Nasa hapagkainan na kaming tatlo nina Mrs. Horman at Eduardo. Hindi ko nakita si Sir Ace pagdating ko dito sa bahay nila, at medyo nalungkot at nadismaya ako. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko siya kahit ang suplado niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Na-mi-miss ko rin siya agad kahit kakakita ko lang sa kanya. Hays... I felt so down. Parang siya na rin ang naging energizer ko kahit napakasungit niya sa akin. Mabuti pa itong si Eduardo, chill lang at gentleman. Pero hindi ko rin siya type."What's with the long face? May nangyari ba, Domi?" biglang tanong ni Mrs. Horman. Napansin niya siguro ang pananahimik ko."Wala naman po, Mrs. Horman. Pasensya na po kung naaabala ko kayo sa pagkain ninyo," mahina kong sagot, nahihiya rin. Ngumiti na lang ako ng hilaw."Stop thinking about him and just eat," sabat naman ni Eduardo.Agad ko siyang pinanlakihan ng mata, na ikinatuwa naman niya. Nagulat ako nang makita ko ang malalim niyang dimple. Agad akong umiwas ng tingin dahil ang pogi
I overslept last night and woke up with a heavy heart.Tiningnan ko ang orasan sa gilid ng kama ko at nagulat dahil alas-onse na pala ng umaga. Mukhang napahaba ang tulog ko. Paano ba naman hindi hahaba ang tulog ko, madaling araw na ako nakatulog kaya siguro natagalan akong magising. Bumangon na ako at nag-unat bago tinungo ang banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sarili ko sa salamin—namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi.Pagkatapos sa banyo, lumabas na ako at tinungo ang kusina. Ngunit laking gulat ko nang makita ang sampung sako ng bigas, mga nakabox na iba't ibang klase ng canned goods, at frozen meat. Sino na naman kaya ang pumasok sa bahay kagabi?"Ano ang mga 'to? Kanino galing ang mga 'to? May donation bang magaganap na hindi ko alam?" nagtataka kong tanong, sabay tawa na lang sa hindi ko malaman na dahilan.Napakamot na lang ako sa ulo at napahilamos. "Kanino ba galing ang mga 'to?"Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak k
Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Hindi ko siya pinansin at dinaanan lang sabay pasok sa kwarto ko. Bahala siya diyan. Hindi ibig sabihin na dahil gusto ko siya, hahayaan ko na lang siyang insultuhin ako. Makaligo na nga lang. Ang gwapo niya.Malalim akong napabuntong-hininga at pabagsak na umupo sa kama. Naiinis pa rin ako talaga, at mas lalo akong nainis sa apology gift niya. Mukha ba akong walang pambili ng pagkain?Pumasok ako sa banyo at tuluyan nang naligo. Matapos kong mag-ayos, lumabas na ako ng kwarto. Akala ko umalis na siya, pero nandito pa pala. Ano naman ang pakay ng taong 'to dito?'Hindi mo ba ako kakausapin?' malamig niyang sabi. Kunot-noo ko siyang tiningnan.'Para saan naman?' ani ko sa mahinang boses.'About these? Hindi ka ba magta-thank you man lang?' Mas lalong kumunot ang noo ko. Nahihibang na ba siya?"“Bakit ako magta-thank you?" sarkastikong wika ko."Why can’t you just say thank you, para wala nang maraming sinasabi."“Seriously? Hindi mo ako madadala sa
Hinatid talaga ako ni Sir Ace sa bagongtinitirhan nina Tiya at Bonbon. Nagtaka pa ako kung paano nalaman ni Sir Ace kung saan nakatira si Tiya, siya pala ang nagpalipat sa amin ng bahay. Si Sir Ace kasi ang bumili ng bahay na nilipatan ni Tiya, pero dahil gusto ko munang manatili sa dating tirahan, hindi na ako sumama sa paglipat. Pagdating namin, masaya akong sinalubong ni Bonbon. Mahigpit ko siyang niyakap dahil namiss ko siya. Nagmano na rin ako kay Tiya.Napatingin ako kay Sir Ace na may kausap sa cellphone. Nakakunot ang noo niya habang seryosong nakikipag-usap sa kabilang linya, na para bang galit na galit pero pinipigilan lang ang sarili na huwag taasan ang boses.Pumasok na lang ako sa loob at iniwan si Sir Ace sa labas. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang makita ang mga pagkaing nakahanda na sa mesa. Hindi pa pala ako kumakain simula pa kaninang umaga. Anong oras na ba akong nagising? Alas-onse na pala ng umaga at malapit na ring magtanghalian. Sakto naman, may nakahanda na
Akala ko ay ihahatid pa ako ni Sir Ace, at medyo nag-assume pa ako. Bigla kasi siyang umalis kanina mula sa bahay nang hindi man lang nagpaalam. Pero, bakit nga naman siya magpapaalam sa akin? Sino ba naman ako para magpaalam siya. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi umasa pa ako. Tinanong pa niya ako kanina kung saan ako uuwi kaya akala ko talaga ihahatid ako. Ayun, nakabusangot tuloy akong umuwi mag-isa. Pagdating ko sa bahay ay wala na ang mga bigas, can goods, at iba pa na binigay ni Ace as apology gift. Naipamigay na siguro lahat ni Eduardo. Ang bilis talaga gumalaw ni Eduardo. Nakahinga na ako maluwag, pero may lungkot dahil hindi ko na makikita si Sir Ace. "Makakapagpahinga na rin sa wakas," salita habang pabagsak na umupo sa sofa. Sleepy na naman ako. Dahil nga sa puyat kaya ganito na lang katamlay ang katawan ko. Pumikit ako habang iniimage ang gwapong mukha ni Sir Ace. Hindi na talaga mawawala ang imahe niya sa isip ko. Grabing pag-ibig na talaga itong nararamdaman ko.
Bumusangot ang mukha ni Dominice habang senesermonan si Ace. Padabog pa siyang umupo sa sofa at kunot-noobpa siyang palinga-linga sa paligid. Malaki ang living room at wala pa gaanong disenyo sa loob. Mukhang bagong-bago ang bahay dahil wala pa masyadong gamit. "Natahimik ka ritan, Sir Ace. Okay ka pa ba?" sigaw ni Domi at napahalukipkip na lang. "I'm fine,...ahh.." "Okay ka lang po ba? Are you in pain or anything? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Domi. Nakaramdam agad siya ng kaba at pag-aalala. "No. I am fine, it's just that something happen. Uhm... Domin, can you do me a favor, please?" kunot-noo naman si Domi dahil sa lambing ng boses nito. Ibang-iba kung paano ito makitungo sa kanya. "Y-yes, ano 'yun?" "Make tinolang manok for me, please..." Napasinghap si Domi. "Seriously? Tinolang manok?" "Yeah. I suddenly craved it. It's been a while, huli kong kain ng tinola," saad nito. "Wala naman akong choice kundi ang sundin ka. Pero paalala ko lang po
Hindi ko na alam kung nasaan ako. Madilim pa naman dito sa nilalakaran ko. Palowbat na rin ang cellphone ko. Hays. Bakit naman kasi umalis pa ako ng bahay. "Kainis naman nitong timing na 'to eh." Naiiyak kong salita at papadyak-padyak pa. Wala na rin akong choice kundi ang bumalik na lang kaysa sa ano pa ang mangyari sa akin dito sa labas. Bumalik na ako sa kung saan ako naglalakad kanina, ngunit pakiramdam ko ay malayo na ako at wala na akong makitang ilaw. At dahil palowbat na ako ay dali-dali kong tinawagan si Sir Ace. Nakaramdam na rin ako ng takot at ginaw sa paligid ko. Bakit ba kasi ang dilim sa lugar na ito? Tumulo na talaga ng tuluyan ang luha ko. "S-sir, can you pick me, please?" bigla na lang akong napahagulgul dahil sa takot. Takot ako sa dilim at ayaw ko sa madilim ngunit ito ako ngayon. Dahil sa selos kaya ako napunta dito. "Where are you? Bakit ka umiiyak, may nangyari ba?" bakas sa boses ni Sir Ace ang pag-aalala. Siya naman may kasalanan kung bakit ak
HINATID ako ni Eduardo sa bahay. Gusto niya akong dalhin sa mansyon dahil iyon ang request ni Mrs. Horman, pero nag-insist ako dahil gusto ko munang mapag-isa. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi mawala sa isip ko ang madilim na parte na iyon. Ace called but I didn't answer him, matapos kung ma-charge ang cellphone ko. Nabasa ko rin ang text-message niya at nag-sorry siya sa akin. Hindi na rin ako nag-reply. Nagpaalam rin ako kay Mrs. Horman na hindi muna ako magpapakita sa kanila ng dalawang linggo hanggang sa dumating na ang time para sa surrogacy. Marami pa kaming pag-uusapan tungkol sa bagay na 'yon, pero hindi na muna sa ngayon dahil sa inis ko kay Ace. At naalala ko din na hindi dito sa bansa mangyayari ang surrogacy, kundi sa ibang bansa. Pinatay ko ang cellphone ko sa inis, dahil ayaw ko munang makayanggap ng kahit anong message o tawag mula sa kahit na sino man. Napatitig ako sa kisame dahil hindi ako makatulog. Sabi ni Eduardo ay misunderstanding l
CHAPTER 35 BAKIT para akong hinihila pailalim? Bakit nahihirapan akong huminga na para bang sinasakal ako? Bakit ang dilim, at wala akong marinig? Bakit ang ginaw na para bang binabalot ako ng yelo? Natatakot ako! Nasaan ba ako? “Mama. Mama. Tulong! Tulong!” “Mama, t-tulungan mo ako!” Habang sumisigaw, nanghihingi ng tulong ay nakita ko ang batang babae sa yati. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Hindi ko siya kilala pero pamilyar siya sa akin, sino ba siya? Bakit hindi niya ako tinulungan? Bakit niya ako itinulak sa yati? “Mama! Mama! Tulungan mo ako! T-tulong!” unti-unti ng nanghihina ang katawan ko at tuluyan na ngang nahulog sa kailaliman ng dagat. Mama? Sino ba ang mama ko? Bakit may tinawag akong Mama? Matagal ng wala ang Mommy ko. Sino ba sila at hindi ko sila kilala? Ang batang babae, sino siya? Kilala ko ba siya? Galit ba siya sa akin? Bakit hindi niya ako tinulungan? Bakit mukhang galit siya sa akin? Anong kasalanan ko sa kanya? “Dominice? Dominice
CHAPTER 34 MATAPOS namin maghapunan ay pumasok na ako sa kwarto ni Bonbon sa kwarto niya ako matutulog ngayon. Nang nasa higaan na ako ay hindi ako makatulog at panay ikot dito, ikot doon. Hindi talaga ako mapalagay kakaisip kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Naguguluhan na ako. Mabuti na lang at tulog na si Bonbon. At dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag message kay Eduardo. Nababagabag talaga ako, at anong oras na ba hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Sa totoo lang kapag ganito pakiramdam ko ay hindi talaga ako mapalagay hanggang sa malaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari. ‘HEY! PWEDE BA SABIHIN MO SA AKIN ANG TOTOO? HINDI TALAGA AKO MAPALAGAY AT NATATAKOT AKO KAHIT WALA NAMAN AKONG KINALAMAN SA BUHAY NINYO! HINDI AKO MAKATULOG KAKAISIP SA INYO!’ To: Eduardo I waited for his reply pero nakailang message na ako wala pa rin reply. Naiiyak na ako sa kaba dito, paano kung may nangyari
CHAPTER 33NAPATINGIN sa akin si Kuyang driver at ngumiti, ngunit hindi na s’ya nagsalita pa at nakapokus na lang sa pagmamaneho. Alam kong may alam s’ya ayaw n’ya lang sabihin sa akin. Impossibly kung wala s’yang alam, base nga sa aksyon at ekspresyon ng mukha n’ya parang alam n’ya nga lahat ng nangyayari sa loob ng mansyon. At unang beses ko rin na makita s’ya, pero malakas na agad pakiramdam ko sa kanya na hindi lang talaga s’ya driver. Hindi ko mapigilan na bumuntonghininga dahil nag-aalala rin ako sa kanila dahil mabubuti silang tao. At kung ano man ang nagaganap sa loob ng mansyon, sana ay nasa maayos silang lahat. Pagdating namin sa bahay ay agad na akong bumaba ng kotse. Ang lalim ng iniisip ko na muntik na akong madapa dahil sa katangahan ko. Nakaalis na rin si Kuyang driver na wala ng sinabi, kung ano man sikreto ng pamilya malaman ko rin ‘yon. Sa ngayon ay makikinig na muna ako sa sinabi ni Eduardo, at hindi ko rin naman nakalimutan ang sinabi ni Sir Ace na malalaman ko r
CHAPTER 32 MABILIS akong dinalaw ng antok at agad na nakatulog na kayakap si Sir Ace. Ang sarap sa pakiramdam at ang gaan ng loob ko kahit alam kong magbabago na bukas pagkagising ko. Ang lambing naman pala ni Sir Ace, he is truly the opposite. Kinabukasan nagising akong mag-isa na sa kama. May kumot at unan na rin ako. Hindi na ako nagulat kong paggising ko ay wala na siya dahil alam kong ito talaga ang totoo. Ano man ang sinabi n’ya sa akin kagabi ay pagkakatiwalaan ko s’ya. Ano man reason niya sa pananatili kay Diana at sana successful. Bumangon na ako at nag-unat ng katawan. Napangiti ako sa nakitang note sa lamisita sa tapat ng kama ko. Nang-iiwan pa talaga ng notes. “I didn’t wake you, because you sleep so peacefully. Trust me, okay?” – Ace Sa sulat kamay pa lang n’ya ay kinikilig na ako, na-miss ko n agad s’ya kahit wala naman kaming label. Ano man ang maging resulta ng surrogacy sana’y hindi successful. Ang sama ko naman, pero sabi naman n’ya hindi niya mahal si
CHAPTER 31 IBINABA na ako ni Sir Ace sa kama ngunit hindi pa rin niya ako binitawan. Malakas ang ulan at kulog, walang ilaw, pero bakit dinig na dinig ko pa rin ang lakas ng kabog sa aking dibdib , na para bang lalabas na lakas ng kalabog nito. Ang takot na nadarama ko kanina ay napalitan na ng saya at opara bang ligtas ako kapag kasama s’ya. Alam kong mali itong nararamdaman ko pero hindi naman bawal ang magmahal, di’ba? Sa ganitong paglakataon mas nanaig talaga ang pagmamahal kahit alam mong mali na. Kahit ngayong gabi lang. Kahit ngayon gabi lang ay susulitin ko itong paglakataon na ‘to habang narito pa s’ya sa tabi ko. Malaya kong nahahawakan at nakakausap, dahil alam ko paggising ko bukas away wala na ‘to at babalik na naman kami sa dati. “Hindi ka na ba takot? Ganito ka ba lagi kapag malakas ang ulan na may kasamang kulog?” Mahinang tanong ni Sir Ace, na may lambing sa tinig ng pananalita nito. Nakakapanibago na may ganito rin pala siyang side. “Kapag malakas at may kasam
Maigi kong tinitigan ang litrato. I was only thirteen years old at this picture, kakagising ko lang nito mula sa coma. Mommy said, na-aksidente daw ako at na-coma. Sabi rin ni Mommy na nagka-amnesia ako, dahil paggising ko ay wala akong maalala sa nangyari. Naalala ko rin ang picture na ‘to kung saan ako kinunan ni Mommy ng picture. Nasa Germany kami at this time. Bigla ko tuloy naalala si Mommy at na-miss. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko ng maalala si Mommy. Id it we're not because of her illness, buhay pa sana siya at magkasama sana kami ngayon. Pero diko pa rin makalimutan na nangaliwa si Papa noon. “Ang liit ko pa sa picture," nakangiting salita ko. Binaba ko na ang litrato at iba naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Damit ng batang babae. May alahas na pendant, at heart shape earrings na halatang mamahalin. Ang damit na maganda na pang mayaman ang dating, may nakalagay pa na name ng brand pero sa tingin ko ay hindi ito name ng brand, kundi ang initial nam
