"Sa tingin mo mamahalin kita? Hinding-hindi kita magawang mahalin Anna, kaya 'wag mo ng ituloy pa ang pagpapakasal saakin!!" "Alam kung matutunan mo rin akong mahalin Dylan, kaya pakiusap.. Pakasalan mo ako.." "Hinding-hindi kita mamahalin isinusumpa ko!" -Dylan "Nagustuhan mo ba?" Hindi ako pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko sa kanya, bakit bigla nalang siyang nag-iba? Bakit gumaganda siya sa paningin ko? At bakit.... Bakit Minahal ko siya? Siya ba talaga ang asawa ko?- DYLAN
View More2153RD POV “Bakit hindi mo sinabi sa akin na lumipat ka rito?” Tanong nito ni Reymart, habang wala siyang pakialam dito. “Hindi mo ba ako naririnig?” Galit na wika nito habang hinawakan ang kanyang braso. “Wala ka namang pakialam kung lumipat ako ‘diba?” “May pakialam ako dahil asawa kita!” Natawa si Diana, dahil sa sinabi ni Reymart. “Asawa? Ni hindi mo nga ako itinuturing na asawa!” “Paano kita ituturing na asawa? Alam mong pinakasalan lang kita, dahil sa utang na loob!” “Kung ganun, dapat maghiwalay na tayo.” Bahagyang nagulat si Reymart, dahil sa sinabi ni Diana. “Sa tingin mo ganun lang kadali ‘yon?” Kunot-noo na tanong ni Reymart sa kanya. “Nauntog ba ‘yang ulo mo?” Tanong nito habang hindi siya sumagot kay Reymart. “Sa bagay si Rey naman talaga ang gusto mo at hindi ako ‘diba? Kaya ka siguro nagkaganyan.” “Ayaw mo pa nun, maging malaya na kayo ni Judith?” Lalong napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa kanyang narinig. “Nagseselos kaba sa kanya?” Natatawa na tanong n
2143RD POV “Diana.” Ngiting wika ni Judith at niyakap siya. Hilaw siyang napangiti rito habang tumingin siya kay Reymart. “Bakit kayo magkasama?” Tanong niya habang ang kanyang mga mata ay nanatili kay Reymart. “Niyaya niya ako rito.” Tuwang wika ni Judith. Habang napakuyom ang kamao niya. “Ganun ba, mabuti ka pa.” Inis na napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. “Ako ba hindi niyo yayain?” Muling wika niya, kaya napatingin si Judith kay Reymart. Namilog naman ang mga mata ni Diana, nang Nakita na pinulupot nito ang kanyang isang kamay sa braso ng asawa niya. “Pwede bang isama natin si Diana?” Ngiting tanong nito, habang nakangiti rin sa kanya si Reymart. “‘Wag na, baka busy siya.” Sagot nito habang tumingin sa kanya. “Sa sunod ka nalang sumama Diana ha, susulitin muna namin ang araw na ito.” Bulong nito sa kanya at agad na silang nagpa-alam. Gustong-gusto ni Diana ang sumigaw dahil sa galit. Pero hindi niya ito ginawa, at hinayaan nalang ang kanyang mga luha
2133RD POV “Hindi na naman maipinta ‘yang mukha mo Reymart.” Wika ni Anna sa anak niya, habang nasa hapag na sila ng kainan. “Pwede ba, hayaan mo nalang ‘yang anak natin. Alam mo naman ang ugali niya.” Wika ni Recca, kaya masama niya itong tiningnan. “Hindi pwede ‘yang ginagawa niya Recca. Alam mong may asawa na siya.” “Mommy, ayos lang po ako, wala naman po siyang ginawa na masama sa akin.” Napatingin si Reymart sa kanya, dahil sa kanyang sinabi. Matapos silang kumain ay agad ng umalis si Reymart. Hindi rin siya nagpaalam kay Diana, at sa kanyang ina lang siya humalik. Habang naglalakad papunta sa taas upang gamitin ni Reymart, ang kanyang helicopter, ay hinawakan ni Anna ang kamay ni Diana. “Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Hija. Ang totoo, mabait naman ‘yang si Reymart.” Wika niya habang ngumiti lang sa kanya si Diana.***“Diana!” Tawag ni Judith, sa kanya, kaya hindi niya maiwasan na magulat. “Anong ginagawa mo rito?” Taka na tanong niya, hindi niya kasi akalain na maki
2123RD POV “J-Judith…” Sambit ni Diana, kaya napatingin ito sa kanya, habang tinalikuran sila ni Reymart. “Bakit kayo magkasama?” Tanong nito habang lumabas si Diana, sa kanyang opisina. “May pinag-usapan lang kami.” Sagot nito. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya, habang naglalakad sila papunta sa elevator. “Pinuntahan ko lang ang pinsan ko, salamat pala Diana ha, dahil pinapasok mo rito si Mark.” Ngiting wika niya, habang papasok sila sa elevator. “Wala ‘yon, isa pa kulang naman talaga kami sa tao.” “Mabuti nalang talaga, nilapitan kita, oo nga pala, may phone number ka kay Reymart?” Natigilan si Diana, dahil sa tanong nito sa kanya. “H-ha? B-bakit?” Tanong niya, rito habang pinipigilan ang pama-iyak. Simula noon ay alam na niya na si Judith ang nag-iisang babae na minahal ni Reymart. Simula ng magkahiwalay sila, ay wala na itong nililigawan pang iba. “Gusto ko lang sana na magpasalamat sa kanya.” Sagot nito habang napatitig sa kanya si Diana.“Magpasalamat? S-saan?” Nap
211WARNING MATURED CONTEXT!!!SPG3RD POV “R-Reyamrt…” Utal na sambit ni Diana habang papalapit si Reymart sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong nito sa kanya, habang nilapitan niya ito. “Masama bang puntahan kita?” Ngising wika ni Reymart sa kanya. Habang napatingin siya sa paligid ng opisina nito. “A-anong gusto mo?” Wika nito habang napapansin ni Reymart, ang pagkataranta nito. “Ikaw ang gusto ko, kaya i-lock mo ang pinto.” Kunot-noo na wika sa kanya ni Reymart. “A-ano ba ‘yang pinagsasab-.” Natigilan siya nang makitang muling bumalik si Reymart sa pinto at ni-lock ito. “Maghubad kana.” Utos nito sa kanya, kaya napakunot ang kanyang noo. “Bingi kaba? Ang sabi ko maghubad kan-.” Napabaling ang mukha ni Reymart, matapos itong sampalin ni Diana. Napahawak naman si Reymart sa pisngi niya, habang nanlilisik ang kanyang mga mata na tumingin kay Diana. “Ano ba Reymart!” Sigaw ni Diana, habang hinalikan nito ang leeg niya. “Bitawan mo ako ano ba!!” Muli niyang sinampal si
My Mysterious Wife VI 210 3RD POV “Anak, nakakahiya naman sa mga magulang ni Diana, ‘yang gusto mo.” Wika ni Anna sa anak niyang si Reymart. Kagagaling lang niya sa ibang bansa, para puntahan si Rey at April at agad siyang bumalik, dahil nagmamadali na si Diana na maikasal ito kay Reymart. “Mom, wala akong pakialam sa sasabihin nila.” Napahinga ng malalim si Anna habang nakatingin sa anak niya. Ayaw niya na kulitin ito, dahil alam niya kung gaano kahirap ang maikasal sa taong hindi mo gusto. Ayaw niya lang kasi na mapahiya sa pamilya ni Diana. Lalo na at matalik itong kaibigan ng ina niyang si Helen. **** “Para sa 'yo.” Hindi na nag-abala pa si Reymart, na tingnan ang babaeng nasa harapan niya, at lalong wala rin siyang balak na tingnan ang binigay nito sa kanya. “Hindi ko kailangan ang mga ‘yan, kaya sa susunod ‘wag kanang mag-abala pa.” Balewala na wika nito. “Hindi naman ‘to abala sa akin.” Ngiting wika ni Diana, habang nag-angat ng mukha si Reymart sa kanya.
2093RD POV Matapos mailibing ang ama ni April ay nagpasya silang dalhin ang kanyang ina sa ibang bansa kasama nila, at gusto nila na roon nalang ito tumira, dahil alam ni April na hindi titigil ang kanyang ina, hangga't hindi ito makakaganti. “Tayo na.” Wika ni Rey, sa asawa niya. Tumango ito sa kanya habang tumingin sa kanyang ina na tahimik lang na nakaupo. “Tayo na Mommy.” Wika niya rito, kaya tumayo ito. Wala itong imik na naglakad at iniwan sila. “Anak.” Sambit ni Anna. “Umuwi kayo agad ha.” Wika nito kaya tumango si Rey. “April, anak. Alagaan mo si Rey, roon ha.” Wika niya at hinalikan sa pisngi si April. “Makakaasa po kayo Ma'am.” “Ayan kana naman, mommy dapat ang itawag mo sa akin.” Wika nito at hinaplos ang buhok nito. Hindi maiwasan ni April na mahiya, dahil sa ginawa ni Anna. “Sige na Mom, mauna na kami.” Wika ni Rey at humalik sa kanyang ina. “Mag-ingat kayo ro'n, Rey.” Wikang muli ni Anna at hinalikan ang anak niya. “Dad, kayo na muna ang bahala kay Mommy.” W
2083RD POV “Magsihanda na kayo!” Wika ni Rey, habang kinasa niya ang kanyang baril. “Dalhin niyo siya sa akin, patay man o buhay.” Madiin na wika niya, habang agad na lumabas ang mga tauhan niya. Nang mag-umpisa na ang putukan ay agad na pumunta si Rey, sa likuran. Alam niya na may daanan sa likuran ng bahay ni Alex at doon ito minsan dumadaan. Sa tuwing may nakasalubong siyang kalaban ay agad niya itong binaril. “Sa likod mo!” Napalingon siya at agad na binaril ang taong nasa likuran niya. “Fvck! Bakit ka nandito?” Tanong niya sa kakambal niyang si Reymart. Hindi niya kasi pinaalam dito ang ginawa niyang paglusob sa bahay ni Alex, dahil ayaw niyang madamay ito. “Sinundan kita.” Sagot nito sa kanya, habang binaril ang taong sumalubong sa kanila. “Dapat hindi kana sumunod. Baka lalo lang mag-alala si Mommy!” “‘Wag kang mag-alala. Alam ni Mommy Aira, ang ginawa natin ngayon.” Natigilan si Rey, dahil sa sinabi ni Reymart sa kanya. “Pinaalam mo?” “Oo, at pinadalhan niya rin ako
207 3RD POV “‘Wag niyong hahayaan na makalabas muli ang lalaking ‘yan!!” Galit na sigaw nito. Hindi naman inakala ni Rey, na marami pa pala itong tauhan. Nang pumasok din ang mga tauhan niya, ay agad niya silang pinigilan, dahil baka tamaan ang ina ni April. “Aatras ba tayo Sir?!” Sigaw ng isa niyang tauhan. “Hindi, kailangan natin siyang makuha!” Sagot niya rito, kaya agad na umikot ang ibang tauhan niya, para doon dumaan sa likod. Matapos nilang napatumba ang lahat ng tauhan nila ay agad niyang nilapitan ang ina ni April. “Sumama na kayo sa akin.” Masama siyang tiningnan ng ginang dahil sa kanyang sinabi. “Hinding-hindi ako sasama sa 'yo!” Sigaw niyo, kaya agad itong nilapitan ng tauhan niya at tinakpan ang bibig nito. Kailangan itong gawin ni Rey, upang madala niya ang ginang. Balak niya rin na Ilipat sila sa nabili niyang safe house. “Nasa'n ang asawa niya?” Tanong niya sa isa niyang tauhan. “Ang alam namin Sir, sumama siya kay Alex.” Sagot nito sa kanya, habang pasakay
C13RD POV“Dad! Ayoko pong magpakasal sa kanya!” Iyak na wika ni Anna sa kanyang ama. Hindi niya kasi inakala na basta nalang itong mag-desisyon na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito na si Dylan. Hindi naman maipagkakaila ng dalaga na may gusto siya sa binata, pero alam niya kasi na may girlfriend ito at mahal na mahal ito ni Dylan. “Ang pinaka-ayaw kung marinig Anna ay ang tanggihan mo ako sa lahat ng gusto ko! Alam mong si Dylan lang ang makaka-salba sa negosyo natin na palubog na!” “Pero Dad!” “Tumigil ka na Anna! Dapat kang sumunod sa iyong ama! Alam mo kung gaano siya nagsikap, para sa kumpanya natin, tapos hindi mo pa siya magawang pagbigyan?” “Paano ko siya pagbigyan Tita? Alam mo naman na masyado pa akong Bata. Isa ka, kaka-graduate ko lang.”“Wala kaming paki-alam! Basta ang gusto namin ang sundin mo.” Napa-upo si Anna, matapos niyang marinig ang sinabi ng stepmother niya. “Dad…” Mahina niyang sambit sa kanyang ama at hinawakan ang braso nito.“Kung gusto mo pang ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments