Inosente at bata pa ang puso ni Solana nang mahulog siya kay Edward. Dahil dito ay pumayag siya na maikasal habang si Edward naman ay pumayag para sa kompanyang mamanahin. Ngunit sa limang taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Solana ang pagmamahal ng kanyang asawa. Mararanasan pa kaya ni Solana ang tunay na pag-ibig?
View MoreNangalahati na namin ang strawberry cake kaya tumigil na rin kami at tinago ito sa loob ng ref. Tuwang-tuwa ako dahil kahit first try pa lamang ay naging maayos naman ang resulta. “Try naman natin ang paborito mong cake next time. Aaralin ko,” sabi ko kay Keith habang nililinis ang mga ginamit namin sa pag-bake.“Sure.” Tumango siya at tumulong na rin sa paglilinis.“Ahem!” pilit na tikhim ng kung sino mang nasa likuran namin.Sabay kaming napalingon at nakita ang kasambahay na bagong ligo soot ang maikling palda at v-neck na pantaas. Kitang kita ang malulusog niyang cleavage na mukhang sinadya pa para magpapansin sa katabi ko na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa kanya.Malanding ngumiti ito kay Keith na hindi nginitian pabalik. Nang bumaling sa’kin ang kanyang tingin ay bigla itong naasiwa at natanggal ang ngiti. May inilahad ito sa kanyang palad na maliit na papel.“Pinapabigay ni Sir,” mataray niyang sabi saka ito padabog na nilapag sa mesa. “Ano ‘to?” Mukha it
Nang makarating sa bahay ay agad kong nilantakan ang leche flan. Nandito ako ngayon sa veranda habang nakatingin kay Keith na naglilinis ng kotse. Seryoso ang kanyang mukha, malayo sa nang aasar at mahilig tumawa kapag magkasama kami. Ang kanyang noo ay bahagya pang nakakunot, kunti na lang talaga ay magdidikit na sila. May galit ba siya sa kotse?Naubos ko na ang isang tub kaya kumuha naman ako ng strawberry at ‘yun naman ang nilantakan. Madami rin ang strawberry na binili niya kaya sana may pera pa siya sa bulsa, mahal pa naman ang mga ito. Lumiwanag ang aking mukha ng may maisip. Sa sobrang dami nito ay siguradong hindi ko mauubos at baka masira lang. Kaya naisip ko na mag bake ng strawberry cake. Masayang tumayo ako at lumapit kay Keith na nagulat pa sa paglapit ko.“Bakit? Mababasa ka dito ma'am,” paalala niya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Ilalabas ko na ang aking karisma at kapal ng mukha. “Sandali lang. Pwede ko bang mahiram cellphone mo? Titingin lang ako ng video kung
“Dati ka bang clown sa past life mo?” pigil tawa kong tanong sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang tainga at ang aligaga na mata, hindi matukoy kung saan nga ba ito ipupukol. Halatang nahihiya siya. Mas ginanahan tuloy akong asarin siya. “Ang effortless mo magpatawa, minsan sa joke mo minsan naman sa itsura mo. Sigurado ka bang hindi ka joker sa past life mo?” Pinakawalan ko ang aking halakhak at hinuli ang kanyang tingin. Ang kanyang kulay itim na mata ay tumitig sa akin. Ngayon na magkalapit kami ay mas lalo kong natitigan ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang aking repleksyon dito at may kung ano akong naramdaman, tila ba hinihigop ako ng kanyang mga titig. Umawang ang kanyang labi kaya bumaba ang tingin ko doon. He then licked his lower lip, making it wet. “Saan ka nakatingin, ma'am? Gusto mo ba ako halikan?”Sa isang iglap, bumaliktad ang mesa. Ako na ngayon ang namumula ang mukha at nabitag sa kanyang pang aasar.“Hindi ‘no!” agap kong depensa sa sarili.“Sus, okay la
Nagising ako dahil sa sama ng aking pakiramdam at muntikan pa ngang matumba pagkabangon. Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit kong makapasok sa banyo at sumuka. Matapos ang kalahating oras na pagpapakalma sa sarili ay napatitig ako sa salamin.Magulo ang buhok, ang nangangayayat na katawan ay halos matabunan na ng mga pasa at sugat. ‘Kaya mo yan, Solana. Magpakatatag ka para sa anak mo at sa pamilya,’ bulong ko sa sarili habang hinihimas ang aking sinapupunan. Lantang gulay akong bumaba para kumain ng agahan. Matapos ang interaksyon namin ni Keith sa garden noong isang araw ay hindi ko na siya nasilayan pa. Hindi na rin ako nagtaka dahil may mga araw talaga na pinapatawag siya ni Edward sa building.Habang pinagpapatuloy ko ang aking pagkain ay may narinig akong mga yabag papasok sa kusina. Lumundag ang aking puso sa kaba at natigil sa ere ang kamay na nagtatangkang abutin ang baso sa pag-aakalang si Edward ang papalapit.Bumaba ang aking balikat nang tumambad ang lalaking mat
Matapos niya akong gamutin ay sinamahan niya naman ako tumambay sa garden. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Edward, kung bakit hindi niya sinasama ang driver niya sa building. Hindi ko masabing good thing ‘to para sa’kin dahil hindi ko rin alam kong kaninong side talaga ang driver na’to.Kahit pa ilang beses niya na akong tinulungan, may duda pa rin ako. Still, I'm thankful that he was with me. He comforted me in some ways. Nang makaupo sa hanging chair ay saka lamang niya napansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Nakatayo siya sa harapan ko soot ang kanyang black polo shirt na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Hapit na hapit ito kumpara sa una niyang soot na black polo shirt. Bumabakat tuloy ang kanyang muscles na gustong gusto kong tingnan. Napa-iwas agad ako ng tingin at naramdaman ang pag iinit ng aking mukha. Hindi kasi ganyan kay Edward kahit pa maskulado naman siya. Kahit nagtataka ay hindi pa rin mawala ang halos magdugtong niyan
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis
Tumango lamang ako kay Keith dahil wala na rin akong lakas magsalita. Tahimik akong sumunod at muntik pang mabangga sa kanyang matigas na likod dahil sa biglaang pagtigil nito. Nilingon niya ako ngunit nasa kawalan lang ang aking tingin. Paulit-ulit na nag p-play sa aking isip ang mga nakita’t narinig na tila ba nakaukit na sa aking memorya. Hindi ko alam kung saan ako mas magugulat, ang malamang nakikipaglandian sa iba ang aking asawa o sa babaeng kalandian niya. At habang bumabalik sa aking alaala ang kaganapan sa office ay siya namang pagbadya ng aking mga luha. Kaya pala… pamilyar ang boses na narinig ko kahapon. Kaya pala iba ang gut feeling ko. “Ma’am?” Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Keith at mahinang kinakaway ang kanyang palad para agawin ang aking atensyon. “Ayos lang ba kayo, ma'am?” tanong nito sa mababa ngunit malalim na boses. Ang kanyang tingin ay tumatagos sa akin, hindi sa negatibong paraan, ngunit para niyang binabasa kung ano ang iniisip k
Imbes na sa bahay dumiretso ay pumunta ako kila mommy. Lutang akong pumasok sa loob, hindi pa rin mawala sa isip ang mga narinig. Nang makita ang aking ina ay pinilit kong ikurba ang aking mga labi upang hindi mapaghalataan.“Buntis ako, mom, 4 weeks na.” Hilaw na ngiti ang sinalubong ko sa kanya dala ang balita, pinipilit lagyan sigla ang boses. “Really? Congrats, anak.” Tuwang-tuwa siya at halos mapatalon pa sa sobrang saya. “Aww, my baby is now having her own baby.”Hinayaan ko siyang maging masaya na taliwas naman sa aking nararamdaman. Nang kumalma ay nagsalita ako.“Pwede bang dito ako matulog, mom?”“What’s wrong? You looked pale, baby. How are you feeling?” nag-aalala niyang tanong na nagpawala sa kanyang mga ngiti. Giniya niya ako paupo sa sopa at kinapa ng kanyang palad ang aking noo at leeg.“Medyo na su-suffocate lang ako sa bahay. Hindi healthy para sa'kin kaya gusto kong dumito muna.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinuon na lamang ito sa aking mga paa. Half truth n
“Wala pa ba si Edward, manang?” Nag aalala kong tanong sabay silip sa pinto. “Hindi ba siya nagsabi sa’yo kung nasaan na siya?” Balik tanong ni manang habang naghahalo ng kanyang niluluto. Umiling ako kahit hindi naman siya nakatingin sa’kin. Kasalukuyan kaming nasa kusina at pinapanood siya magluto. Matapos mag walk out ni Edward noong araw na umiyak ako ay hindi ko na mahagilap ang kanyang anino. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi sa bahay. Nakailang tawag ako ngunit hindi ko siya makontak. Honey:Don't call or text me. Nasa business trip ako for a week. Huwag kang makulit at disturbo, please lang. Napatitig ulit ako sa kanyang mensahe na 4 days ago pa. Ito yung time na umabot ng 142 na beses ang tawag ko. Mula noon ay dalawang beses na lang ako tumawag sa isang araw. Ngunit lagi akong nakaantabay sa hawak kong cellphone dahil baka bigla niyang maisipang tawagan ako pabalik. “Ang sabi niya ay isang linggo siya sa kanyang business trip, pero 1 week na mula ‘nung umalis siya
Solana“May nakakita sa asawa mo, may kasamang ibang babae sa bar!”Ito agad ang bumungad sa akin nang sagutin ko ang tawag ni Mikha na kaibigan ko. Halata sa kanyang boses ang pagpipigil ng inis. “Hayaan mo na, sa akin pa rin naman siya uuwi,” matamlay na sagot ko sa kanya. Hindi na ito bago sa akin. Madalas pumunta ang kaibigan ko sa bar kaya nakakasagap siya ng balita tungkol sa aking asawa.Narinig ko ang makina ng kotse sa labas kasunod ang pagpasok nito sa garahe. Tanda ito na dumating na ang aking asawa. Nang tingnan ko kung anong oras na ay pasado alas sais na ng umaga. Bakit ngayon lang siya?“Syempre uuwi ‘yan sayo kasi may silbi ka pa sa kanya. Hangga’t hindi pa niya tuluyang nakukuha ang mana ay uuwi talaga yan–” Alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin kaya inunahan ko na siya. “Nandito na siya, Miks. Next time na lang tayo mag usap." Bago ko pa mababa ang tawag ay narinig ko pa ang kanyang hinaing. “Kita mo na Solana, ni hindi nga umuwi kagabi. Siguro kasama n...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments