LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

last updateLast Updated : 2024-12-05
By:   Calut qho  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
9 ratings. 9 reviews
13Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Blurb: Matagal na magkasintahan sina Emy at Ricardo, ngunit sa araw ng kanilang anibersaryo, bigla siyang hiniwalayan ni Ricardo nang walang paliwanag. Kalaunan, nalaman ni Emy na si Ricardo ay isang tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan at napilitang magpakasal sa isang babaeng ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng sakit at hirap, pinalaki ni Emy ang kanilang anak nang mag-isa at itinago ito sa loob ng maraming taon. Paglipas ng panahon, muling nagkrus ang kanilang mga landas sa di inaasahang pagkakataon. Sa muli nilang pagkikita, nalaman ni Ricardo ang tungkol sa kanilang anak at nagsimulang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit bago sila muling maging buo, haharap sila sa mga pagsubok na muling susukat sa kanilang pagmamahalan. Mapagtatagumpayan kaya nila ang pagsubok na iyon? Mabubuo pa kayang muli ang kanilang pamilya? O muling mawawasak at paghihiwalay ng isang sirkumstansya.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

“Babe! A-anong nangyari?” bungad ni Emy sa nobyo nang buksan niya ang pinto. Lasing kasi ito at halos wala nang lakas.. “Hay! babe. I miss you,” napasikdo at nagpupungay ang mga matang nakatitig sa kanya. “Hmm, ang bango,” inamoy-amoy pa siya ng nobyo. “Sandali, ano ba ang problema mo? Ba’t ka naglasing?” nag-aalalang tanong niya sa nobyo. Ngumiti lamang ito at hinagkan ang kanyang labi. “I miss you,” usal nito.“Wait, babe. Amoy alak ka,” pag-iwas niya rito. Panay naman ang pagsinok ng nobyo. Lupaypay na ito dahil sa sobrang kalasingan. “Pasok na muna tayo sa kuwarto, para makapagpahinga ka. Inalalayan niya ito papasok sa silid. Inisa-isa niyang tinanggal ang suot nitong sapatos pati na rin ang suit at niluwagan ang kurbata nito.“Ano ba kasi ang problema ng taong ‘to at ang aga nitong nalasing,” maktol niya habang hinubad ang polo ng nobyo. “Alas-sais y medya pa lang ngunit lasing na ito, babe may problema ka ba?” usisa niya sa wala sa sariling nobyo.Ngunit impit na ungol l...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
MIKS DELOSO
Highly recommended po ang ganda ng story
2024-12-06 00:54:01
0
user avatar
Trish
ganda ng story
2024-12-03 14:25:07
0
user avatar
Calut qho
Magandang araw po... lalo na sa nag-aabang ng story ni Emy, baka next month ko na lang e daily update ito. Busy po kasi ako Salamat po,,,,
2024-10-27 07:44:31
1
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
highly recommended ang ganda ng story pa update nmn po author
2024-10-20 15:39:17
0
user avatar
Calut qho
Hello po ...... support my second book. Isa lang ang masasabi ko sa librong ito. Sa kabila man ng lungkot at hirap ng buhay. Kailangan nating lumaban at tumayo para harapin ang magandang bukas. thank you po ......️ thank you in advance sa support....️...️...️
2024-10-02 09:14:10
1
user avatar
Anne
hi beh ^_^ support !!!
2024-09-26 21:14:34
0
user avatar
SKYGOODNOVEL
high recommended
2024-09-26 20:23:45
0
user avatar
Ysanne Cross
hello! support konpo kau!
2024-09-26 20:23:29
0
user avatar
Mairisian
Support 🫶
2024-09-25 17:01:56
0
13 Chapters
Chapter 1
“Babe! A-anong nangyari?” bungad ni Emy sa nobyo nang buksan niya ang pinto. Lasing kasi ito at halos wala nang lakas.. “Hay! babe. I miss you,” napasikdo at nagpupungay ang mga matang nakatitig sa kanya. “Hmm, ang bango,” inamoy-amoy pa siya ng nobyo. “Sandali, ano ba ang problema mo? Ba’t ka naglasing?” nag-aalalang tanong niya sa nobyo. Ngumiti lamang ito at hinagkan ang kanyang labi. “I miss you,” usal nito.“Wait, babe. Amoy alak ka,” pag-iwas niya rito. Panay naman ang pagsinok ng nobyo. Lupaypay na ito dahil sa sobrang kalasingan. “Pasok na muna tayo sa kuwarto, para makapagpahinga ka. Inalalayan niya ito papasok sa silid. Inisa-isa niyang tinanggal ang suot nitong sapatos pati na rin ang suit at niluwagan ang kurbata nito.“Ano ba kasi ang problema ng taong ‘to at ang aga nitong nalasing,” maktol niya habang hinubad ang polo ng nobyo. “Alas-sais y medya pa lang ngunit lasing na ito, babe may problema ka ba?” usisa niya sa wala sa sariling nobyo.Ngunit impit na ungol l
last updateLast Updated : 2024-09-15
Read more
Chapter 2
“Good morning,” bati sa kanya ng nobyo. “Good morning,” nakangiting tugon niya rito. “Ang aga mo ata nagising?” usisa niya rito.“Kumain ka muna, may dala akong food. Para naman ma-re-charge ang lakas mo. Naubos ko ‘ata kagabi,” pangaasar nito. “Loko! Boseet ka!” napailag naman ito ng bigla niyang ibato ang unan.“Opss, teka lang. Baka masayang itong food, favorite mo pa naman ‘to. Hmmm,” nakangising saad nito at saka inamoy ang dalang buttered garlic bread na siyang paborito niyang bini-bake nito sa tuwing magagawi ang ang nobyo sa apartment niya.“Hmp, akin na nga ‘yan!” kunot ang noo’ng kinuha ang tinapay na nakalagay sa bibitbit nitong tray.“Hmm, I miss this taste. Ang sarap,” puri niya habang nginunguya ang tinapay.“Masarap ba?” nakangising tanong nito.“Ahm,” napatangong usal niya.Nakapikit at feel na feel niya ang pagkain na parang isang taon siyang hindi natikim at nakakain ng pagkain yaon. “Dahan-dahan lang, at baka ika’y mabilaukan.” Saway sa kanya ni Ricardo dahilan
last updateLast Updated : 2024-09-15
Read more
Chapter 3
Pasado alas dose na ng gabi natapos ang event. Hawak ang kamay at bitbit ang binili nilang kwek-kwek sa kanto, habang naglalakad sila sa park. Pagod man ngunit hindi nila iyon inalintana, ang mahalaga ay kasama nila ang isa't Isa. Pinakilala din siya sa wakas ng nobyo sa tatay nito na tanging dumalo sa graduation nito, may importanteng lakad daw kasi ang nanay niya kaya ang tatay Ben na lamang niya ang nagsabit ng medalya nito. Magmula din nang matapos ang event ay biglang nagbago ang eskpresyon sa mukha ni Ricardo. Para bang pasan nito ang buong mundo magmula nang lumabas sila sa event kanina. Hindi naman ganito ang mukha ng nobyo ng umalis ito sa apartment niya kanina.“Babe, may problima ka ba?” usisa niya rito. Bumuntonghininga lamang ito bago siya hinarap. “Babe, you know how much I love you. Mahal kita no matter what, pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Tsaka ayaw kong maghirap ka, gusto ko na makita kang matupad mo ang lahat ng mga pangarap mo…mga pangarap natin…sana matupad m
last updateLast Updated : 2024-09-15
Read more
Chapter 4: The Weight of Truth
Nanghihinang iminulat ni Emy ang kanyang mga mata. At saka tiningnan ang kabuuan ng silid. Hanggang sa makilala niya ang mapuputing dingding, ang mga aparatong medikal, at ang amoy ng antiseptiko — nasa ospital siya. Agad siyang bumangon ngunit agad ding bumagsak pabalik sa kama dulot ng bigat at panghihina ng kanyang katawan.“Argh…” naiungol niya.Walang ibang tao sa silid maliban sa kanya. Walang kaibigan, walang pamilya, at higit sa lahat, wala si Ricardo. Hindi niya maiwasang maluha nang maalala ang mga sinabi ng nobyo.“Ganun lang ba ‘yon? For how many years, makikipaghiwalay siya nang walang eksaktong dahilan?” mga tanong sa kanyang isipan na gusto niyang mabigyan ng kasagutan.Sa pagitan ng kanyang panghihina at pagkalito, narinig niya ang mga salitang nagmumula sa TV: "Breaking News!". Agad siyang napabaling sa screen.Nakita niya ang malapad na ngiti ng isang groom habang inaayos ang kanyang tuxedo. Agad niyang nakilala ang mukha. “Ricardo?” naisambit niya. Si Ricardo—ang l
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more
Chapter 5: Embracing the Unseen Future
Sa loob ng ilang segundo, tila huminto ang mundo ni Emy. Bumibigat ang kanyang dibdib, at unti-unting nagbabalik sa kanyang alaala ang lahat ng mga senyales—ang mga pagkakataong hindi siya dinatnan, ang mga biglaang pagkahilo at pagsusuka, na inakala niyang stress lamang. Ngunit ngayon, malinaw na sa kanya ang katotohanan: buntis siya. Walong linggo nang nabubuo sa kanyang sinapupunan ang anak nila ni Ricardo, o kilqla bilang Richard Buencamino."Buntis ako?" muling tanong ni Emy, halos hindi pa rin makapaniwala. Tila kinakalaban ng kanyang isipan ang mga salitang iyon.Napatitig siya kay Dr. Alcantara, na tila ba naghihintay ng kasiguraduhan mula sa sariling katawan. “Oo, Miss Emy, walong linggo ka nang buntis. At batay sa mga test na isinagawa namin, medyo mahina pa ang kapit ng bata. Kailangan mong magpahinga at iwasan ang kahit anong stress,” mahinahong paliwanag ng doktor, ngunit dama ni Emy ang bigat ng bawat salita.Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang susunod
last updateLast Updated : 2024-10-01
Read more
Chapter 6: Shadow of the Past
Matapos ang engrandeng kasal, dumiretso sina Richard at Jenny sa isang marangyang resort sa labas ng siyudad para sa kanilang honeymoon. Ang villa ay nakatayo sa gitna ng napakagandang tanawin ng bundok at dagat, parang eksena mula sa isang pelikula. Tahimik at pribado ang lugar—perpekto para sa bagong kasal. Ngunit para kay Richard, tila wala ito sa tamang pagkakataon. Pagdating nila sa resort, inikot ni Jenny ang mga mata sa paligid, tila nagmamasid sa kagandahan ng lugar. “Ang ganda ng tanawin dito, Richard. Para tayong nasa ibang mundo,” sambit ni Jenny habang sinisipat ang malawak na bintanang nagbibigay tanaw sa dagat. "Oo, maganda," tugon ni Richard, ngunit hindi ganap na naroon ang kanyang isipan. Tumango lang siya at naglakad papunta sa balcony, tinatanaw ang mga alon ng dagat na tila sumasalamin sa kanyang magulong damdamin. Napansin ni Jenny ang tila pagiging balisa ni Richard. Lumapit siya at hinawakan ang kanyang balikat. "Richard, alam kong hindi pa rin tayo nag-uusa
last updateLast Updated : 2024-10-02
Read more
Chapter 7: Rebuilding from Dust.
KINABUKASAN, matapos ang mahabang biyahe, narating ni Emy ang Negros. Matagal na siyang hindi nakabalik dito, at ang baryong ito ang tila nagbigay sa kanya ng kapanatagan kahit saglit lang. Ang hangin, sariwa, at ang paligid ay tahimik, ngunit hindi maitatangging may alaalang nagtatago sa bawat sulok ng lugar. Pagdating niya sa bahay ng kanyang yumaong lola, nalanghap niya agad ang amoy ng alikabok. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pintuan, pilit itinutulak ang mabigat na pinto na tila hindi nabubuksan nang matagal. Pagkapasok niya, agad siyang sinalubong ng mga alaala. Mga lumang retrato sa dingding, mga gamit na iniwan ng kanyang lola. Agad naman siyang napaluhod sa gitna ng sala, hindi dahil sa bigat ng pagod kundi sa bigat ng emosyon. Maya-maya’y pumasok si Cherry, bitbit ang ilang gamit mula sa sasakyan. “Wow, mas magulo pala ‘to kaysa inaasahan ko.” Napangiti naman si Emy kahit papaano. “Oo nga. Pero walang problema, kaya natin ‘tong ayusin. Hindi naman tayo natatak
last updateLast Updated : 2024-10-03
Read more
chapter 8: Between Duty and Love
Ilang araw na ang nakalipas ngunit, tila nawawala sa sariling mundo si Richard habang tahimik siyang naglalakad sa paligid ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung saan na pupunta si Emy. Hindi siya mapakali—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Puno ng panghihinayang ang kanyang isipan, pero hindi niya malaman kung saan magsisimula. Nagpasya siyang puntahan si Cherry. Siguro, siya ang makapagsasabi kung saan nagpunta ang babae. Nang makarating si Richard sa apartment ni Cherry, hindi siya nag-atubiling kumatok. Maya-maya’y bumukas ang pinto, at bumungad si Cherry. Halatang nagulat ito nang makita siya. “Richard?” tanong ni Cherry, bakas ang pagdududa sa kanyang boses. "Cherry, kailangan kong malaman... nasaan si Emy?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Alam niyang ito ang pinakamabilis na paraan para makuha ang kasagutan. Tumitig si Cherry kay Richard, pero hindi ito sumagot. Napuno ng katahimikan ang hangin, tila ba mabigat ang bawat segundo. “Cherry, kailanga
last updateLast Updated : 2024-10-04
Read more
Chapter 9: Kiss of the Past
HABANG nakahiga si Richard sa kanilang silid, ramdam niya ang pagod mula sa dami ng mga emosyon na bumabalot sa kanya. Ang kanyang puso ay tila nagiging bato sa bigat ng mga pangyayari. Gusto niyang kalimutan ang mga problema at takasan ang responsibilidad, ngunit ang kanyang konsensya ay hindi siya pinapatahimik. At mas lalong ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya. Habang nakapikit at pilit na pinapalaya ang kaniyang isip, ay biglang bumukas ang kanilang pinto at pumasok mula roon si Jenny. Dahan-dahan itong lumapit, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. "Richard," nag-aalalangang tawag nito. “Hmmm,” naitugon na lamang niya, nang hindi ito tinititigan. "Niyaya ako ng mga kaibigan ko… gusto ko sanang umalis na muna," mahinang ani Jenny, na tila ba hindi rin alam kung dapat siyang magsalita pa o tumahimik na lang. Napalingon naman si Richard sa asawa, bago sumagot. “Sige, mag-ingat ka," ani Richard, at saka inabot ang kaniyang cellphone at tiningnan ito. “Sige… alis n
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more
Chapter 10: A Brother's Embrace
HABANG palapit si Emy sa kanilang bahay, tahimik lang siyang naglalakad, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga nangyari. Nang bigla na lang may isang boses na tumawag sa kaniya mula sa di-kalayuan."Emy!"Napalingon naman siya at napangiti na rin ng makilala niya paparating. “Kuya Xander?” usal niya habang ngumingiti. Si Xander ang kinakapatid niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita pero kilala pa rin niya ang hitsura nito kahit na malaki na pinagbago.“Kuya Xander! Kailan ka pa dumating?” masayang bati ni Emy at tanong na rin."Kaninang madaling araw lang," tugon naman ng kaibigan at kaswal na tinapik ang kaniyang balikat. "Akala ko nga matatagalan pa bago tayo magkita."“Kumusta ka na pala?” usisa niya rito.“Ito pagod pero pinilit kong pumunta rito nabalitaan ko kasi kay nanay na nakabalik ka na raw kaya nagbakasakali ako na makita ka. At mabuti na lang naabutan kita,” naisaad nito at hindi mawari’y ang saya sa mukha nito.“Grabe naman. Ayy nga pala ano plano mo? Natupad
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more
DMCA.com Protection Status