TAHIMIK na lang kami habang kumakain. Hindi ko na nga kinausap at matingnan dahil naiilang ako at naalala lang ang nangyari kanina. May parte naman sa akin na masaya, pero mas pumaibabaw ang kaba at pag-aalala. Palihim akong lumingon sa kanya dahil sobrang tahimik n’ya rin habang kumakain. Mukhang nasasarapan siya sa niluto ko. Hindi ko na lang maiwasan na mapangiti at banaling na lang ulit sa pagkain ang atensyon ko. Tama lang ang ganito kaysa naman masira ang relasyon ng dalawa. Masakit man ang ganito, at least may chances naman akong makita siya, at nakakasama pa kahit alam ko after this incident ay babalik na naman sa cold treatment ang trato niya sa akin. At kahit sabihin pa man ni Sir Ace na hindi niya mahal si Miss Diana, may relasyon pa rin silang dalawa. Ayaw kong matawag na kabit no, or dahilan ng break-up ng dalawa. Parang wala na rin akong pagkakaiba sa mga fake sister ko na mang-aagaw ng jowa ng iba. “Are you okay? Did I make you feel uncomfortable?" Sir ACe said, k
DAHIL sa sinabi niya ay hindi na ako nagsalita pa. Ano pa ba ang itatanong ko? Bakit kayo magkasama pa rin kahit hindi mo naman pala mahal? Ayaw ko na magtanong baka mairita na sa akin kakatanung ko. Ayaw ko naman makialam sa kanila, buhay naman nila yun e. I don't have the right to ask him about what he said earlier. Wala kaming relasyon at hindi rin naman kami super close, nag-uusap lang kami but not friends. Cold ng treatment niya sa akin e. Napipilitan lang siya na mag-stay ngayon dahil sa ulan. “Okay na ‘to!" agad ko na hinain ang kanin at nilagay na rin sa lalagyan ang adobong manok. Inayos ko na rin ang mesa para makakain na kami. Pagkatapos kong ayusin ang mesa at mga pagkain ay tinungo ko na ang sala upang tawagin si Sir Ace, ngunit nadatnan ko siyang nakahiga sa sofa habang yakap-yakap ang sarili. “S-sir? Sir Ace? Kain na tayo, tapos na po akong magluto?" saad ko ngunit hindi pa rin siya nagising, at nakita ko na lang ang labis na panginginig ng kanyang katawan. “Sir Ac
Agad ko kasing ininom hindi ko man lang inihipan. Nakikita ko talaga sa mukha niya ang labis na pag-aalala katulad kanina sa mansion. It feels good that someone is sincerely cares about you and worried. Nakakalungkot na sinisisi nila ng mommy niya kung bakit ako napaso. "It's my fault n hindi kita binalaan,” aniya. Ngumiti ako just to give him assurance na okay lang ako. "Wala kang kasalanan Sir Ace. I will be careful next time,” ani ko. He looks tense at hindi pa rin nawala sa mukha niya ang pag-aalala. His cold expression changed immediately, and now, he looks worried because of me. “Nagugutom ka na ba? Magluluto ako. May gusto ka bang kainin?" tanong ko na lang para mawala na ang atensyon niya sa nangyari. “I don't mind, with what you cook. I can eat anything," he said. Ngumiti ako at tumayo. “Okay good. Umupo ka na muna at ako’y maghahanda para sa hapunan natin. For sure, hindi pa hihinto ang ulan. Relax ka lang. And if you're cold, pwede kang pumasok sa kwarto ko at ma