3 months ago.
“Ma'am Sol, nakahanda na ho ang pagkain sa baba. Pinapababa na ho kayo ni manang Basyon.” Narinig ko ang mahina ngunit pasigaw na boses mula sa pinto ng aming kwarto.
"Sige, bababa na rin ako,” mahinahon kong tugon.
Nang makababa ako ay sinalubong agad ako ni manang Basyon. Si manang ay ang nag alaga sa akin mula sa pagkabata. Kasambahay namin siya sa dating bahay at nang mag asawa ako ay nilipat siya ng aking mga magulang dito para makasama ko.
Nang makitang alas syete na ng gabi at wala pa rin ang aking asawa ay malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan sa dismaya. As usual, mag-isa na naman akong kakain ng hapunan. Bagama't hindi na bago sa akin ang ganitong eksena ay nadidismaya pa rin ako sa tuwing hindi ko nakakasabay sa pagkain ang aking asawa. Limang taon na kaming mag asawa ngunit bilang lamang ang mga araw na nagkasabay kami sa pagkain. Masyado siyang busy para sabayan pa akong kumain!
Tila naramdaman ito ni manang kaya naman masigla niya akong inaya. “Maupo ka na iha, nagluto ako ng paborito mong kaldereta."
"Maraming salamat po, manang.” Tugon ko at matipid na ngumiti. Hinaplos niya ang aking buhok.
“Solana iha, hindi maaaring ganito na lang kayo ng asawa mo. Kailangan niyo magkaroon ng ugnayan sa isa't isa para mas mapalapit pa ang inyong loob,” aniya kaya napangiti ako. Ang kanyang malumanay at maingat na boses ang nagpapakalma sa aking mga negatibong emosyon. Ganito niya ako i-comfort sa tuwing marami akong iniisip.
“Ginagawa ko naman ang lahat para magka-bonding kami," malungkot kong saad.
"Hmm. Siguro ito na ang oras para pag usapan niyo ang tungkol sa anak. Baka magbago ang trato niya sayo kapag nagkaanak na kayo ni Edward.”
Napaisip ako sa sinabi ni manang. Limang taon na pero hindi pa rin kami nagkaroon ng anak. Maybe… just maybe, ito ang magiging pag asa ko.
Matapos kumain ay tumambay muna ako sa sala. Hindi pa rin nakakauwi si Edward. Binuksan ko ang TV at nanood na lamang para pampalipas ng oras. Sakto naman ang palabas ay tungkol sa teen girl na nahulog kay teen boy at sa huli ay sila ang nagkatuluyan. Bigla akong may naalala. Katulad din ako ng teen girl na nasa palabas noong ako’y 16 years old pa lamang.
“Anak, subukan mong makipagkaibigan kay Edward. Napaka gwapong binata at masipag pa.”
“Malay mo, baka sa huli ay kayo ang magkatuluyan.”
Ito ang madalas na bukambibig ng mommy ko sa akin. Bata pa lamang ako ay nakikita ko na si Edward sa mga business gathering at party. Namumukod-tangi ang kanyang itsura kumpara sa iba pang lalaki na kasing edad niya kaya't hindi malabo na maagaw niya ang atensyon ng mga tao. Noong ika-16 na kaarawan ko ay iyon ang unang pagkakataon na nagkakilala kami sa personal. Mula noon ay palagi ng binibida sa akin ni mommy ang itsura at sipag ni Edward. Kaya paanong hindi ko siya mabibigyan ng pansin, di’ba?
Magkakilala ang mga magulang ko at ni Edward. Naging maayos naman ang pakikitungo sa akin ng kanyang mga magulang. Palagi rin nilang kinukwento ang mga achievements ni Edward. Sa huli, ang aking inosente at batang puso ay unti-unting nahuhulog sa kanya. Ito ang dahilan para makabuo ako ng isang romantikong imahe ni Edward. Naisip ko na ang yaman at kaakit-akit na panlabas ay sapat na para sa akin. Ito ang bumulag sa akin para pumayag na maikasal sa kanya pagkatapos ko ng kolehiyo. I was 23 years old when we got married. Mahal ko siya, ngunit alam ko na iba ang kanyang rason sa pagpayag sa kasal.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sopa. Mabuti na lamang at ginising ako ni Shiela, ang aming isa pang kasambahay. Pagtingin ko sa orasan ay malapit ng mag alas dyes.
“Dumating na ba si Edward?" tanong ko sa kasambahay.
"Hindi pa ho ma'am," sagot naman niya.
"Oh.” Napatango na lang ako at umakyat na sa taas. Bakit wala pa siya hanggang ngayon?
Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog ng maramdaman ko ang pares ng kamay sa aking mga hita. Agad akong napaupo at binuksan ang ilaw ng lamp shade. Nang maka adjust ang aking mga mata sa liwanag ay nakita ko ang aking asawa. Nakasuot pa rin siya ng kanyang polo na ginamit niya sa kanyang opisina. Dahil medyo madilim sa kwarto ay hindi ko matukoy kung anong klaseng tingin ang pinupukol niya sa akin.
Nagulat ako nang bigla siyang gumapang sa kama hanggang sa magkalapit na ang aming mukha. Naamoy ko agad ang isang matapang na inuming alkohol.
“Lasing ka ba?" Tanong ko at umayos ng pagkakaupo. Napatingin ako sa orasan na nasa side table at nakitang ala una na ng umaga. “Kakauwi mo lang ba, honey?”
"Yeah." Sinubsob niya ang kanyang ulo sa aking leeg. Nagdulot ito ng kiliti lalo pa nang tumama sa aking balat ang kanyang hininga. Pinadaanan ng likod ng kanyang kamay ang aking hita paitaas. Napaigtad ako.
“Honey, ang bango mo." Inamoy amoy niya ang aking leeg hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi. Napahawak ako sa kanyang dibdib at marahan itong tinulak para magkaharap kami.
“Edward… lasing ka.”
“Really?" Hinapit niya ang aking baywang kaya napalayo ako sa headboard at nagkadikit ang aming mga katawan. Muli ay hinalikan niya ang aking leeg pababa sa aking collarbone.
“Hindi mo ba gusto ang amoy ko? Ayaw mong halikan kita?” Pang aasar niya habang nakangisi.
Gusto ko! Gustong gusto ko, Edward! Mahal kita kaya paanong hindi ko gugustuhin ang iyong halik? Ngunit... tumama sa akin ang reyalisasyong hindi lang siya lasing, kundi lasing na lasing. Hindi niya ito gagawin sa akin kung hindi malakas ang tama ng alak. Hindi siya magiging sweet kung nasa tamang katinuan siya. Mula nang maikasal kami ay ito pa lamang ang pangalawang beses na ganito siya kalapit sa akin. Ang una ay sa mismong araw ng kasal namin.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Pumasok ang ihip ng hangin sa nakabukas na bintana ng aming kwarto kaya napahinga ako ng malalim. Kinapa ko ang aking tabi ngunit napakunot lamang ang aking noo dahil wala akong matamaan. Nang tingnan ko ay totoo ngang wala na si Edward sa aking tabi. Hindi niya man lang ako ginising!Nakakalungkot lang isipin. Matapos may mangyari sa amin kagabi ay hindi man lang niya ako ginising para sabay kaming kumain ng agahan. Dahil sa pagod ng katawan ay hindi ko namalayan ang pag alis ni Edward. At kung hindi pa dahil sa init ng araw ay baka abutin ako ng tanghaling tapat sa aming kama. Maingat akong tumayo at pumunta sa banyo. Ramdam ko ang hapdi sa aking gitna kaya naman dahan-dahan lamang ako sa paglalakad. Sigurado akong nagulat ang aking asawa nang magising siya at makita ang aming hubad na katawan. Usually, kapag nalalasing siya ay hindi niya alam ang kanyang ginagawa. Sana lang ay hindi niya pinagsisihan ang nangyari sa amin ka
“Huwag kang magsasalita ng masama tungkol sa akin sa harap ng mga magulang mo ha!" Pabulong na banta ni Edward bago pa kami tuluyang makalapit kila mommy. Hawak niya ang aking siko at pinaglapit ang aming katawan.“Anak, Edward, buti nakarating kayo ng maaga. Halina kayo,” sabat sa amin ni mommy. Hinalikan ko lamang ang kanyang pisngi at si Edward naman ay nakipag beso."Maaga rin kasing nakauwi si Edward galing opisina, mommy.” Lumapit ako kay daddy at siya naman ang hinalikan ko sa pisngi. “Magandang gabi, Mrs. Sunny!" bati ni Edward sa aking ina habang malawak ang ngisi. "Syempre hindi pwedeng mahuli kami ng dating gayong ipagseselebrar natin ang bagong posisyon ni Mr. Harret.”“Naku! Mommy at daddy na lang sabi ang itawag mo sa amin. Pamilya mo na kami Edward kaya dapat hindi ka na nahihiya sa amin.” natatawang usal ni mommy bago naupo sa kaliwa na tinabihan naman ni daddy.“Nakakahiya naman Mrs. Sunny. Parang wala akong respeto sainyo atsaka hindi po ako sanay," nakangiting tugo
Naaninag namin ang nagtatawanang si mommy at si Edward habang papalapit. Nang magpaalam sa kanila ay pinigilan kami ni daddy. “Mag usap muna tayo saglit." Tukoy ni daddy sa aking asawa. Naaamoy ko na seryoso ang kanilang pag uusapan kaya naman ay nagpaalam ako na mauuna na sa kotse na tinangoan nila. Naglakad ako papunta sa garahe. Nakasara ang ilaw ng daanan kaya naman ay hindi ko masyado maaninag ang dinadaanan ko. Naisip kong kunin ang aking cellphone na nasa maliit na bag para may magamit akong flashlight ngunit bago ko pa man malabas ay may nasagi ang paa ko. Nawalan ako ng balanse at lumundag ang puso ko sa kaba nang makitang wala akong makapitan. Napapikit na lamang ako para ihanda ang aking sarili sa pagbagsak.Isang braso ang mahigpit na pumulupot sa aking baywang dahilan para hindi ako tuluyang bumagsak. Nanuot agad sa aking ilong ang bango ng taong may hawak sa akin. Bahagya akong nakayuko paharap at nasa may tabing likod ko naman ang taong tumulong sakin dahilan para hin
Maaga akong nagising kinabukasan at naabutan ang aking asawa na tahimik na nag aalmusal. Lumundag ang aking puso sa tuwa habang nanlalaki ang mga mata. Masaya ako dahil naabutan ko pa siya at makakasabay. “Honey…” Nagmadali akong bumaba at muntik pang matisod kung ‘di lang mabilis na nakakapit ang aking kanang kamay sa rehas ng hagdan. Bahagya siyang lumingon sa akin at tinuro ang katapat na upuan kaya naman kagat labi akong lumapit dito. Tahimik akong kumuha na kanin at inilagay sa aking plato gayon din siya. Walang nagsasalita sa amin at ang tanging tunog lamang ng kutsara at plato ang maririnig kaya naman nag isip ako ng pwedeng maging topic. Pinakiramdaman ko muna siya. Ang buong atensyon niya ay nasa pagkain. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan siya. Akala ko noon ay napaka cheerful niya dahil palagi siyang nakangiti at nakikipag tawanan sa ibang tao. Nauuna rin siya mag approach sa mga tao at tandang tanda ko pa kung paano siya lumapit sa amin nila mommy para makipag k
Naisipan kong magluto na lamang habang nagpapalipas oras. Ganon talaga, wala akong ibang magawa kung kaya’t sa loob ng limang taon sa bahay na’to ay napag aralan ko na ang iba’t ibang lutong bahay. Lahat pinag aralan ko para mapagluto si Edward. Mula sa mga paborito niyang ulam, mga inoorder sa restaurant at maging sa mga dessert na nakikita kong madalas niyang kainin. Ngayon, pag aaralan ko naman ang pinalevel up na kaldereta na nakita ko sa social media. Tumayo na ako at pumasok sa loob. Sakto naman ay dumating na si manang dala ang mga pinamili kaya nakapag umpisa kaagad ako. Nag focus at sinundan ko lamang ang nasa video. “Ay, ang tigas pa ng karne.” Napangiwi ako nang tikman ang niluto. Maayos naman ang naging resulta at talagang masarap nga pero matigas pa talaga ang karne. Kailangan pang palambotin ng mga 15-20 minutes. Panigurado ay magrereklamo si Edward kapag pinakain ko siya nito. Uulitin ko na lang mamaya. Bandang alas syete ng makauwi si Edward. Ganon nga ang nangyari,
“Wala pa ba si Edward, manang?” Nag aalala kong tanong sabay silip sa pinto. “Hindi ba siya nagsabi sa’yo kung nasaan na siya?” Balik tanong ni manang habang naghahalo ng kanyang niluluto. Umiling ako kahit hindi naman siya nakatingin sa’kin. Kasalukuyan kaming nasa kusina at pinapanood siya magluto. Matapos mag walk out ni Edward noong araw na umiyak ako ay hindi ko na mahagilap ang kanyang anino. Isang linggo na rin siyang hindi umuuwi sa bahay. Nakailang tawag ako ngunit hindi ko siya makontak. Honey:Don't call or text me. Nasa business trip ako for a week. Huwag kang makulit at disturbo, please lang. Napatitig ulit ako sa kanyang mensahe na 4 days ago pa. Ito yung time na umabot ng 142 na beses ang tawag ko. Mula noon ay dalawang beses na lang ako tumawag sa isang araw. Ngunit lagi akong nakaantabay sa hawak kong cellphone dahil baka bigla niyang maisipang tawagan ako pabalik. “Ang sabi niya ay isang linggo siya sa kanyang business trip, pero 1 week na mula ‘nung umalis siya
Imbes na sa bahay dumiretso ay pumunta ako kila mommy. Lutang akong pumasok sa loob, hindi pa rin mawala sa isip ang mga narinig. Nang makita ang aking ina ay pinilit kong ikurba ang aking mga labi upang hindi mapaghalataan.“Buntis ako, mom, 4 weeks na.” Hilaw na ngiti ang sinalubong ko sa kanya dala ang balita, pinipilit lagyan sigla ang boses. “Really? Congrats, anak.” Tuwang-tuwa siya at halos mapatalon pa sa sobrang saya. “Aww, my baby is now having her own baby.”Hinayaan ko siyang maging masaya na taliwas naman sa aking nararamdaman. Nang kumalma ay nagsalita ako.“Pwede bang dito ako matulog, mom?”“What’s wrong? You looked pale, baby. How are you feeling?” nag-aalala niyang tanong na nagpawala sa kanyang mga ngiti. Giniya niya ako paupo sa sopa at kinapa ng kanyang palad ang aking noo at leeg.“Medyo na su-suffocate lang ako sa bahay. Hindi healthy para sa'kin kaya gusto kong dumito muna.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinuon na lamang ito sa aking mga paa. Half truth n
Tumango lamang ako kay Keith dahil wala na rin akong lakas magsalita. Tahimik akong sumunod at muntik pang mabangga sa kanyang matigas na likod dahil sa biglaang pagtigil nito. Nilingon niya ako ngunit nasa kawalan lang ang aking tingin. Paulit-ulit na nag p-play sa aking isip ang mga nakita’t narinig na tila ba nakaukit na sa aking memorya. Hindi ko alam kung saan ako mas magugulat, ang malamang nakikipaglandian sa iba ang aking asawa o sa babaeng kalandian niya. At habang bumabalik sa aking alaala ang kaganapan sa office ay siya namang pagbadya ng aking mga luha. Kaya pala… pamilyar ang boses na narinig ko kahapon. Kaya pala iba ang gut feeling ko. “Ma’am?” Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni Keith at mahinang kinakaway ang kanyang palad para agawin ang aking atensyon. “Ayos lang ba kayo, ma'am?” tanong nito sa mababa ngunit malalim na boses. Ang kanyang tingin ay tumatagos sa akin, hindi sa negatibong paraan, ngunit para niyang binabasa kung ano ang iniisip k
Sa mga oras na’to, wala na akong ibang maisip kundi ang tahimik na magpasalamat na may pumagitna sa amin. “Huwag kang makikialam dito, away mag asawa ‘to!” Ang galit na tingin ni Edward ay napunta kay Keith na marahas pa niyang tinabig para maabot ako. Ngunit nabigo lamang siya dahil kung ipagtatabi sila ay nag-mistulang maliit si Edward sa tangkad at malaking pangangatawan ni Keith. Kaya hindi man lamang naalis sa pwesto si Keith.Nakikita ko mula sa aking kinatatayuan ang lapad ng kanyang likod maging ang balikat nito. Walang duda, napakabatak ng kanyang muscle na animo’y nag g-gym. Walang-wala ang katawan ni Edward dito. “Sir, mas maganda kung mag usap kayo kapag pareho na kayong kalmado. Hindi sa lahat ng bagay ay madadaan sa away at pisikalan,” walang emosyong sabi ni Keith. “Aba, pinapangaralan mo ba ako?” naiinis na sagot naman ng aking asawa. “Advice lang ho, sir.” Sabay silip sa akin. “Umalis ka sa harap ko ngayon din!” Muli ay humakbang ito palapit at pinilit na maalis