Naisipan kong magluto na lamang habang nagpapalipas oras. Ganon talaga, wala akong ibang magawa kung kaya’t sa loob ng limang taon sa bahay na’to ay napag aralan ko na ang iba’t ibang lutong bahay. Lahat pinag aralan ko para mapagluto si Edward. Mula sa mga paborito niyang ulam, mga inoorder sa restaurant at maging sa mga dessert na nakikita kong madalas niyang kainin. Ngayon, pag aaralan ko naman ang pinalevel up na kaldereta na nakita ko sa social media.
Tumayo na ako at pumasok sa loob. Sakto naman ay dumating na si manang dala ang mga pinamili kaya nakapag umpisa kaagad ako. Nag focus at sinundan ko lamang ang nasa video.
“Ay, ang tigas pa ng karne.”
Napangiwi ako nang tikman ang niluto. Maayos naman ang naging resulta at talagang masarap nga pero matigas pa talaga ang karne. Kailangan pang palambotin ng mga 15-20 minutes. Panigurado ay magrereklamo si Edward kapag pinakain ko siya nito. Uulitin ko na lang mamaya.
Bandang alas syete ng makauwi si Edward. Ganon nga ang nangyari, inulit ko ang pagluto ng kaldereta level up version at saktong katatapos ko lamang. Inihanda ko na ang mesa at hinain ang kaldereta at kanin bago siya inaya.
“Sakto ang dating mo, pinagluto kita ng kaldereta. Mas masarap ‘to dahil pinalevel up ko.” Ngiting ngiti ako habang papalapit sa kanya para tulungan siyang hubarin ang kanyang suit. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit ay napahinto na ako. Baka ayaw niya at tabigin lang ako.
Hindi siya umimik kaya tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon. Napatingin naman siya kaya ngumiti ako ng malawak. “Nagluto ako ng paborito mo.”
“Okay, susunod na lang ako. I'll just take this call,” aniya at tinaas ang hawak na cellphone. Naglakad siya papuntang sala kaya naman bumalik ako sa kusina at doon na lamang siya hinintay.
Dumaan ang ilang minuto na hindi pa rin siya pumapasok sa kusina kaya nagtaka na ako. Sino ba kausap niya? Tumayo ako at sumilip sa pinto. Nakita ko siyang nakangisi at may kasama pang munting halakhak habang nasa kaliwang tainga ang cellphone. Nang mapadako sa akin ang kanyang tingin ay biglang naglaho ang ngisi sa kanyang labi. Winasiwas niya pa ang kanyang kamay na para bang pinapaalis ako dahil naiirita siya sa pagmumukha ko.
Labag sa loob akong bumalik sa upuan. ‘Baka importante ang usapan at ayaw niya lang ma distract? Tama, ganoon nga.’ Pakunswelo ko sa aking sarili.
Umabot ng 15 minutes bago siya pumasok sa kusina at naupo. Naroon pa rin ang ngisi sa kanyang labi. Sino ba kasi kausap niya?
“Sino kausap mo?” tanong ko. Desididong malaman kung bakit siya ngingisi ngisi.
Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. “Wala."
“Huh? Eh may kausap ka sa cellphone kanina.”
Tumaas ang kanyang kilay at hinamon ako ng tingin. “Wala. As in wala kang pakialam.”
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at umiwas ng tingin.
“Satisfied ka na? Huwag kang maraming tanong,” dagdag niya pa.
Hindi ako makapagsalita. Anong isasagot ko kung ang sagot niya ay wala namang kwenta.
Iniba ko kaagad ang topic namin kahit nahihiya na ako. “Masarap ba ang niluto ko?”
Tinuon ko sa kanya ang atensyon at pinagmasdan ang reaksyon habang tinitikman ang kaldereta. Nagsalubong ang kanyang kilay kaya kinabahan ako. Hindi ba siya nasarapan? Sigurado naman akong malambot ang karne. Still, umaasa pa rin ako na makarinig ng papuri mula sa kanya.
“Nothing new. Lasang kaldereta. Wala namang pinagkaiba sa dati mong luto.” Diretso ang kanyang pananalita habang nakapoker face.
Ang munting expectation sa kaloob-looban ko ay biglang naglaho dahil sa kanyang sinabi. Ibig sabihin ba ay hindi siya natuwa? Hindi siya nasarapan? Walang nagbago sa lasa?
“Ganon ba…” Hindi na maitago sa aking boses ang labis na lungkot at dismaya. Ano pa nga bang aasahan ko, eh, ganyan naman talaga siya dati pa. Lahat ng luto ko ay parang wala lang sa kanya. Ni hindi nga niya pinuri kahit isa o kahit magpasalamat man lang.
Sa kalagitnaan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para mapatigil kaming dalawa sa pagsubo. Mabilis niyang binaba ang kanyang kutsara at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa habang ako naman ay sinubo ito bago ibinaba ang kutsara. Nangunot ang aking noo nang makitang umangat ang sulok ng kanyang labi pagkakita sa caller.
“Sino?" Hindi ko na mapigilang itanong dala ng kuryusidad. Bakit tuwang tuwa siya?
Mula sa hawak na cellphone ay lumipat sa akin ang kanyang tingin. Biglang dumaan ang inis at irita sa kanyang mukha bago tumayo. Walang lingon siyang lumabas sa kusina habang sinasagot ang tumawag sa kanya.
Naiwan ako nakatanga. Nakatingin sa kanyang likod na papalayo. Bumigat ang aking dibdib. Ganito na lamang ba kami palagi?
Dumaan ang mga araw na ganon lagi ang eksena. Palaging may tumatawag sa kanya, kapag tinatanong ko ay ‘empleyado’ lagi ang kanyang sagot. Ayoko siyang pagdudahan pero hindi ko na maiwasang mabahala sa kanyang kinikilos. Sino ang empleyado na ‘yun?
Dahil dito ay dumalas ang aking pangungulit sa kanya tungkol sa pagtrabaho sa kompanya. Gustong gusto ko na makapunta sa office. Gusto ko na makalabas sa bahay. Nakakabagot ang ganitong sistema at feeling ko nagsasayang lang ako ng oras. Ngunit mas lalong nagagalit si Edward kapag kinukulit ko siya. Minsan ko na ring pinakiusapan si mommy na tulungan akong kumbinsihin si Edward dahil talagang ayaw niya pumayag.
“Hindi ka ba talaga nakakaintinding babae ka?” sigaw ni Edward matapos ibaba ang tawag. Kausap niya kanina si mommy at alam ko na kung saan niya hinuhugot ang inis.
Nakayuko lang ako at nakikipag titigan sa sahig. Hindi ko kayang harapin ang matalim niyang tingin. Sa peripheral vision ko ay nakita kong naihilamos niya ang kanyang palad sa mukha. Tila ba nasagad ko ang kanyang pasensya.
“Sukdulan ka siguro ng kabobohan, ano? Hindi ka makaintindi eh. Kakasabi ko lang sa’yo na hindi mo na kailangan pang magtrabaho at kaya ko naman pero talagang s****p ka pa sa ina mo? Tsk!” galit na singhal niya.
Masakit. He's unreasonable. Hindi ko na siya maintindihan. Nangilid ang aking mga luha. Ngayon, hindi ko na talaga kayang harapin siya dahil paniguradong bubuhos ito ng wala sa oras. Nang maramdaman kong umalis na siya sa harapan ko ay doon na nagsibagsakan ang aking mga luha. Tahimik akong humikbi habang nakaluhod sa tabi ng kama.
“Wala pa ba si Edward, manang?” Nag aalala kong tanong sabay silip sa pinto. “Hindi ba siya nagsabi sa’yo kung nasaan na siya?” Balik tanong ni manang habang naghahalo ng kanyang niluluto. Umiling ako kahit hindi naman siya nakatingin sa’kin. Kasalukuyan kaming nasa kusina at pinapanood siya magluto. Matapos mag walk out ni Edward noong araw na umiyak ako ay hindi ko na mahagilap ang kanyang anino. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi sa bahay. Nakailang tawag ako ngunit hindi ko siya makontak. Honey:Don't call or text me. Nasa business trip ako for a week. Huwag kang makulit at disturbo, please lang. Napatitig ulit ako sa kanyang mensahe na 4 days ago pa. Ito yung time na umabot ng 142 na beses ang tawag ko. Mula noon ay dalawang beses na lang ako tumawag sa isang araw. Ngunit lagi akong nakaantabay sa hawak kong cellphone dahil baka bigla niyang maisipang tawagan ako pabalik. “Ang sabi niya ay isang linggo siya sa kanyang business trip, pero 1 week na mula ‘nung umalis siya
