Isang trahedya ang yumanig sa katahimikan ng marangyang buhay ni Ana Villa—nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at natagpuang wasak sa kailaliman ng dagat. Ngunit ang katawan niya, hindi kailanman nakita. Ang mundo ng mga Villa ay nilukob ng lungkot at hiwaga, ngunit para kay Belle, ang kanyang kakambal, ang trahedyang ito ay hindi isang aksidente—ito’y isang maingat na planong pagpatay. Nagpasya si Belle na gawin ang hindi inaasahan: nagpanggap siya bilang si Ana para malaman ang tunay na mastermind sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sa kanyang pagpapanggap, napasok niya ang mundo ng karangyaan at kasinungalingan, isang mundong puno ng malalalim na lihim at mapanganib na tao. Ang asawa ni Ana, si Luke Villa, ay isang bilyonaryo at CEO ng Villa Brewery Inc.—makisig, misteryoso,gwapo at tila nagtatago ng mga lihim. Sa kabila ng pagdududa ni Belle, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin. Ngunit hindi si Luke ang tunay na panganib. Si Sheila, ang tila inosenteng stepsister ni Luke, ay isang babaeng magaling magtago ng matinding inggit, lihim na pagnanasa, at nakamamatay na ambisyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sheila ang utak sa likod ng pagkamatay ni Ana, dala ng matagal nang pagkamuhi nito kay Ana dahil inagaw nito sa kanya si Luke dahil may lihim siyang pag-ibig dito. Habang nilalaro ni Belle ang papel ng kanyang kambal. Dito, natagpuan ang takot at pag-asa na magkasama, habang unti-unting nahuhulog ang kanyang puso kay Luke. Sa gitna ng labanan ng pagmamahal, takot, at paghihiganti, sino ang talo at sino ang mananatiling buhay?At paano makakaligtas si Belle mula sa bitag ng pagmamahal nito para kay Luke?
View MoreSa loob ng kanilang bahay, ang katahimikan ay tila alingawngaw ng mga tanong na walang kasagutan.Ang mahinang tik-tak ng orasan sa dingding ang tanging musika sa umagang iyon. Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa bahagyang nakabukas na bintana, animo’y paalala ng isang bagay na matagal nang hindi pinapansin—ang katotohanang may nababago sa pagitan nila.Nakasalampak si Luke sa sofa, nakasandal, mga kamay ay magkasalikop sa harapan habang ang mga mata'y nakatingin sa kawalan. Parang may gustong sabihin, ngunit hindi alam kung paano sisimulan. Samantalang si Belle, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, tahimik na nag-aayos ng buhok, pilit na iniiwasang tumingin sa kanya.Ang bawat galaw ni Belle ay maingat, parang may kinatatakutan. Parang anumang maling kilos ay puwedeng magbunyag ng lihim na matagal na niyang ikinukubli."Ana..." basag ni Luke sa katahimikan, mababa ang boses pero may lalim. "May kailangan tayong pag-usapan."Napahinto si Belle. Marahan siyang humin
“Dahil… minahal mo ako kahit hindi mo kailanman nalaman kung sino talaga ako.”“Ang mahalaga, ikaw si Sara. At ako si Adrian. At tayo ay… tayo.”Nagyakap silang muli. Sa ilalim ng buwan at mga bituin, ang kanilang puso ay naging isa. Walang nakaraan. Walang bukas. Ang ngayon lang ang mahalaga.At sa gabing iyon, hindi sila muling naging magkaibang tao.Makalipas ang ilang araw mula sa masayang gabi nina Adrian at Sara sa dalampasigan, bumalik ang katahimikan sa resort. Ngunit sa likod ng mga ngiti at katahimikan, may pusong naglalagablab sa selos at galit.Si Vanessa, na matagal nang nagtatago ng kanyang tunay na damdamin, ay hindi na makapigil sa kanyang nararamdaman. Sa kanyang silid, habang nakaupo sa harap ng salamin, pinagmamasdan niya ang kanyang repleksyon. Ang dating mapagkumbabang ngiti ay napalitan ng mapait na ngisi."Si Sara... siya na lang palagi," bulong niya sa sarili. "Ako ang nauna. Ako ang nararapat."Sa mga sumunod na araw, sinimulan ni Vanessa ang kanyang plano. Lu
