Augustus' POVMALAKAS kong ibinato ang panulat na gamit ko sa pagpirma ng mga dokumentong sumasakop sa buong lamesa. I'm in my office right now, trying so hard to finish everything, but I just couldn't concentrate.Ilang araw na ang nagdaan mula nang makabalik ako galing sa business trip, ilang araw na rin mula nang magkasagutan kami ni Angela. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa babaeng iyon. Ibang-iba na siya.Ang dating iyakin, mahina at baduy manamit, ngayon ay palaban at naging palasagot pa sa akin. And her clothes, damn it, bawat araw ay paiksi nang paiksi ang damit niya. I'm not use of her wearing those kind of revealing clothes. Parang kinulang sa tela."Hell."Napamura ako nang maalala na ganoon naman talaga ang tipo ko sa mga babae. Maiksi kung manamit. Kung si Abby nga ay halos kita na ang kaluluwa sa tuwing magkasama kami. Mas kaunti ang tela na suot niya, mas natutuwa pa ako. Pero bakit pagdating kay Angela, umiinit ang ulo ko?"Hindi lang siguro ako sanay," nasabi ko
Last Updated : 2024-11-07 Read more