Share

Chapter 5

Augustus' POV

MALAKAS kong ibinato ang panulat na gamit ko sa pagpirma ng mga dokumentong sumasakop sa buong lamesa. I'm in my office right now, trying so hard to finish everything, but I just couldn't concentrate.

Ilang araw na ang nagdaan mula nang makabalik ako galing sa business trip, ilang araw na rin mula nang magkasagutan kami ni Angela. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa babaeng iyon. Ibang-iba na siya.

Ang dating iyakin, mahina at baduy manamit, ngayon ay palaban at naging palasagot pa sa akin. And her clothes, damn it, bawat araw ay paiksi nang paiksi ang damit niya. I'm not use of her wearing those kind of revealing clothes. Parang kinulang sa tela.

"Hell."

Napamura ako nang maalala na ganoon naman talaga ang tipo ko sa mga babae. Maiksi kung manamit. Kung si Abby nga ay halos kita na ang kaluluwa sa tuwing magkasama kami. Mas kaunti ang tela na suot niya, mas natutuwa pa ako. Pero bakit pagdating kay Angela, umiinit ang ulo ko?

"Hindi lang siguro ako sanay," nasabi ko sa sarili ko.

Para siyang manang kung manamit, she has not style or sense of fashion. But now, ibang-iba na. Hindi lang basta nag-iba, her clothes were those from famous brands. I mean, where did she even get the money to buy those dresses?

Did she steal from me? Napailing ako sa naisip. No, Angela is not the type to do that. She maybe a cry-baby but that's it. Hindi niya magagawang manguha nang hindi kaniya.

Nawala na ako sa focus kaya pinili ko na lang iwan ang trabaho at lumabas. I wanted to get some fresh air, pero sa halip na gawin iyon, dinala ako ng mga paa ko sa bahay. It's lunch time, so I might as well eat before I return to office.

"Nasaan ang ma'am mo?" tanong ko sa katulong nang makapasok sa kusina.

"Ay, sir! Uuwi pala kayo, hindi kayo nagsabi. Tamang-tama po, nakahanda na ang pagkain sa dining room."

"Where's Angela?" ulit ko nang may iritasyon sa boses.

"Si Ma'am ho? Hindi pa gising, sir."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "Anong hindi pa gising? She usually wake up early. Mas maaga pa sa akin. Anong oras na?"

Napakamot ito sa ulo. "Oo nga, sir. Napansin ko nga po, tinatanghali na ng gising si Ma'am ngayon. Siguro dahil sa kaka-party niya."

Kumuyom ang mga kamao ko sa narinig. Isa pa itong pag-party-party ni Angela. Saan ba niya natutunang pumarty? She can't even sit in a room full of people, ganoon siya kamahiyain, but now? She's even partying every night!

Damn!

Ni hindi ko magawang suwayin dahil baka maibalik na naman sa akin ang mga sasabihin ko. Sino ba ang nagturo sa babaeng iyon na lumaban sa akin?

"Nandiyan na pala si Ma'am, sir!"

Inis akong lumingon sa hagdan at bigla na lang natigilan nang makita si Angela. She's wearing a black dress, her hair curled up flawlessly, her eyes sparkling with confidence. Alam kong si Angela ang babaeng tinitingnan ko ngayon, but she seemed like a stranger. A beautiful stranger.

I couldn't help but feel a pang of confusion. Lalo na nang makita niya ako pero sa halip na tumakbo papunta sa akin katulad ng lagi niyang ginagawa, para lang akong hangin na nilampasan niya.

I swallowed countless times. Bakit parang nasaktan ako nang hindi niya ako ngitian o pansinin man lang?

"Leti, what's for lunch? I'm starving!"

"Ma'am, ang favorite n'yo po, pinaupong lechong manok!"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Pumasok ako sa loob ng dining room at nakita ang nakangiting mukha ni Angela.

"Wow, Leti! Nagluto ka talaga nito, ha?"

"Ay, syempre naman, ma'am! Request n'yo, e! Matatanggihan ko ba naman kayo?"

Matagal ko siyang pinagmasdan habang tila nasasabik itong nag-slice ng nakahandang ulam at nagsimulang kumain.

"Sir, upo na rin ho kayo!" narinig kong saad ng katulong.

Tuluyan akong lumapit sa dining table at naupo sa katapat na silya ni Angela. I watched her eat while she has the wildest smile on her lips.

"Favorite mo na ulit iyan?"

Natigilan siya sa pagkain at tumingin sa akin. "Ano?"

"Akala ko ba, ayaw mo na sa lechong manok? You said your new favorite food is buttered shrimp?"

Matagal siyang natigilan bago umirap sa akin. Nakaramdam na naman ako ng matinding inis sa ginawa niya.

"What's your pake ba? Whether its buttered shrimp or pinaupong lechon, wala kang pakialam."

Ilang beses akong lumunok matapos niya akong barahin. Dammit. I wanna get angry and scold her, pero hindi ko magawa. Nahihirapan akong gawin iyon hindi tulad noon na madali lang para sa akin ang sigawan at pagalitan siya.

I tried to eat the food on my plate, but I had a hard time doing so because Angela keep getting my attention. Salubong na ang kilay ko habang pinapanood siyang ngumisi sa harap ng kaniyang cellphone.

"Sino ba iyang ka-text mo at halos mapunit na ang labi mo sa kakangiti?"

"Oh, this? It's Nathan," umiirap niyang sagot.

Halos sumabog ako sa inis nang malaman na lalaki ang ka-text niya. And he's making her smile habang wala na siyang ibang ginawa kundi irapan ako?

"Nathan?"

"My boyfriend." She gave me her sweetest smile that I haven't seen before.

At mas lalo lang akong nairita. Masaya siya habang ako ay nagdurusa sa sobrang inis? And what? Boyfriend? Fuck!

"Don't worry, he likes to keep it low. He knows I have a... " Sadya siyang tumigil sa pagsasalita at pinasadahan ako ng tingin. "Hus—eww—bund."

She made a face like she was disgusted. Tuluyan akong nawalan ng imik dahil pakiramdam ko, tinapakan ang ego ko sa mga sinasabi at pinaggagawa niya. I used to do that to her back then. Ganito pala ang pakiramdam? Gusto kong sumabog sa galit.

Bigla siyang tumayo matapos uminom ng orange juice sa baso niya. "Oh siya, aalis na ako. May usapan kaming magkikita ng boyfriend ko."

Sa muling pagkakataon, naiwan na naman akong nakatulala matapos ng mga sinabi niya. Damn it, I can't even talk back! Natutulala ako sa gulat sa pagbabago ni Angela. Is she really my wife?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status