Tahimik ang gabi sa dalampasigan ng resort. Ang buhangin ay malamig sa paa, at ang bonfire sa gitna ng buhanginan ay mahinang sumasayaw sa hangin. Sa di kalayuan, nakaupo sina Adrian at Sara sa isang lumang bangkong kahoy. Walang ingay kundi ang alon na dumarampi sa baybayin at ang huni ng kuliglig na tila lumilikha ng musika para lamang sa kanila.“Alam mo, Sara,” mahinang wika ni Adrian habang pinagmamasdan ang apoy. “Kung puwede lang sanang pigilin ang oras, gagawin ko.”Napalingon si Sara sa kanya. “Bakit mo naman gustong pigilin ang oras?”“Dahil sa tuwing kasama kita, parang ang mundo ay nagiging mas tahimik, mas payapa. At sa katahimikang ito, naririnig ko ang sarili kong nagsasabing… mahal kita.”Napatigil si Sara. Hindi niya inaasahan iyon, bagaman sa puso niya, matagal na rin niyang nararamdaman ang pareho.“Adrian…” tanging nasabi niya. Ngunit parang may bigat ang kanyang boses. “Wala akong alaala. Wala akong kasaysayan. Paano mo nasisigurong ako talaga ang taong mamahalin
Samantala, ang tunay na Ana sa malayong lugar sa may dalampasigan.“Hindi ako papayag…”“Vanessa, anong sabi mo?” tanong ni Daphne habang magkasama silang nagkakape sa maliit na coffee shop sa gilid ng plaza.“Hindi ako papayag na maagaw lang sa akin si Adrian ng gano’n na lang,” mariing ulit ni Vanessa, halos mabasag ang hawak niyang tasa sa gigil. “Pinagkatiwalaan ko siya. Pinagkatiwalaan ko rin ang sarili kong… sapat ako para sa kanya.”“Bes,” napabuntong-hininga si Daphne. “Alam mong hindi mo hawak ang puso ng tao.”“Hindi lang ito tungkol sa puso, Daph. Tungkol ito sa karapatan. Ako ang nauna. Ako ang nandoon sa lahat ng ups and downs niya. Hindi ko siya kayang ibigay sa isang babaeng—ni hindi alam kung sino siya.”“Pero Sara na siya ngayon. At mukhang masaya siya kay Adrian.”“Masaya? Sa tingin mo ba tunay na masaya ‘yon? Hindi. Dahil kung babalik ang alaala ng babaeng ‘yan, baka iwan din niya si Adrian. At pag nangyari ‘yon… sa akin pa rin babalik si Adrian.”“Vanessa…”“Daphne
Tahimik lang si Belle habang nakaupo sa waiting area ng St. Therese Women’s Medical Center, nakahawak sa kanyang tiyan habang pinagmamasdan ang bawat segundo sa orasan. Sa tabi niya si Luke, tahimik din, ngunit hindi mapakali. Nakasandal siya sa sandalan ng upuan, nanginginig ang tuhod, parang may bigat na hindi mailarawan.Hindi na sila gaanong nag-uusap mula noong gabing iyon—noong halos masira ang lahat dahil sa mga tanong at katotohanang gustong kumawala pero hindi niya kayang bitawan.“Mahal, ready ka na?” mahinang tanong ni Luke, pilit na bumubuo ng lakas ng loob. Hawak niya ang kamay ni Belle, pero malamig pa rin ang pagitan nilang dalawa.“Oo,” mahinang tugon ni Belle. “Ready na ako.”Pero hindi siya talaga handa. Hindi siya kailanman magiging handa. Hindi sa isang mundong hindi siya tunay na kabilang, hindi sa mundong ginagalawan niya sa katauhan ng isang taong wala na.“Misis Villa, kayo na po. Ultrasound room number three,” tawag ng nurse.Tumayo silang magkasabay, at kasab
Napatigil si Adrian. Parang binaril siya ng mga salitang iyon—hindi sa sakit, kundi sa gulat, sa tuwa, sa hindi niya maipaliwanag na pag-asa."Sara…" mahinang sabi niya, unti-unting lumalapit. "Ibig mong sabihin…?"Tumango si Sara, mabagal ngunit sigurado. "Hindi ko man maalala ang nakaraan, pero kapag naririnig ko ang boses mo, kapag nararamdaman ko ang presensya mo... may kung anong bahagi ng puso ko ang nagigising."Napasandal si Adrian sa pinakamalapit na poste, hawak ang dibdib niya na tila kinikiliti ng libu-libong damdaming matagal niyang kinulong."Alam mo bang… ilang beses na akong gustong sumuko?" bulong niya, halos hindi na marinig. "Gusto kong kalimutan ka rin. Gusto kong umalis, para hindi na ako umaasa. Pero hindi ko kaya. Kasi kahit galit ako sa sarili ko, kahit nagkasala ako noon, hindi nawala 'yung pagmamahal ko sa'yo, Sara."Tahimik silang dalawa. Wala nang ibang maririnig kundi ang hampas ng alon sa di kalayuan, at ang mahihinang hikbi ni Sara na pilit niyang pinipi
Nasa gilid si Sara, yakap ang sash na may pangalan niyang Sara Pamplana. Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Ang mga kamay niya ay bahagyang nanginginig, ngunit sa puso niya, may kakaibang kapayapaan. May ginhawang hatid ang pagtanggap sa sarili, kahit pa may bahagi pa rin ng nakaraan ang nananatiling malabo.Biglang may humawak sa kanyang braso."Ikaw talaga ‘yan?" mahina ngunit punô ng pag-aalala ang tinig na lumapit sa kanya.Napalingon si Sara. Si Adrian.Napatigil siya. Hindi agad nakapagsalita. Ang lalaking ilang gabi niyang iniwasan sa isip, ngayong gabi, nasa harap niya. Hawak siya, parang ayaw na siyang pakawalan."Adrian?" tanong ni Sara, halos pabulong.Tumango si Adrian. Nanlalalim ang tingin. Parang sinisid ang kaluluwa niya sa bawat tingin."Kanina pa kita hinahanap. Nung naglakad ka sa entablado, parang bumalik lahat. Lahat ng alaala. Lahat ng damdamin. Sara... ang ganda-ganda mo."Napayuko si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiiyak."Bakit k
Nasa gitna na ng entablado si Sara Pamplana. Ang mga spotlight ay tila apoy na nakatutok sa kanya, ngunit hindi siya natinag. Naramdaman niya ang malakas na tibok ng kanyang puso, pero mas malakas ang paninindigang buo sa kanyang dibdib.Mula sa gilid ng stage, narinig niya ang boses ni Jamaica. “Go na, Sara!” sigaw nito habang ayos pa ang sash na may pangalan niya. “Lakasan mo loob mo. Alam mo kung bakit ka nandito.”Tumango si Sara. Pinunasan niya ang bahagyang pawis sa noo at dahan-dahang hinigpitan ang kapit sa kanyang damdamin. Huminga siya ng malalim, sabay lakad papunta sa gitna ng entablado. Kahit nanginginig ang tuhod niya, hindi siya natinag. Ang bawat hakbang ay para sa mga taong nagmahal sa kanya. Para kina Aling Glenda at Mang Romero—ang mga taong tinuring siyang tunay na anak kahit siya’y isang ulilang nawalan ng alaala.Sa likod ng mga kurtina, naririnig niya ang palakpakan at sigawan ng mga tao. Tumayo siya ng tuwid, itinaas ang noo. Ngayon, hindi na siya ang dating ta
“Mahal, kanina pa kita tinititigan. Hindi ka kumakain. Okay ka lang ba?” tanong ni Luke habang pinagmamasdan si Belle na ilang beses nang tinikman ang sabaw pero hindi man lang nagalaw ang kanin.Napapitlag si Belle. “Ha? Ay... Oo naman. Nahilo lang siguro ako sandali.”“Sigurado ka? Pati si Mama tinatanong kung bakit parang lutang ka. Sabi niya, iba raw ang ngiti mo ngayon... parang pilit.”Napilitan siyang ngumiti. “Si Mama talaga, ang hilig magbiro. Alam mo namang mahina lang talaga ang katawan ko.”“Huwag mong gawing biro. Hindi yun biro, Ana. Kilala ka niya. Kilala rin kita. Alam kong may bumabagabag sa'yo.”Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya si Luke, ang lalaking unti-unting minahal niya sa katauhan ng ibang babae. Ang bigat sa dibdib.“Luke... hindi lahat ng nararamdaman ng tao kailangang sabihin agad-agad. Minsan kailangan muna natin ng oras para intindihin ang sarili.”“Pero bakit parang ang layo mo sa akin nitong mga araw na 'to? Hindi ko na maramdaman yung Ana na palag
Ang kalansing ng bakal na gate ng Villa mansion ay sumalubong kay Belle habang iniabot niya ang kamay upang itulak iyon. Ang sikat ng araw ay tila tumutusok sa kanyang balat, ngunit hindi iyon sapat upang tumunaw sa yelong bumalot sa kanyang puso. Sa harap niya ay ang engrandeng tahanan ng pamilya ng kanyang kakambal—ang mundo ni Ana, na ngayon ay kanya nang papasukin bilang isang impostor.Napalunok siya, pinipigil ang kaba at hinahanap ang lakas ng loob. Para kay Ana. Para sa hustisya. Ang simpleng konserbatibong bestida na suot niya ay hindi ang kanyang istilo. Hindi siya sanay sa mahinhin at maayos na itsura—si Belle, ang totoong siya, ay liberated at laging palaban ang personalidad. Ngunit ngayong araw, si Belle ay wala. Ang makikita nila ay si Ana, ang muling bumangong asawa ni Luke Villa.“Kaya mo ito, Belle. Tandaan mo kung para saan ka narito,” bulong niya sa sarili, huling inayos ang mahigpit na tirintas ng kanyang buhok. Sa likod ng malaking salamin ng sasakyan na kanyang s...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments