LOGINDominice Travis Lucas, unexpectedly accepted as P.A ( PERSONAL ASSISTANT ) of Mrs. Horman. She's not familiar to her new Boss, pero mahalaga sa kanya ngayon ang trabaho. Akala niya ay magiging P.A siya nang bagong Amo. Pero nagulat na lang siya ng malaman ang totoong pakay nito sa kanya. Gusto nito na maging SURROGATE MOTHER siya sa anak nito. Dahil hindi makabuo ang fiancee ng anak nitong si Ace Tyron Horman. Isang well-known businessman. Mahirap para kay Domi ang tanggapin, ngunit dahil sa pangangailangan ng kanyang kapatid na may sakit ay tinanggap niya ito. Naging surrogate mom siya, at hindi successful ang unang subok nila. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nakabuo sila, pero ang totoo ay may nangyari pala talaga sa kanilang dalawa. Sa ama ng kanyang pinagbubuntis na si ACE TRYON HORMAN. Sa hindi alam na kadahilanan ay nagugustuhan na pala ni Domi ang ama ng kanyang pinag-bubuntis. Pero hindi niya maiwasan na masaktan dahil may iba na itong mahal.
View MoreCHAPTER 42 NANAHIMIK siya saglit at hinila niya ako paupo sa sofa at pinatungan ng kumot ang hita ko upang hindi ako ginawin. Mahangin kasi dito sa veranda ng kwarto kung saan kami ngayon. At ang ganda pa dito sa Gawin namin dahil kitang-kita talaga ang magandang view sa labas, pero dahil gabi ngayon ay tanging kislap na lang ng bituin ang nakikita namin at tanging paghampas na lang ng tubig sa dalampasigan ang maririnig namin. “Honestly, we just had a few conversation, dahil weekend lang ako nakakauwi ng bahay namin kasi malayo ang school na pinapasukan ko. You are a little sister to me dahil sa agwat ng edad nating dalawa." He said and held my hands and massaged it softly. “Nagustuhan mo na ba ako noon?" Hindi ko alam kung bakit iyon pa ang naging tanong ko sa kanya. Lumabas lang sa bibig ko kahit iba naman ang katanungan sa utak ko. “No. Wala akong kahit na anong nararamdaman sa'yo, alam mo kung bakit? Because you were too young for me. Para sa akin ay nakababatang kapatid l
CHAPTER 41MALALIM na ang gabi ng matapos ang usapan namin na nauwi na rin sa tawanan dahil sa kakulitan ng magkapatid. Hindi ko pa rin lubos maisip na ganito pala ang nangyari sa buhay ko na akala ko ay sa tv, drama, o sa nabasang libro lang nangyayari ang ganito. Totoo pala talaga na may ganun na pangyayari sa buhay ng tao. Hindi ako makatulog dahil sa dami ng iniisip na hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga nalaman ko. Masaya at may halong lungkot dahil wala na ang Mama ko, dahil sa sinubukan niya akong iligtas at na-coma pa ang Papa ko. Hanggat hindi namin makukuha ang hustisya ay hindi kami titigil. Salamat sa pamilya dahil hindi nila sinukuan ang pamilya ko. “Hindi ka makatulog?” tanong ni Ace at inabutan ako ng wine. Masaya ko naman na tinanggap ang wine. “Salamat,” ani ko. Ngumiti siya at mas lalong gumwapo sa paningin ko. Akala ko ang suplado niya, marunong din pa lang ngumiti. He looks better when he smiles. “Ano ang iniisip mo? Hindi pa rin ba mag-si
SABAY silang nagkatinginan at basi sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha ay parang sinasabi nilang wala na rin ang Papa ko. Bagsak ang balikat ko at bumuntonghininga na lang. Wala na akong mga magulang, pati tunay kong mga magulang ay wala na rin. Ang saklap naman ng buhay ko. Nalaman ko ngayon na hindi ako tunay na anak ng mga kinikilala akong mga magulang, tapos malalaman ko rin na wala na rin pala ang tunay kong mga magulang. Ang sakit sa dibdib na hindi ko man lang sila nakita. Nagbalik na nga ang anak nila pero wala naman na sila. “He is in a come,” sabi ni Mrs. Horman. “Your Father is in state of coma.” Dagdag pa niyang salita. I suddenly felt relieved at nakahinga ng maluwag ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ko dahil kahit humihinga pa siya ay nasa coma naman. “B-bakit po na c-coma? Ano pong nangyari sa kanya?” nauutal kong tanong, pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. “Nasaan po siya ngayon?” sunod-sunod kong tanong.“Nasa isang pribadong hospital siya ngayon n
CHAPTER 39 LAHAT sila ay nagkatinginan, mabilis na lumapit sa akin si Sir Ace. Ngumiti siya sa akin at inayos ang itsura ko. Napatitig ako sa kanya, kahit wala siyang sasabihin ay alam kong marami rin siyang gustong sabihin sa akin. "Ikaw may sasabihin ka rin ba sa akin?” tanong ko sa kanya. Natigilan siya sa pag-aayos sa buhok ko. He sighed. He held my hands and caressed it gently. “Marami akong gustong sabihin pero ayaw kong sabihin,” aniya at ngumiti ng nakakaloko. "Bakit naman?” naiinis kong salita at hinampas siya sa balikat. "Sabi mo future Mrs. mo ako, tapos mag-se-sekreto ka sa akin?” ani ko. "Ehem…" it's Eduardo. Lumapit rin siya sa akin. Ang gwapo talaga ng magkapatid na ‘to, pero mas lamang si Ace ko. “Anong future Mrs.? May hindi ba kami nalaman?” Mahinang sabi ni Eduardo at nakakalokong ngumiti sa amin. Natawa naman sina Tiya at Mrs. Horman. "Yes. Dahil magpapakasal na kami ni Domi,” wika ni Sir Ace. Napaubo naman si Eduardo. "Hey, huwag naman gan




![MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore