Augustus is her sister's husband, but she desires him. Wala sa plano ni Satana ang maghubad sa harap ng asawa ng kakambal niya, lalo na ang mahulog ang loob niya rito. Sinubukan niyang iwasan si Augustus, pero paano kung ayaw na siyang pakawalan ng lalaki? Paano kung siya ang piliin nito kaysa sa sarili nitong asawa? Nakahanda ba siyang traydurin ang sariling kapatid para sa lalaking umaangkin sa puso't katawan niya?
View MoreAndi's POVNAKATUTOK ang paningin ko sa mga puting bulaklak na hawak ko sa aking mga kamay. Nasa loob ako ng bridal car at naghihintay ng tamang oras para lumabas.I turned my head to the church in front of me. Malaki at luma na ang simbahan, pero saksi ito sa napakaraming kasal na nagdaan. Sa loob no'n ay nakatayo at naghihintay sa harap ng altar si Ares. Ang aking groom, ang lalaking hindi ko mahal.Siguro maraming tao ang tatawa kapag sinabi ko na hindi ko mahal ang lalaking nasa loob ng simbahan na iyan, pero pinili ko siya kaysa sa taong mahal ko na limampung ulit na tumawag sa akin kagabi para pigilan ako sa kasal. Tatanggapin ko ang lahat ng pangungutya nila, dahil kung ako man ang nasa kanilang kalagayan... iyon din ang gagawin ko.Huminga ako nang malalim bago umibis ng bridal car at marahan na naglakad papunta sa lumang pinto ng simbahan. Nababalot iyon ng mga puting bulaklak. Maging ang buong loob ng simbahan ay punong-puno ng bulaklak, white lamp, butterflies, at marami pa
Andi's POVIBINABA ko ang tawag matapos kaming senyasan ng private nurse ni Mommy na handa na ito. Si Ares ang kausap ko at nagbigay lang ako ng update sa kaniya na nandito na kami ni Sven sa hacienda. He wanted to come, but after I told him about everything, he respected my decision to go here with Sven.Nilingon ko si Sven sa tabi ko at tinanguan ito. Sabay kaming pumasok sa silid ni Mommy. Nakasandal siya sa headboard ng kama, malamlam ang mga mata na nakatingin sa amin. Magkatabi kaming naupo sa sofa na malapit sa kama nito."I hope you're doing well," Sven started. "I'm sorry to come here without notice, but I want to know what happened. Why did you do it? Why did you... killed my child?"Napatingin ako kay Sven nang mag-crack ang boses niya. I can see how his face turned red. Hinfi ko alam kung dahil sa galit o sa matinding emosyon."Is it because you hate me so much? You killed your own grandchild because you don't like me? Because I wasn't rich back then?"Napalunok ako. Ramda
Andi's POV"Andi?!" narinig kong gulat na sambit ni Melody sa pangalan ko.Hindi ko siya binigyan ng pansin at itinuon lang ang paningin ko sa babaeng tinatawag niyang Pauline. Now I remember it, she told me her name back then. Nagmamalaki niyang sinabi kung sino siya at kung ano siya ni Sven noon."Kasinungalingan lang pala ang lahat? All this time, I thought Sven cheated on me."Napaatras si Pauline nang marinig ang sinabi ko. Kabadong nilingon nito si Melody.Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko. "Magkasabwat kayo?""Hindi! Mali ka nang narinig, Andi—""Huwag ka nang magsinungaling, Melody! Narinig ko na ang lahat! Buking ka na!""Tanga! Mali ka nga ng pagkaintindi! At saka, bakit nandito ka pa? Sinong may sabi sa iyo na puwede kang pumasok? Pamamahay ko ito!"Tumango ako. Hindi makapaniwala na pagkatapos niya kaming sirain ni Sven, may kapal pa siya ng mukhang magmatapang sa akin."Inggitera!" bulyaw ko na ikinatigil nito. "Noon pa man, inggit ka na sa akin. Hindi ka na nakuntento
Andi's POVKALALABAS ko lang mula sa shower at kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ko gamit ang towel. Napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng sidetable. Kanina pa iyon ring nang ring pero hindi ko pinapansin.Sigurado ako na kung hindi si Sven ang tumatawag, si Melody ito. I don't know why she keeps on calling me. I told her I'm not seeing Sven anymore, but she doesn't seem to believe me.Matapos kong makapagpalit ng damit na pantulog, nakatanggap na naman ako ng tawag. But this time, it wasn't from Sven or Melody. Galing sa guard sa baba. Sinagot ko ang tawag at nagtaka sa narinig."May babaeng naghahanap sa inyo dito sa baba, ma'am.""Bakit hindi mo pinaakyat?""E, lasing na lasing ho. Nagwawala."Nalukot ang noo ko sa narinig. Mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nito. "Is that Melody? I mean, iyong babaeng kasama ko dati?""Opo."Bumuntonghininga ako at napailing. "Sandali, lasing siya?""Oo, ma'am. Lasing na lasing."Ibinaba ko agad ang tawag at nagmamadal
Andi's POVNARAMDAMAN ko ang dalawang maskulado at mabalahibong braso na yumakap sa akin mula sa likuran. Ares sniffed my neck before giving me small kisses on my cheeks."Everything is ready."Bumuntonghininga ako bago pilit na ngumiti. "Okay.""Bakit parang hindi ka yata masaya? Are you still thinking about him?""Ares, pagod lang ako.""Oh, really?" Nag-iba ang tono ng boses niya kaya nilingon ko ito."Ikakasal na tayo, di ba?"Mataman niya akong tinitigan gamit ang seryosong mga mata. "Ikakasal ka nga sa akin, ibang lalaki naman ang iniisip mo."Umikot ang mga mata ko. Babalik sana ako sa desk ko pero mahigpit niya akong pinigilan sa braso."Let go of me, Ares. Masakit.""Umamin ka nga sa akin, Andi. Are you still in love with you ex-husband?"Mariin akong lumunok. Naalala ko ang nangyari kahapon, kung paano ko inamin sa sarili ko na mahal ko pa rin si Sven, only to discover that Melody is pregnant with his child."Hindi na."Nginisian niya ako. "And what about me? Do you love me?
Sven's POVHINDI ako mapakali habang paulit-ulit na tinatawagan ang numero ni Andi. Nang mawalan ng malay si Melody, wala akong magawa kundi dalhin ito sa loob ng bahay ko. Pero pagbalik ko, wala na si Andi sa kitchen. Wala na rin ang mga damit niya."Hiwalayan mo siya, please."Natigilan ako nang marinig ang mahina at malungkot na boses ni Melody. Tiningnan ko ito at labis na awa ang naramdaman ko.I know I'm such a jerk for using her. And if I could only take her pain away, I would do it. Pero ang masaktan siya ang kapalit ng katuparan ng pangarap kong muling makasama si Andi. Mahirap man sa loob ko, wala akong magagawa para sa kaniya."Sven, nagmamakaawa ako."I put my phone away and walked slowly to the couch where she was sitting. Umaagos ang luha sa mga pisngi niya habang nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa akin.I took her hand and gently squeezed it. "I can't, Melody.""Why not? Why?""I love her so much."Mariin siyang pumikit. "Hindi ba puwedeng ako na lang? Ako na lang
Andi's POVNATIGILAN ako nang tuluyan humarap sa akin si Sven at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Kitang-kita ang kalituhan sa mga mata niya. Bakit parang totoo? Bakit parang wala talaga siyang alam?"Hindi ko maalala ang pangalan niya, pero sinabi niya sa akin na girlfriend mo siya.""What? No, that's not true. Mag-isa ko lang noon, Andi. Wala akong kasamang ibang tao nang umalis ka at bumalik sa inyo."Napatayo na ako sa puntong iyon. "I saw her kissing you! I talked to her! Sinagot-sagot niya ako at matapang niyang ipinamukha sa akin na niloloko mo lang ako!"Paulit-ulit na umiling si Sven. Napatayo na rin siya. "Wala akong iba, Andi. Ikaw lang ang babae sa buhay ko no'n.""You're lying!""No. Andi. Maniwala ka, inaamin ko, nagsinungaling ako, pero wala akong ibang babaeng minahal, ikaw lang. Mula noon hanggang ngayon, Andi, ikaw lang."Muling umagos ang masaganang luha sa magkabila kong pisngi."Then who is that woman? Sino ang babaeng nakayakap sa iyo noong gabing iyon? Sino
Andi's POVSven stared at my face for a long time. Shock and disbelief were evident in his eyes. Nagbaba ako ng paningin dahil kahit namumuhi ako kina Mommy, nahihiya rin ako sa ginawa nila."Andi, ang ibig mong sabihin... "Malungkot ko siyang tinanguan.Mariin niyang ipinikit ang mga mata pagkatapos ihampas ang kamao sa ibabaw ng mesa. "Fuck! All this time, akala ko, nagpa-abort ka dahil sa akin.""Kaya umalis ako noon sa amin. Hindi ko sila kayang patawarin, at hindi ko rin kayang patawarin ang sarili ko. Wala akong nagawa para sa anak ko. Wala akong nagawa."Tumingin siya sa akin, maagap akong hinila sa baywang para yakapin. "It's not your fault, wala kang kasalanan, Andi. Ako, kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko ginawa iyon... kung hindi kita—""Bakit ka nagsinungaling?"Napakalas siya ng yakap sa akin nang itanong ko iyon. Pulang-pula ang mga mata niya."Talaga bang... pinakasalan mo lang ako para sa pera? Para sa yaman ng mga magulang ko? I want to know the truth, Sven. Pleas
Andi's POVLUMABAS ako mula sa cafe shop kung saan kami nag-usap ni Hayate. Nangingilid ang luha sa mga mata ko, kung saan-saan ko ibinabaling ang ulo ko dahil hindi ko alam kung saan titingin, saan pupunta o maski ano ang iisipin.Natagpuan ko na lang ang sarili ko, halos kalahating oras ang nakalipas, na naglalakad sa gilid ng kalsada. Nang marating ko ang mataas na gate, sa halip na mag-doorbell, sumandal ako roon at piniling maghintay.Nandito ako sa labas ng bahay ni Sven. Dito ako dinala ng mga paa ko matapos ng mga nalaman. I wanted to talk to him, but I'm afraid. Takot ako na baka kasama niya si Melody, takot ako na malamang inaayos na nila ang relasyon nila. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, basta ang sigurado lang ako, siya ang gusto kong makita sa mga sandaling ito.Makaraan ang dalawang oras, tumigil sa tabi ang isang itim na sasakyan. Kotse iyon ni Sven. Umibis siya ng sasakyan niya, at hindi ko na inisip kung kasama ba niya si Melody o hindi. Patakbo akong lumap
Angela's POVNAG-UNAHAN sa pagbuhos ang mga luha sa pisngi ko habang pinanonood ang asawa ko at ang kabit niyang si Abby, abalang naghahalikan sa loob ng opisina niya. Nakakandong si Abby sa kaniya habang ang kamay niya ay nasa loob ng laylayan ng suot nitong dress.Naninikip ang dibdib ko habang tahimik na umiiyak sa labas. I never thought this day would come. Akala ko, nanlalamig lang talaga siya sa akin dahil sa trabaho, dahil busy siya, hindi ko naisip na niloloko niya na pala ako.And with Abby pa. She was my friend. How can they do this to me?Napasandal ako sa pinto habang nakahawak sa tapat ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa labis na pagluha."Love, mag-hotel na tayo. I missed you kaya.""I still have to finish signing these documents, Abby.""Ahh... pero ilang araw kang na'kay Angela. It's unfair."I heard Augustus chuckled. "Dalawang araw lang iyon. It was her mom's birthday.""But love, pagbigyan mo na ako, please? Malapit na ang anniversary natin."Natig...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments