Naaninag namin ang nagtatawanang si mommy at si Edward habang papalapit. Nang magpaalam sa kanila ay pinigilan kami ni daddy.
“Mag usap muna tayo saglit." Tukoy ni daddy sa aking asawa. Naaamoy ko na seryoso ang kanilang pag uusapan kaya naman ay nagpaalam ako na mauuna na sa kotse na tinangoan nila.
Naglakad ako papunta sa garahe. Nakasara ang ilaw ng daanan kaya naman ay hindi ko masyado maaninag ang dinadaanan ko. Naisip kong kunin ang aking cellphone na nasa maliit na bag para may magamit akong flashlight ngunit bago ko pa man malabas ay may nasagi ang paa ko. Nawalan ako ng balanse at lumundag ang puso ko sa kaba nang makitang wala akong makapitan. Napapikit na lamang ako para ihanda ang aking sarili sa pagbagsak.
Isang braso ang mahigpit na pumulupot sa aking baywang dahilan para hindi ako tuluyang bumagsak. Nanuot agad sa aking ilong ang bango ng taong may hawak sa akin. Bahagya akong nakayuko paharap at nasa may tabing likod ko naman ang taong tumulong sakin dahilan para hindi ko makita kung sino. Ang isang kamay ko ay napahawak sa kanyang braso at ang isa naman ay nasa kanyang palapulsuhan.
Mahahalatang braso ito ng lalaki dahil na rin sa kanyang maskulado at matigas na braso. Nangunot ang aking noo dahil sigurado akong hindi ito ang aking asawa base na rin sa kanyang amoy.
“Ma'am, mag-iingat kayo palagi," aniya at kumalas sa akin. Saka pa lamang ako humarap at nakita kung sino. Ang driver namin.
“Uhh, salamat…” napatigil ako nang makalimutan ko ang kanyang pangalan. “Ano nga ulit ang pangalan mo?"
“Keith." Lumingon siya sa baba. Nakita kong bahagya niyang sinipa sa tabi ang malaking bato para hindi na humarang sa daan.
“Maraming salamat, Keith. Hay! Lumundag puso ko ‘dun ah!" sambit ko at napahawak pa sa aking dibdib. Ramdam ko pa rin ang bilis ng pagtibok ng aking puso.
"Walang anuman ma'am. Mabuti at malapit lang ako nang matisod ka.” Nilabas niya ang kanyang cellphone at binuksan ang flashlight nito. Iginiya niya ako papunta sa garahe.
Tahimik lamang akong naglalakad sa tabi niya. Ngayon ay naging maingat na ako kaya naman nakatingin lang ako dinadaanan ko hanggang sa makarating na nga kami. Nakayuko pa rin ako ngunit sa gilid ng mga mata ko ay kitang kita ko ang kanyang titig sa akin.
Sa akin ba talaga siya nakatitig o baka assuming lang ako?
Nagtatalo ang aking isip kung iaangat ko ba ang aking tingin para kumpirmahin ito o hayaan na lang. Nang gumalaw ang kanyang kamay ay napatingin na nga ako sa kanya. Kita ko kung paano niya pasadahan ng kamay ang kanyang itim at well-cut na buhok. Nagulat ako nang magtama ang aming mga mata. Confirmed! Sa akin nga nakatitig ang mabibigat niyang mga mata. Bigla ay napaiwas ako ng tingin at yumuko na lang ulit. Halos tumigil ako sa paghinga sa hindi malamang dahilan.
Ilang minutong katahimikan ang lumipas nang may marinig kaming yabag na papalapit. Pareho kaming napalingon at nakitang si Edward ito. Agad namang umalis sa aking tabi si Keith at hinanda na ang kotse. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Kanina ay parang biglang sumikip ang espasyo kahit dalawa lamang kami dito.
“May problema ba?” tanong ni Edward nang mahalata niya ang paghinga ko ng maluwag. Umiling agad ako sa kanya.
“W-wala,” nauutal kong sagot. Mabuti ay hindi na siya nag tanong pa at sumakay na lang sa kotse na agad ko namang sinundan.
Habang pauwi sa bahay ay hindi maalis sa aking isip ang nangyari kanina. Nakapwesto ako ngayon sa bandang kanan ng likod kaya naman nakikita ko ang mukha ni Keith pag tumitingin ako sa rearview mirror. Halos mga kalahating oras ang layo ng bahay namin sa bahay nila mommy kaya naman mahaba talaga ang byahe. Maya maya ay pasimple akong sumusulyap sa salamin sa harap para tingnan siya.
Kung iisipin ay napaka gwapo niya. May malinis na mukha, matangos na ilong at perpektong kurba ng panga. Ngunit dumidilim ang kanyang ekspresyon dahil sa kanyang makapal na kilay na halos magdugtong na sa isa't isa.
Hobby niya ba ang magkunot ng noo kahit wala naman dahilan?
Nalunod ako sa kakasuri ng kanyang mukha kaya hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni Edward. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin.
“Ano yun?" Bahagya akong humilig paharap para makalapit sa kanya.
“Ano bang iniisip mo?" naiiritang tanong niya atsaka lamang siya lumingon sa akin. Napailing ako at umayos ng upo.
Nagtagal ang tingin niya sa akin bago nagsalita. Tila ba nagdalawang isip pa siya. “Kinausap ako ng daddy mo kanina na hikayatin raw kitang magtrabaho sa kompanya.”
Naalala ko ang pinag usapan namin ni daddy kanina. Masyado siyang nag aalala sa akin kaya ginagawa niya ito ngayon.
"Okay lang, pwede naman ako magsimula bukas,” sagot ko para hindi na mag alala si daddy.
"You don't need to!" Napapitlag ako sa biglang pagtaas ng kanyang boses. Kahit siya ay nagulat rin sa sarili niya. Tumikhim muna siya bago nagsalita ulit. “I mean, hindi mo naman na kailangan, e. Nandito naman ako. Kaya kong asikasuhin ang kompanya. Doon ka na lang sa bahay.”
Matapos niyang sabihin iyon ay humarap na siya sa unahan. Ako naman ay hindi pa nga nakakabawi sa gulat ay nalulunod na sa mga isipin.
Minsan ay nararamdaman kong nasasakal na ako sa aking asawa. Palaging siya na lang ang masusunod, ni hindi niya nga ako pinagbibigyan sa mga gusto kong gawin. Nakailang beses na rin akong humingi ng permiso sa kanya ngunit ang lagi niyang sagot ay “dito ka na lang sa bahay". Pakiramdam ko tuloy ay nawawalan ako ng kalayaan para sa mga gusto kong gawin. Ngunit wala akong magawa. Hindi ako makareklamo dahil mahal ko siya. At lahat gagawin ko, lahat susundin ko para lang mahalin niya ako pabalik.
Alam kong one-sided lamang ang aming kasal. Ngunit kahit ganoon ay umaasa akong magbabago siya. Kaya ayokong bumitaw sa relasyong ito. Kahit pa nakakasakit na ng damdamin…
Maaga akong nagising kinabukasan at naabutan ang aking asawa na tahimik na nag aalmusal. Lumundag ang aking puso sa tuwa habang nanlalaki ang mga mata. Masaya ako dahil naabutan ko pa siya at makakasabay. “Honey…” Nagmadali akong bumaba at muntik pang matisod kung ‘di lang mabilis na nakakapit ang aking kanang kamay sa rehas ng hagdan. Bahagya siyang lumingon sa akin at tinuro ang katapat na upuan kaya naman kagat labi akong lumapit dito. Tahimik akong kumuha na kanin at inilagay sa aking plato gayon din siya. Walang nagsasalita sa amin at ang tanging tunog lamang ng kutsara at plato ang maririnig kaya naman nag isip ako ng pwedeng maging topic. Pinakiramdaman ko muna siya. Ang buong atensyon niya ay nasa pagkain. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan siya. Akala ko noon ay napaka cheerful niya dahil palagi siyang nakangiti at nakikipag tawanan sa ibang tao. Nauuna rin siya mag approach sa mga tao at tandang tanda ko pa kung paano siya lumapit sa amin nila mommy para makipag k
Naisipan kong magluto na lamang habang nagpapalipas oras. Ganon talaga, wala akong ibang magawa kung kaya’t sa loob ng limang taon sa bahay na’to ay napag aralan ko na ang iba’t ibang lutong bahay. Lahat pinag aralan ko para mapagluto si Edward. Mula sa mga paborito niyang ulam, mga inoorder sa restaurant at maging sa mga dessert na nakikita kong madalas niyang kainin. Ngayon, pag aaralan ko naman ang pinalevel up na kaldereta na nakita ko sa social media. Tumayo na ako at pumasok sa loob. Sakto naman ay dumating na si manang dala ang mga pinamili kaya nakapag umpisa kaagad ako. Nag focus at sinundan ko lamang ang nasa video. “Ay, ang tigas pa ng karne.” Napangiwi ako nang tikman ang niluto. Maayos naman ang naging resulta at talagang masarap nga pero matigas pa talaga ang karne. Kailangan pang palambotin ng mga 15-20 minutes. Panigurado ay magrereklamo si Edward kapag pinakain ko siya nito. Uulitin ko na lang mamaya. Bandang alas syete ng makauwi si Edward. Ganon nga ang nangyari,
“Wala pa ba si Edward, manang?” Nag aalala kong tanong sabay silip sa pinto. “Hindi ba siya nagsabi sa’yo kung nasaan na siya?” Balik tanong ni manang habang naghahalo ng kanyang niluluto. Umiling ako kahit hindi naman siya nakatingin sa’kin. Kasalukuyan kaming nasa kusina at pinapanood siya magluto. Matapos mag walk out ni Edward noong araw na umiyak ako ay hindi ko na mahagilap ang kanyang anino. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi sa bahay. Nakailang tawag ako ngunit hindi ko siya makontak. Honey:Don't call or text me. Nasa business trip ako for a week. Huwag kang makulit at disturbo, please lang. Napatitig ulit ako sa kanyang mensahe na 4 days ago pa. Ito yung time na umabot ng 142 na beses ang tawag ko. Mula noon ay dalawang beses na lang ako tumawag sa isang araw. Ngunit lagi akong nakaantabay sa hawak kong cellphone dahil baka bigla niyang maisipang tawagan ako pabalik. “Ang sabi niya ay isang linggo siya sa kanyang business trip, pero 1 week na mula ‘nung umalis siya
Imbes na sa bahay dumiretso ay pumunta ako kila mommy. Lutang akong pumasok sa loob, hindi pa rin mawala sa isip ang mga narinig. Nang makita ang aking ina ay pinilit kong ikurba ang aking mga labi upang hindi mapaghalataan.“Buntis ako, mom, 4 weeks na.” Hilaw na ngiti ang sinalubong ko sa kanya dala ang balita, pinipilit lagyan sigla ang boses. “Really? Congrats, anak.” Tuwang-tuwa siya at halos mapatalon pa sa sobrang saya. “Aww, my baby is now having her own baby.”Hinayaan ko siyang maging masaya na taliwas naman sa aking nararamdaman. Nang kumalma ay nagsalita ako.“Pwede bang dito ako matulog, mom?”“What’s wrong? You looked pale, baby. How are you feeling?” nag-aalala niyang tanong na nagpawala sa kanyang mga ngiti. Giniya niya ako paupo sa sopa at kinapa ng kanyang palad ang aking noo at leeg.“Medyo na su-suffocate lang ako sa bahay. Hindi healthy para sa'kin kaya gusto kong dumito muna.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinuon na lamang ito sa aking mga paa. Half truth n
Tumango lamang ako kay Keith dahil wala na rin akong lakas magsalita. Tahimik akong sumunod at muntik pang mabangga sa kanyang matigas na likod dahil sa biglaang pagtigil nito. Nilingon niya ako ngunit nasa kawalan lang ang aking tingin. Paulit-ulit na nag p-play sa aking isip ang mga nakita’t narinig na tila ba nakaukit na sa aking memorya. Hindi ko alam kung saan ako mas magugulat, ang malamang nakikipaglandian sa iba ang aking asawa o sa babaeng kalandian niya. At habang bumabalik sa aking alaala ang kaganapan sa office ay siya namang pagbadya ng aking mga luha. Kaya pala… pamilyar ang boses na narinig ko kahapon. Kaya pala iba ang gut feeling ko. “Ma’am?” Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Keith at mahinang kinakaway ang kanyang palad para agawin ang aking atensyon. “Ayos lang ba kayo, ma'am?” tanong nito sa mababa ngunit malalim na boses. Ang kanyang tingin ay tumatagos sa akin, hindi sa negatibong paraan, ngunit para niyang binabasa kung ano ang iniisip k
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis
Matapos niya akong gamutin ay sinamahan niya naman ako tumambay sa garden. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Edward, kung bakit hindi niya sinasama ang driver niya sa building. Hindi ko masabing good thing ‘to para sa’kin dahil hindi ko rin alam kong kaninong side talaga ang driver na’to.Kahit pa ilang beses niya na akong tinulungan, may duda pa rin ako. Still, I'm thankful that he was with me. He comforted me in some ways. Nang makaupo sa hanging chair ay saka lamang niya napansin na kanina pa ako nakatitig sa kanya. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Nakatayo siya sa harapan ko soot ang kanyang black polo shirt na bumabagay sa kanyang pangangatawan. Hapit na hapit ito kumpara sa una niyang soot na black polo shirt. Bumabakat tuloy ang kanyang muscles na gustong gusto kong tingnan. Napa-iwas agad ako ng tingin at naramdaman ang pag iinit ng aking mukha. Hindi kasi ganyan kay Edward kahit pa maskulado naman siya. Kahit nagtataka ay hindi pa rin mawala ang halos magdugtong niyan
Nagising ako dahil sa sama ng aking pakiramdam at muntikan pa ngang matumba pagkabangon. Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit kong makapasok sa banyo at sumuka. Matapos ang kalahating oras na pagpapakalma sa sarili ay napatitig ako sa salamin.Magulo ang buhok, ang nangangayayat na katawan ay halos matabunan na ng mga pasa at sugat. ‘Kaya mo yan, Solana. Magpakatatag ka para sa anak mo at sa pamilya,’ bulong ko sa sarili habang hinihimas ang aking sinapupunan. Lantang gulay akong bumaba para kumain ng agahan. Matapos ang interaksyon namin ni Keith sa garden noong isang araw ay hindi ko na siya nasilayan pa. Hindi na rin ako nagtaka dahil may mga araw talaga na pinapatawag siya ni Edward sa building.Habang pinagpapatuloy ko ang aking pagkain ay may narinig akong mga yabag papasok sa kusina. Lumundag ang aking puso sa kaba at natigil sa ere ang kamay na nagtatangkang abutin ang baso sa pag-aakalang si Edward ang papalapit.Bumaba ang aking balikat nang tumambad ang lalaking mat
Nangalahati na namin ang strawberry cake kaya tumigil na rin kami at tinago ito sa loob ng ref. Tuwang-tuwa ako dahil kahit first try pa lamang ay naging maayos naman ang resulta. “Try naman natin ang paborito mong cake next time. Aaralin ko,” sabi ko kay Keith habang nililinis ang mga ginamit namin sa pag-bake.“Sure.” Tumango siya at tumulong na rin sa paglilinis.“Ahem!” pilit na tikhim ng kung sino mang nasa likuran namin.Sabay kaming napalingon at nakita ang kasambahay na bagong ligo soot ang maikling palda at v-neck na pantaas. Kitang kita ang malulusog niyang cleavage na mukhang sinadya pa para magpapansin sa katabi ko na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin rin sa kanya.Malanding ngumiti ito kay Keith na hindi nginitian pabalik. Nang bumaling sa’kin ang kanyang tingin ay bigla itong naasiwa at natanggal ang ngiti. May inilahad ito sa kanyang palad na maliit na papel.“Pinapabigay ni Sir,” mataray niyang sabi saka ito padabog na nilapag sa mesa. “Ano ‘to?” Mukha it
Nang makarating sa bahay ay agad kong nilantakan ang leche flan. Nandito ako ngayon sa veranda habang nakatingin kay Keith na naglilinis ng kotse. Seryoso ang kanyang mukha, malayo sa nang aasar at mahilig tumawa kapag magkasama kami. Ang kanyang noo ay bahagya pang nakakunot, kunti na lang talaga ay magdidikit na sila. May galit ba siya sa kotse?Naubos ko na ang isang tub kaya kumuha naman ako ng strawberry at ‘yun naman ang nilantakan. Madami rin ang strawberry na binili niya kaya sana may pera pa siya sa bulsa, mahal pa naman ang mga ito. Lumiwanag ang aking mukha ng may maisip. Sa sobrang dami nito ay siguradong hindi ko mauubos at baka masira lang. Kaya naisip ko na mag bake ng strawberry cake. Masayang tumayo ako at lumapit kay Keith na nagulat pa sa paglapit ko.“Bakit? Mababasa ka dito ma'am,” paalala niya. Ngumiti ako sa kanya ng malawak. Ilalabas ko na ang aking karisma at kapal ng mukha. “Sandali lang. Pwede ko bang mahiram cellphone mo? Titingin lang ako ng video kung
“Dati ka bang clown sa past life mo?” pigil tawa kong tanong sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng kanyang tainga at ang aligaga na mata, hindi matukoy kung saan nga ba ito ipupukol. Halatang nahihiya siya. Mas ginanahan tuloy akong asarin siya. “Ang effortless mo magpatawa, minsan sa joke mo minsan naman sa itsura mo. Sigurado ka bang hindi ka joker sa past life mo?” Pinakawalan ko ang aking halakhak at hinuli ang kanyang tingin. Ang kanyang kulay itim na mata ay tumitig sa akin. Ngayon na magkalapit kami ay mas lalo kong natitigan ang kanyang mga mata. Nakikita ko ang aking repleksyon dito at may kung ano akong naramdaman, tila ba hinihigop ako ng kanyang mga titig. Umawang ang kanyang labi kaya bumaba ang tingin ko doon. He then licked his lower lip, making it wet. “Saan ka nakatingin, ma'am? Gusto mo ba ako halikan?”Sa isang iglap, bumaliktad ang mesa. Ako na ngayon ang namumula ang mukha at nabitag sa kanyang pang aasar.“Hindi ‘no!” agap kong depensa sa sarili.“Sus, okay la