ISANG MALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ni Darrius bago muling nilagok ang panghuling laman ng alak na in-order sa isang esklusibong bar na pinuntahan nila ng assistant niya. “Boss, lasing ka na. Uwi na po tayo,” pakiusap ng assistant ni Darrius. Napagpasyahan niya kasing umalis kanina ng mansyon nang makitang nagkapalagayan nang loob sina Kariel at Jason. Hindi niya maintindihan pero parang tinusok ng isang libong karayom ang kanyang puso. Ni hindi nga namalayan ng dalawa ang pag-alis niya. “Hindi! Hindi ako lasing!” tinapi ni Darrius ang kamay ng assistant nang tangka siyang hawakan nito.“Pero, boss. Lasing na po kayo,” “Ikuha mo pa ako ng isang boteng alak!” dikta niya rito. “Bilis!” sigaw niya nang hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan nito. “Okay po,” Nang makabalik ang assistant dala ang isang bote ng alak ay agad nitong sinalinan ang baso na hawak-hawak niya.“Boss, pagkatapos po nito uwi na tayo. Lasing na ho talaga kayo eh,” saad ng assistant niya. Nanla
“FVCK!” bulalas ni Kariel nang maalimpungatan sa tunog ng kanyang selpon. Nilibot niya ang tingin sa loob ng silid, at napagtantong nasa silid siya ng kaibigan. “Oh my god! Late na ako.” Nagmamadaling bumaba ng kama si Kariel at agad na pumasok sa banyo para maligo. May mga damit naman siya sa aparador ng kaibigan dahil paminsan-minsan s’yang nagagawi sa bahay nito kaya maraming damit na nakahanda kung sakaling magagawi siya rito. “Besh! Alis na ako!” paalam niya sa kaibigang nasa sala. At patakbong tinungo ang labas.“O ‘sya sige. Mag-ingat ka!” rinig n’yang anito. Dahil sa wala s’yang dalang sasakyan at ayaw n’yang mabuko na lumabas at gumala siya kagabi ay naisipan n'yang mag-book ng grab para sumundo at maghatid sa kanya sa kanilang kompanya.“Argh! Ang tagal naman. Late na ako,” maktol niya at ‘di mapalagay na sinisipat ang kanyang wrists watch.Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang binook n’yang sasakyan. “Thanks God,” naiusal niya bago binuksan ang pinto ng sas
“Miss, Kariel. Tawag po kayo ni boss,” anang assistant ni Darrius kay Kariel. “Okay,” agad na nagtungo sa opisina ni Darrius si Kariel. “Ipinatatawag mo raw ako?” tanong niya rito nang makapasok siya sa loob. “Gusto ko lang sabihin sayo na by tomorrow, ayaw kong ma-la-late ka pa ulit,” seryusong anito habang hindi inaalis ang tingin sa dukomentong hawak. “Okay,” tipid na ani Kariel. “Paki-check kung may schedule ako today,” bahagya itong napatingala sa kanya. Agad namang ini-scroll ni Kariel ang bitbit na ipad. Ilang segundo pa ang lumipas matapos mag-scroll ay muli n’yang tiningnan ito. “Ahm, meron kang meeting with mr. Chui at La costa restaurant at 5:30 pm,” saad niya rito. “Alright. It's already 4:30, so we have to go. Mas mabuti nang hindi tayo ma-la-late sa meeting,” sambit nito at saka nilapag ang hawak nitong dukomento. “But before that, ayusin mo muna ang mga ito,” turo sa mga nakatambak na dukomentong nakapatong sa lamesa nito.“Okay,” tipid n’yang sagot rito.“G
“Kumusta ang unang araw ng trabaho, hija?” ani ng ina nang makauwi sila ng mansyon. Pagkatapos kasi ng meeting nila ay nagdesisyon na si Darrius na umuwi. Dahil pa gabi na rin at pagod na ito.“Mabuti naman po,” saad niya at saka nagmano. At ganun din si Darrius na kasunod lamang niya.“Kaawaan kayo ng panginoon, mga anak.”“Ang daddy?” tanong ni Kariel sa ina. “Nasa loob. Kausap si Jason,” tugon nito. “Ho! Andito si Jason!?” gulat na tanong niya sa ina. Tumango ito bilang tugon. Napakunot ang kanyang noo dahil panay ang pagdalaw ng kanyang fiancé nang hindi niya nalalaman.“Ah. Okay,” usal niya at bahagyang napalingon kay Darrius. “Mauna na po ako, mom.”“Sige,Hijo. Bumaba ka kaagad ng makakain na tayo,” nakangiting tugon ng ina kay Darrius. Sinundan niya ng tingin ang paakyat na lalaki. She heaved a sigh. At nagpaalam na rin sa ina. “Ako rin po. Magbibihis na muna ako,”“Sige, bilisan niyo lang.” Nginitian niya ang ina bago pa umakyat patungong silid. Pagkapasok sa kuwart
MONTHS PASSED, at dumating na nga ang araw nang kasal ni Kariel at Jason. Sa isang hotel ginanap ang venue ng kanilang kasal at halos mga kaibigan at kasusyo lang sa negosyo ang dumalo. Napakaganda ni Kariel sa kanyang suot na damit. Isang white off shoulder na napapalamutian nagkikinangang mga bato. Maluwang ang gawing ibaba nito na halos sakupin na ang espasyo na kanyang lalakaran, mahaba ito at animo siya isang reyna habang naglalakad patungo sa Grand hall, kung saan naroon nakatayo at naghihintay ang kanyang groom.“Hay, sa wakas at magiging mrs. Laurel ka na,” masayang ani Jason nang makarating siya sa harapan nito. Hinawakan nito ang kanyang kamay at sabay silang naglakad patungo sa harap ng paring magkakasal.Hindi niya maipapaliwang ang kabang nasa dibdib. Hindi niya alam pero Bigla siyang nakaramdam ng pangamba at pagsisi, dahil hindi niya nagawang ipaglaban ang totoong nararamdaman ng kanyang puso. “Wala ba ni isa sa inyong pigilan o tumututol sa kasalang ito?” tanong
“Anak, pagpasensyahan mo ako, nagpadalos-dalos ng desisyon ang daddy. Dahil sa kagustuhan kong maikasal ka sa pamilya Laurel, tulad nang naipangako ko sa dating kaibigan, ay muntik ka nang mapahamak. Hindi ko na kasi kinilatis ang kanilang tunay na pagkatao,” turan ng ama ni Kariel habang nakaupo sila sa sala.“Wala ho iyon, dad. Sa totoo nga po, dapat magpasalamat na lang tayo dahil hindi natuloy ang kasal at hindi naisakatuparan ang plano nila. May awa pa po talaga ang panginoon, dad. Hindi niya hinayaang magtagumpay ang masama nilang balak.” Agad na niyakap ni Kariel ang ama dahil bakas sa mukha nito ang guilt dahil kamuntikan s’yang ang malagay sa panganib pati na rin ang pamilya nila. “Hindi na nila tayo magagambala pa anak. Nasampahan ko na ng kaso ang mag-amang ‘yon. Nakapiyansa man ang ama ni Jason, pero natitiyak kong mabubulok naman siya sa kulungan sa patong-patong na kasong isinampa sa kanya ng batas laban sa mga illegal n'yang aktibidad,” kuwento pa ng ama ni Kariel. “
“N-nasaan ako?” nauutal na tanong ni Kariel sa sarili ng magkaroon siya nang malay. Tanging karampot na ilaw na nagmula-mula sa munting bintana ang nagbibigay liwanag sa silid kong saan siya pansamantalang nakagapos at nakahiga sa pang-isahang kama. May kutson din iyon at dalawang unan. “Pakawalan niyo ako rito! Tulong! Tulungan niyo ako rito!” pagsisisigaw niya. At halos mabingi siya boses na nag-e-echo sa loob ng silid. “Tulong! Pakawalan niyo ako rito!” pagpupumiglas niya at nang matanggal ang lubid na nakatali sa kamay at benti niya. Hindi pa rin siya tumigil sa kahihiyaw hanggang halos namaos na lamang ang boses niya, ngunit wala pa ring dumadating. “Tulong… pakawalan niyo ako rito,” hiyaw niya na namamaos na ang tono. Ilang sandali pa ang ay napatingin na lamang siya sa gawi ng pinto nang bigla itong bumukas. “Ikaw!” gulat na aniya. Nang makilala ang taong iniluwa sa bumukas na pinto. “Huwag kang lumapit, lumayo ka!” pilit siyang umaatras palayo, at ginagawa ang
"Fvck!" asik ni Darrius habang mahigpit pa rin na hinahawakan ang mga kamay ni Kariel. Dahil panay ang paghimas nito sa maseselang bahagi ng katawan. Ang kinikilos ni Kariel ay hindi na akma sa normal na kilos ng isang babae. Habang tumatagal ay nagiging agresebo pa ito lalo. Ayon sa kanyang kaalaman, sapat na ang ilublob sa tubig para mawala ang epekto ng gamot sa katawan ng taong naapektuhan nito. Ngunit ginawa na ni Darrius ang lahat ng paraan bago pa dumating ang doktor, ngunit wala pa ring epekto. Inilublob na niya ito sa bathtub na puno ng yelo, pero wala pa rin. Hindi niya alam kung anong klaseng aphrodisiac ang ginamit rito, pero sadyang napakalakas. "Help me, please," pagsusumamong usal ni Kariel, bahagyang iminulat ang mga mata nito."I can't," tugon niya rito."Bakit? Ayaw kong ibigay sa iba ang puri ko," nanlulumong saad nito."Hintayin mo na lang. May darating na makakatulong upang gamutin ang nararamdaman ng iyong katawan. Alam kong magagalit ka, pero para din sa kap
Sa bawat pagbaon ng pagkalalaki ni Darrius, ay s’ya namang pagliyad at pa-ungol ni Kariel. Hindi niya alam pero parang muli s’yang dinala sa langit kung saan ilang taon na n’yang hindi napupuntahan. At sa bawat ulos ni Darrius pakiramdam n’ya muli na naman silang pinag-isa. Hindi niya alam kong ano ang magiging reaksyon niya sa bawat pagpasok nito sa kaniyang kuweba. Basta ang tanging nagawa niya lang ay sambiti ang pangalan ng kaulayaw sa mahina ngunit tila angel na umaawit sa pandinig ni Darrius. "Yamz-" Saglit pa itong tumigil at pinagmamasdan siya bagay na magtama ang kanilang mga mata. “I've waited this for so many years, at ngayon nakasama na kita ulit.” “Me too,” tugon naman ni Kariel. Ngumiti naman si Darrius sa sinabi ni Kariel saka nag-smirk. “Just moaned my name, at ako na ang bahalang magdala sa’yo sa langit.” “Loko,” nakangising aniya. “Kung ako lang ang nasusunod, hindi ko na hahayaang matapos pa ang gabing ‘to para naman makasama pa kita nang matagal.” Ngumiti p
Matapos ang tawag sa anak, nanatiling tahimik si Kariel habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone. Unti-unti niya rin itong inilapag sa lamesa at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Sa likod ng katahimikan, ramdam niya ang tila kumakabog na tibok ng kaniyang puso. “Kariel...”Agad namann'yang linigon si Darrius, nakatitig na sa kaniya, puno ng damdaming tila hindi maipaliwanag ng mga simpleng salita lamang. Naroon ang kasabikan, pangungulila, at... pagmamahal. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang maghiwalay sila, ngunit sa bawat sulyap nito, dama pa rin niya ang koneksyon nilang dalawa.“Salamat,” basag ni Darrius sa katahimikan.“Sa alin?” mahinang sagot ni Kariel, pilit na pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata.“Sa pagkakataong muli akong maging parte ng buhay niyo ni Darielle,” tugon nito, at bahagya pang yumuko, na tila dinadala ng bigat ang sariling emosyon. “Hindi mo alam kung gaano ko ‘to pinangarap, Kariel.”Hindi naman nagawang sumagot ni Ka
Agad namang inayos ni Kariel ang sarili nang makita ang pangalan ng kanilang anak sa screen nang muling tumunog ang kaniyang cellphone. “Si Darielle,” mahinang bulong niya kay Darrius habang pinapakita ang mukha ng anak mula sa screen. Napakunot ng kaniyang noo si Darrius ngunit agad ding nagliwanag ang mukha nang marinig ang pangalan ng kanilang anak.“Huwag mo na patagalin. Sagutin mo na,” ani Darrius na bakas sa boses ang pagkasabik.Agad namang pinindot ni Kariel ang green button at sumambulat sa screen ang masayang mukha ng kaniyang anak.“Mommy! Bakit ang tagal mong sumagot? Miss na kita!” bungad ng anak habang hawak ang isang stuffed toy.Napangiti naman I Kariel nang makita ang ang pagbusangot bigla ng anak.“Sorry, anak. Busy lang si Mommy kanina. Kaya hindi ko agad narinig ang tawag mo.”“Ganon ba mommy? Wag po kayo masyadong magpakagod riyan,” wika pa ng anak.“Wait, sino ba kasama mo riyan?” tanong ni Kariel nang mapansin na tahimik ang paligid ng silid ni Darielle.“Ako
PAGKARATING nila sa Hotel ay agad namang nagtungo sin Mark At Kiarah sa kani-kanilang silid. Samantalang sina Kariel at Darrius naman ay tahimik na nagpapahangin sa Rooftop ng hotel. Tahimikt at wala silang imikan na. Hindi tulad ng nasa event a sila at habang nasa sasakyan sila. Ang nagagawa lang ni Darrius ay ang panay na sulyap at pinipilit naman niyang ibuka ang bibig ngunit tila nasamid yata ang dila niya. Tumikhim at umayos na lang ng kaniyang sarili si Kariel, bago pa nagsalita. “Hi.” Panimula ni Kariel, para basahin ang katahimikan bumabalot sa kanilang paligid. Agad namang Napalingon si Darrius at saka ngumiti sa babae. “Hmm… Kariel, I don't know when to start. Hindi ko alam pero pakiramdam ko–” Ngunit hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Darrius ang sasabihin ng bigla na s’yang halikan sa labi ni Kariel. “Hanggang ngayon pa rin ba kailangang ako pa ang maunang gumawa nang paraan para sa ating dalawa? I’ve waited you so long. I’ve waited this day, tapos patorpe-torpe ka
MATAGUMPAY namang natapos ang event, at kasalukuyan na sila ngayong bumabiyahe pabalik ng hotel. Masaya at puno ng tawanan ang loob ng sasakyan, dahil sa muling pagkakabuo nilang apat. Naroon din kasi si Mark, at hindi maiwasan ni Kiarah na makaramdam ng kilig sa tuwing napapansin niyang sumusulyap ang nobyo sa kanya. Ngunit higit sa lahat, mas lalong sumabog ang kilig niya sa eksenang nasaksihan kanina sa dance floor.“Grabe, akala ko eksena lang sa pelikula ang gano'n! Grabe, kinilig talaga ako sa inyo. Akala ko nga magwa-wantotre pa kayo eh!” masayang bulong ni Kiarah kay Mark, ngunit sapat na sapat para marinig ng lahat sa loob ng sasakyan.Napangiti naman ng pilya si Kariel sa sinabi ng kaibigan. Bagay na hindi niya matiis na magkomento. “Naku, Kiarah, kung masyado kang kinikilig, edi sana hinila mo rin kanina sa gitna si Mark, ” pabirong sambit niya, na ikinatawa nilang lahat.“Naku! Ayaw kong sirain ang spotlight niyo, noh! Kaya next time na lang ako,” sagot ni Kiarah, kasabay
Marahan namang inilapit ni Darrius ang kanyang labi sa noo ni Kariel, at mahina siyang bumulong, "Kung kaya kong ibalik ang panahon… gagawin ko ang lahat para hindi na kita pakawalan." Habang dumadampi ang kanyang labi sa noo ni Kariel, tila gumuhit ang isang malalim na pag-unawa sa kanilang dalawa. Hindi nila alam kung ano ang bukas para sa kanila, ngunit ngayong gabing ito, sapat na ang maramdaman nila ang bawat tibok ng puso ng isa’t isa. Dahan-dahang iniangat ni Kariel ang kanyang mukha, at sa pagkakatitigan nilang muli, ay napuno ng emosyon ang kanilang paligid. Walang ibang makapagsasalita o makakaramdam ng bigat ng kanilang kasaysayan kundi sila lang, sa kanilang pinagsaluhang gabi. Sa wakas, habang ang musika ay unti-unting naglalaho, nagawa nilang magyakap nang mahigpit, isang yakap na puno ng lahat ng pangarap, pag-asa, at paghingi ng tawad na hindi nabigkas noon. Sa bawat segundo ng kanilang pagyakap, naramdaman nilang hindi lamang ito isang simpleng pagsasayaw, kundi
"Kariel," wika ni Darrius nang magtagpo silang dalawa sa gitna ng dance floor. "Pwede ba kitang…yayaing sumayaw?" Saglit na natigilan si Kariel, ramdam ang alon ng emosyon na bumabalot sa kanilang dalawa, parang ang buong silid ay unti-unting lumabo, at tanging sila na lamang ang naroroon. Habang nakatitig sa mga mata ni Darrius, nagdadalawang-isip siya kung isusuko ba niya ang kanyang palad o pipigilan pa rin. Mabilis na tumitibok ang kanyang puso dulot ng saya at damdaming nag-uumapaw. Nag-aatubili man, ngumiti siya at tinanguan si Darrius, saka inabot ang kanyang kamay. Hindi napigilan ni Kariel ang mga luha na kanina pa niyang pinipigilan. Napangiti si Darrius at dahan-dahang inilapit si Kariel sa kanyang bisig. Nang magkalapit na ang kanilang mga katawan, dama nila ang init na dulot ng pagkalapit ng kanilang mga balat. Agad inalalayan ni Darrius ang bewang ni Kariel gamit ang isang kamay, habang ang kanilang mga palad ay magkahawak, at ang isang kamay ni Kariel ay nasa balikat
Habang patuloy na ipinagkakaloob ni Darrius ang kanyang talumpati, ramdam niyang may kakaibang tensyon sa hangin. Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila nawawala sa mga bagay na tumutok sa kanyang isipan. Hindi siya makapag-concentrate sa mga detalyeng binibigkas niya dahil nakatuon lang ang atensyon niya sa isang sulok ng silid. Ang mga mata niya ay hindi kayang iwasan ang patuloy na pagsulyap kay Kariel sa audience. "Makakaya ko ba ito?" tanong niya sa kaniyang sarili habang binabaybay ang kanyang talumpati. Halos hindi na rin siya makatagal sa mga mata ni Kariel na tila nakakapit sa bawat galaw niya. Naramdaman niyang mabilis ang pintig ng kanyang puso, at hindi niya kayang iwasan ang nararamdaman na unti-unting bumabalik. Matapos ang ilang minuto, natapos din siya sa kanyang pagsasalita. Ngunit hindi agad siya nagmadali na bumaba. Pinipilit niyang magmukhang kalmado habang nakatayo pa sa harap, ngunit ang isip niya ay patuloy na bumabalik kay Kariel. Gusto na niy
Habang muling tinatanaw ni Kariel ang kanyang mga naging pag-uusap sa gabing iyon, biglang naramdaman niya ang isang magaan ngunit matatag na paghaplos sa kanyang balikat. Agad siyang napalingon, at doon ay bumungad sa kaniya ang kaibigan. Halos mapanganga siya sa sorpresa, dahil malinaw ang huling mensahe ng kaibigan na hindi ito makakarating. "Akala ko ba hindi ka darating?" bulalas ni Kariel, habang kitang-kita ang pag-aliwalas ng kanyang mukha habang nakatitig kay Kiarah. "Surprise!" sagot ni Kiarah na hindi naman mawaksi ang ngiti sa labi nito. "Hindi ko kayang palampasin ang gabi na 'to! Alam mo namang kailangan mong kasama mo ang iyong best friend sa ganitong mga event. But wait… there's more…" Ngunit bago pa man siya makapagtanong sa kaibigan tungkol sa isang surprisa nito. Biglang nagkaroon ng anunsyo mula sa emcee sa entablado, at kasabay nito ang pagtahimik ng buong paligid. Agad na naglaho ang mga ingay ng mga pag-uusap, at lahat ng mata ay napako sa harap. ""Ladies an