, anak, kapit ka kay Mommy, ha? Malapit na tayo,” sabi ko, kahit hindi ko alam kung sinasabi ko iyon para sa kaniya o para sa sarili ko. 

“Sa pinakamalapit na ospital, bilisan mo, kuya,” halos pasigaw kong utos sa driver habang yakap-yakap si Bella.

Ramdam ko ang unti-unting panghihina ng anak ko, at parang may bumibigat na bakal na nakadagan sa puso ko. 

Paulit-ulit kong hinaplos ang buhok niya habang pinipigilan ang mga luhang gustong bumagsak. “Bella, anak, andito si Mommy. Hindi kita papabayaan,” bulong ko, kahit kinakain na ako ng takot. 

Pagdating sa ospital, halos lumipad ako palabas ng taxi. “Tulungan ninyo kami! Nahihirapan huminga ang anak ko!” sigaw ko sa emergency room.

Agad silang naglapitan, kinuha si Bella mula sa mga braso ko, at inilagay siya sa stretcher. 

Nanlambot ako sa kinatatayuan ko habang sinusundan ang stretcher.

“Ano pong nangyari sa kaniya?” tanong ng doktor, mabilis ang kilos habang sinisilip ang kondisyon ni Bella. 

“Hindi ko po alam… bigla na lang po siyang nahirapang huminga… wala po siyang ganitong kondisyon dati,” halos magkasunod ang mga salita ko, nanginginig pa rin. 

Iniwan nila ako sa labas ng emergency room. Nakaupo ako sa malamig na bakal na upuan, mag-isa, nanginginig, at tuluyang bumagsak ang mga luha ko. 

“Bella, anak…” bulong ko sa sarili, habang hinahawakan ang maliit niyang jacket na naiwan ko sa taxi.

Kailangan niyang maging okay. Kailangan niyang maging ligtas. Siya ang buhay ko. 

Wala na akong pakialam sa mga nangyari kanina. Ang pamilya ni Alexus, ang mga insulto—lahat ng iyon nawala sa isip ko. Wala nang mas mahalaga pa ngayon kundi ang kaligtasan ng anak ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo sa malamig na upuan sa labas ng emergency room. Halos hindi ko marinig ang tibok ng puso ko dahil sa lakas ng dasal ko—na sana, kahit papaano, maging okay si Bella, pero bawat segundo, mas bumibigat ang kaba. 

Nang bumukas ang pinto, tumayo agad ako, halos mahulog pa ang bag na hawak ko. Lumabas ang doktor, may clipboard sa kamay at seryoso ang mukha. 

“Dok… kumusta po ang anak ko?” tanong ko, halos hindi na makahinga sa takot sa kung ano ang sasabihin niya. 

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Ma’am, nasa maayos nang kalagayan si Bella sa ngayon. Na-stabilize na namin ang paghinga niya, pero…” Tumigil siya saglit, tila nag-iisip kung paano sasabihin ang susunod na bahagi. 

“Pero ano, Dok?” halos pabulong kong tanong, nanginginig na ang boses ko. 

“Base sa initial tests namin, may nakikita kaming indikasyon ng congenital heart disease. Mukhang mula pa ito noong ipinanganak siya, pero ngayon lang lumala ang sintomas.” 

Biglang parang umikot ang mundo ko. Parang nawalan ng hangin sa paligid. “S-Sakit sa puso?” ulit ko, halos hindi makapaniwala. 

Tumango ang doktor, may habag sa kanyang mga mata. “Oo, pero hindi pa namin ma-finalize ang diagnosis. Kailangan nating gawin ang ilang mas detalyadong tests—echocardiogram, at posibleng angiogram. Sa ngayon, kailangan nating obserbahan siya nang mas mabuti.” 

Natahimik ako, hindi alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Paano nangyari ito? Bakit ngayon ko lang nalaman? Paulit-ulit kong sinisi ang sarili ko. Ako ang nanay niya. Ako dapat ang unang nakakita. 

“Ano po ang dapat gawin, Dok?” tanong ko sa wakas, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “Gagawin ko lahat. Kahit ano. Basta gumaling siya.” 

“Magiging mabigat ang proseso, at depende sa kalagayan, posibleng kailanganin ng operasyon,” sabi niya, maingat pa rin ang boses. “Pero isa-isa nating haharapin ito. Ang mahalaga, nandito ka para sa kaniya.” 

Tumango ako, kahit hindi ko alam kung paano kakayanin ang lahat. Tumalikod ang doktor at naiwan akong mag-isa sa pasilyo. Napaupo ako, yakap ang sarili, habang dumadaloy ang mga luha ko. 

“Bella…” bulong ko. “Anak, labanan mo ang sakit mo dahil hindi ako susuko hangga’t hindi ka gumagaling.”

Related chapters

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 5

    Luna’s POVHuminga ako nang malalim bago pihitin ang seradura ng pintuan. Pakiramdam ko, bawat hakbang ko papasok sa silid ng ospital ay may nakapatong na mabigat na timbang. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto, ang malamig na hangin mula sa aircon ang unang bumati sa akin, kasunod ang tunog ng makina na mino-monitor ang tibok ng puso ni Bella. Naroon siya, nakahiga sa puting kama, napapaligiran ng mga tubo at wire na nakakabit sa maliit niyang katawan. Napakaliit niya para sa kama, parang napaka-fragile. Pero kahit ganoon, mahimbing ang tulog niya. Parang wala siyang iniinda, habang ako, parang nagugunaw ang mundo. Dahan-dahan akong lumapit, ang mga paa ko ay parang tumitimbang ng tonelada. Naupo ako sa tabi ng kama niya, pinigilan ang panginginig ng mga kamay ko bago hinawakan ang kaniyang maliliit na daliri. “Bella…” bulong ko, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, ang payapang ekspresyon niya na para bang sinasabi niyang okay lang

    Last Updated : 2025-01-14
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 6

    Nasa labas kami ng ospital at malamig ang simoy ng hangin, pero parang nagbabaga ang paligid dahil sa nag-aapoy na galit sa mga mata ni Alexus.“Alexus, hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari,” mahinahon kong sabi, kahit na nanginginig na ang boses ko. “Nasaktan ka, alam ko. Pero hindi ibig sabihin—”“‘Hindi ko ginusto?’” Mabilis niyang putol sa akin, ang boses niya halos sumigaw. “Ang dali namang sabihin, Luna! Pero anong nangyari sa akin? Anong nangyari sa atin? Niloko mo ako! Niloko mo ako habang nasa ibang bansa ako! I tried to reach you out kahit niloko mo ako. Pero anong ginawa mo? You blocked me. Para akong gago na naghintay, nagtanong, nagmakaawa na bumalik ka, pero wala! Wala akong nakuha kung ‘di katahimikan!”Halos hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong totoo ang bawat salita niya. Alam kong may karapatan siyang magalit, pero hindi ko rin kayang sabihin ang totoo. Hindi dito, hindi ngayon.“Alexus, hindi mo naiintindihan—”“Hindi naiintindihan ang alin? Ang ginawa mong pa

    Last Updated : 2025-01-23
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 1

    Luna’s POVNapalingon ako sa cellphone ko nang mapansing may tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ng aking pinsan na si Cara.“Luna, nasaan ka?” Nanginginig ang boses ni Cara.“Papunta na ako riyan sa ospital. Katatapos lang ng training namin. Bakit?” Uminom ako ng tubig. Katatapos lang ng training ko. Kaunting tiis na lang, magiging ganap na akong flight attendant. Bumuntong-hininga ako nang mapagtantong may posibilidad na makakahinto ako sa training namin kapag lumubo na ang tiyan ko. Dalawang buwan na akong buntis. Hindi pa alam ng mga pamilya namin ni Alexus ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil pareho kaming natatakot sa magiging reaksiyon nilang lahat.Malaki ang tiwalang binigay nila sa amin na magtatapos kami sa pag-aaral at makakamit namin ang pangarap naming mga trabaho. Iniisip ko rim si Mama. May sakit siya sa puso at kasalukuyan siyang naka-confine ngayon sa isang public hospital. Habang ako naman ay working student at umaasa lang sa schola

    Last Updated : 2025-01-14
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 2

    Luna’s POVNanatili lang ako sa labas ng silid ni Mama. Nawalan ako ng lakas magpakita nang makita ko siyang kumakain habang masayang kinakausap ng pinsan kong si Nadine. Nag-text si Cara sa akin kanina habang pabalik ako sa ospital. May date daw siya at dumating na si Nadine, na papalit muna sa kaniya. Tumayo ako nang mapansin ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Nadine. “Nandito ka na pala. Kumusta ang practice ninyo?” tanong niya sa akin. “Katatapos lang kumain ni Tita Yassi ng hapunan. Hinahanap ka niya at si Tito James.” Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa sahig. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon. Buntis ako at hindi ko alam kung paano aaminin kay Mama.Napatay ni Papa ang ama ni Alexus at nagnakaw siya sa bangko. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Nadine sa akin. Hinawakan niya ang aking noo. “Magbihis ka muna dahil basang-basa ka sa ulan. Dinalhan kita ng ekstrang damit.” Tumango ako. Ngayon ko lang napansin na basang-basa pala ako sa u

    Last Updated : 2025-01-14
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 3

    Luna’s POVFive years later… Ang lambot ng upuan sa crew station ay halos hindi ko na maramdaman. Sa kabila ng pagod mula sa biyahe, ang puso ko ay puno ng pananabik. Sa bawat segundo ng pagbaba ng eroplano, parang mas umiikli ang distansya ko sa anak ko. “Cabin crew, prepare for landing,” sabi ng captain mula sa cockpit. Tumayo ako, sinigurong nakasarado ang overhead bins at nakaayos ang mga pasahero. Lahat ay tila abala sa kani-kaniyang ginagawa, ngunit ang utak ko ay nakatuon lang sa iisang bagay—ang yakapin si Bella. Nilingon ko ang bintana. Ang mga ilaw ng lungsod sa gabi ay parang alahas na nakahiga sa kadiliman. Malapit na talaga. Naramdaman ko ang bahagyang pag-iling ng eroplano habang bumaba ito nang tuluyan. “Ma’am, are we almost there?” tanong ng isang pasaherong nanay na may dalang sanggol. Ngumiti ako sa kaniya, ang ngiting puno ng sariling pangungulila. “Yes, Ma’am. Just a few more minutes,” sagot ko. Sana nga ganito rin kabilis ang lahat—ilang minuto na

    Last Updated : 2025-01-14

Latest chapter

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 4

    Luna’s POVHinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Bella habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng mga taxi. Nakasunod naman sa amin si Yaya Ana.“Luna!” Napatingin ako sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Brielle – ang kapatid ni Alexus, na tumatakbo palapit sa amin. Kasama niya ang kaniyang asawang si Kuya Mark. Niyakap niya ako kaya bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. “It’s been awhile. How are you?” Bumaba ang paningin niya sa batang kasama ko. “Ito na ba ang anak mo?” Tumango ako at tinago ang si Bella sa aking likod. “Yes, Ate Brielle.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nahihiya ako dahil hindi naging maayos ang hiwalayan namin ni Alexus noon. Pinasadahan niya ako ng tingin. “Flight Attendant ka na rin ba?” tanong ni Ate Brielle. Tumango ako. “Kakasimula ko lang po noong isang buwan,” sagot niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng aking anak. “Si Bella nga pala. Anak ko,” pagpapakilala ko.

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 3

    Luna’s POVFive years later… Ang lambot ng upuan sa crew station ay halos hindi ko na maramdaman. Sa kabila ng pagod mula sa biyahe, ang puso ko ay puno ng pananabik. Sa bawat segundo ng pagbaba ng eroplano, parang mas umiikli ang distansya ko sa anak ko. “Cabin crew, prepare for landing,” sabi ng captain mula sa cockpit. Tumayo ako, sinigurong nakasarado ang overhead bins at nakaayos ang mga pasahero. Lahat ay tila abala sa kani-kaniyang ginagawa, ngunit ang utak ko ay nakatuon lang sa iisang bagay—ang yakapin si Bella. Nilingon ko ang bintana. Ang mga ilaw ng lungsod sa gabi ay parang alahas na nakahiga sa kadiliman. Malapit na talaga. Naramdaman ko ang bahagyang pag-iling ng eroplano habang bumaba ito nang tuluyan. “Ma’am, are we almost there?” tanong ng isang pasaherong nanay na may dalang sanggol. Ngumiti ako sa kaniya, ang ngiting puno ng sariling pangungulila. “Yes, Ma’am. Just a few more minutes,” sagot ko. Sana nga ganito rin kabilis ang lahat—ilang minuto na

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 2

    Luna’s POVNanatili lang ako sa labas ng silid ni Mama. Nawalan ako ng lakas magpakita nang makita ko siyang kumakain habang masayang kinakausap ng pinsan kong si Nadine. Nag-text si Cara sa akin kanina habang pabalik ako sa ospital. May date daw siya at dumating na si Nadine, na papalit muna sa kaniya. Tumayo ako nang mapansin ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Nadine. “Nandito ka na pala. Kumusta ang practice ninyo?” tanong niya sa akin. “Katatapos lang kumain ni Tita Yassi ng hapunan. Hinahanap ka niya at si Tito James.” Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa sahig. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon. Buntis ako at hindi ko alam kung paano aaminin kay Mama.Napatay ni Papa ang ama ni Alexus at nagnakaw siya sa bangko. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Nadine sa akin. Hinawakan niya ang aking noo. “Magbihis ka muna dahil basang-basa ka sa ulan. Dinalhan kita ng ekstrang damit.” Tumango ako. Ngayon ko lang napansin na basang-basa pala ako sa u

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 1

    Luna’s POVNapalingon ako sa cellphone ko nang mapansing may tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ng aking pinsan na si Cara.“Luna, nasaan ka?” Nanginginig ang boses ni Cara.“Papunta na ako riyan sa ospital. Katatapos lang ng training namin. Bakit?” Uminom ako ng tubig. Katatapos lang ng training ko. Kaunting tiis na lang, magiging ganap na akong flight attendant. Bumuntong-hininga ako nang mapagtantong may posibilidad na makakahinto ako sa training namin kapag lumubo na ang tiyan ko. Dalawang buwan na akong buntis. Hindi pa alam ng mga pamilya namin ni Alexus ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil pareho kaming natatakot sa magiging reaksiyon nilang lahat.Malaki ang tiwalang binigay nila sa amin na magtatapos kami sa pag-aaral at makakamit namin ang pangarap naming mga trabaho. Iniisip ko rim si Mama. May sakit siya sa puso at kasalukuyan siyang naka-confine ngayon sa isang public hospital. Habang ako naman ay working student at umaasa lang sa schola

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status