Simula pa lang ay nagkagusto na si Kariel sa lalaking inampon ng kanilang mga magulang, na si Darrius. Minsan na rin niyang inamin ang nararamdaman rito. Ngunit dahil sa respeto at malaking utang na loob sa kinilalang magulang ay hindi siya binigyang pinansin nito. Ngunit na-realize ni Darrius na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kariel kahit labag pa sa kagustuhan ng magulang. Lalong-lalo na nang malamang ikakasal na ito sa anak ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. At naisipan niyang pigilan ang kasal ng dalawa nang napagalaman ang totoong motibo ng pamilyang gustong ipakasal sa dalaga ng kinilala n'yang ng magulang. Nagtagumpay siya sa kanyang plano at sa wakas ay ipinagtapat niya sa huli ang totoong nararamdaman. Naging lihim ang kanilang relasyon. at kalaunan ay napagalaman din ang kanilang lihim at pilit silang pinaghiwalay ng mga magulang. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Pinaghiwalay man ng isang sirkumstansya pero hindi sila nawalan nang pag-asang balang araw ay muli silang pagtagpuin ng tadhana para punan ang mga pusong nangulila sa matagal na panahon.
Lihat lebih banyakSa isang MAdilim na abandunadong resort, ay narinig ng mga tauhan ni Diablo ang kaniyang pagsisigaw sa kuwartong inukupa niya. Nagkatinginan ang mga ito dahil sa nangyayari sa kanilang amo. Ngunit wala silang lakas ng loob na pasukin ito dahil na rin sa kadahilanang sila naman ang malalagot kapag ginawa nila iyon. "Putcha, anong nangyayari sa loob? Gabi gabi na lang yatang binabangungot si boss," nagtatakang tanong ng isa sa mga tauhan nito. "Hayaan mo na," sagot ng mas matanda nilang kasama. "Alam mo namang walang gustong makialam sa kanya kapag ganiyan na ang nangyayari, 'di ba? Gusto mo bang mawalang ng hininga? Pwess! Kami hindi, may pamilya kami kaya hayaan na lang natin siya sa loob. Magiging din naman iyan Maya Maya lang kaya wala kang dapat ikabahala."Napakamot naman ito saka nagpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng silid nito. "BITAWAN N'YO SIYA!" sigaw ng batang si diablo sa kaniyang panaginip ngunit walang nakikinig. Hawak ng isa sa mga bully ang kanyang kuya sa k
MADALING ARAW pa ang nagising na si Kariel. Ni Hindi nga niya matandaan kung nakatulog ba siya dahil buhat nang pumasok sila ng villa ay iniisip pa rin niya ang bagay o taong nakita niya. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong gumising sa kanya—isang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Tahimik ang paligid, maririnig lang ang marahang paghampas ng alon sa pampang at ang mahinang huni ng mga kuliglig sa labas. Unti-unti siyang bumangon mula sa kama at tumingin sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang dagat na bahagyang sinisinagan ng buwan. Payapa at walang anumang bakas ng panganib o kung ano mang maaaring maging dahilan ng kanyang kaba.Ngunit hindi mapakali ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama, siniguradong hindi magigising si Darielle na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Lumabas siya ng kwarto, at sa di niya maipaliwanag na dahilan, dinala siya ng kanyang mga paa sa veranda. Doon, nagulat siya nang makitang naroon na si Darrius. Naka
MALAMIG ang simoy ng hangin nang lumabas si Kariel mula sa villa kinagabihan. Pupuntahan niya kasi si Darrius dahil nagpaalam ito saglit dahil may tatawagan daw ito. Naglakad-lakad siya hanggang makita niya ang lalaki, nakaupo sa isang wooden bench malapit sa dalampasigan. Nakatingin ito sa malawak na dagat, tila malalim ang iniisip. Sa pagtanaw niya rito, bumalik ang mga alaala—ang mga panahong akala niya'y hindi na sila muling magkakasama nang ganito. Nag-aatubili man, nilapitan niya ito. "Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," puna niya, habang dahan-dahang umupo sa tabi nito. Nag-angat ng tingin si Darrius at bahagyang ngumiti. "Wala, iniisip ko lang . . . kung paano natin naabot ang puntong ito." Napayuko si Kariel. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng taon na nawala sa kanila. Kahit ilang beses na nilang mapag-usapan ang bagay na 'to magmula nang muli silang magtagpo ngunit tila hindi pa rin iyon nawawala sa isipan nila. "Hindi ko ri
MAAGA pa nang makarating sina Kariel, Darrius, at Darielle kasama na ang kapatid na si Kenneth dahil bakasyon at on leave ito, sa resort na pag-aari ni Kieth. Agad silang sinalubong ng mga staff na may malalapad na ngiti at magalang na pagbati. Napapalibutan ng luntiang mga puno at namumukadkad na mga bulaklak ang paligid, at ang dagat ay kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang saya sa kanilang lahat, lalo na kay Darielle na namamangha sa tanawin. Puti rin ang buhangin at ang linis tingnan na halatang hindi pinapababayaan ng mga naroon. “Wow, Mommy! Ang ganda dito!” bulalas ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “Oo nga, anak. Parang paraiso, hindi ba?” sagot ni Kariel habang malambing na tinatapik ang ulo ng anak. “Paraiso nga ito,” sabat ni Darrius na nasa gilid lamang nila. Ngunit hindi tanawin ang tinitingnan nito kundi si Kariel. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang umiwas si Kariel, na ramdam ang pag-i
MAAGANG nagising si Kariel kinaumagahan. Agad niyang kinapa ang tabi ngunit wala doon ang anak kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang tingnan kung naroon ang anak. "Darielle, anak?" dahil walang bakas na naroon ang anak, lumabas siya ng kwarto. Pagtapat niya sa veranda, natanaw niya ang anak na masayang naglalaro sa hardin kasama si Darrius. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa. Para silang matagal nang magkasama. Panay ang hagikgik ng anak habang buhat-buhat ito ng ama. May kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Matagal na panahon silang nawalay sa isa’t isa, at ngayon ay unti-unti silang bumabalik sa buhay ng isa’t isa. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mapansin siyang nakatingin si Darrius. Ngumiti ito bago ibinaba si Darielle at tumawag, “Mommy, halika rito! Maglaro tayo kasama si Daddy, mommy!” "Oo nga, pumarini ka na at samahan kami rito!" Napasinghap siya saka napangiti. Hindi niya alam
Matapos ang emosyonal na muling pagtatagpo nina Darrius at Darielle, dinala ng pamilya si Kariel at Darrius sa dining area para sa isang espesyal na hapunan. Halatang pinaghandaan ito ng kanyang mga magulang, na tila isang paraan ng pagsuporta at tahimik na pagtanggap sa nangyari. Sa mahabang mesa, naupo si Darielle sa pagitan nina Kariel at Darrius. Panay ang kwento ng bata habang kumakain, walang tigil sa pagsasalaysay ng mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang kanyang ama. Hindi naman iyon nagawang pigilan ni Kariel dahil alam niyang sobra ang pagkasabik ng bata bagay na napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. “Daddy, marunong ka bang magtayo ng kastilyong buhangin?” Puno ng excitement na tanong ng anak na ikinangiti ni Darrius. “Oo naman, baby. Gusto mo bang turuan kita?” Tumango naman si Darielle, bakas ang kasabikan sa kanyang mukha. “Yes! Gusto ko po! Pwede po ba bukas? Isama natin si mommy sa pagpunta sa beach resort na itinayo ni tito Kieth.”
Matapos ang emosyonal na pagtanggap ng mga magulang ni Kariel sa kanilang pagbabalik, dama pa rin ni Darrius ang kaunting tensyon sa pagitan nila. Hindi naman siya nagtataka, alam niyang hindi ganoon kadali para sa pamilya ni Kariel na naging pamilya na rin niya ng ilang taon na bigla siyang muling tanggapin sa buhay ng anak nila matapos ang lahat ng nangyari. Subalit, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling mawawala at paninindigan ang desisyong napili sa kabila ng lahat. Habang nagmimiryenda sila sa sala, tahimik lang si Darrius na pinagmamasdan ang bawat kilos ni Kariel. Panay ang abot niya ng pagkain sa babae, tila ba paraan niya iyon ng pagpapakita ng pag-aalaga. "Nga pala, pinasundo ko muna si Darielle sa school. Maya-maya lang ang narito na ang mga 'yon," wika ng ina na ikinatango ni Kariel. Ilang sandali pa, tanaw nila mula sa sala ang pagparada ng puting van sa harap ng mansyon at bumaba mula roon ang kanilang anak. "Mommy!" Agad na tumayo at sinalubong
Matapos makalapag ang eroplano, tahimik na bumiyahe mula sa airport patungo sa mansyon sina Kariel at Darrius. Pareho silang may sariling iniisip, ngunit dama ang tensyon at excitement sa hangin. Bagamat kinakabahan, hindi maiwasan ni Kariel ang mapangiti sa ideya na makikita muli ang kanyang pamilya. Lalo na ang anak na ilang linggong hindi na kasama. Tahimik din si Darrius ngunit bakas sa mukha ang hindi matatawarang excitement dahil sa wakas, makikita na ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. “Magiging okay din ang lahat,” saad ni Kariel saka ipinilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Ngumiti naman ito at saka mahigpit na niyakap ang palad ng mga palad din nito. “Yeah, magiging okay din ang lahat.” Muli na lang napangiti si Kariel nang maramdaman ang marahang pag-amoy at paghalik ng lalaki sa ulo niya.PAGDATING nila sa malaking gate ng mansyon, bumaba si Kariel mula sa sasakyan. Agad namang sumunod si Darrius na puno ng galak sa kaniyang puso. Ilang taon na rin magmula nang u
SA KABILANG DAKU Sa isang maliit ngunit marangyang villa sa tagong bahagi ng lungsod, nakaupo sa isang leather armchair ang isang babaeng may matapang na aura. Nakasuot siya ng itim na blazer na bumagay sa kanyang makinis at mahabang buhok, habang hawak ang isang baso ng alak. Siya si Cassandra, ngunit mas kilala sa ilalim n'yang pangalang Diablo. Sa kabila ng kanyang eleganteng anyo, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at determinasyon. Alam niyang oras na para muling simulan ang plano laban kay Darrius. Alam n'yang sa mga oras na ito ay alam na nito ang pagtakas niya at pag-uwi sa Pilipinas. Medyo mainit at patuloy kasi sa pagtutugis sa kaniya ang kapulisan at assets na nakuha ni Darrius bagay na kailangan niyang kumalma at magpalamig na muna. Ngunit hindi siya titigil para sa paghihiganteng alam niyang sagot para mawala ang sakit sa nakaraan. Sa harap niya ay nakaayos ang mga dokumento, larawan, at mapa. Kabilang dito ang larawan ni Kariel na kuha sa isang public event, na
“What the h*ck!” bulalas ni Darrius nang bumukas ang pinto ng banyo. Agad naman nitong in-off ang shower. “Hey!” hiyaw ni Kariel at biglang hinawi ang shower curtain. “Oppss,” usal niya nang muntikan na s’yang mawalan nang balanse. At agad na napasandal sa pader ng banyo. Natawa siya nang makita ang kahubdan ng lalaki. “Wow! Sayo ba lahat iyan?” wala sa sariling aniya dahil sa kalasingan. “What are you doing here in my room, Kariel?” kunot-noo’ng ani Darrius sabay abot ng robang nakasabit at dagling sinuot iyon bago hinarap si Kariel. “Can't you see? Naliligo ako,” saad pa nito. Tanging pagngisi lang ang itinugon ni Kariel at pinatutsadahan ng tingin ang nakalabas at malapad nitong dibdib. Nakaramdam ito nang hiya bagay na inayos nito ang suot. “Tsk,” “Bahay ko naman ‘to kaya puwede akong pumasok sa lahat ng kuwartong narito sa mansyon,” nakangising aniya. “You're drunk?” “No! I'm not. Hindi ako lasing!” tanggi ni Kariel. “Fvck! Sa labas na tayo mag-usap, Kari...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen