Share

Chapter 2

Satana's POV

MATAGAL akong nakaupo sa balkonahe ng kuwarto ko habang hawak ang cellphone at nakatapat sa aking tainga. Kanina ko pa pinakikinggan ang bawat pagreklamo at pagtangis ng kakambal ko tungkol sa asawa niya.

"Will you stop crying, Angela? Ikaw na nga ang niloko, iiyak ka pa? You're really giving him the satisfaction of seeing you suffer!"

Mahigpit na kumuyom ang mga kamay ko. I can feel the pain and misery of my twin from her voice. Ang bawat iyak, bawat salitang lumalabas sa bibig, masakit. Masakit din para sa akin.

Kambal kami ni Angela pero nauna akong pinanganak nang ilang segundo kaya itinuturing niya akong ate. I love her so much and I hate seeing her cry or in pain.

"What should I do, Ana? H-hindi ko kayang mawala ka."

"Are you out of your fucking mind? You should be in court right now! Applying for a divorce!"

"No... I can't. I love him. I love Augustus."

"Tanga ka!" malutong kong mura.

Mahal na mahal ko siya pero hindi ko maiwasang mainis kung minsan. She is so weak but kindhearted. You can be kind but you need not to be weak, kung hindi ay aabusuhin ka ng tao. Katulad ng ginagawa ng pulpol niyang asawa.

Matagal akong nanatiling tahimik habang pinakikinggan na naman ang kaniyang mga pag-iyak. Hanggang sa isang plano ang nabuo sa isipan ko.

I smirked. "Angela, I have a plan."

Tumigil siya sa pag-iyak pero panay singhot pa rin. Nahihirapan din itong magsalita.

"P-plan?"

"Want to teach your husband a lesson? A taste of his own medicine?" Kinuha ko ang apple juice sa ibabaw ng mesang kaharap ko at ininom ito.

"H-how?"

"Leave it to me."

Makalipas lang ang ilang oras, magkasama na kami sa isang restaurant sa may Makati. Inis na inis ako nang makita ang pamamaga ng gilid ng mga mata niya. Akala mo, panda na sampung taong hindi nakatulog.

Bumaba rin ang paningin ko sa kabuuan ni Angela. She's wearing a plain violet skirt na hanggang paa niya ang haba, white shirt and loose jacket. Nakapusod rin ang buhok nito na madalas niyang hairstyle noon pang hindi pa siya ikinakasal. Hindi pa rin nagbabago.

I told her about my plan. At first, she was hesitant. "Paano kung mabuking tayo? Ayaw kong mapahamak ka. Iba magalit si Augustus."

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "Umamin ka nga sa akin, Angela, pinagbubuhatan ka ba niya ng kamay?"

"No." Agad siyang umiling. "It's just that, mainitin ang ulo niya, at ganoon ka rin. Baka magkasakitan kayo."

"Sana nga, e. Nang makatikim siya ng mag-asawang sampal."

Napangiti ito. "Satana, you've always been my savior. Thank you, pero ayaw kong mapahamak ka."

"I can take care of myself." Inabot ko ang kamay niya at ngumiti. "Ayokong sinasaktan ka ng kahit na sino. Mahal kita, Angela. Mahal na mahal ka namin. You don't deserve this."

Matagal pa siyang nag-isip bago nakabuo ng desisyon. "Okay, pumapayag na ako."

After we had an agreement, I waited for her again. Umalis siya at makalipas ang isang oras, bumalik siyang may dalang maleta.

"Where are you staying again? Ayaw mo bang umuwi sa mansion? Nami-miss ka na ng mga magulang natin."

Malungkot siyang ngumiti. "Mag-aalala lang sila sa akin."

I crossed my arms in front of my chest. "O baka nag-aalala ka na paghiwalayin kayong dalawa?"

She let out a heavy sigh. "I need to think, Satana. Hindi ko magagawa iyon kung nandito ako sa Manila."

Bago tuluyang pumasok sa taxi, binalikan niya ako para yakapin. "I'm sorry."

Nagtaka pa ako sa sinabi nito, but when I asked her about it, hindi na siya lumingon pa at tuluyang sumakay ng taxi.

***

Kumakalat na ang dilim sa paligid nang makarating ako sa mansion. I heard that this mansion was a gift from Augustus' parents for him and my sister. It was like a modern type of an old greek house.

"Good evening, ma'am! Nakabalik na pala kayo!"

Patakbong lumapit sa akin ang isang katulong na sa palagay ko, nasa 50 plus ang edad, pero mayroon itong pink na ribbon sa ulo. Napansin ko pang bumaba ang paningin niya sa suot kong damit. I'm wearing a black leather short skirt and a white blouse, inibabawan ko ito ng black leather jacket.

I smiled at him. "Good evening din sa iyo."

Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa hagdan, pero natigilan ako nang mapansin ang malaking wedding portrait na nakasabit sa pader.

Marahan akong naglakad papunta roon. Titig na titig ako sa mukha ng asawa ni Angela. I must admit, he's handsome, pero masyadong matapang ang mukha.

Ang pinagtataka ko lang, nakangiti siya rito sa wedding portrait nila. And his smile was genuine. I guess, magaling lang talaga siyang umarte.

"Manang with the pink ribbon?" tawag ko sa katulong.

Nagmamadali itong lumapit sa akin. "Ay, ma'am, Leti ho ang pangalan ko. Di ba, ma'am? Alam n'yo naman ang pangalan ko?"

"Okay, Leti with the pink ribbon, put this down, please."

"Ho? Ang wedding portrait n'yo po?"

"Yes."

"Pero bakit po, Ma'am Angela?"

Ngumisi ako habang nakatitig pa rin sa mukha ni Augustus. "Nakakasuka."

Humarap na ako sa hagdan para sana umakyat na sa silid nila, pero natigilan ako nang makarinig ng paghinto ng kotse sa labas.

Malapad akong ngumiti. "So, the devil is here."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status