C5
3RD POV “Manang!” Napahinto si Luz at napatitig kay Anna. Ibang-iba kasi ito ngayon at ang sigla ng mukha niya. Hindi na rin nito nakikita sa mga mata ni Anna ang lungkot. “A-ayos na po ba kayo?” Taka niyang wika habang nilapitan ang amo. Dumako ang kanyang mga mata nang makita ang baso na may laman na alak. “Umiinom po kayo Ma’am Anna?” Tanong nito habang bakas sa kanyang mga mata ang pagtataka. Ngayon lang kasi niya nakitang umiinom ito. “Oo naman Manang, Minsan kailangan talaga natin uminom. Teka, bakit ba masyado kayong seryoso r’yan? Halika, uminom ka rin.” Ngiting wika nito habang inabot sa kanya ang baso. Kinuha naman ito ni Luz, habang hindi niya maiwasan na titigan ang mukha ni Anna. Sabay silang napalingon ng bigla nalang bumukas ang pinto. Kunot-noo na napatingin sa kanila si Dylan at dumilim pa lalo ang mukha nito ng makita ang bote ng alak sa harapan nila. “Mukhang nag-eenjoy ka ng husto?” Wika nito habang nilapitan sila. “Anong enjoy? Paano naman ako ma-enjoy, eh nandito lang ako sa bahay. Alam mo ang nag-eenjoy ‘yong nasa bar.” Balewalang wika ni Anna at muling uminom. Napatitig si Dylan sa kanya, dahil naninibago siya kay Anna. Hindi niya rin maiwasan na magtaka, dahil sa tuwing makikita siya ng kanyang asawa, ay agad siya nitong lalapitan, kukunin ang mga gamit at magtatanong kung kumain na siya. Lalo pa itong nagtaka nang makita ang suot ng kanyang asawa. Dati kasi ay laging dress ang suot nito at napaka-pormal, pero ngayon ay isang maikli na maong short at crop top. Hindi niya rin maiwasan na titigan ang harapan nito dahil nakabukaka ito habang nakaupo sa sofa. Hindi niya tuloy maiwasan na napalunok, dahil nakikita na ang maputi nitong singit. “Ano ba ‘yang suot mo?” Tanong ni Dylan, habang napa-yuko si Anna at tiningnan ang kanyang sarili. “Maiwan ko po muna kayo Sir, Ma’am, ilalagay ko lang ‘to.” Wika ni Luz, at iniwan ang dalawa. Hindi niya rin maiwasan na magtaka, dahil kinakausap ng matagal ni Dylan si Anna. Simula kasi noon ay napapansin nito na laging iniwasan ni Dylan si Anna. “Bakit? Anong masama sa suot ko?” Inis na wika ni Anna at tumayo. Ayaw na ayaw kasi nito na pakialaman ang susuotin niya. “Kinakausap pa kita.” Galit na wika ni Dylan ng makitang tinatalikuran siya ni Anna. “Ayaw kitang kausap.” Nakataas ang isang kilay na wika ni Anna. Napakuyom naman si Dylan sa kanyang kamao, dahil sa inasta ni Anna. Hindi niya akalain na babastusin siya nito. Napamaang si Luz nang marinig niya ang sinabi ni Anna sa asawa nito. Hindi niya rin maiwasan na makaramdam ng saya dahil sa ginawa ni Anna, napansin kasi nito na parang palaban na ito at hindi na sunod-sunuran kay Dylan. Tanghali na nagising si Dylan dahil wala itong pasok sa opisina. “Good morning po Sir, kumain na po kayo.” Bati ni Luz sa kanya, habang hindi siya umimik. Inililibot niya rin ang kanyang paningin sa loob ng bahay, dahil hindi niya nakita si Anna. Naninibago kasi ito sa kilos ng kanyang asawa, dahil simula noong nagsama sila ay maaga itong nagigising at naghahanda ng pagkain niya. “Where is she?” Hindi na nito napigilan ang sarili na tanungin si Luz. Hindi kasi siya sanay na Wala ito. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili, dahil dati naman ay ayaw niya na makita ang mukha nito. “Tulog pa po.” Natigilan siya ng marinig ang sinabi ni Luz. “Tulog? Ganitong oras?” Inis nitong wika at tumayo. Tinungo ni Dylan ang silid ni Anna at malakas na kinatok. “Ano ba?! Bakit ba ang ingay?!” Lalong nakaramdam ng inis si Dylan ng marinig ang galit na boses ni Anna sa loob. “Open this fvcking door!!!” Malakas niyang sigaw at para na nitong sisirain ang pinto. “Bakit ba? Ano bang kailangan mo?” Gulat na dumako ang tingin ni Dylan sa katawan ni Anna nang lumabas ito na hindi nagsuot ng damit. Mabilis nitong iniwas ang kanyang tingin kay Anna, dahil naka-panty at bra lamang ito. “Magdamit ka nga!” Inis nitong sigaw, habang malakas na napa-halakhak si Anna. “Ang O.A mo naman! Akala mo naman, virgin.” Gulat na napatingin si Dylan sa kanya, dahil sa sinabi nito. “Ano?” Taas kilay na tanong muli ni Anna kay Dylan. “Bakit, ba hindi ka na umimik? Ano bang kailangan mo? Alam mo, ang himbing sana ng tulog ko. Tapos ang ganda ng panaginip ko, pero sinira mo lang. Kung wala kang kailangan, pwede ba umalis ka na.” Inis na wika ni Anna at sinara ang pinto. Napa-awang ang mga labi ni Dylan dahil sa ginawa ni Anna. Hindi niya akalain na ang dating mahinhin at takot na asawa niya noon, ay magbabago ng ganito. Pero ano bang paki-alam niya? ‘Diba dapat masaya siya, dahil hindi na siya ginugulo ni Anna? “Fvck! ‘Di ba ito ang gusto mo?” Inis at mahina niyang wika sa kanyang sarili. “Sino ‘yan?” Tanong ni Dylan kay Luz nang makitang may kausap ito sa pinto. “Sir, naghahanap po kay Ma’am.” Napatingin si Dylan sa pinto at nakita ang isang lalaki. “Bakit? Ano raw ang kailangan?” “Nasa parking area na po kasi ‘yong kotse ni Ma’am.” “Kotse?” Gulat nitong tanong habang lumabas si Anna. Hindi muli maiwasan ni Dylan na mapatingin sa katawan ng kanyang asawa, dahil sa suot nito. “Here.” Narinig nitong wika habang may inabot na papel ang lalaki kay Anna. “Kumuha ka ng kotse?” Tanong ni Dylan habang dumaan si Anna sa kanya. “Hindi ko kinuha, binili.” Madiin nitong wika at iniwan siya. “Wala akong paki-alam kung kinuha o binili mo.” Inis na wika ni Dylan, kaya natigilan si Anna at nilingon niya si Dylan. “Then? Bakit ka nagtatanong?” Inis na nilapitan ni Dylan si Anna, dahil hindi na nito matiis ang kamalditahan na pinapakita ni Anna sa kanya. “Sagutin mo ng maayos ang Tanong ko.” Umigting ang kanyang panga habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Anna. “Magtanong ka rin ng maayos, kung gusto mong sasagutin kita ng maayos. Isa pa, bitawan mo ‘yang braso ko kung ayaw mong maging bugok ‘yang itl*g mo.” Napangisi si Dylan, dahil sa narinig nito kay Anna. Hindi niya akalain na maging palaban ito sa kanya. “‘Wag mo akong subukan.” Wika ni Anna, sabay angat ng kanyang tuhod at tumama ito sa harapan ni Dylan. Malakas naman na napasigaw si Dylan, dahil sa sakit. “Binalaan na kita.” Balewalang wika ni Anna. “Isa pa, ‘wag kang mag-alala, dahil hindi mo naman pera ang ginagamit ko. Kahit sa sahod ni Luz ay bayad ko na.” Wika nito at muling pumasok sa kanyang kwarto.63RD POVHindi pa rin mawala ang isip ni Dylan ang ginawa ni Anna sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala na kayang gawin ‘yon sa kanya ni Anna. Isa pang pinagtataka niya ay parang may iba sa asawa niya. Pati ang kasuotan nito ay nag-iba narin.“May problema ba?” Napatingin siya sa pinto at nakita ang kaibigan niyang si Recca na nakatayo. Mabilis naman siyang umiling dito.“I though nag-aaway na naman kayo ng girlfriend mo.” Wika nito habang umupo sa harapan ng mesa niya.“We’re fine.” “Then? Bakit parang ang lalim yata ng problema mo? ‘Wag mong sabihin pinapahirapan ka ng asawa mo?” Natatawa niyang wika.“Parang ganun na nga.” Unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ni Recca, dahil sa sagot sa kanya ni Dylan.“What do you mean Dude?” “Iwan, napansin ko lang na bigla siyang nagbago.”“Baka nauntog na at gusto nang makipag-divorce sa ‘yo.” “Mabuti sana kung ganun. Alam mo naman na wala talaga akong gusto sa kanya.” “Kung ganun, bakit hindi mo nalang siya unahan?”“Alam mo naman na
73RD POV“Where are you going?” Tanong sa kanya ni Dylan ng makitang bihis na bihis si Anna. “Bakit mo tinatanong?” Masungit na sagot niya.“Tsk, sabihin mo sa akin kung sa’n ka pupunta.” “Paano kung ayaw ko?” Napakuyom ang kamao ni Dylan habang malakas na binagsak ni Anna ang pinto ng condo unit nila. Akmang susunod na sana siya sa kanyang asawa, pero biglang tumunog ang kanyang phone.Ayaw sana ni Dylan na pumunta sa office, pero kailangan dahil may importante silang meeting, kaya agad niyang tinawagan si Recca.“Ano? Gagawin mo pa talaga akong bodyguard sa asawa mo.” Natatawang wika ni Recca sa kabilang linya.”“Don’t worry I pay you.” Muling natawa si Recca, dahil alam niya na hindi siya mananalo kay Dylan.Samantala nagpunta si Anna sa isang sikat na boutique para bumili ng damit. Pagpasok niya pa lang ay pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob. Hindi rin siya pinansin ng mga sales lady roon. “Hey!” Napatingin si Anna kay Britney at hilaw na ngumiti.“Why are you here?” Na
83RD POV“Lumabas ka muna.” Gulat na napatingin sa kanya si Britney dahil sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na siya ang palayasin nito at hindi si Anna.“Are you kidding me, Love?” Galit na wika nito“Pwede ba, ‘wag mo nang painitin pa ang ulo ko.” “Bakit ba ako ang pinapalabas mo? Bakit ba hindi siya?” Turo niya kay Anna.“Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi sa ‘yo ni Dylan?” Galit na nilingon ni Britney si Anna, at susungurin na naman sana. Pero pinigilan siya muli ni Dylan.“Lumabas ka na.” Muling wika ni Dylan sa kanya, kaya winaksi niya ang kamay ni Dylan at mabilis na lumabas.“Bakit ka nandito?” Inis na tanong niya kay Anna.“Bakit? Bawal ba akong pumunta rito?” Ngiting tanong niya. Narinig naman nila ang pagbubukas ng pinto kaya sabay silang napatingin dito.Bakas sa mukha ni Recca ang gulat ng makita si Anna na naka-upo sa swivel chair ni Dylan. Hindi niya inakala na pupunta rito si Anna, at sanay rin siya na basta nalang pumasok sa office ni Dylan. “Hi pogi!”
93RD POVNaisip ni Luz na tama lang ang ginawa ni Anna kay Fely, dahil noong pumunta si Luz sa kanila ay pinagtabuyan lamang siya nito.“Manang!” Tawag ni Anna sa kanya, kaya dali-dali siyang lumapit dito. “Bakit po Ma’am? “Pwede mo ba akong ibili ng chocolate cake Manang? Gusto ko kasing kumain ng cake tapos tinatamad naman akong lumabas. Please Manang,” parang bata na wika ni Anna sa kanya. Hindi maiwasan ni Luz na mapatitig kay Anna, dahil noong unang pasok niya bilang katulong sa kanya, ay napansin niya na nagbi-bake ito ng cake.“Sige po Ma’am.” Wika niya habang kinuha ang pera na binigay ni Anna sa kanya. Bigla niya naman naalala ang sinabi sa kanya noon, na mas gusto nito na siya ang gumawa ng cake na kakainin niya.“Hmm, siguro pagod lang siya.” Wika ni Luz habang lumabas.Napalingon si Anna nang biglang bumukas ang pinto ng condo unit nila.Nang makita niya si Dylan ay muli niyang itinuon ang kanyang atensyon sa TV.“Nagugutom ako.” Wika ni Dylan habang huminto sa harapan
103RD POV “Masyado naman boring dito sa bahay Manang.” Wika ni Anna, matapos umupo sa sofa. “Naku! Ma'am Anna, kabilin-bilinan pa naman ni Sir Dylan na ‘wag ko kayong pa-alisin.” Kumunot ang noo ni Anna ng tingnan niya si Luz. “Anong pakialam niya kung aalis ako? Ang boring nga rito eh! Alam mo Manang, mas maganda sana kung mag-outing tayo.” Ngiti niyang wika kay Luz. “Kapag dumating nalang si Sir, Ma’am Anna.” Kinakabahan na wika ni Luz, dahil kapag umalis si Anna ay malalagot siya kay Dylan.“Bakit hindi ka nalang mag-swimming sa rooftop Ma’am Anna.” Wika ni Luz, dahil noon ay lagi siyang dinadala ni Anna sa rooftop para samahan siya mag-swimming. Malawak na napangiti si Anna, dahil sa sinabi sa kanya ni Luz. “Oo nga pala no? Bakit hindi ko ‘yan naalala.” Ngiting wika nito at dali-daling pumasok sa kanyang kwarto. Nakahinga naman ng maluwag si Luz, dahil hindi umalis si Anna. Minsan naisip niya, na kaya nagbago si Anna, dahil sa lamig ng pakikitungo ni Dylan sa kanya at sa mga
113RD POV“Ano po bang ginagawa niyo rito?” Tanong ni Dylan, para maiba ang usapan, dahil hindi na siya komportable sa mga pinagsasabi ni Anna sa mga magulang niya. “Gusto kasi namin na lumipat na kayo sa bago niyong bahay. Masyado na kasi itong masikip sa Inyong dalawa.” Ngiting wika ni Kim kay Dylan.“Wala naman problema sa akin, kung ayaw ni Dylan na umalis dito Mom, Dad. Ang totoo nga, mas nag-i-enjoy ako rito dahil maraming pog-.” Mabilis na tinakpan ni Dylan ang bibig ni Anna, kaya masama siyang tiningnan ni Anna.“Fine Mom, lilipat agad kami.” Gulat na napatingin si Kim kay Dylan dahil sa sinabi nito. Ilang beses na kasi niyang sinabihan si Dylan na lumipat na, pero sadyang nag-matigas ito, kaya hindi niya maiwasan na magtaka dahil mabilis lang itong sumang-ayon sa kanya.“Sinabi ko naman sa ‘yo na mas mabuti nga at pinuntahan natin sila rito.” Ngiting wika ni Kim kay Sandro, habang nasa elevator na sila.Samantala, galit na galit si Anna kay Dylan, dahil sa pagsang-ayon nito
123RD POV “Why?” Takang tanong ni Britney nang biglang tumayo si Dylan.“Love, anong problema?” Muli niyang tanong habang napahawak si Dylan sa noo niya, dahil bigla niyang naisip si Anna, at ang ikina-iinis pa nito sa kanyang sarili ay mukha ni Anna ang kanyang nakikita kay Britney.“I’m sorry, but I need to go.” Wika niya at dali-daling tumayo. Taka na napatingin si Britney sa kanya at susundan sana ito, pero hindi na niya ito naabutan sa labas. Panay ang ginawang paghampas ni Dylan sa manibela ng kanyang kotse dahil naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit patuloy na gumugulo sa isip niya si Anna. “Manang!” Tawag niya nang makapasok siya sa loob ng condo. Binuhay niya ‘yong ilaw dahil madilim ito. “Fvck!” Malakas niyang sigaw ng makita si Anna sa harapan niya. Malawak naman itong napangiti sa kanya.“What are you doing?” Kunot-noo na tanong niya rito. “Hinintay ka.” Balewalang sagot nito at umupo sa kama.“Himala yata na hinintay mo ako.” Matamis na
13 3RD POV “Alam mo bang gusto ko ‘yon.” Napapikit si Dylan sa kanyang mga mata dahil nahihiya siya kay Luz. “Stop it Anna.” Nagbabanta niyang wika, pero hindi ito pinansin ni Anna. “Sige na kasi bihisan mo na ako.” Malawak na napangiti si Anna nang buhati siya ni Dylan. Ang akala niya ay sa kwarto siya dadalhin ng kanyang asawa pero nawala ang ngiti sa labi niya ng lumabas sila sa condo.“Bakit tayo lumabas?” Galit na tanong niya habang hindi pa rin siya binaba ni Dylan. “Bakit hindi?” “Teke nga lang! Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong niya, habang buhat pa rin siya ni Dylan. “Sa office.”“Office? Ano naman ang gagawin ko ro’n?” Inis na tanong niya habang binaba na siya ni Dylan.“Sasama sa akin malamang.” “My God Dylan! Bakit mo ba ako isasama ro’n? Ang boring kaya ro’n. Isa pa, hindi mo ba alam na aalis kami ni Manang Luz.” Napatingin sa kanya si Dylan dahil sa kanyang sinabi. “Aalis? At Saan naman kayo pupunta?” “Sa Mall! Bibilhan ko siya ng mga damit, kasi magba-bar kami.
My Mysterious Wife Book VII CHAPTER 239 3RD POV “Jake..” Sambit ni Hanma, matapos niyang nakita ang kanyang nobyo. “Ayos ka lang ba? Anon-.” Napabaling ang mukha niya nang sampalin ito ng lalaki. “Sino ang lalaking ‘yon?!” Galit na sigaw niya rito. Habang umiling siya sa lalaki. “Hindi ko siya Kilala maniwal-.”“Sinungaling!” Muling sigaw nito, kaya napapitlag siya. “Hindi mo ba nakita ang ginawa ng lalaking ‘yon sa akin?! Tingnan mo ang itsura ko!!” “Maniwala ka Jake… Wala akong kinalaman sa ginawa niya sa ‘yo!” “Manahimik ka!! Alam mo bang nagka-litse-litse ang buhay ko dahil sa ‘yo! At sa lalaking ‘yon! Muntik na nila akong nilumpo! Mabuti nalang at nakatakas ako sa kanila! Kaya pagbayaran mo ng mahal ang ginawa niyo sa ‘kin!!” Galit na sigaw nito, kaya dali-dali na tumakbo si Hanma, palabas ng kanilang bahay. Agad siyang sinundan ng lalaki at nahawakan siya sa kanyang braso. Hinampas niya naman ito sa dala niyang bag, kaya nakawala siya rito. “Daddy!!” Iyak na wika nito
2383RD POV “Ano bang ginagawa mo rito?” Inis na tanong ni Reymart, sa kakambal niyang si Rey.“Hinahanap kayo ng mga bata.” Natatawang sagot niya rito. “Anong hinahanap? Alam ko na hindi nila kami hahanapin, kapag kasama nila si Mommy.” “Kinuha namin sila kay Mommy.” Napakunot ang noo ni Reymart, dahil sa sagot ng kapatid niya. “Anong kinuha?” “Kinuha nga namin.” “Bakit niyo kasi kinuha?” “Gusto ka namin, puntahan. Kasi bigla ka nalang nawala sa hospital.” Mabilis naman itong lumayo sa kanya, nang makitang itinaas ni Reymart, ang kanyang kamao. “Hindi mo ba alam, na isturbo kayo!” Madiin na wika niya rito, kaya malakas na natawa si Rey. “Bakit?” Kunot-noo na tanong ni Diana, habang nilapitan niya ang dalawa. Kasama niya si April, at masama rin nitong tiningnan ang asawa niya. “Nag-katuwaan lang kami.” Ngiting wika ni Rey, at pinulupot ang kanyang braso sa bewang ng asawa niya. “Sinabi mo na ba sa kanila?” Wika ni April, kaya nagkatinginan si Rey at Reymart. “Ang alin?” Ta
237 WARNING MATURED CONTEXT!!! SPG3RD POV “I'm sorry.” Wika ni Reymart, habang nasa loob sila ng kanilang kwarto. “Naintindihan kita Reymart. Noon pa man, alam ko na na siya ang mahal mo at hindi ako.” Malungkot na wika ni Diana sa kanya. “Pasensya kana ha, kung naging makulit ako sa 'yo.” Hinging tawad ni Diana. “Ayos lang ‘yon.” Wika niya at siniil ng halik ang labi ni Diana. “Teka lang naman, mag-uusap pa nga tayo.” “Pwede naman tayong mag-usap habang nag-s*x.” Nahampas ni Diana, si Reymart, dahil sa sinabi nito. “Sige lang, magsalita ka lang. Nakikinig naman ako.” Wika ni Reymart, habang nag-umpisa itong halikan ang leeg niya. “Tumigil ka kasi muna!” Nakikiliti na wika ni Diana, dahil dinilaan nito ang leeg niya, patungo sa kanyang dibdib. “Mamaya nalang tayo, mag-usap. Ito muna ang uunahin natin.” Ngising wika niya, habang hinampas siyang muli ni Diana. Pero napasigaw si Diana, nang bigla nalang siyang ihiga ni Reymart, sa kanilang kama. “Ano ba! Nakikiliti ako Reyma
2363RD POV “A-ano?” Napaupo si Diana, habang nabitawan niya ang kanyang phone. “Anong nangyari?” Tanong ng kanyang ina. “M-Mom, kayo muna ang bahala sa mga bata. Pupuntahan ko lang si Reymart.” Iyak na wika ni Diana, kaya lalong nagtaka ang kanyang ina. “Huminahon ka nga, bakit kaba nagkaganyan? Ano bang problema?” “Mommy, si Reymart… May masama pong nangyayari sa kanya.” Napasinghap ang kanyang ina, dahil sa kanyang sinabi. “K-kailangan ko po siyang puntahan Mommy.” Iyak niyang wika kaya tumango sa kanya ang kanyang ina. “Samahan niyo ang ma'am Diana niyo!” Utos niya sa kanilang mga tauhan.Nang makarating si Diana, sa hospital ay nakita niya si Anna, na nakaupo habang umiiyak. “T-Tita..” Iyak na sambit niya habang tumayo si Anna, at niyakap siya. “Ano pong nangyari?” Tanong niya rito. “Nakita ko nalang na lumabas ang kotse niya, at bigla nalang itong nabangga.” “Nasa'n po ba ang mga bodyguard niya Tita? Bakit hindi siya sinamahan?” “Hindi ko rin alam Hija.” “Mom, tama
2353RD POV “Kumain kana.” Wika ni Judith, habang nakatingin kay Reymart. Busy kasi ito sa phone niya, dahil kagabi pa niya inutusan ang mga tauhan niya na hanapin si Diana, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita rito. Isa pang kinaiinisan niya, ay hindi man lang tumawag sa kanya ang kapatid niya pati na rin ang kuya Evo niya. “Daddy…” Sambit ni Rowan, kaya napatingin si Reymart sa kanya, at binuhat ito. “Akin na. Ako nalang ang bahal-.” Umiyak naman ito ng tangka niya itong kunin kay Reymart. “Shhh, halika kay Mommy, ‘wag kang umiya-.” Napasigaw si Judith, nang suntukin ni Rafael ang hita niya. “Hindi ikaw ang Mommy namin!” Malakas na sigaw ni Rafael, at muli siyang sinuntok nito. Inis niya itong tiningnan, at hinawakan ang kamay nito. “Wala na ang mommy niyo, iniwan na kayo, kaya ako na ang bago niyong momm-.”“Tama na Judith.” Wika ni Reymart, at kinuha ang dalawang anak niya. “Tama na anak. Babalik din ang mommy mo.” Wika niya kay Rowan, habang hinalikan ito sa n
234 3RD POV “Sinasabi ko na nga ba.” Wika ni Diana, habang napatingin ito sa babae na nasa harapan niya. Taas kilay naman itong tumingin sa kanya at hinawakan ang baba niya. “Alam mo bang inis na inis na ako sa 'yo! At lalo na noong bumalik ka!” Wika nito habang mahigpit na hinawakan ang baba niya. “Alam mo bang noon paman, napansin ko na na may gusto ka talaga kay Reymart, kaya gumawa ako ng paraan para mawala ka. Pero sadyang malandi ka! Dahil nagpabuntis ka talaga sa kanya!” Napangiti si Diana, habang tinitigan ang galit na mukha ni Judith. “Kaya ba, ayaw mong tanggapin na natalo kita?” Ngiting wika niya, kaya malakas siyang sinampal ni Judith. “Alam mo bang sawang-sawa na ako sa pakikipag-plastikan sa ‘yo? Noon paman ay inis na inis na ako sa ‘yo!” Muling wika nito at muli siyang sinampal. “Mas mabuti nang mawala ka! Kasama ng mga anak mo, dahil panira lang kayo sa plano ko.” Ngising wika nito. “Albert! Kayo na ang bahala sa babaeng ‘to, dahil kailangan kung puntahan si R
2333RD POV “Bastos ka!!!” Napabaling ang mukha ni Aaron, matapos siyang sampalin ni Hanma. “Ayos ka lang ba?” Muling tanong nito sa kanyang nobyo. Inis na napatingin sa kanila si Aaron, at muli na naman nitong nilapitan si Hanma. “Bitawan mo ako ano ba!!” Malakas na sigaw nito, nang hawakan ni Aaron, ang braso niya. “Ano bang problema mong bastos ka ha?” Galit na tanong ni Hanma, habang hindi niya ito pinansin at patuloy lang itong hinila. Tumayo naman ang nobyo ni Hanma, at sinuntok si Aaron. Pero para lamang itong sumuntok sa hangin, dahil agad na umilag si Aaron. “Jake!” Sigaw ni Hanma, nang tadyakan ito ni Aaron. “Alisin niyo ang lalaking ‘yan sa paningin ko.” Utos niya sa kanyang mga tauhan, matapos itong lumapit sa kanila. “Sino kaba talaga? At bakit mo ‘yon ginagawa kay Jake? Wala namang kasalanan ang tao sa ‘yo!” Sigaw nito habang hinahampas ang kamay niya. Tumigil sa paglalakad si Aaron, at tiningnan siya. “Tumigil kana.” Wika niya kay Hanma.“Bakit ako titigil? Dap
2323RD POV “Nagsalita na sila at iisa lang ang taong tinuturo nila.” Wika ni Evo, habang napatingin sila sa mga lalaki na nakatali. “Sino?” Galit na tanong ni Reymart. “Ang girlfriend mo.” Gulat na napatingin si Reymart, sa kuya niya, dahil sa sinabi nito. “Kuya, baka nagkamali ka lang. Alam kung hindi ‘yon magagawa ni Judith. Isa pa, bakit niya naman pagtangka-an si Diana?” “Bahala ka, basta sinabihan na kita.” “Pero bakit? Alam kung kaibigan ang turing niya rito?” Hindi makapaniwala na wika ni Reymart, habang hindi sumagot sa kanya ang kuya Evo niya. Naalala rin niya ang sinabi sa kanya ni Diana.‘Damn! Hindi kaya binayaran sila ni Diana? Para idiin si Judith?’ Napakuyom ang kamao niya at kinuha ang kanyang phone. “Pabalikin mo na si Judith.” Utos niya at agad na pinutol ang tawag. “Ako na ang bahala Kuya, pero sa oras na malaman kung hindi totoo ang sinasabi nila. Malalagot silang lahat sa akin.”****“Maganda ba?” Tanong niya kay Diana, habang napatingin ito sa silid na p
231 3RD POV “Kilala mo ako?” Taka na wika nito habang nakatitig sa kanya. “H-hindi mo ba ako kilala?” Wika ni Aaron, habang hinawakan nito ang kamay ng babae. Mabilis na winaksi niya ang kamay ni Aaron, at masama itong tiningnan. “‘Wag mo akong hawakan.” Kunot-noo na wika nito sa kanya. “Teka lang, sino kaba? At bakit mo kilala ang anak ko?” Tanong ni Junas, kaya napatingin siya rito. “A-anak? Anak mo siya?” Utal na tanong ni Aaron, habang napatango ang lalaki sa kanya.“Bakit Hijo, kilala mo ba si Hanma?” Tanong ni Minerva. “Opo Tita…” Sagot niya habang nakatitig pa rin sa babae. “Paano mo ako nakikilala? Dahil ako, hindi kita kilala.” Kunot-noo na wika nito sa kanya. “Paanong hindi mo ako kilala?” Tanong ni Aaron, habang hinawakan siyang muli, pero muling binawi nito ang kamay niya. “Dad, sino ba siya? Hindi ko siya?” Inis na wika nito sa kanyang ama. “Kuya!” Sabay silang napalingon, napalingon at nakita si Rey. “Rey!” Tuwang wika ng babae at agad na yumakap sa kanya. N