Imbes na sa bahay dumiretso ay pumunta ako kila mommy. Lutang akong pumasok sa loob, hindi pa rin mawala sa isip ang mga narinig. Nang makita ang aking ina ay pinilit kong ikurba ang aking mga labi upang hindi mapaghalataan.“Buntis ako, mom, 4 weeks na.” Hilaw na ngiti ang sinalubong ko sa kanya dala ang balita, pinipilit lagyan sigla ang boses. “Really? Congrats, anak.” Tuwang-tuwa siya at halos mapatalon pa sa sobrang saya. “Aww, my baby is now having her own baby.”Hinayaan ko siyang maging masaya na taliwas naman sa aking nararamdaman. Nang kumalma ay nagsalita ako.“Pwede bang dito ako matulog, mom?”“What’s wrong? You looked pale, baby. How are you feeling?” nag-aalala niyang tanong na nagpawala sa kanyang mga ngiti. Giniya niya ako paupo sa sopa at kinapa ng kanyang palad ang aking noo at leeg.“Medyo na su-suffocate lang ako sa bahay. Hindi healthy para sa'kin kaya gusto kong dumito muna.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinuon na lamang ito sa aking mga paa. Half truth n
Tumango lamang ako kay Keith dahil wala na rin akong lakas magsalita. Tahimik akong sumunod at muntik pang mabangga sa kanyang matigas na likod dahil sa biglaang pagtigil nito. Nilingon niya ako ngunit nasa kawalan lang ang aking tingin. Paulit-ulit na nag p-play sa aking isip ang mga nakita’t narinig na tila ba nakaukit na sa aking memorya. Hindi ko alam kung saan ako mas magugulat, ang malamang nakikipaglandian sa iba ang aking asawa o sa babaeng kalandian niya. At habang bumabalik sa aking alaala ang kaganapan sa office ay siya namang pagbadya ng aking mga luha. Kaya pala… pamilyar ang boses na narinig ko kahapon. Kaya pala iba ang gut feeling ko. “Ma’am?” Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Keith at mahinang kinakaway ang kanyang palad para agawin ang aking atensyon. “Ayos lang ba kayo, ma'am?” tanong nito sa mababa ngunit malalim na boses. Ang kanyang tingin ay tumatagos sa akin, hindi sa negatibong paraan, ngunit para niyang binabasa kung ano ang iniisip k
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis
Solana“May nakakita sa asawa mo, may kasamang ibang babae sa bar!”Ito agad ang bumungad sa akin nang sagutin ko ang tawag ni Mikha na kaibigan ko. Halata sa kanyang boses ang pagpipigil ng inis. “Hayaan mo na, sa akin pa rin naman siya uuwi,” matamlay na sagot ko sa kanya. Hindi na ito bago sa akin. Madalas pumunta ang kaibigan ko sa bar kaya nakakasagap siya ng balita tungkol sa aking asawa.Narinig ko ang makina ng kotse sa labas kasunod ang pagpasok nito sa garahe. Tanda ito na dumating na ang aking asawa. Nang tingnan ko kung anong oras na ay pasado alas sais na ng umaga. Bakit ngayon lang siya?“Syempre uuwi ‘yan sayo kasi may silbi ka pa sa kanya. Hangga’t hindi pa niya tuluyang nakukuha ang mana ay uuwi talaga yan–” Alam ko na kung ano ang susunod niyang sasabihin kaya inunahan ko na siya. “Nandito na siya, Miks. Next time na lang tayo mag usap." Bago ko pa mababa ang tawag ay narinig ko pa ang kanyang hinaing. “Kita mo na Solana, ni hindi nga umuwi kagabi. Siguro kasama n
3 months ago. “Ma'am Sol, nakahanda na ho ang pagkain sa baba. Pinapababa na ho kayo ni manang Basyon.” Narinig ko ang mahina ngunit pasigaw na boses mula sa pinto ng aming kwarto. "Sige, bababa na rin ako,” mahinahon kong tugon. Nang makababa ako ay sinalubong agad ako ni manang Basyon. Si manang ay ang nag alaga sa akin mula sa pagkabata. Kasambahay namin siya sa dating bahay at nang mag asawa ako ay nilipat siya ng aking mga magulang dito para makasama ko.Nang makitang alas syete na ng gabi at wala pa rin ang aking asawa ay malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan sa dismaya. As usual, mag-isa na naman akong kakain ng hapunan. Bagama't hindi na bago sa akin ang ganitong eksena ay nadidismaya pa rin ako sa tuwing hindi ko nakakasabay sa pagkain ang aking asawa. Limang taon na kaming mag asawa ngunit bilang lamang ang mga araw na nagkasabay kami sa pagkain. Masyado siyang busy para sabayan pa akong kumain!Tila naramdaman ito ni manang kaya naman masigla niya akong inaya.