Ang kalansing ng bakal na gate ng Villa mansion ay sumalubong kay Belle habang iniabot niya ang kamay upang itulak iyon. Ang sikat ng araw ay tila tumutusok sa kanyang balat, ngunit hindi iyon sapat upang tumunaw sa yelong bumalot sa kanyang puso. Sa harap niya ay ang engrandeng tahanan ng pamilya ng kanyang kakambal—ang mundo ni Ana, na ngayon ay kanya nang papasukin bilang isang impostor.
Napalunok siya, pinipigil ang kaba at hinahanap ang lakas ng loob. Para kay Ana. Para sa hustisya. Ang simpleng konserbatibong bestida na suot niya ay hindi ang kanyang istilo. Hindi siya sanay sa mahinhin at maayos na itsura—si Belle, ang totoong siya, ay liberated at laging palaban ang personalidad. Ngunit ngayong araw, si Belle ay wala. Ang makikita nila ay si Ana, ang muling bumangong asawa ni Luke Villa.
“Kaya mo ito, Belle. Tandaan mo kung para saan ka narito,” bulong niya sa sarili, huling inayos ang mahigpit na tirintas ng kanyang buhok. Sa likod ng malaking salamin ng sasakyan na kanyang sinakyan, pinagmasdan niya ang sariling repleksyon. Multo siya ni Ana. Buhay na buhay ngunit dala ang misteryo ng pagkamatay nito. Huminga siya nang malalim, pinunasan ang pawis sa noo, at pumasok sa loob ng mansyon.
Nang bumukas ang malalaking pintuan, lahat ng mata ay agad na nakatuon sa kanya. Tumigil ang bawat bulong, at ang tila magaan na pagdadalamhati sa sala ay biglang napalitan ng tensyon.
“Ana?” mahina ngunit puno ng gulat na bulong ni Luke Villa. Hindi maipinta ang mukha nito—may halong saya, takot, at pagkalito. Naglakad si Belle patungo sa gitna, kung saan naroon ang kabaong na walang laman. Tumigil siya sa harap nito, pinipilit kontrolin ang nanginginig niyang mga kamay. “Huwag kayong mag-alala. Buhay ako,” malamig ngunit malinaw ang kanyang boses. Ang bawat salita ay parang kidlat na bumalot sa paligid.
“Hindi ako sumuko sa aksidente. Bumalik ako.” Ang mata ng lahat ay nanlaki sa gulat, ngunit isang pares ng mata ang mas tumusok kay Belle—si Sheila, ang stepsister ni Luke. Ang galit at takot na tumatakbo sa mga mata nito ay hindi maitatanggi. Napalunok si Sheila at tumingin sa ibang direksyon, kunwaring nag-iisip ng paliwanag.
“P-Paano…?” tanong ni Sheila, nanginginig ang boses. “Hindi na mahalaga kung paano,” sagot ni Belle, malamig ang titig. Lumapit siya nang bahagya kay Sheila, na halos umatras sa kaba.
“Ang mahalaga, narito ako. Buhay ako.” Si Luke, tila nawalan ng lakas sa sobrang gulat, ay lumapit at hinawakan ang kanyang mga balikat. Sinuri nito ang kanyang mukha, tila hinahanap kung may galos o anumang palatandaan ng aksidente.
“Wala ka bang sugat? Wala ka bang galos?” halos pabulong na tanong nito, ang boses ay puno ng emosyon. Ngumiti si Belle—isang pilit at may halong lungkot. “Mahabang kwento, Luke. Pero narito ako. Buo ako. Buhay ako… para sa ating anak.” Ang kanyang tingin ay bumaling kay Anabella, ang anim na buwang anak ng kanyang kambal. Hindi niya napigilan ang sarili—agad niyang kinuha ang sanggol mula sa mga bisig ni Luke at niyakap ito ng mahigpit. Sa pagkakataong iyon, binalot siya ng emosyon. “Anak… mahal na mahal ka ng mommy mo,” bulong niya, pilit pinipigil ang luha na gusto nang bumuhos.
“Pangako, babawi ako. Hindi kita pababayaan.” Tahimik ang lahat, tila hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Ngunit si Sheila, sa kabila ng kunwaring composure, ay unti-unting umatras. Nagpaalam ito na pupunta sa banyo, ngunit hindi iyon nakaligtas kay Belle. Ang nanginginig na kamay ni Sheila habang hawak ang cellphone ay nagsasabing may itinatago ito. Habang yakap ang sanggol, pinigilan ni Belle ang galit sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat.
Sa likod ng bawat masuyong salita, ng bawat kunwaring ngiti, ay isang lihim na misyon—ang hanapin ang katotohanan sa pagkamatay ni Ana at ibalik ang hustisya. Sa banyo, sumandal si Sheila sa pader, hawak ang cellphone habang nanginginig ang kamay. Agad siyang tumawag.
“Ano bang klaseng trabaho ang ginawa ninyo?!” bulong niyang galit. “Sabi ko sa inyo, siguraduhin niyong patay si Ana! Paano siya nakabalik?! Puro kayo kapalpakan!”
“Ma’am, imposible—” sagot ng lalaki sa kabilang linya, ngunit pinutol ni Sheila ang tawag. Pinunasan ni Sheila ang pawis sa noo. Paano ito nangyari? Hindi maaaring malaman ni Ana ang totoo. Hindi maaaring magtapos ito sa ganitong paraan. Gagawa siya ng paraan. Kailangang mawala ulit si Ana, sa pagkakataong ito, magpakailanman. Bumalik si Sheila sa sala, pilit binubura ang takot sa kanyang mukha. Ngunit si Belle, na pinagmamasdan siya mula sa malayo, ay napangiti ng malamig. Ngayon pa lang, Sheila, may ideya na ako. Ikaw ang simula ng mga sagot. At hindi ako titigil hanggang mabunyag ang lahat ng kasalanan mo. Pagkatapos ng paalisin ang nakikilamay, nilapitan siya ni Luke sa veranda. Sa kabila ng gulat at emosyon sa kanyang mukha, may halong pag-aalinlangan sa boses nito.
"Ana,sigurado ka bang ayos ka?Iba ang kilos mo ngayon.Hindi ikaw ang Ana na kilala ko." Napatingin si Belle sa malayo,pilit pinipigilan ang kaba sa dibdib.Ngumiti siya nang bahagya at humarap kay Luke. "Luke, halos mamatay ako.Hindi ba natural lang na may pagbabago sa akin?Pero ako parin ito. Ako parin ang asawa mo." Nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Luke, ngunit tumango ito. "Ang Mahalaga sa akin na buhay ka. Mahal na mahal kita, Ana. Hindi ko kakayanin kung nawala ka." "At hindi rin kita iiwan , Luke .Mahal na mahal ko kayo ni Anabella"sagot ni Belle, ngunit sa loob-loob niya ay nararamdaman ang saksak ng kasinungalingan. (Pinangalan ni Ana ang kanyang anak , hango sa kanilang pangalan Ana at Belle.) Habang nakatingin siya sa dilim ng gabi, tahimik niyang isinumpa "Magsisimula na ang laro. At sa pagkakataong ito, hindi ako papayag na hindi mo makamtam ang hustisya kapatid ko."
