C4
3RD POV “Bakit hindi mo man lang ako pinagtanggol!” Malakas na sigaw ni Anna kay Dylan ng maka-uwi dito. Hilaw na napangiti si Dylan sa kanya at tinitingnan siya, mula ulo Hanggang paa. “At bakit ko naman ‘yon gagawin?” “Dylan, asawa mo ako!” “Asawa? Baka nakalimutan mo na asawa lang kita sa papel! Isa pa, ito ang tandaan mo Anna, ayokong saktan si Britney, kaya ‘wag na ‘wag mong sabihin sa kanya na pinakasalan kita.” Muling napa-iyak si Anna, dahil sa narinig niya mula kay Dylan. Ni wala man lang itong pakialam sa nararamdaman niya. Napatingin si Anna kay Luz ng abutan siya nito ng tubig. Mabilis din na tumabi si Luz nang makitang muling lumabas si Dylan. “S-saan ka pupunta?” Takang tanong ni Anna, habang nakita niya ang dalang maleta ni Dylan. Mabilis na lumapit sa kanya si Anna at hinawakan ang kanyang maleta. “Saan ka ba pupunta? Pwede bang ‘wag kang umalis..” Iyak nitong pagmamakaawa sa kanya. Pero parang bingi si Dylan at walang narinig. Muling hinawakan ni Anna ang maleta kaya napatingin sa kanya si Dylan. “Bitawan mo ‘yan, kung ayaw mong ibalibag ko sa ‘yo ‘tong maleta.” Namilog ang mga mata ni Anna habang nailing kay Dylan. Naglakas loob naman si Luz na hawakan si Anna, at kunin ang mga kamay niya na nakahawak sa maleta ni Dylan. Ito kasi ang natakot sa sinabi ng kanyang lalaking amo. “Bumitiw ka na po Ma’am Anna, baka po ano pa ang mangyari sa ‘yo..” Hindi nito napigilan ang mapaluha, habang nakatingin kay Anna na patuloy na umiiyak at nagmamakaawa kay Dylan. Mabilis niya naman na naiwas si Anna, nang tangka itong hampasin ni Dylan sa hawak niya. “P-pigilan mo siya Manang…” Iyak na pagmamakaawa ni Anna, habang nakita nitong palabas na si Dylan sa pinto. “M-mas mabuti po siguro na hayaan niyo po muna si Sir Ma’am Anna, baka Po masaktan lang kayo, kung pipigilan mo siya.” Luhaang nag-angat ng mukha si Anna sa kanya. “P-paano na ako? A-anong sasabihin ko sa kanila kung hahanapin nila si Dylan sa akin Manang?” Hindi napigilan ni Luz ang sarili at niyakap si Anna. Gusto man nitong tulungan ang kanyang amo ay wala itong magawa. Lumipas ang mga araw at hindi mapigilan ni Luz ang mag-alala kay Anna. Simula kasi noong umalis si Dylan ay lagi nalang itong nagmumukmok at hindi kumakain. Sinubukan na niyang tawagan si Dylan, pero hindi ito sumasagot, kahit ang pamilya ni Anna ay hindi rin nito makontak. “Ma’am Anna..” Mahina niyang sambit habang binuksan ang kwarto ni Anna, kahit alam niya na hindi nito kakainin ang mga pagkain na dala niya, ay sinusubukan niya, pa rin na dalhan ito. “‘Wag!” Malakas nitong sigaw, nang tangka niyang buksan ang ilaw. “Pero paano ka kakain, kung hindi mo bubuksan ang ilaw?” Tanong niya, rito, habang pilit na ina-aninag ang mukha ni Anna. “Wala akong gana na kumain Manang,” “Ma’am Anna, kailangan n’yo pong kumain at magpalakas. Paano nalang po kung uuwi na si Sir? Paano mo siya ma-ipagluluto?” Kumbinsi nitong wika, habang naririnig na naman niya ang hikbi ni Anna. “Sa tingin mo ba Manang, uuwi pa ba?” Iyak nitong wika, habang hinawakan niya ang kamay ni Anna. “Ikaw ang asawa niya, kaya alam ko na babalikan ka niya.” “Pero hindi niya ako mahal?” Natigilan si Luz, dahil wala rin itong makuhang sagot. “Iwan n’yo na muna ako Manang,” “Pero Ma’am Anna?” “‘Wag po kayong mag-alala sa akin Manang, ayos lang po ako.” Wika nito sa kanya. Gusto man niyang manatili muna sa silid ni Anna, pero wala itong magagawa kun’di sundin ang amo. Naisipan ni Luz a puntahan si Dylan sa office nito. Kinapalan na nito ang kanyang mukha para paki-usapan ang lalaking amo. Hindi niya kasi mapigilan na mag-alala, kay Anna. Dahil sa ilang araw na itong hindi kumakain. “Anong kailangan niyo?” Napatingin si Luz sa guard na lumapit sa kanya. “Itatanong ko lang po sana, kung nand’yan si Sir Dylan?” Napatitig sa kanya ang guard at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “K-katulong niya ako.” Muling wika niya habang napatango ang guard sa kanya. “Anong kailangan mo kay Sir? Hindi mo ba alam na wala siya rito?” “W-wala? Anong wala?” Hindi napigilan ni Luz ang mapalakas ang kanyang boses. “Nasa out of town kasama ang girlfriend niya.” Napatakip sa kanyang bibig si Luz, dahil sa kanyang narinig. Hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng galit sa kay Dylan, dahil nagawa pa nitong umalis at sumama sa babae nito, habang nagdurusa si Anna. Babalik na sana si Luz sa condo ni Anna at Dylan pero natigilan siya ng tumawag ang kanyang anak. Gustuhin man niya na balikan agad si Anna, pero hindi niya ito magawa, dahil mas kailangan siya ng kanyang anak. “Nasa’n ba ‘yong asawa mo?” Tanong ni Luz nang makarating sa hospital. “Nasa trabaho Nay, wala po kasi akong ibang matawagan.” Napahinga ng malalim si Luz, habang nakatingin sa anak niya na namimilipit sa sakit. Ngayon kasi ang kabuwanan nito at hindi man lang nag-leave ang asawa nito. Hindi niya tuloy mapigilan na maisip si Anna, dahil paano nalang kung ganito ang sitwasyon nang kanyang babaeng amo, sino ang tatawagan nito? “Nay! Bayaran na po muna ninyo ‘yong deposit! Para maipasok na nila ako sa emergency room.” Nailing si Luz sa narinig niya. “Akala ko ba nag-iipon kayo ng asawa mo?” “Nay! Naman, alam mo naman na sobrang hirap ng buhay ngayon, kaya nagalaw namin ‘yong inipon namin, para sa panganganak ko.” “Alam mo naman pala, na mahirap ang buhay? Bakit panay ‘yang pagbubuntis mo?” “Nay naman, paulit-ulit nalang ba tayo? Hindi naman pwede na ipalaglag ko ‘tong mga anak ko!” “Tumigil ka na nga! Nag-papalusot ka pa.” Inis na wika ni Luz at iniwan ang anak. Ilang beses na kasi nitong sinabihan ang anak niya na gumamit ng family planning pero hindi talaga nakikinig. “Mano po Nay!” Kinuha ang kamay ni Luz sa kanyang manugang. “Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na nanganganak ang asawa mo?” Galit nitong tanong, kaya napakamot ito sa kanyang ulo. “Pasensya na po kayo Inay, pinuntahan ko pa po kasi ‘yong mga bata at pinakain.” Napahinga ng malalim si Luz, dahil sa sinabi nito sa kanya. Alam din kasi niya, na walang mapag-iwanan sa kanyang mga apo. Isa pa, iniisip niya, paano nalang kung hindi siya namamasukan? Sino nalang ang tutulong sa kanyang anak? “Oh! S’ya, Sige, ikaw na muna ang bahala sa asawa mo, dahil kailangan ko pang balikan ang amo ko.” Paalam niya rito. “T-teka lang po Inay, baka po may kailangan pa po akong bayaran?” “Wala na, nabayaran ko na, at kung may kailangan kayo tawagan mo lang ako.” “Opo Inay.” Nagmamadaling umalis si Luz, para balikan si Anna. Mas lalo pa siyang nag-alala dahil umaga pa nito iniwanan ang amo niya.C5 3RD POV“Manang!” Napahinto si Luz at napatitig kay Anna. Ibang-iba kasi ito ngayon at ang sigla ng mukha niya. Hindi na rin nito nakikita sa mga mata ni Anna ang lungkot. “A-ayos na po ba kayo?” Taka niyang wika habang nilapitan ang amo. Dumako ang kanyang mga mata nang makita ang baso na may laman na alak. “Umiinom po kayo Ma’am Anna?” Tanong nito habang bakas sa kanyang mga mata ang pagtataka. Ngayon lang kasi niya nakitang umiinom ito. “Oo naman Manang, Minsan kailangan talaga natin uminom. Teka, bakit ba masyado kayong seryoso r’yan? Halika, uminom ka rin.” Ngiting wika nito habang inabot sa kanya ang baso. Kinuha naman ito ni Luz, habang hindi niya maiwasan na titigan ang mukha ni Anna. Sabay silang napalingon ng bigla nalang bumukas ang pinto. Kunot-noo na napatingin sa kanila si Dylan at dumilim pa lalo ang mukha nito ng makita ang bote ng alak sa harapan nila. “Mukhang nag-eenjoy ka ng husto?” Wika nito habang nilapitan sila. “Anong enjoy? Paano naman ako ma-enjoy,
63RD POVHindi pa rin mawala ang isip ni Dylan ang ginawa ni Anna sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang gawin ‘yon sa kanya ni Anna. Isa pang pinagtataka niya ay parang may iba sa asawa niya. Pati ang kasuotan nito ay nag-iba narin.“May problema ba?” Napatingin siya sa pinto at nakita ang kaibigan niyang si Recca na nakatayo. Mabilis naman siyang umiling dito.“I though nag-aaway na naman kayo ng girlfriend mo.” Wika nito habang umupo sa harapan ng mesa niya.“We’re fine.” “Then? Bakit parang ang lalim yata ng problema mo? ‘Wag mong sabihin pinapahirapan ka ng asawa mo?” Natatawa niyang wika.“Parang ganun na nga.” Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ni Recca, dahil sa sagot sa kanya ni Dylan.“What do you mean Dude?” “Iwan, napansin ko lang na bigla siyang nagbago.”“Baka nauntog na at gusto nang makipag-divorce sa ‘yo.” “Mabuti sana kung ganun. Alam mo naman na wala talaga akong gusto sa kanya.” “Kung ganun, bakit hindi mo nalang siya unahan?”“Alam mo naman na
73RD POV“Where are you going?” Tanong sa kanya ni Dylan ng makitang bihis na bihis si Anna. “Bakit mo tinatanong?” Masungit na sagot niya.“Tsk, sabihin mo sa akin kung sa’n ka pupunta.” “Paano kung ayaw ko?” Napakuyom ang kamao ni Dylan habang malakas na binagsak ni Anna ang pinto ng condo unit nila. Akmang susunod na sana siya sa kanyang asawa, pero biglang tumunog ang kanyang phone.Ayaw sana ni Dylan na pumunta sa office, pero kailangan dahil may importante silang meeting, kaya agad niyang tinawagan si Recca.“Ano? Gagawin mo pa talaga akong bodyguard sa asawa mo.” Natatawang wika ni Recca sa kabilang linya.”“Don’t worry I pay you.” Muling natawa si Recca, dahil alam niya na hindi siya mananalo kay Dylan.Samantala nagpunta si Anna sa isang sikat na boutique para bumili ng damit. Pagpasok niya pa lang ay pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob. Hindi rin siya pinansin ng mga sales lady roon. “Hey!” Napatingin si Anna kay Britney at hilaw na ngumiti.“Why are you here?” Na
83RD POV“Lumabas ka muna.” Gulat na napatingin sa kanya si Britney dahil sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na siya ang palayasin nito at hindi si Anna.“Are you kidding me, Love?” Galit na wika nito“Pwede ba, ‘wag mo nang painitin pa ang ulo ko.” “Bakit ba ako ang pinapalabas mo? Bakit ba hindi siya?” Turo niya kay Anna.“Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi sa ‘yo ni Dylan?” Galit na nilingon ni Britney si Anna, at susungurin na naman sana. Pero pinigilan siya muli ni Dylan.“Lumabas ka na.” Muling wika ni Dylan sa kanya, kaya winaksi niya ang kamay ni Dylan at mabilis na lumabas.“Bakit ka nandito?” Inis na tanong niya kay Anna.“Bakit? Bawal ba akong pumunta rito?” Ngiting tanong niya. Narinig naman nila ang pagbubukas ng pinto kaya sabay silang napatingin dito.Bakas sa mukha ni Recca ang gulat ng makita si Anna na naka-upo sa swivel chair ni Dylan. Hindi niya inakala na pupunta rito si Anna, at sanay rin siya na basta nalang pumasok sa office ni Dylan. “Hi pogi!”
93RD POVNaisip ni Luz na tama lang ang ginawa ni Anna kay Fely, dahil noong pumunta si Luz sa kanila ay pinagtabuyan lamang siya nito.“Manang!” Tawag ni Anna sa kanya, kaya dali-dali siyang lumapit dito. “Bakit po Ma’am? “Pwede mo ba akong ibili ng chocolate cake Manang? Gusto ko kasing kumain ng cake tapos tinatamad naman akong lumabas. Please Manang,” parang bata na wika ni Anna sa kanya. Hindi maiwasan ni Luz na mapatitig kay Anna, dahil noong unang pasok niya bilang katulong sa kanya, ay napansin niya na nagbi-bake ito ng cake.“Sige po Ma’am.” Wika niya habang kinuha ang pera na binigay ni Anna sa kanya. Bigla niya naman naalala ang sinabi sa kanya noon, na mas gusto nito na siya ang gumawa ng cake na kakainin niya.“Hmm, siguro pagod lang siya.” Wika ni Luz habang lumabas.Napalingon si Anna nang biglang bumukas ang pinto ng condo unit nila.Nang makita niya si Dylan ay muli niyang itinuon ang kanyang atensyon sa TV.“Nagugutom ako.” Wika ni Dylan habang huminto sa harapan
103RD POV “Masyado naman boring dito sa bahay Manang.” Wika ni Anna, matapos umupo sa sofa. “Naku! Ma'am Anna, kabilin-bilinan pa naman ni Sir Dylan na ‘wag ko kayong pa-alisin.” Kumunot ang noo ni Anna ng tingnan niya si Luz. “Anong pakialam niya kung aalis ako? Ang boring nga rito eh! Alam mo Manang, mas maganda sana kung mag-outing tayo.” Ngiti niyang wika kay Luz. “Kapag dumating nalang si Sir, Ma’am Anna.” Kinakabahan na wika ni Luz, dahil kapag umalis si Anna ay malalagot siya kay Dylan.“Bakit hindi ka nalang mag-swimming sa rooftop Ma’am Anna.” Wika ni Luz, dahil noon ay lagi siyang dinadala ni Anna sa rooftop para samahan siya mag-swimming. Malawak na napangiti si Anna, dahil sa sinabi sa kanya ni Luz. “Oo nga pala no? Bakit hindi ko ‘yan naalala.” Ngiting wika nito at dali-daling pumasok sa kanyang kwarto. Nakahinga naman ng maluwag si Luz, dahil hindi umalis si Anna. Minsan naisip niya, na kaya nagbago si Anna, dahil sa lamig ng pakikitungo ni Dylan sa kanya at sa mga
113RD POV“Ano po bang ginagawa niyo rito?” Tanong ni Dylan, para maiba ang usapan, dahil hindi na siya komportable sa mga pinagsasabi ni Anna sa mga magulang niya. “Gusto kasi namin na lumipat na kayo sa bago niyong bahay. Masyado na kasi itong masikip sa Inyong dalawa.” Ngiting wika ni Kim kay Dylan.“Wala naman problema sa akin, kung ayaw ni Dylan na umalis dito Mom, Dad. Ang totoo nga, mas nag-i-enjoy ako rito dahil maraming pog-.” Mabilis na tinakpan ni Dylan ang bibig ni Anna, kaya masama siyang tiningnan ni Anna.“Fine Mom, lilipat agad kami.” Gulat na napatingin si Kim kay Dylan dahil sa sinabi nito. Ilang beses na kasi niyang sinabihan si Dylan na lumipat na, pero sadyang nag-matigas ito, kaya hindi niya maiwasan na magtaka dahil mabilis lang itong sumang-ayon sa kanya.“Sinabi ko naman sa ‘yo na mas mabuti nga at pinuntahan natin sila rito.” Ngiting wika ni Kim kay Sandro, habang nasa elevator na sila.Samantala, galit na galit si Anna kay Dylan, dahil sa pagsang-ayon nito
123RD POV “Why?” Takang tanong ni Britney nang biglang tumayo si Dylan.“Love, anong problema?” Muli niyang tanong habang napahawak si Dylan sa noo niya, dahil bigla niyang naisip si Anna, at ang ikina-iinis pa nito sa kanyang sarili ay mukha ni Anna ang kanyang nakikita kay Britney.“I’m sorry, but I need to go.” Wika niya at dali-daling tumayo. Taka na napatingin si Britney sa kanya at susundan sana ito, pero hindi na niya ito naabutan sa labas. Panay ang ginawang paghampas ni Dylan sa manibela ng kanyang kotse dahil naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit patuloy na gumugulo sa isip niya si Anna. “Manang!” Tawag niya nang makapasok siya sa loob ng condo. Binuhay niya ‘yong ilaw dahil madilim ito. “Fvck!” Malakas niyang sigaw ng makita si Anna sa harapan niya. Malawak naman itong napangiti sa kanya.“What are you doing?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Hinintay ka.” Balewalang sagot nito at umupo sa kama.“Himala yata na hinintay mo ako.” Matamis na
CHAPTER 293RD POV “Bakit mo ginawa ‘yon?” Galit na wika ng kanyang ama, habang pinigilan ito ng kanyang ina. “Bakit mo natiis na malayo sa mga anak mo Ellie?! Hindi kaba naawa sa mga bata? Pinag-kait mo sila sa amin?!” Sigaw nitong muli, habang umiiyak siya. “Anong nangyari rito Mommy? Daddy?” Tanong ni Elijah, matapos itong makalapit sa kanila. Nasa likuran naman nito si Charles at Eloise. “Bakit niyo pinagalitan si Ate?” Tanong ni Charles. “Lumayas ka Ellie.” Madiin na wika ni Evo, na kinasinghap ng mga kapatid ni Ellie. “Evo! ‘Wag mo naman ‘yang gagawin sa Anak natin!” Galit na sigaw sa kanya ni Catherine. “At ano ang gusto mong gawin ko? Ang matuwa? Dahil sa ginawa niyang panloloko sa atin? Ganun ba ang gusto mo Kai?” Iyak na wika ni Evo, kaya napalapit dito ang anak niyang si Eloise. “Ano po ba ang problema?” Iyak na tanong ni Eloise, habang niyakap nito ang kanyang ama. “Hindi mo lang alam, kung gaano sila kasabik sa isang ama, Catherine.” Hikbing wika nito. “Kaya pal
CHAPTER 28 3RD POV “Anak, saan ba tayo pupunta?” Tanong sa kanyang ina, habang nakatuon lang ang atensyon niya sa daan. Buo na ang desisyon ni Ellie, na sabihin dito ang totoo. Ang totoo tungkol sa kanyang mga anak, dahil nababalot pa rin siya ng takot. Takot na baka ilayo ni Jameson, ang mga bata sa kanya.Nang makarating sila sa mansion na dinalhan ni Jameson, sa mga bata ay dali-dali siyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob. “Anak, kaninong bahay ‘to?” Tanong ng kanyang ina, habang nakasunod ito sa kanya. “Tita Ellie!!” Masayang sigaw ng dalawa, habang lumapit sa kanya. “Ellie, bakit sila nandito? Hindi ba sinabi ko sa ‘yo, na ayaw ko na mag-ampon ka?”“Mga Anak ko sila Mommy..” Mahina na wika niya, na kina-gulat ng kanyang ina. “A-ano? Anong sinabi mo?” Utal na wika nito sa kanya. “A-ako ang tunay nilang ina Mom..” Hikbing wika niya, habang nailing ang kanyang ina. “A-Anak..” Sambit nito, habang umiiyak.“Patawarin niyo ako Mommy, h-hindi ko sinasadya na mabuntis.. Hindi
CHAPTER 27 3RD POV Habang lolan ng eroplano ay pinili ni Ellie, na manahimik, dahil takot siyang magsalita. Ayaw niya rin na marinig ang sasabihin sa kanya ni Jameson, lalo na at alam na nito ang katotohanan. “Tita, bakit wala si Mama?” Mahina na tanong sa kanya ni Jun-Jun.” “May pinuntahan lang siya.” Sagot niya habang ngumiti sa kanyang anak. Napatingin siya kay Jameson, nang makita na nakatingin ito sa kanila. “Tita, bakit sumakay tayo ng ganito?” Tanong naman ni John-John.“Pupunta ulit tayo sa malaking bahay mo, Tita?” Tanong nitong muli. “Hindi, ibang bahay ang pupuntahan natin, bahay ko at ‘yon na ang magiging bahay niyo.” Wika nito na kinagulat niya. “A-anong bahay? B-bakit do’n mo sila patirahin? Hindi pwede!” Galit na wika niya rito. “At saan sila titira? Sa bahay niyo? Baka nakalimutan mo na tinago mo sila sa mga magulang mo Ellie, at gusto ko lang ipaalala sa ‘yo, na hindi nila tanggap ang mga Anak ko.” Madiin nitong wika. “Alam ko na hindi mo sila kayang panindig
CHAPTER 26 3RD POV “Wala kang maisagot? Akala mo ba hindi ko alam ang totoo? Ang sama niyo! Niloko niyo akong magpinsan!” Taka siyang napatingin dito, dahil sa kanyang narinig. “Niloko? Anong niloko?” Tanong niya, habang mahigpit na hinawakan ni Jameson, ang braso niya. “Niloko niyo akong dalawa ni Daisy, kaya pagbabayaran niyo ang ginawa niyo.” Madiin na wika nito. Nang mapatingin ito sa pinto, ay dali-dali na pinunasan ni Ellie, ang kanyang mga luha at tiningnan ang mga anak niya. “Away kayo Tita?” Mahina na tanong sa kanya ni Jun-Jun. Umiling naman siya rito at pilit na ngumiti. Nang makita ni Ellie, na lumabas si Jameson, ay dali-dali niyang tinanggal ang mga nakakabit sa kamay ni Jun-Jun. “Ma’am Ellie, ano po ang ginagawa niyo?” Taka na tanong sa kanya ni Arlene. “’Wag kang maingay Manang, tulungan mo nalang ako.” Wika niya habang binuhat si Jun-Jun. Dali-dali naman na binuhat ni Arlene, si John-John, habang nasa pinto si Ellie, at sumilip. “Tara, bilisan mo.” Wika niya,
CHAPTER 253RD POV Gulong-gulo ang isip ni Ellie, habang nakatingin kay Jameson, na kinukuhanan ng dugo. Hindi niya rin alam kung paano niya kausapin si Jameson, nababalot siya ng takot... Takot na baka alam na nito ang totoo. ‘Paano niya ako nasundan? At b-bakit niya ako sinusundan?’ “Ma’am Ellie.” Napalingon siya kay Arlene, at napatingin sa dala nito. “Ano ‘yan Manang?” Tanong niya rito. “Ipapakain ko po kay Sir, Ma’am Ellie.” Sagot nito sa kanya. “Kailangan niya po, ito. Lalo na at kinuhaan siya ng dugo.” Muling wika nito sa kanya. Hindi siya sumagot dito, at iniwan si Arlene. Pinuntahan niya muna ang isang anak niya, na nasa loob ng kanyang kotse. Pinakuha niya ito sa kanyang bodyguard, dahil ayaw niya na maiwan ito sa bahay. “Tita.” Wika nito, habang kita niya sa mukha ni John-John, ang lungkot. “Si Jun-Jun..” Hikbing wika nito, kaya niyakap niya ito habang naglandas ang kanyang mga luha. “’Wag kang mag-alala. Magiging maayos na siya.” Wika niya habang mahigpit na niya
CHAPTER 24 3RD POV Nang mapansin niya, na nakatitig lang ito sa kanya, ay basta niya nalang itong tinalikuran at sumakay siya sa kanyang kotse. “Sa opisina tayo.” Wika niya sa kanyang driver, kaya mabilis na binuhay nito ang makina. Hindi niya naman maiwasan na mapatingin kay Jameson, dahil nakatanaw pa rin ito sa kotse niya. Nang makarating siya sa kanyang opisina, ay agad siyang humiga sa sofa. Wala siyang balak na umuwi, dahil ayaw niyang marinig ang sermon ng kanyang ama, pagdating nito. Alam niya na magagalit ito, dahil sa bigla niyang pagkawala sa party. Wala kasi siya sa mood, at wala rin siyang gana, na makipag-salamuha sa mga tao na nandun. Lalo rin siyang nabadtrip sa lalaking pinakilala sa kanya ni Dahlia. Gusto niya sana na tawagan si Arlene, para kausapin ang mga bata, pero pinigilan niya ang kanyang sarili, dahil malalim na ang gabi. Baka maisturbo rin niya ang tulog nila. Bigla na naman siyang nakaramdam ng lungkot, dahil na-alala niya ang kanyang mga anak. Pakira
CHAPTER 233RD POV “Sigurado kana ba, sa desisyon mo Ma’am Ellie?” Tanong ni Arlene, sa kanya. Patuloy naman niyang pinupunasan ang mga luha niya sa kanyang mga mata, habang nakatingin sa mga anak niya. “Kahit masakit Manang, kailangan ko ‘tong gawin. Hindi ko sila pwedeng piliin, dahil hindi ko maibibigay sa kanila, ang buhay na nararapat sa mga anak ko.” Hikbing wika ni Ellie. “’Wag kang mag-alala Manang, kapag makatakas ako sa pamilya ko, pupuntahan ko sila.” Wika niya, habang pilit na ngumiti. “Pero bakit kailangan pa naming lumipat Ma’am Ellie, baka maninibago na naman sila?” “Kailangan Beth, dahil kilala ko ang babaeng asawa ng mayor sa lugar niyo.” Wika niya, kaya gulat itong napatingin sa kanya. “Kilala niyo po si Ma’am Camille?” Wika nito, habang tumango siya. “Mama, uuwi na tayo?” Tanong ni John-John, matapos itong lumapit kay Arlene.“Oo, Anak.” Sagot nito kay John-John. Habang tumingin ito sa kanya. “Hindi ka sasama Tita?” Lalo siyang napa-iyak, dahil sa tanong ng
CHAPTER 223RD POV “Fvck! Bakit hindi mo alam na may allergy siya?” Galit na wika ni Jameson, sa kanya. “H-hindi ko a-alam..” Iyak na wika ni Ellie, habang patuloy na sinilip si John-John. “Sh!t! Sino ba kasi ang nagluto nun?” Galit na wika nito. “’Yong isang bata? Nasa’n siya?” Tanong nito sa kanya, kaya roon lang niya naalala si Jun-Jun. “N-nasa bahay mo. B-balikan mo siya ro’n, b-baka may masamang mangyari sa kanya.” Iyak na wika ni Ellie. “Sh!t! Pwede bang ‘wag ka nang umiyak, ‘wag mo na rin sisihin ang sarili mo, dahil hindi naman ikaw ang kanilang ina.” Wika nito, habang tinalikuran siya. Patuloy naman siyang umiyak, habang kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Arlene. Matapos niya itong tawagan, ay mabilis niyang nilapitan ang doctor, nang makita itong lumabas. “Doc, kumusta na ang anak ko?” Wika niya, kaya napatitig ang doctor sa kanya. “Kayo po ba ang nanay?” Muling tanong nito, kaya natigilan siya. “A-ako po ang nanay ng bata.” Napalingon si Ellie, at nakit
CHAPTER 21 3RD POV “Ayoko ko.” Wika niya habang pinunasan ang kanyang mga luha. “Anong ayaw mo? Gusto mo bang itakwil ka ng pamilya mo?” Kunot-noo na wika nito. “Kung itakwil man nila ako kasalanan mo ‘yon!” Galit na sigaw niya rito. “Kasalanan ko?” Taka na wika nito sa kanya. “Alam mo, ang gulo mo talagang kausap.” Masama niya itong tiningnan, dahil sa sinabi nito. “Sumama nalang kayo sa akin.” “At bakit kami sasama sa ‘yo?” Asik niya rito. “Basta.” Sagot nito, habang kinuha sa kanyang kamay si John-John, at binuhat ito. “Saan mo ba kami balak na dalhin?” Muling wika niya, kaya nilingon siya nito. “Alam mo ang ingay mo. Hindi naman sana kita isama. Kaso ayaw mong dalhin ko sila.” Wika nito, at muling naglakad. “Hoy! Kung sa tingin mo gusto ko rin na makasama ka. Pwes! Nagkakamali ka!” Sigaw niya rito. “Ako na ang mag-drive. Sumunod nalang kayo sa amin.” Narinig niyang wika nito sa isang lalaki, kaya napatingin siya rito. Napakunot din ang noo niya, matapos niyang makita