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Pumasok ang ihip ng hangin sa nakabukas na bintana ng aming kwarto kaya napahinga ako ng malalim. Kinapa ko ang aking tabi ngunit napakunot lamang ang aking noo dahil wala akong matamaan. Nang tingnan ko ay totoo ngang wala na si Edward sa aking tabi. Hindi niya man lang ako ginising!Nakakalungkot lang isipin. Matapos may mangyari sa amin kagabi ay hindi man lang niya ako ginising para sabay kaming kumain ng agahan. Dahil sa pagod ng katawan ay hindi ko namalayan ang pag alis ni Edward. At kung hindi pa dahil sa init ng araw ay baka abutin ako ng tanghaling tapat sa aming kama. Maingat akong tumayo at pumunta sa banyo. Ramdam ko ang hapdi sa aking gitna kaya naman dahan-dahan lamang ako sa paglalakad. Sigurado akong nagulat ang aking asawa nang magising siya at makita ang aming hubad na katawan. Usually, kapag nalalasing siya ay hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Sana lang ay hindi niya pinagsisihan ang nangyari sa amin ka
“Huwag kang magsasalita ng masama tungkol sa akin sa harap ng mga magulang mo ha!" Pabulong na banta ni Edward bago pa kami tuluyang makalapit kila mommy. Hawak niya ang aking siko at pinaglapit ang aming katawan.“Anak, Edward, buti nakarating kayo ng maaga. Halina kayo,” sabat sa amin ni mommy. Hinalikan ko lamang ang kanyang pisngi at si Edward naman ay nakipag beso."Maaga rin kasing nakauwi si Edward galing opisina, mommy.” Lumapit ako kay daddy at siya naman ang hinalikan ko sa pisngi. “Magandang gabi, Mrs. Sunny!" bati ni Edward sa aking ina habang malawak ang ngisi. "Syempre hindi pwedeng mahuli kami ng dating gayong ipagseselebrar natin ang bagong posisyon ni Mr. Harret.”“Naku! Mommy at daddy na lang sabi ang itawag mo sa amin. Pamilya mo na kami Edward kaya dapat hindi ka na nahihiya sa amin.” natatawang usal ni mommy bago naupo sa kaliwa na tinabihan naman ni daddy.“Nakakahiya naman Mrs. Sunny. Parang wala akong respeto sainyo atsaka hindi po ako sanay," nakangiting tugo
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis
Tumango lamang ako kay Keith dahil wala na rin akong lakas magsalita. Tahimik akong sumunod at muntik pang mabangga sa kanyang matigas na likod dahil sa biglaang pagtigil nito. Nilingon niya ako ngunit nasa kawalan lang ang aking tingin. Paulit-ulit na nag p-play sa aking isip ang mga nakita’t narinig na tila ba nakaukit na sa aking memorya. Hindi ko alam kung saan ako mas magugulat, ang malamang nakikipaglandian sa iba ang aking asawa o sa babaeng kalandian niya. At habang bumabalik sa aking alaala ang kaganapan sa office ay siya namang pagbadya ng aking mga luha. Kaya pala… pamilyar ang boses na narinig ko kahapon. Kaya pala iba ang gut feeling ko. “Ma’am?” Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Keith at mahinang kinakaway ang kanyang palad para agawin ang aking atensyon. “Ayos lang ba kayo, ma'am?” tanong nito sa mababa ngunit malalim na boses. Ang kanyang tingin ay tumatagos sa akin, hindi sa negatibong paraan, ngunit para niyang binabasa kung ano ang iniisip k
Imbes na sa bahay dumiretso ay pumunta ako kila mommy. Lutang akong pumasok sa loob, hindi pa rin mawala sa isip ang mga narinig. Nang makita ang aking ina ay pinilit kong ikurba ang aking mga labi upang hindi mapaghalataan.“Buntis ako, mom, 4 weeks na.” Hilaw na ngiti ang sinalubong ko sa kanya dala ang balita, pinipilit lagyan sigla ang boses. “Really? Congrats, anak.” Tuwang-tuwa siya at halos mapatalon pa sa sobrang saya. “Aww, my baby is now having her own baby.”Hinayaan ko siyang maging masaya na taliwas naman sa aking nararamdaman. Nang kumalma ay nagsalita ako.“Pwede bang dito ako matulog, mom?”“What’s wrong? You looked pale, baby. How are you feeling?” nag-aalala niyang tanong na nagpawala sa kanyang mga ngiti. Giniya niya ako paupo sa sopa at kinapa ng kanyang palad ang aking noo at leeg.“Medyo na su-suffocate lang ako sa bahay. Hindi healthy para sa'kin kaya gusto kong dumito muna.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinuon na lamang ito sa aking mga paa. Half truth n
“Wala pa ba si Edward, manang?” Nag aalala kong tanong sabay silip sa pinto. “Hindi ba siya nagsabi sa’yo kung nasaan na siya?” Balik tanong ni manang habang naghahalo ng kanyang niluluto. Umiling ako kahit hindi naman siya nakatingin sa’kin. Kasalukuyan kaming nasa kusina at pinapanood siya magluto. Matapos mag walk out ni Edward noong araw na umiyak ako ay hindi ko na mahagilap ang kanyang anino. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi sa bahay. Nakailang tawag ako ngunit hindi ko siya makontak. Honey:Don't call or text me. Nasa business trip ako for a week. Huwag kang makulit at disturbo, please lang. Napatitig ulit ako sa kanyang mensahe na 4 days ago pa. Ito yung time na umabot ng 142 na beses ang tawag ko. Mula noon ay dalawang beses na lang ako tumawag sa isang araw. Ngunit lagi akong nakaantabay sa hawak kong cellphone dahil baka bigla niyang maisipang tawagan ako pabalik. “Ang sabi niya ay isang linggo siya sa kanyang business trip, pero 1 week na mula ‘nung umalis siya
Naisipan kong magluto na lamang habang nagpapalipas oras. Ganon talaga, wala akong ibang magawa kung kaya’t sa loob ng limang taon sa bahay na’to ay napag aralan ko na ang iba’t ibang lutong bahay. Lahat pinag aralan ko para mapagluto si Edward. Mula sa mga paborito niyang ulam, mga inoorder sa restaurant at maging sa mga dessert na nakikita kong madalas niyang kainin. Ngayon, pag aaralan ko naman ang pinalevel up na kaldereta na nakita ko sa social media. Tumayo na ako at pumasok sa loob. Sakto naman ay dumating na si manang dala ang mga pinamili kaya nakapag umpisa kaagad ako. Nag focus at sinundan ko lamang ang nasa video. “Ay, ang tigas pa ng karne.” Napangiwi ako nang tikman ang niluto. Maayos naman ang naging resulta at talagang masarap nga pero matigas pa talaga ang karne. Kailangan pang palambotin ng mga 15-20 minutes. Panigurado ay magrereklamo si Edward kapag pinakain ko siya nito. Uulitin ko na lang mamaya. Bandang alas syete ng makauwi si Edward. Ganon nga ang nangyari,
Maaga akong nagising kinabukasan at naabutan ang aking asawa na tahimik na nag aalmusal. Lumundag ang aking puso sa tuwa habang nanlalaki ang mga mata. Masaya ako dahil naabutan ko pa siya at makakasabay. “Honey…” Nagmadali akong bumaba at muntik pang matisod kung ‘di lang mabilis na nakakapit ang aking kanang kamay sa rehas ng hagdan. Bahagya siyang lumingon sa akin at tinuro ang katapat na upuan kaya naman kagat labi akong lumapit dito. Tahimik akong kumuha na kanin at inilagay sa aking plato gayon din siya. Walang nagsasalita sa amin at ang tanging tunog lamang ng kutsara at plato ang maririnig kaya naman nag isip ako ng pwedeng maging topic. Pinakiramdaman ko muna siya. Ang buong atensyon niya ay nasa pagkain. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan siya. Akala ko noon ay napaka cheerful niya dahil palagi siyang nakangiti at nakikipag tawanan sa ibang tao. Nauuna rin siya mag approach sa mga tao at tandang tanda ko pa kung paano siya lumapit sa amin nila mommy para makipag k
Naaninag namin ang nagtatawanang si mommy at si Edward habang papalapit. Nang magpaalam sa kanila ay pinigilan kami ni daddy. “Mag usap muna tayo saglit." Tukoy ni daddy sa aking asawa. Naaamoy ko na seryoso ang kanilang pag uusapan kaya naman ay nagpaalam ako na mauuna na sa kotse na tinangoan nila. Naglakad ako papunta sa garahe. Nakasara ang ilaw ng daanan kaya naman ay hindi ko masyado maaninag ang dinadaanan ko. Naisip kong kunin ang aking cellphone na nasa maliit na bag para may magamit akong flashlight ngunit bago ko pa man malabas ay may nasagi ang paa ko. Nawalan ako ng balanse at lumundag ang puso ko sa kaba nang makitang wala akong makapitan. Napapikit na lamang ako para ihanda ang aking sarili sa pagbagsak.Isang braso ang mahigpit na pumulupot sa aking baywang dahilan para hindi ako tuluyang bumagsak. Nanuot agad sa aking ilong ang bango ng taong may hawak sa akin. Bahagya akong nakayuko paharap at nasa may tabing likod ko naman ang taong tumulong sakin dahilan para hin