Luna’s POV
Nanatili lang ako sa labas ng silid ni Mama. Nawalan ako ng lakas magpakita nang makita ko siyang kumakain habang masayang kinakausap ng pinsan kong si Nadine. Nag-text si Cara sa akin kanina habang pabalik ako sa ospital. May date daw siya at dumating na si Nadine, na papalit muna sa kaniya. Tumayo ako nang mapansin ang pagbukas ng pinto. Nakita kong lumabas si Nadine. “Nandito ka na pala. Kumusta ang practice ninyo?” tanong niya sa akin. “Katatapos lang kumain ni Tita Yassi ng hapunan. Hinahanap ka niya at si Tito James.” Hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakatitig sa sahig. Masyadong magulo ang isipan ko ngayon. Buntis ako at hindi ko alam kung paano aaminin kay Mama. Napatay ni Papa ang ama ni Alexus at nagnakaw siya sa bangko. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Nadine sa akin. Hinawakan niya ang aking noo. “Magbihis ka muna dahil basang-basa ka sa ulan. Dinalhan kita ng ekstrang damit.” Tumango ako. Ngayon ko lang napansin na basang-basa pala ako sa ulan kanina. Bigla na lang akong nawala sa sarili sa kaiisip ng mga sinabi nina Papa at Alexus. Pumasok ako sa loob ng kwarto at niyakap si Mama ng mahigpit. Pilit kong tinatago ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. “Hinayaan mo na naman ang sarili mong mabasa sa ulan,” saad ni Mama at kumalas siya sa yakap ko. “Saan na ba ang papa mo? Kanina ko pa siya hinihintay.” Hindi ako saumagot, tinitigan ko lang si Mama. Namumutla siya. Limang buwan na siya rito sa ospital. May sakit siya sa puso at kailangan niyang maoperahan, pero wala kaming perang pangpaoepera sa kaniya. Baon sa utang ang pamilya namin. Si Papa ay isang construction worker at ako naman ay isang call center agent. Kulang pa rin ang mga sahod namin ni Papa upang matustusan ang pangunahing pangangailangan ni Mama sa ospital. Halos wala na rin akong pahinga kasi lahat ng oras ko ay ginugugol ko sa trabaho. Pagkatapos kong magbihis ng damit, nakipagkwentuhan ako kay Mama, na parang walang nangyari at mabigat na problema akong dinadala. Ayaw kong sabihin sa kaniya ang mga nangyayari dahil natatakot ako na baka mas lalo lang lumala ang kalagayan niya. Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Nadine. “Luna, si –” Hindi natapos ang sasabihin ni Nadine dahil nakita kong sumunod si Alexus sa kaniya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa tiyan ko. Sinulyapan ko si Mama, nakapikit na ang kaniyang mga mata. “Luna…” sambit ni Alexus. Bumilis ang pagtibok ng puso ko at binalot na naman ako ng takot. Namumula ang mga mata ni Alexus na nakatingin sa akin. Basang-basa rin ang suot niyang damit. Bumaling ako kay Nadine. “Bantayan mo muna si Mama. May pag-uusapan lang kami ni Alexus.” “Luna, ang Papa mo –” “Alam ko na, Nads. Mamaya na lang natin ‘yan pag-uusapan. May important e kaming pag-uusapak ni Alexus,” putol ko sa kaniyang sasabihin at naglakad palabas ng kwarto. Napansin ko kaagad ang pagsunod ni Alexus sa akin. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking braso nang makalabas na kaming dalawa sa kwarto ni Mama. Humugot ako ng malalim na hininga at pinigilan ang pagbagsak ng aking mga luha bago siya hinarap. “Maghiwalay na tayo, Alexus. Hindi na kita mahal at hindi ikaw ang ama ng batang dinadala ko,” diretsong sabi ko sa kaniya. “I cheated on you, Alexus. I’m so sorry.” Mas lalong humigpit ang pagkahawak niya sa braso ko. Pinigilan ko ang pagbagsak ng aking mga luha dahil gusto kong paniwalaan niya ang mga sasabihin ko ngayon. “Wala ng dahilan pa para ipagpatuloy ang relasyon natin. Ayaw kong saktan ka kaya mas mabuting malaman mo ng ganito kaaga ang lahat Nagkasala ako sa iyo. May nakilala akong lalaki habang nasa London ka at may nangyari sa amin. Hindi ikaw ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.” Umupo ako sa isang malamig na silya, habang si Alexus ay nasa harap ko, ang mga mata niyang puno ng sakit, ng galit, ng tanong—ng mga tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin. “Paano mo magagawa ‘yun, Luna?” tanong ni Alexus, ang kanyang tinig ay puno ng pagkabigo, tila sinusubukang magsanib ang mga piraso ng kanyang mundo na nagbagsakan sa harap niya. “Bakit mo ako niloko?” Wala akong masabi. Ang mga salitang tumama sa akin ay tila nagputol sa aking dila. Ang totoo, hindi ko rin kayang tanggapin ang katotohanan. Wala akong balak na magsinungaling sa kaniya, pero ito lang ang paraan para tuluyan niya akong kamuhian. Ang aking ama—siya ang pumatay sa ama ni Alexus. Siya ang dahilan kung bakit ang isang buhay na puno ng pangarap at pag-asa ay naputol ng walang kalaban-laban. Hindi ko pa alam kung ano ang totoong nangyari at kung bakit humantong ang buhay ng ama ni Alexus, pero binalot na ako ng takot. Tinutukso ako ng mga alaala ng mga sandali ng kaligayahan na magkasama kaming dalawa—ang mga pagngiti, ang mga tawa, ang mga pangako. Lahat ng iyon, parang mga bula na mabilis na pumutok. Hindi ko kayang ipaliwanag sa kanya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na ang ama ko, na aking iniidolo at inaalagaan, ay siya palang may kagagawan ng lahat ng ito. Paano ko ipaliwanag na ang isang taong akala ko’y magmamahal sa akin ng walang kapantay ay nagdala ng hindi maipaliwanag na sakit kay Alexus? Tumayo si Alexus at lumuhod sa harapan ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “Luna, please tell me – that you’re lying. Hindi ka nagloko sa akin. Ako ang ama ng batang nasa sinapupunan mo,” pagmamakaawa ni Alexus. Umiling-iling ako. “Hindi ako nagsisinungaling, Alexus. Totoo lahat ng mga sinabi ko. I cheated on you and got pregnant with the stranger…” Sinuntok ni Alexus ang sahig. “That’s not true, Luna,” matigas niyang sabi. Ang mga mata ni Alexus ay puno ng galit—at may dahilan siya. Dapat lang. Nagsisimula nang mangilid ang kaniyang luha sa mga mata niya. “Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,” sabi ko nang mahina, ang tinig ko ay basag na parang isang pira-pirasong salamin. “Hindi ko kayang tanggapin ang nangyari, Alexus. Hindi ko kayang tanggapin… ang lahat ng ito – na nabuntis ako ng ibang lalaki.” Ang huling titig ni Alexus sa akin ay matalim, puno ng hindi pagkakaunawaan at galit. “Hindi ko alam kung ano pa ang kulang sa akin. Binigay ko sa iyo ang lahat. Minahal kita ng sobra. Mas mahal pa kita kaysa sa sarili ko. Binago ko ang sarili ko simula nang makilala kita. Lahat ng mga pangarap ko ay kasama ka, pero bakit mo ito nagawa sa akin, Luna? Bakit mo ako niloko?” Ngumisi ako at inalis ang kaniyang kamay na nakahawak sa kamay ko. “Ginamit lang kita, Alexus. Hindi kita minahal. It’s just a dare with my friends. Hindi ako magpapagalaw sa ibang lalaki kung minahal din kita ng totoo.” Nilakasan ko ang aking loob na masabi sa kaniya lahat-lahat ng mga masasakit na salita upang tuluyan niya na akong layuan. “Kahit anong gawin mo, hindi kita kayang mahalin, Alexus . Kahit magmakaawa ka pa sa harapan ko, hinding-hindi na ako babalik sa ‘yo. Kalimutan mo na lang ako. Diring-diri na ako sa sarili ko kaya naisip ko na sabihin sa ‘yo ang totoo.” Napasinghap ako. “Hindi kita minahal at ibang lalaki ang ng batang dinadala ko. Kalimutan mo na lang ako, Alexus. Hindi ako ang babaeng para sa iyo.”Luna’s POVFive years later… Ang lambot ng upuan sa crew station ay halos hindi ko na maramdaman. Sa kabila ng pagod mula sa biyahe, ang puso ko ay puno ng pananabik. Sa bawat segundo ng pagbaba ng eroplano, parang mas umiikli ang distansya ko sa anak ko. “Cabin crew, prepare for landing,” sabi ng captain mula sa cockpit. Tumayo ako, sinigurong nakasarado ang overhead bins at nakaayos ang mga pasahero. Lahat ay tila abala sa kani-kaniyang ginagawa, ngunit ang utak ko ay nakatuon lang sa iisang bagay—ang yakapin si Bella. Nilingon ko ang bintana. Ang mga ilaw ng lungsod sa gabi ay parang alahas na nakahiga sa kadiliman. Malapit na talaga. Naramdaman ko ang bahagyang pag-iling ng eroplano habang bumaba ito nang tuluyan. “Ma’am, are we almost there?” tanong ng isang pasaherong nanay na may dalang sanggol. Ngumiti ako sa kaniya, ang ngiting puno ng sariling pangungulila. “Yes, Ma’am. Just a few more minutes,” sagot ko. Sana nga ganito rin kabilis ang lahat—ilang minuto na
Luna’s POVHinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Bella habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng mga taxi. Nakasunod naman sa amin si Yaya Ana.“Luna!” Napatingin ako sa paligid nang marinig ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Brielle – ang kapatid ni Alexus, na tumatakbo palapit sa amin. Kasama niya ang kaniyang asawang si Kuya Mark. Niyakap niya ako kaya bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. “It’s been awhile. How are you?” Bumaba ang paningin niya sa batang kasama ko. “Ito na ba ang anak mo?” Tumango ako at tinago ang si Bella sa aking likod. “Yes, Ate Brielle.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nahihiya ako dahil hindi naging maayos ang hiwalayan namin ni Alexus noon. Pinasadahan niya ako ng tingin. “Flight Attendant ka na rin ba?” tanong ni Ate Brielle. Tumango ako. “Kakasimula ko lang po noong isang buwan,” sagot niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng aking anak. “Si Bella nga pala. Anak ko,” pagpapakilala ko.
Luna’s POVHuminga ako nang malalim bago pihitin ang seradura ng pintuan. Pakiramdam ko, bawat hakbang ko papasok sa silid ng ospital ay may nakapatong na mabigat na timbang. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto, ang malamig na hangin mula sa aircon ang unang bumati sa akin, kasunod ang tunog ng makina na mino-monitor ang tibok ng puso ni Bella. Naroon siya, nakahiga sa puting kama, napapaligiran ng mga tubo at wire na nakakabit sa maliit niyang katawan. Napakaliit niya para sa kama, parang napaka-fragile. Pero kahit ganoon, mahimbing ang tulog niya. Parang wala siyang iniinda, habang ako, parang nagugunaw ang mundo. Dahan-dahan akong lumapit, ang mga paa ko ay parang tumitimbang ng tonelada. Naupo ako sa tabi ng kama niya, pinigilan ang panginginig ng mga kamay ko bago hinawakan ang kaniyang maliliit na daliri. “Bella…” bulong ko, kahit alam kong hindi niya ako maririnig. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha, ang payapang ekspresyon niya na para bang sinasabi niyang okay lang
Luna's POVNasa labas kami ng ospital at malamig ang simoy ng hangin, pero parang nagbabaga ang paligid dahil sa nag-aapoy na galit sa mga mata ni Alexus. “Alexus, hindi ko ginusto ang lahat ng nangyari,” mahinahon kong sabi, kahit na nanginginig na ang boses ko. “Nasaktan ka, alam ko. Pero hindi ibig sabihin—” “‘Hindi ko ginusto?’” Mabilis niyang putol sa akin, ang boses niya halos sumigaw. “Ang dali namang sabihin, Luna! Pero anong nangyari sa akin? Anong nangyari sa atin? Niloko mo ako! Niloko mo ako habang nasa ibang bansa ako! I tried to reach you out kahit niloko mo ako. Pero anong ginawa mo? You blocked me. Para akong gago na naghintay, nagtanong, nagmakaawa na bumalik ka, pero wala! Wala akong nakuha kung ‘di katahimikan!” Halos hindi ako makatingin sa kanya. Alam kong totoo ang bawat salita niya. Alam kong may karapatan siyang magalit, pero hindi ko rin kayang sabihin ang totoo. Hindi dito, hindi ngayon. “Alexus, hindi mo naiintindihan—” “Hindi naiintindihan ang alin
Luna’s POV Muli akong bumalik sa trabaho bilang flight attendant matapos siguraduhin na maayos na ang pakiramdam ni Bella. Ilang linggo rin akong nag-leave para maalagaan siya nang mabuti. Hindi madali, pero sa tuwing tinitingnan ko ang maaliwalas niyang mukha, nararamdaman kong sulit lahat ng sakripisyo. Ngayong bumalik na ako sa trabaho, ramdam ko ang kakaibang saya. Habang naglalakad sa terminal suot ang uniporme ko, naramdaman kong muli ang saya ng pagiging bahagi ng mundong ito—ang saya ng paglipad, ang pakiramdam na para bang saglit mong nakakalimutan ang bigat ng buhay habang nasa taas ng ulap. Pagsakay ko sa eroplano, sinalubong ako ng mga kasamahan kong matagal ko nang hindi nakita. “Luna! Welcome back!” bati ng isa kong kasamahan, si Claire, sabay yakap sa akin. “Na-miss ko kayo,” sagot ko, sabay ngiti. Pakiramdam ko, nasa tamang lugar na ulit ako. Habang naghahanda kami para sa boarding, tiningnan ko ang sarili ko sa maliit na salamin na nakasabit sa galley. Ipinan
Luna’s POV Pagkatapos ng mahabang biyahe, halos hindi ko maayos ang paghinga ko. Pakiramdam ko, natapos ang flight na halos wala ako sa sarili ko. Ang bawat salitang binitiwan ni Alexus sa cockpit kanina ay paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko. “Mag-resign ka.” Ramdam ko pa rin ang malamig na bigat ng mga salita niya, parang direktang pinunit ang bawat piraso ng dignidad ko. Bakit ganoon ang trato niya sa akin? Oo, iniwan ko siya. Oo, nasaktan ko siya. Pero ganoon ba talaga ako kasama sa paningin niya para sabihin na hindi ako karapat-dapat sa trabahong ito? Hindi niya ba naiisip kung gaano kahirap para sa akin na bumangon pagkatapos ng lahat ng nangyari noon? Hindi niya ba naiintindihan na may mga dahilan akong hindi ko kayang ipaliwanag? Nang makarating kami sa Los Angeles, pakiramdam ko ay mas malayo ako sa sarili ko kaysa sa bansang kinaroroonan namin. Paglabas ko sa eroplano, nagmamadali akong naglakad papunta sa terminal, gustong makahanap ng tahimik na sulok para ma
Luna’s POV Pagkatapos ng masalimuot naming pag-uusap sa Los Angeles, nagpatuloy ang trabaho ko nang parang wala akong kinikimkim na emosyon. Isa itong pagtatangka na panatilihin ang propesyonalismo, pero sa loob ko, nagngangalit ang damdamin ko—halo-halo: lungkot, galit, at isang damdaming hindi ko kayang itanggi—ang tuwang nararamdaman ko tuwing nasa paligid si Alexus, kahit pa galit siya sa akin. Ang flight namin patungong Mexico ay puno ng mga pasaherong masigla, karamihan ay pawang mga turista na excited sa kanilang bakasyon. Ginawa ko ang lahat ng makakaya upang mag-focus sa trabaho. Ngumiti ako sa mga pasahero, nag-alok ng pagkain at inumin, at sumagot ng may maayos na tono. Ngunit sa bawat saglit na tahimik ako, ang presensya ni Alexus ay parang anino na bumabalot sa akin. Sa gitna ng flight, tumunog ang intercom. “This is your captain speaking. We are now cruising at 35,000 feet. Sit back, relax, and enjoy the flight to Mexico.” Ramdam ko ang pamilyar na lamig sa boses
Luna's POV Nakatayo si Alexus, ang mga mata niya ay diretso nakatingin sa akin, puno ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. Ang malamig na hangin ay nagdala ng kakaibang tensyon sa pagitan namin. Napalunok ako at agad na ibinalik ang tingin sa dagat, pilit na hindi nagpapahalata na ang presensya niya ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko. “Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka sumabay sa mga kasama mo?” biglang tanong niya, basag ang katahimikan. Ang boses niya ay mas malumanay kaysa kanina, pero may halong diin na parang alam niya ang lahat ng iniisip ko. “Ang ganda ng view,” sagot ko, hindi nilingon ang mukha niya. “Kailangan ko lang bigyan ang oras kong magpahinga.” Narinig ko ang mabigat niyang hakbang habang papalapit siya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang na naupo siya sa batong katabi ko. Tumahimik siya, na para bang binibigyan niya ako ng pagkakataong magsalita, pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Maya-maya, siya na ang nagsalita. “How’s your daughter?”
Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c
Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da
Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi
Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong
Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd
Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k
Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg
Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa
Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon