LOVE BENEATH THE LIES (SPG)
Blurb:
Matagal na magkasintahan sina Emy at Ricardo, ngunit sa araw ng kanilang anibersaryo, bigla siyang hiniwalayan ni Ricardo nang walang paliwanag. Kalaunan, nalaman ni Emy na si Ricardo ay isang tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan at napilitang magpakasal sa isang babaeng ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng sakit at hirap, pinalaki ni Emy ang kanilang anak nang mag-isa at itinago ito sa loob ng maraming taon.
Paglipas ng panahon, muling nagkrus ang kanilang mga landas sa di inaasahang pagkakataon. Sa muli nilang pagkikita, nalaman ni Ricardo ang tungkol sa kanilang anak at nagsimulang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit bago sila muling maging buo, haharap sila sa mga pagsubok na muling susukat sa kanilang pagmamahalan.
Mapagtatagumpayan kaya nila ang pagsubok na iyon? Mabubuo pa kayang muli ang kanilang pamilya? O muling mawawasak at paghihiwalay ng isang sirkumstansya.
Read
Chapter: Chapter 13MATAPOS ang pagtatalo at sagutang 'yon, ilang linggo na ang lumipas ay natagpuan ni Richard ang sarili na nakaupo sa balkonahe ng tinutuluyang Condo sa New York. Tahimik at tanging malakas na pagbuntonghininga lamang niya ang kaniyang naririnig, habang pinagmamasdan ang kabuuan ng siyudad. Sa kaniyang pag-alis tangan n’ya ang bigat nang kaniyang dibdib, umalis at hindi man lang s’ya nagpaliwang sa totoong dahilan sa kaniyang kasintahan. “Hindi ba’t ito ang gusto nila? Umalis ako. Magtago sa gulong ginawa ko raw,” mahina niyang bulong sa sarili habang nilalagok ang basong may lamang alak. Nakailang lagok pa siya nang maramdaman ang paglapit ni Jen, sa kinaroroonan niya. “Hindi ka ba napapagod, Chard? Ilang araw na magmula nang dumating tayo rito Wala a sa sarili atlagi ka na lang nagmumukmo sa isang tabi,” anito na ikinangiti niya. "Pagod? Napagod na ako matagal na, Jen," malamig niyang sagot. At saka tumayo at hinarap ito saka tinitigan nang deretso. "Ikaw ba? Hindi ka ba nap
Last Updated: 2024-12-05
Chapter: chapter Chapter 12 PAGKARATING ni Richard sa kanilang mansyon, ay agad siyang sinalubong ng kaniyang ama nang matalim nitong tingin. At halatang gusto na siyang balatan nito ng buhay. Naroon din ang ina at nasa gilid nito si Jenny, tahimik at tila isang babasaging pinggan ang pigura na parang siya ang biktima sa lahat ng nangyari. Nagpatuloy pa siya sa paglalakad at sinalubong siya ng ama. Ngunit bago pa man makapag-salita si Richard, upang batiin ito, isang mabilis na suntok sa kanyang dibdib ang natamo niya mula sa ama, sapat upang mawalan siya ng balanse at matumba. “Anong kalokohan na naman ang ginawa mo Richard?! Nakita mo ba ‘tong nilalaman ng mga balita?” singhal ng kanyang ama, sabay tapon ng hawak nitong cellphone sa harapan niya. "What do you mean by that?" Nakakunot ang noo'ng tanong ni Richard, saka dinampot ang cellphone at agad tinignan ang screen. At doon niya nakita ang isang viral video – siya iyon, at hawak ang kamay ng isang babae habang papasok sila sa hotel ng nagdaang gabi. “H
Last Updated: 2024-11-04
Chapter: Chapter: 11SAMANTALA, sa kabila ng maingay at masiglang musika sa loob ng bar, tahimik na nagmamasid si Richard mula sa isang sulok. Matapos kasi umalis ni Jenny, hindi siya makatulog, kaya't napag-desisyunan niyang magliwaliw na muna. Habang tinutungga ang basong hawak, isang grupo ng kababaihan ang pumukaw sa kanyang pansin—masayang nag-iinuman at tila walang paki sa mundo.“Jenny?” Hindi makapaniwalang naiusal niya nang makilala ang isa sa mga babae. Isang hindi mapalagay na damdamin ang nag-uumapaw sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan si Jenny na nag-aaliw kasama ang mga kaibigan nito. Sa kabila ng kanyang ngiti at masayang pakikipagkwentuhan, naroon ang isang pahiwatig ng lungkot na hindi niya maipaliwanag.Ngunit sa gitna ng kanyang pagmamasid, may isang lalaki ang lumapit kay Jenny. Mas lalong hindi siya makapaniwala nang makita niyang walang kahirap-hirap na sumama si Jenny sa lalaki, na tila napakabilis ng pangyayari. Ang akala niyang mahinhin at karespe-respitong babae ay isa palang
Last Updated: 2024-11-03
Chapter: Chapter 10: A Brother's Embrace HABANG palapit si Emy sa kanilang bahay, tahimik lang siyang naglalakad, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga nangyari. Nang bigla na lang may isang boses na tumawag sa kaniya mula sa di-kalayuan."Emy!"Napalingon naman siya at napangiti na rin ng makilala niya paparating. “Kuya Xander?” usal niya habang ngumingiti. Si Xander ang kinakapatid niya. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita pero kilala pa rin niya ang hitsura nito kahit na malaki na pinagbago.“Kuya Xander! Kailan ka pa dumating?” masayang bati ni Emy at tanong na rin."Kaninang madaling araw lang," tugon naman ng kaibigan at kaswal na tinapik ang kaniyang balikat. "Akala ko nga matatagalan pa bago tayo magkita."“Kumusta ka na pala?” usisa niya rito.“Ito pagod pero pinilit kong pumunta rito nabalitaan ko kasi kay nanay na nakabalik ka na raw kaya nagbakasakali ako na makita ka. At mabuti na lang naabutan kita,” naisaad nito at hindi mawari’y ang saya sa mukha nito.“Grabe naman. Ayy nga pala ano plano mo? Natupad
Last Updated: 2024-11-02
Chapter: Chapter 9: Kiss of the Past HABANG nakahiga si Richard sa kanilang silid, ramdam niya ang pagod mula sa dami ng mga emosyon na bumabalot sa kanya. Ang kanyang puso ay tila nagiging bato sa bigat ng mga pangyayari. Gusto niyang kalimutan ang mga problema at takasan ang responsibilidad, ngunit ang kanyang konsensya ay hindi siya pinapatahimik. At mas lalong ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya. Habang nakapikit at pilit na pinapalaya ang kaniyang isip, ay biglang bumukas ang kanilang pinto at pumasok mula roon si Jenny. Dahan-dahan itong lumapit, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalangan. "Richard," nag-aalalangang tawag nito. “Hmmm,” naitugon na lamang niya, nang hindi ito tinititigan. "Niyaya ako ng mga kaibigan ko… gusto ko sanang umalis na muna," mahinang ani Jenny, na tila ba hindi rin alam kung dapat siyang magsalita pa o tumahimik na lang. Napalingon naman si Richard sa asawa, bago sumagot. “Sige, mag-ingat ka," ani Richard, at saka inabot ang kaniyang cellphone at tiningnan ito. “Sige… alis n
Last Updated: 2024-11-02
Chapter: chapter 8: Between Duty and LoveIlang araw na ang nakalipas ngunit, tila nawawala sa sariling mundo si Richard habang tahimik siyang naglalakad sa paligid ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung saan na pupunta si Emy. Hindi siya mapakali—isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan. Puno ng panghihinayang ang kanyang isipan, pero hindi niya malaman kung saan magsisimula. Nagpasya siyang puntahan si Cherry. Siguro, siya ang makapagsasabi kung saan nagpunta ang babae. Nang makarating si Richard sa apartment ni Cherry, hindi siya nag-atubiling kumatok. Maya-maya’y bumukas ang pinto, at bumungad si Cherry. Halatang nagulat ito nang makita siya. “Richard?” tanong ni Cherry, bakas ang pagdududa sa kanyang boses. "Cherry, kailangan kong malaman... nasaan si Emy?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Alam niyang ito ang pinakamabilis na paraan para makuha ang kasagutan. Tumitig si Cherry kay Richard, pero hindi ito sumagot. Napuno ng katahimikan ang hangin, tila ba mabigat ang bawat segundo. “Cherry, kailanga
Last Updated: 2024-10-04
Chapter: chapter 122: Diablo's nightmare Sa isang MAdilim na abandunadong resort, ay narinig ng mga tauhan ni Diablo ang kaniyang pagsisigaw sa kuwartong inukupa niya. Nagkatinginan ang mga ito dahil sa nangyayari sa kanilang amo. Ngunit wala silang lakas ng loob na pasukin ito dahil na rin sa kadahilanang sila naman ang malalagot kapag ginawa nila iyon. "Putcha, anong nangyayari sa loob? Gabi gabi na lang yatang binabangungot si boss," nagtatakang tanong ng isa sa mga tauhan nito. "Hayaan mo na," sagot ng mas matanda nilang kasama. "Alam mo namang walang gustong makialam sa kanya kapag ganiyan na ang nangyayari, 'di ba? Gusto mo bang mawalang ng hininga? Pwess! Kami hindi, may pamilya kami kaya hayaan na lang natin siya sa loob. Magiging din naman iyan Maya Maya lang kaya wala kang dapat ikabahala."Napakamot naman ito saka nagpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng silid nito. "BITAWAN N'YO SIYA!" sigaw ng batang si diablo sa kaniyang panaginip ngunit walang nakikinig. Hawak ng isa sa mga bully ang kanyang kuya sa k
Last Updated: 2025-03-27
Chapter: chapter 121 MADALING ARAW pa ang nagising na si Kariel. Ni Hindi nga niya matandaan kung nakatulog ba siya dahil buhat nang pumasok sila ng villa ay iniisip pa rin niya ang bagay o taong nakita niya. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong gumising sa kanya—isang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Tahimik ang paligid, maririnig lang ang marahang paghampas ng alon sa pampang at ang mahinang huni ng mga kuliglig sa labas. Unti-unti siyang bumangon mula sa kama at tumingin sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang dagat na bahagyang sinisinagan ng buwan. Payapa at walang anumang bakas ng panganib o kung ano mang maaaring maging dahilan ng kanyang kaba.Ngunit hindi mapakali ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama, siniguradong hindi magigising si Darielle na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Lumabas siya ng kwarto, at sa di niya maipaliwanag na dahilan, dinala siya ng kanyang mga paa sa veranda. Doon, nagulat siya nang makitang naroon na si Darrius. Naka
Last Updated: 2025-03-27
Chapter: chapter 120: ANINO SA DILIMMALAMIG ang simoy ng hangin nang lumabas si Kariel mula sa villa kinagabihan. Pupuntahan niya kasi si Darrius dahil nagpaalam ito saglit dahil may tatawagan daw ito. Naglakad-lakad siya hanggang makita niya ang lalaki, nakaupo sa isang wooden bench malapit sa dalampasigan. Nakatingin ito sa malawak na dagat, tila malalim ang iniisip. Sa pagtanaw niya rito, bumalik ang mga alaala—ang mga panahong akala niya'y hindi na sila muling magkakasama nang ganito. Nag-aatubili man, nilapitan niya ito. "Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," puna niya, habang dahan-dahang umupo sa tabi nito. Nag-angat ng tingin si Darrius at bahagyang ngumiti. "Wala, iniisip ko lang . . . kung paano natin naabot ang puntong ito." Napayuko si Kariel. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng taon na nawala sa kanila. Kahit ilang beses na nilang mapag-usapan ang bagay na 'to magmula nang muli silang magtagpo ngunit tila hindi pa rin iyon nawawala sa isipan nila. "Hindi ko ri
Last Updated: 2025-03-27
Chapter: Chapter 119 MAAGA pa nang makarating sina Kariel, Darrius, at Darielle kasama na ang kapatid na si Kenneth dahil bakasyon at on leave ito, sa resort na pag-aari ni Kieth. Agad silang sinalubong ng mga staff na may malalapad na ngiti at magalang na pagbati. Napapalibutan ng luntiang mga puno at namumukadkad na mga bulaklak ang paligid, at ang dagat ay kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang saya sa kanilang lahat, lalo na kay Darielle na namamangha sa tanawin. Puti rin ang buhangin at ang linis tingnan na halatang hindi pinapababayaan ng mga naroon. “Wow, Mommy! Ang ganda dito!” bulalas ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “Oo nga, anak. Parang paraiso, hindi ba?” sagot ni Kariel habang malambing na tinatapik ang ulo ng anak. “Paraiso nga ito,” sabat ni Darrius na nasa gilid lamang nila. Ngunit hindi tanawin ang tinitingnan nito kundi si Kariel. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang umiwas si Kariel, na ramdam ang pag-i
Last Updated: 2025-03-10
Chapter: chapter 118 MAAGANG nagising si Kariel kinaumagahan. Agad niyang kinapa ang tabi ngunit wala doon ang anak kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang tingnan kung naroon ang anak. "Darielle, anak?" dahil walang bakas na naroon ang anak, lumabas siya ng kwarto. Pagtapat niya sa veranda, natanaw niya ang anak na masayang naglalaro sa hardin kasama si Darrius. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa. Para silang matagal nang magkasama. Panay ang hagikgik ng anak habang buhat-buhat ito ng ama. May kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Matagal na panahon silang nawalay sa isa’t isa, at ngayon ay unti-unti silang bumabalik sa buhay ng isa’t isa. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mapansin siyang nakatingin si Darrius. Ngumiti ito bago ibinaba si Darielle at tumawag, “Mommy, halika rito! Maglaro tayo kasama si Daddy, mommy!” "Oo nga, pumarini ka na at samahan kami rito!" Napasinghap siya saka napangiti. Hindi niya alam
Last Updated: 2025-03-09
Chapter: chapter 117 Matapos ang emosyonal na muling pagtatagpo nina Darrius at Darielle, dinala ng pamilya si Kariel at Darrius sa dining area para sa isang espesyal na hapunan. Halatang pinaghandaan ito ng kanyang mga magulang, na tila isang paraan ng pagsuporta at tahimik na pagtanggap sa nangyari. Sa mahabang mesa, naupo si Darielle sa pagitan nina Kariel at Darrius. Panay ang kwento ng bata habang kumakain, walang tigil sa pagsasalaysay ng mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang kanyang ama. Hindi naman iyon nagawang pigilan ni Kariel dahil alam niyang sobra ang pagkasabik ng bata bagay na napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. “Daddy, marunong ka bang magtayo ng kastilyong buhangin?” Puno ng excitement na tanong ng anak na ikinangiti ni Darrius. “Oo naman, baby. Gusto mo bang turuan kita?” Tumango naman si Darielle, bakas ang kasabikan sa kanyang mukha. “Yes! Gusto ko po! Pwede po ba bukas? Isama natin si mommy sa pagpunta sa beach resort na itinayo ni tito Kieth.”
Last Updated: 2025-03-09