Dahil sa pagkakasakit ng kanyang ama at pagkakalubog sa utang, napilitang magtrabaho si Nathalie sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio bilang isang kasambahay, at ang kanyang ama naman bilang isang hardinero upang mabayaran ang lahat ng ginastos ng mga ito sa hospital. Sa ikalawang pagkakataon na inatake sa puso ang kanyang ama ay kinailangan na nito ng heart bypass surgery, kaya nama nanghiram ulit siya sa mayaman na asawa ng kanyang tiyuhin ng pera na si Daphne, ngunit iba na ang hiniling na bayad nito. Iyon ay ang pagpapalit niya ng mukha at gayahin ang mukha ng kanyang pinsan. Ito ay sa kadahilanang nais nang mapapangasawa ni Andrea na si Caleb Lopez na masiguradong malinis ito bago sila ikasal. Hiniling ng bilyonaryo na may mangyari muna sa kanila bago ang kasal. At dahil marami nang nagdaang lalake sa buhay ni Andrea, siguradong tatanggi si Caleb na pakasalan siya kapag nalaman na Hindi na ito malinis. Wala nang nagawa si Nathalie nang isang gabi ay bigla na lamang may sumira sa kanyang mukha kaya naman napilitan siyang sumailalim sa plastic surgery upang maging kamukha ng kanyang pinsan na si Andrea. Papayag ba siyang makipagniig sa lalakeng nakatakdang pakasalan ng kanyang pinsan? Paano kung siya ang alukin nito ng kasal at hindi ang tunay nitong kasintahan? Bilang paghihiganti sa mga nanakit sa kanila ng kanyang ama, pumayag siyang magpakasal sa bilyonaryong si Caleb Lopez.
もっと見る"Hoy, Nathalie!" sigaw naman ng isa pang babae dito. "Ang bait ng pamilya ng pinsan mo sa'yo! Pinatuloy ka nila sa bahay nila at pinag-aral pa, tapos ito lang ang igaganti mo? Tignan mo nga 'yang suot mo. Binilhan ka pa ng mga branded na damit. Mas mabuti siguro kung ibalik mo na lang 'yung dati mong mukha at umalis ka na sa kanila. Hindi ka ba nahihiya na kinokopya mo ang lahat nang meron si Andrea?"Hindi sila pinansin ni Andrea, at nagpatuloy na lumapit sa kanila habang nakatitig ito kay Caleb. Pero ni hindi man lamang siya tinapunan ng tingin ng binata."Tignan mo. Bakit ganyan siya makatingin sa boyfriend ng pinsan niya? Parang nang-aakit." bulong ng isa pang babae, at alam ni Nathalie na dinig iyon ni Andrea at ng ibang tao doon."What are you doing here?" tanong dito ni Caleb nang makalapit siya, at halos manlumo siya sa malamig na tono ng kasintahan. "Di ba dapat nasa school ka pa ngayon at nag-aaral?"Kinagat ni Andrea ang pang-ibabang labi bago pailalim at matalim na tinigna
Mabilis ang mga kilos na nagsuot ng sapatos si Nathalie. Habang wala si Caleb ay pupuslit siya. Dadalawin niya si Jasmine at titignan niya kung tinupad nga ng kanyang tiyuhin ang nakasulat sa papel. Magaling lang ito sa salita, pero hindi ito tumutupad sa usapan.Akala siguro ng tiyuhin niya ay mababasa ni Caleb ang sulat nito sa kanya kaya nagpapagood shot na naman ito. Itinapon na niya sa basurahan ang sulat nito noong nakaraang araw at baka mabasa pa ito ng binata. Inayos niya ng dress at tumayo mula sa kama. Sana lang ay mamaya pa ang balik ng binata sa kuwarto niya. Hindi kasi siya makagalaw kapag nandito ang binata. Halos lahat ng galaw niya ay bantay na bantay nito. Ginagawa siyang parang bata. Dito na rin halos ito nagtatrabaho dahi lagi itong may bitbit na laptop. Kung tutuusin nga ay dapat noong isang araw pa siya nakalabas dahil hilom na halos lahat ng sugat niya, at nagfefade na rin ang mga marka sa balat niya.Mabuti na lamang at naisipang magdala ni Caleb ng make-up ka
Ilang araw ding nag-stay si Nathalie sa hospital. Pero pagkagising niya isang araw ay sobrang sakit pa rin ng buong katawan niya. Mukhang nawala na ang epekto ng gamot na isinaksak sa kanya at wala na rin ang tube na nakakabit sa likod ng kamay niya pero medyo okay na ang pakiramdam niya. Hindi kagaya noong mga nakaraang araw na pati ang paghinga ay masakit dahil bawat paglanghap niya ng hangin ay kumikirot ang mga sugat niya.Dahan-dahan siyang bumangon at saka nagtungo sa banyo. Doon ay naghubad siya ng damit, at ngayon lang niya napagmasdan ang buong katawan niya sa salamin. Nanlumo at napasinghap siya sa nakita sa repleksiyon niya. Halos matumba siya nang mapagmasdan ang kanyang hitsura. Mabuti na lamang at nakakapit siya sa lababo at naibalance niya ang katawan niya kaya hindi siya natumba.Punong-puno ng pasa ang buong katawan niya. Ang mga bakat ng latigo ng tiyuhin niya ay nagmarka sa balat niya, sa mga braso, at sa likod niya. Kahit naghilom na ang mga tahi ay bakas pa rin an
"Okay ka na ba, Nathalie?" tanong ni Andrea sa kanya kaya napilitan siyang tumingin dito. "Masakit pa ba ang mga sugat mo? Pwede tayong kumuha ng ibang doctor kung gusto mo.""Huwag kang mag-alala, Andeng. Hindi pa ako mamamatay," sagot niya dito nang may nakakalokong ngiti. "Malakas pa ako, oh. Tignan mo. Hinding-hindi niyo ako mapapabagsak. Sabihin mo 'yan sa tatay mo. Lalabanan ko kayo, kaya huwag ka munang magpakasaya."Nagulat ito sa sagot niya, at parang naiiyak na ikinurap-kurap nito ang mga mata na parang iiyak. Pinaikot niya ang mata dahil sa kaartehan nito."Ano bang sinasabi mo? Walang may gusto nitong nangyari sa'yo. Huwag mo namang isipin na masaya ako sa ginawa sa'yo ni daddy, at saka nagsisisi na siya sa pananakit niya sa'yo," sabi nito at umupo pa talaga sa tabi niya. Mabilis niyang itinago ang mga kamay sa ilalim ng kumot at baka hawakan nito ang mga iyon bilang pandagdag sa drama nito. "Sabi niya, mahal ka daw niya bilang isang anak kaya dinidisiplina ka niya. Ayaw k
"Nasaan ako?" narinig ni Caleb na sambit ni Nathalie habang nakaupo siya sa sofa at paulit-ulit na pinapanood ang surveillance video sa kanyang penthouse kung saan unang may nangyari sa kanila ng dalaga.Nagising siya kaninang umaga dahil sa impit na pag-iyak ni Nathalie habang natutulog at nakayakap sa kanya. Mukhang napaginipan nito ang nangyari sa kanya kagabi.He tried his best to soothe her, softly murmuring comforting words to help her calm down. Once she finally stopped crying and went back to sleep again, he gave her a gentle kiss on the lips before getting up, careful not to disturb Nathalie.Kailangan pa nito nang mas mahabang pahinga kaya hinayaan niya lang muna itong matulog ulit."You're in the hospital," sagot niya at lumapit dito para alalayang umupo nang magtangka itong bumangon. Nilagyan niya ito ng unan sa likod para malambot ang sasandalan nito."Thank you," matipid na ngumiti ang dalaga at saka sumandal sa headboard.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan
Si Andrea.Iyon ang binanggit na pangalan ng lalake sa video na ang pangalan ay Travis. Andrea Mondragon daw ang pangalan ng babaeng nakaniig nito at kinuhanan niya ng video habang magkasiping sila. Pero matagal na daw nangyari iyon. Ipinost lang daw nito ang video dahil sa sobrang galit niya dito. Ayaw na daw makipagkita sa kanya ng dalaga dahil ikakasal na ito.Dahil sa nalaman ay lalong lumalim ang poot na nararamdaman ni Caleb sa pamilya ni Andrea. Ginagamit lamang siya ng mga ito. Ginawang tanga. Pinaniwala sa mga kasinungalingan na sila din ang may gawa.Lalo pang nagngitngit ang kanyang kalooban nang maisipan niyang icheck ang cctv sa hallway ng kanyang penthouse noong gabing may mangyari sa kanila ni Andrea. O si Andrea nga ba talaga ang nakasiping niya dahil sabi nga ni Travis ay matagal na ang videong iyon. So ibig sabihin lang nito na hindi na virgin si Andrea.At doon nga ay nakita niyang pumasok ang isang babaeng naka-yellow dress sa loob ng kanyang kuwarto, saktong alas-d
"What the fuck are you doing to her?" dumadagundong ang boses ni Caleb nang magsalita. Halos umuga ang kuwarto sa lakas ng boses nito."C-Caleb, iho," mabilis na nakalapit si Daphne dito na nawalan ng kulay ang mukha nang makitang dumating ang anak ng asawa at ang kasintahan nito. "Wala ito, problemang pampamilya lang ito. Wala kang dapat ipag-alala." Sinubukan nitong hawakan ang kamay ng binata,pero umiwas ito at tinignan lang siya ng masama. Parang namang isang papel na tumiklop ang ginang at napaatras palayo sa binata.Hindi naman malaman ni Nathalie kung paanong galaw ang gagawin niya dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Sa bawat latay ng latigo ng kanyang tiyuhin sa kanyang katawan ay halos hilingin na lamang niya na sana ay mawala na lang siya sa mundong ibabaw para makasama ang tatay niya kung saan man ito naroroon."Caleb, anak," narinig niya ang boses ng kanyang tiyuhin na parang isang maamong tupa na ikinaismid niya. Ang mukha nito ay singputi ng papel sa pagkaputla
"Anong nangyayari dito?" nagulat ang lahat sa biglang pagpasok ni Daphne kasabay ng malakas na pagsigaw nito. "Nathalie,anong ginagawa mo sa uncle mo? Hindi mo ba nakikita na may pinag-uusapan silang importante? Ganyan ka na ba kabastos ngayon? Igalang mo naman ang mga bisita namin! Wala ka talagng pinag-aralan!"Pairap na tinignan niya lamang ito. Ang mga bisita nito nagsimulang magbulungan sa kanyang likuran ay tinignan siya nang may pang-uuyam."Umalis ka muna, please. Importante itong pinag-uusapan nila. Tungkol ito sa eleksiyon! Kapag hindi nanalo si Anthony, ikaw ang may kasalanan!" mahigpit na hinawakan siya nito sa braso, at akmang hihilahin palabas ng study room, pero iwinaksi lamang niya ito."Huwag mo akong papalayasin dahil mas importante itong sinasabi ko sa asawa mo!" ganting sigaw din niya dito, bago muling hinarap ang kanyang tiyuhin, na namumula na ngayon sa pagkapahiya dahil sa inaasal niya."Pasensiya na kayo mga amigo at amiga," napapatawang saad ng kanyang tiyuhin
Mag-aalas kuwatro na nakarating si Nathalie sa Maynila, at mula sa terminal ng bus ay pumara siya ng taxi at agad na dumiretso sa St. Luke's Medical Center kung saan naka-confine si Jasmine, ayon na rin sa text sa kanya ni Minho. Wala na siyang time magpahinga. Kailangan na agad niyang makita ang kaibigan.Nanginginig ang kanyang mga kamay pagsakay niya ng taxi, at tahimik na nanalangin na sana ay nasa mabuting kalagayan si Jasmine. Pagkahinto ng taxi sa harap ng hospital agad niya itong binayaran at hindi na kinuha pa ang sukli. Nagmamadali siyang bumaba at halos patakbong tinungo ang information desk."Miss, itatanong ko lang sana kung anong room number ng kaibigan kong si Jasmine dela Cruz---""Nathalie?" may biglang tumawag sa pangalan niya at nang lumingon siya ay nakita niya ang isang singkit na lalaki na nakatayo sa may hallway at papunta sa direksiyon niya. "This is me, Minho." sabi nito na itinuro pa ang sarili."Minho?" mabilis siyang lumapit dito. "Where's Jasmine? How is s
"Hindi ka pa ba tapos diyan, Andrea? Parating na ang pamilya ni Caleb!" Sigaw nang medyo galit nang si Antonio sa kanyang anak dahil hindi pa ito tapos sa pagpipinta ng mukha nito sa harap ng salamin. Hindi siya mapakali habang palakad-lakad sa loob ng kwarto ng kanyang anak. He can't help feeling nervous about the outcome of their meeting with the Lopez family.Nakatakda nilang pag-usapan ang pag-aayos ng kasal ng kanyang anak na si Andrea, at nang nag-iisang anak naman na lalake ng mga Lopez na si Caleb. Kaya naman si Andrea ay ilang ulit ding nagretouch ng kanyang make-up para maimpress ang poging binata at pumayag itong magpakasal sa kanya."Just a minute, daddy!" Andrea exclaimed, rolling her eyes at her father. "Masyado ka namang excited. Hindi pa nga natin alam kung papayag si Caleb sa arrangement na 'to!"Andrea was indeed right. Alam na ni Caleb ang tungkol dito pero wala pa itong desisyon. Ngayon pa lang nila malalaman kung papayag ba ito na magpakasal sa kanya, alang-alang s...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
コメント