Sa katahimikan ng gabing iyon, lumalim ang mga tanong sa isipan ni Belle habang palihim niyang ginagalugad ang Villa mansion. Sa bawat hakbang niya sa malamlam na pasilyo, parang may malamig na hangin na bumabalot sa kanya, waring nagbibigay babala sa kanyang misyon. Ngunit hindi siya natatakot. Ang bawat galos, ang bawat sakit, at ang naiwang pangako kay Ana ang nagpapalakas sa kanya.Bago pa man siya tuluyang makapasok sa kanyang silid, muling nagpakita si Luke. Nakasuot ito ng maluwag na puting shirt at pajama, hawak pa rin ang baso ng alak na tila hindi nito maubos-ubos. "Ana, sigurado ka bang maayos ka lang?" tanong nito habang dahan-dahang lumalapit, ang mga mata’y tila nanlilisik sa emosyon. "Alam kong napakalaking bagay ang pagbabalik mo. Pero gusto ko lang masigurado… na ikaw ito.”Natigilan si Belle. Sa kabila ng malumanay na tono ni Luke, may kung anong bumabagabag sa kanya sa mga salitang iyon. “Anong ibig mong sabihin, Luke? Syempre ako ito. Sino pa ba?” sagot niya, pil
Maagang sumikat ang araw sa Villa mansion. Habang bumubuhos ang tubig mula sa shower, sinubukan ni Belle na magpakakalmado. Ang malamig na tiles ng banyo ay hindi kayang maibsan ang init na nararamdaman niya—hindi mula sa tubig, kundi mula sa presyong dala ng kanyang pagpapanggap. Ang bawat kilos, bawat salita, ay kailangang perpekto. Isang pagkakamali lang, maaaring mabunyag ang kanyang lihim.Habang abala siya sa pagbabanlaw, bigla niyang narinig ang malalakas na katok sa pinto. "Ana, buksan mo ang pinto! Bakit ka ba nagkukulong? Maliligo rin ako."Halos mabitawan ni Belle ang sabon sa kanyang kamay. Napalunok siya, nagmamadaling isara ang shower at nag-isip ng palusot. Ngunit bago pa siya makasagot, narinig niya muli ang boses ni Luke—may halong pagkabahala at inis. "Ana, ano bang nangyayari sa'yo? Hindi mo naman ako tinatanggihan noon. Buksan mo na, mahal."Napalakas ang pintig ng puso ni Belle. Hindi niya alam kung paano iaakyat ang balakid na ito nang hindi halata. Pero kailan
Tahimik ang gabi sa Villa mansion. Maliban sa mahihinang pag-iyak ni Anabella, ang 6 na buwang sanggol, tila kalmado ang paligid. Nasa nursery si Belle, nakaupo sa rocking chair habang kinakarga ang anak ng kanyang yumaong kakambal. Pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha na walang kamalay-malay sa masalimuot na mga pangyayari sa paligid.Pinisil niya ang maliliit na kamay ni Anabella, tila naghahanap ng lakas mula sa inosenteng bata. "Wag kang mag-alala, pamangkin ko," bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagmamahal at determinasyon. "Hahanapin ko ang taong pumatay sa mommy mo. Hindi kita pababayaan. Andito ako, hindi ka na nag-iisa."Hinaplos niya ang noo ng bata, pilit na iniisip ang mga plano niya para sa hinaharap. Ngunit bago pa niya muling maitulak ang sarili sa madilim na alaala, bigla niyang naramdaman ang mainit na presensya sa likuran niya.Nagulat siya nang maramdaman ang mga bisig ni Luke na dahan-dahang yumakap mula sa kanyang likuran. Kasabay nito, naramdaman niy
Biglang may narinig siyang mga yabag mula sa likuran. Napahinto siya sa gitna ng kanyang galit at mabilis na iniangat ang ulo. Papalapit si Ana—o ang inaakala niyang si Ana—habang nakatingin sa kanya, puno ng pagtataka."Kumilos kayo! Or gusto niyo talagang maranasan ang galit ko?" muling sigaw ni Sheila sa kausap bago ibinaba ang tawag nang padabog. Isiniksik niya ang cellphone sa kanyang bulsa, pilit na inaayos ang ekspresyon ng mukha niya upang maitago ang kaba at takot.Nakatayo si Belle, ilang hakbang lamang ang layo. May bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mukha habang nakatitig kay Sheila. "Sheila, napapansin kong balisa ka nitong mga nakaraang araw," simula niya, ang boses ay maingat ngunit puno ng pagdududa. "May kinalaman ka ba sa pagkahulog ko sa bangin? O… may ginawa ka ba?"Biglang nanlamig si Sheila, ngunit pinilit niyang panatilihing kalmado ang sarili. Hindi siya pwedeng mabuko. Lumapit siya nang bahagya kay Belle, pilit na ngumiti kahit halata ang tensyon sa kanyang
Sa kabila ng takot at pag-aalinlangan, kinailangan niyang magsuot ng maskara upang maitago ang tunay na layunin. Alam niyang hindi magiging madali ang bawat hakbang, ngunit ang hustisya para sa kanyang kakambal ang nagbigay sa kanya ng lakas. Habang iniinom ang gatas na iniabot ni Luke, hindi mapigilan ni Belle ang pag-isip ng mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. May bahagi ba si Luke sa trahedya ng kanyang kambal? Totoo ba ang sinasabi nito o isa lamang palabas ang mga matatamis na salita? Pinilit niyang itago ang emosyon, pilit na hindi magpakita ng bahid ng duda. Samantala, si Luke ay patuloy na nakatitig sa natutulog nilang anak. "Alam mo, Ana," biglang sambit ni Luke, boses nito ay puno ng lungkot at pagsisisi. "Noong nawala ka, parang nawala rin ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko alam kung paano ako nagpatuloy."Tumango si Belle, ngunit hindi sumagot. Pinilit niyang ipakita ang pagiging kalmado kahit ang puso niya'y tumitibok nang mabilis. "Mahal, ayaw ko nang ulit ma
Sa gitna ng katahimikan ng gabi, nakatingin si Belle sa madilim na kalangitan mula sa veranda ng mansyon. Ang malamlam na liwanag ng buwan ay tila nagbibigay-buhay sa kanyang mga alaala. Ang kanyang mga mata ay puno ng luha habang ang isang pangako ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan.“Ana, hindi kita bibiguin. Para sa'yo, para kay Anabella, at para sa hustisya, ipagpapatuloy ko ang laban na ito. Hindi ako susuko,Ipagpapatuloy ko ang pagpapanggap hanggang mahuli natin ang salarin sa pagkamatay mo.” mahina niyang binigkas, na para bang kausap ang hangin. Napapikit siya, at bumalik sa kanya ang mga alaala ng kanilang nakaraan. Animnapu’t anim na taon na ang lumipas, ngunit tila sariwa pa rin ang sakit ng mga pangyayari.Noong bata pa sila, naiwan ang magkapatid na Ana at Belle sa isang ampunan. Wala silang kilalang magulang o pamilya. Ang mga madre na nangangalaga sa kanila ang siyang nagbigay ng kanilang mga pangalan. Si Sister Aurora, na naging parang ina nila, ang pum
Ang balitang ito ang tuluyang bumasag sa katahimikan ng gabi. Si Belle, puno ng galit at kalungkutan, ay nanumpang hahanapin ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang kakambal.“Hindi ito aksidente,” bulong ni Belle habang pinipigil ang luha. “Alam kong may kinalaman dito si Sheila Villa o di kaya si Luke.”Sa veranda ng mansyon, bumalik ang alaala ni Belle sa araw na iyon, ang araw ng kanilang pamamaalam. Muli niyang pinahid ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi.“Hindi kita bibiguin, Ana. Kahit nasa kabilang buhay ka na, itutuloy ko ang laban. Para sa'yo, para sa atin, at para sa lahat ng naiwang pangako.Kapag may gumawa nito sa'yo, Ana, ipaglalaban kita. Hahanapin ko ang katotohanan, kahit ano pa ang kapalit," mahina ngunit mariing wika ni Belle habang pilit niyang pinapawi ang mga luhang hindi mapigilan.Muling bumalik sa kanya ang kanilang kabataan, ang araw ng kanilang pamamaalam sa ampunan, ang pangakong hindi kailanman mawawala sa kanyang puso. Mula sa araw na iyon
Napalunok si Belle. “Luke, hindi naman sa gano’n. Siguro… kailangan ko lang ng konting panahon para makapag-adjust ulit. Ang dami ko kasing iniisip.”Ngunit hindi bumitaw si Luke. Hinila niya si Belle papunta sa kama at pinaupo ito. “Ana, anim na buwan na rin ang lumipas mula nang mawala ka. Na-miss kita. Hindi lang bilang asawa, kundi bilang ikaw—ang babaeng mahal ko.”Ang bigat ng boses ni Luke ay tumama sa puso ni Belle. Hindi niya alam kung paano magre-react. Ramdam niya ang init ng kamay nito sa kanyang balikat, at ang paraan ng pagtitig nito ay tila nagbubukas ng damdaming pilit niyang kinokontrol. “Luke…” mahina niyang sabi, pilit na inilalayo ang kanyang tingin. “Hindi ko pa kaya ngayon. Bigyan mo pa ako ng kaunting oras.” Umiling si Luke, tila nasaktan. “Hindi kita pipilitin, Ana. Pero sana sabihin mo sa akin kung may problema. Ayoko kasing maramdaman na parang hindi na ikaw ang kasama ko.”Tumayo si Luke at lumabas ng kwarto, iniwan si Belle na tahimik na umiiyak. Sa liko
Naramdaman niyang may malambot na kamay na humawak sa kanyang palda. Nang ibaba niya ang tingin, nakita niyang nakangiti sa kanya si Anabella."Mommy, can I have another slice of cake?"Napapikit siya ng mariin.Mommy.Pinilit niyang ngumiti at hinaplos ang buhok ng bata. "Sige, baby. Pero huwag masyadong marami, ha?"Tuwang-tuwang tumakbo si Anabella pabalik sa mesa kung nasaan ang mga bata.Nagtagpo muli ang mga mata nila ni Luke. Tahimik ito, pero sa titig pa lang, ramdam niya ang dami nitong gustong itanong."Ana," seryosong sabi ni Philip, "sigurado ka bang wala kang gustong sabihin sa amin?"Napabilis ang tibok ng kanyang puso."A-ano pong ibig n'yong sabihin?"Seryoso ang tingin ni Philip. "Wala lang. Parang iba ka lang nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko maipaliwanag pero… hindi ko alam, Ana. May bumabagabag sa akin."Muling napalunok si Belle."Wala po, Papa. Wala po kayong kailangang ipag-alala."Pinagmasdan siya ni Philip nang matagal, bago tumango. "Kung gano'n, mabuti. B
Hinawakan ni Nenita ang magkabilang balikat niya at malambing siyang tinitigan. "Kumusta ka na, hija? Kumusta ang pagbubuntis mo?"Napalunok siya. Ang init ng palad ni Nenita sa kanyang balikat ay tila apoy na gumuguhit sa balat niya, pinapaalalahanan siya ng kasinungalingang patuloy niyang pinaninindigan."M-maayos naman po, Mama," sagot niya, pilit pinapalambot ang boses. "Medyo mahirap lang minsan, pero kaya naman.""Mabuti naman, hija. Dapat inaalagaan mo ang sarili mo, lalo na't anim na buwan ka nang buntis," sabat ni Philip habang nakangiti. "Laking tuwa namin nang sinabi sa amin ni Luke na magkakaroon na ng kapatid si Anabella."Napatingin siya kay Luke na tahimik lamang na nakamasid sa kanila."Aba, dapat talaga pinapahinga mo ang sarili mo," saad ni Nenita. "Hindi ka ba masyadong napapagod sa pag-aalaga kay Anabella?""Hindi naman po," pilit niyang sagot. "Sanay naman po ako."Hinawakan ni Nenita ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. "Iba ka talaga, Ana. Simula pa lang no
"Hindi na, kaya ko namang mag-isa," sagot niya at agad na naglakad palayo.Habang naglalakad siya papunta sa dalampasigan, ramdam niya ang bigat sa dibdib niya. Ayaw niyang aminin, pero nasasaktan siya. At hindi niya alam kung paano iyon haharapin.Nakaupo siya sa isang malaking bato malapit sa tubig nang biglang may lumapit sa kanya."Mukhang may iniisip ka."Napatingala siya at nakita niyang si Vanessa pala iyon."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.Ngumiti si Vanessa at umupo sa tabi niya. "Gusto lang kitang makausap. Mukhang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina.""Talagang hindi," diretsong sagot niya.Tumawa si Vanessa. "Ang tapang mo rin, ano?"Hindi siya sumagot.Nagpatuloy si Vanessa. "Alam mo, Sara, hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala. Pero alam ko kung paano tumingin ang isang lalaki sa babaeng mahal niya."Napaangat ang kilay ni Sara. "Ano ang gusto mong sabihin?"Tumingin si Vanessa sa malayo, saka ngumiti. "Gusto kita, Sara."Nanlaki ang mata niya. "Ha?"T
Tumingin si Tatay Romero sa kanya. "Eh ilang taon mo na bang nililigawan ang anak ko?"Napakamot si Adrian sa batok. "Matagal-tagal na po.""Aba eh, kung matagal na, e bakit hindi pa nagkaka-sagot? Ano bang problema mo, hija?" nakataas ang kilay ni Nanay Glenda.Napalunok si Sara. "Nay, huwag niyo akong isali diyan!"Tumingin si Tatay Romero kay Adrian. "Eh ikaw, Adrian, sigurado ka ba sa anak ko? Baka naman mainip ka at mapunta ka nga sa beauty queen?"Tumayo si Adrian nang tuwid at seryosong tumingin kay Tatay Romero. "Tay, sigurado po ako. Kahit ilang beauty queen pa ang dumaan, si Sara pa rin ang gusto ko. Siya lang."Natigilan si Sara. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot sa sobrang kaseryosohan ni Adrian.Nakangiti si Nanay Glenda. "O siya, hija, bahala ka na diyan. Pero tandaan mo, bihira ang lalaking ganyan."Tumingin si Sara kay Adrian, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya."Tingnan natin kung kaya mong panindigan ‘yan," mahina niyang sabi.Ngumiti si Adri
KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bumabagabag sa kanya. Habang nag-aayos ng mesa, napansin niya si Nanay Glenda na nakamasid sa kanya, nakangiti."Ano, hija? Magpapaganda ka na ba para sa bisita mo?" tanong ni Nanay Glenda habang pinipigil ang ngiti.Napataas ang kilay ni Sara. "Ano pong bisita?""Aba eh, sino pa? E ‘di ‘yung masugid mong manliligaw!" sagot ni Tatay Romero na nagkakape sa tabi.Napaawang ang bibig ni Sara. "Tay! Wala akong bisita!""Hmp! Sige ka, baka may beauty queen na ang kasama niya ngayon!" sabat ni Nanay Glenda habang abala sa pagtutupi ng mga damit.Napakunot ang noo ni Sara. "Edi mabuti! Kung may gusto siyang beauty queen, wala akong pakialam!"Tumingin si Tatay Romero sa kanya nang makahulugan. "Aba, parang ang taas ng boses mo, hija. Parang—""Parang ano?" mabilis na putol ni Sara, sabay tingin sa kanyang ama."Parang nagseselos!" sagot ni Nanay Glenda na parang may tuksong ngiti."Nay naman! Hindi a
Saglit na natahimik si Adrian. Nagpukol siya ng tingin sa pool, pinagmamasdan ang kislap ng tubig sa ilalim ng buwan.Adrian: “Masakit ‘yun. Pero kung hindi niya ako pipiliin… tatanggapin ko.”Paul: “Wow. Sobrang lalim na ng tama mo, boss. Pero alam mo, feeling ko… ikaw pa rin ang pipiliin niya.”Napangiti si Adrian. “Sana nga.”Paul: “Kaya bukas, punta mo na agad! Baka naman isang beauty queen pa ang maunang umeksena diyan sa buhay mo.”Adrian: “Kahit sampung beauty queen pa ‘yan, si Sara lang ang gusto ko.”Paul: “O siya, sige na! Mukhang wala na akong magagawa sa’yo. Magpahinga ka na, para may energy kang mangulit bukas.”Tumayo si Adrian at tinapik sa balikat si Paul. “Salamat, bro.”Paul: “Walang anuman. Basta siguruhin mong hindi ka tatanggap ng ‘basted’ bilang sagot.”Natawa si Adrian. “Wala ‘yun sa vocabulary ko.”At sa isip niya, buo na ang pasya niya—bukas, babalik siya kay Sara. KinabukasanMaagang nagising si Sara, pero hindi niya alam kung bakit. Parang may kung anong bu
Muling bumigat ang dibdib ni Sara. Tumayo siya nang mariin ang pagtapak sa sahig. “Hindi ko alam,” sagot niya bago lumabas ng bahay.Naiwan sina Nanay Glenda at Tatay Romero na nagkakatinginan. Napangiti si Nanay Glenda. “Mukhang may nahulog na talaga.”Sa Crystal Clear J ResortNapapaligiran si Adrian ng naggagandahang babae pero ni isa sa kanila, hindi niya magawang pagtuunan ng pansin.Lumapit sa kanya si Jas, ang matalik niyang kaibigan at kasosyo sa resort. “Boss, sigurado ka bang hindi ka pupunta kay Sara ngayon? Parang ang bigat ng loob mo.”Umiling siya. “Busy tayo ngayon, ‘di ba? Tsaka hindi naman ako pwedeng mawala sa event na ‘to.”Ngumiti si Jasendo at palihim na tinapik ang balikat niya. “O baka naman gusto mong marinig na hinanap ka niya?”Mabilis siyang tumingin sa kaibigan. “Hayup ka talaga, Jasendo.”Napatawa ito. “Aba, kita mo? Ikaw na nga ang nagsabi.”Pumikit si Adrian at marahang bumuntong-hininga. Kahapon lang, hawak niya ang kamay ni Sara, tila may pag-asa siyan
Bahagyang lumapit si Adrian kay Sara. "Handa akong tanggapin ang desisyon niya, basta alam kong nagawa ko ang lahat.""Parang pasado ka naman," sabi ni Tatay Romero na parang may iniisip.Ngumiti si Nanay Glenda. "Oo nga, parang gusto ko na ngang ipaubaya sa’yo ang anak namin.""Ano ba kayo, Nay, Tay! Parang ibinibigay n’yo na ako!" sigaw ni Sara, halatang nahiya.Tumawa si Adrian. "Salamat po, Nay, Tay. Pero si Sara pa rin ang magde-desisyon. Hindi ko siya mamadaliin. Handa akong maghintay."Tahimik lang si Sara. Hindi niya alam kung paano tatanggapin ang mga sinabi nito. Pero sa unang pagkakataon, hindi siya nakaramdam ng kaba. Sa halip, parang may mainit at komportableng pakiramdam na bumabalot sa kanya."Aba, mukhang wala nang matutulog sa gabi sa kakaisip nito," sabi ni Tatay Romero habang natatawa."Oo nga," segunda ni Nanay Glenda. "Baka mapuyat na naman ‘tong anak natin.""Tay, Nay, tama na nga!" reklamo ni Sara.Tumingin sa kanya si Adrian at ngumiti. "O siya, aalis na ako. S
"Weh?""Oo, Sara. At kung hindi man ngayon… okay lang. Hindi ako nagmamadali." Tumikhim si Adrian at inilahad ang kamay sa kanya. "Pero pwede bang simulan natin bilang magkaibigan ulit?"Napatitig si Sara sa kamay ni Adrian. Simpleng kilos lang, pero parang ang bigat ng ibig sabihin.Magkaibigan.Pwede namang walang ligawan. Walang expectations. Walang pressure.Pero handa na ba siyang tanggapin iyon?Maya-maya, narinig niya ang boses ni Tatay Romero mula sa likuran nila. "Ano, Sara? Abutin mo na ‘yan bago pa magdilim."Nagtinginan ang mga tindera at sabay-sabay na nag-cheer. "Sige na, Sara! Para matapos na ‘tong teleserye sa palengke!"Napahinga nang malalim si Sara. Tinapunan niya ng masamang tingin ang mga chismosang tindera, pero sa loob-loob niya… natatawa na rin siya.At sa dulo, wala naman sigurong mawawala kung ipagkakaloob niya kay Adrian ang isang bagay.Hindi muna pag-ibig.Pero isang pagkakataon.Kaya dahan-dahan niyang inabot ang kamay ni Adrian."Sige. Magkaibigan muna."