Share

14

Author: JADE DELFINO
last update Last Updated: 2024-10-24 09:53:17

Hinatid talaga ako ni Sir Ace sa bagong

tinitirhan nina Tiya at Bonbon. Nagtaka pa ako kung paano nalaman ni Sir Ace kung saan nakatira si Tiya, siya pala ang nagpalipat sa amin ng bahay. Si Sir Ace kasi ang bumili ng bahay na nilipatan ni Tiya, pero dahil gusto ko munang manatili sa dating tirahan, hindi na ako sumama sa paglipat. Pagdating namin, masaya akong sinalubong ni Bonbon. Mahigpit ko siyang niyakap dahil namiss ko siya. Nagmano na rin ako kay Tiya.

Napatingin ako kay Sir Ace na may kausap sa cellphone. Nakakunot ang noo niya habang seryosong nakikipag-usap sa kabilang linya, na para bang galit na galit pero pinipigilan lang ang sarili na huwag taasan ang boses.

Pumasok na lang ako sa loob at iniwan si Sir Ace sa labas. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang makita ang mga pagkaing nakahanda na sa mesa. Hindi pa pala ako kumakain simula pa kaninang umaga. Anong oras na ba akong nagising? Alas-onse na pala ng umaga at malapit na ring magtanghalian. Sakto naman, may nakahanda na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    15 - Please, come to my house

    Akala ko ay ihahatid pa ako ni Sir Ace, at medyo nag-assume pa ako. Bigla kasi siyang umalis kanina mula sa bahay nang hindi man lang nagpaalam. Pero, bakit nga naman siya magpapaalam sa akin? Sino ba naman ako para magpaalam siya. Naiinis lang ako sa sarili ko kasi umasa pa ako. Tinanong pa niya ako kanina kung saan ako uuwi kaya akala ko talaga ihahatid ako. Ayun, nakabusangot tuloy akong umuwi mag-isa. Pagdating ko sa bahay ay wala na ang mga bigas, can goods, at iba pa na binigay ni Ace as apology gift. Naipamigay na siguro lahat ni Eduardo. Ang bilis talaga gumalaw ni Eduardo. Nakahinga na ako maluwag, pero may lungkot dahil hindi ko na makikita si Sir Ace. "Makakapagpahinga na rin sa wakas," salita habang pabagsak na umupo sa sofa. Sleepy na naman ako. Dahil nga sa puyat kaya ganito na lang katamlay ang katawan ko. Pumikit ako habang iniimage ang gwapong mukha ni Sir Ace. Hindi na talaga mawawala ang imahe niya sa isip ko. Grabing pag-ibig na talaga itong nararamdaman ko.

    Last Updated : 2024-11-11
  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    16 - IT HURTS LIKE HELL

    Bumusangot ang mukha ni Dominice habang senesermonan si Ace. Padabog pa siyang umupo sa sofa at kunot-noobpa siyang palinga-linga sa paligid. Malaki ang living room at wala pa gaanong disenyo sa loob. Mukhang bagong-bago ang bahay dahil wala pa masyadong gamit. "Natahimik ka ritan, Sir Ace. Okay ka pa ba?" sigaw ni Domi at napahalukipkip na lang. "I'm fine,...ahh.." "Okay ka lang po ba? Are you in pain or anything? May sakit ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Domi. Nakaramdam agad siya ng kaba at pag-aalala. "No. I am fine, it's just that something happen. Uhm... Domin, can you do me a favor, please?" kunot-noo naman si Domi dahil sa lambing ng boses nito. Ibang-iba kung paano ito makitungo sa kanya. "Y-yes, ano 'yun?" "Make tinolang manok for me, please..." Napasinghap si Domi. "Seriously? Tinolang manok?" "Yeah. I suddenly craved it. It's been a while, huli kong kain ng tinola," saad nito. "Wala naman akong choice kundi ang sundin ka. Pero paalala ko lang po

    Last Updated : 2024-11-18
  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    17 - MISUNDERSTANDING

    Hindi ko na alam kung nasaan ako. Madilim pa naman dito sa nilalakaran ko. Palowbat na rin ang cellphone ko. Hays. Bakit naman kasi umalis pa ako ng bahay. "Kainis naman nitong timing na 'to eh." Naiiyak kong salita at papadyak-padyak pa. Wala na rin akong choice kundi ang bumalik na lang kaysa sa ano pa ang mangyari sa akin dito sa labas. Bumalik na ako sa kung saan ako naglalakad kanina, ngunit pakiramdam ko ay malayo na ako at wala na akong makitang ilaw. At dahil palowbat na ako ay dali-dali kong tinawagan si Sir Ace. Nakaramdam na rin ako ng takot at ginaw sa paligid ko. Bakit ba kasi ang dilim sa lugar na ito? Tumulo na talaga ng tuluyan ang luha ko. "S-sir, can you pick me, please?" bigla na lang akong napahagulgul dahil sa takot. Takot ako sa dilim at ayaw ko sa madilim ngunit ito ako ngayon. Dahil sa selos kaya ako napunta dito. "Where are you? Bakit ka umiiyak, may nangyari ba?" bakas sa boses ni Sir Ace ang pag-aalala. Siya naman may kasalanan kung bakit ak

    Last Updated : 2024-12-18
  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    18 - CONFESSION

    HINATID ako ni Eduardo sa bahay. Gusto niya akong dalhin sa mansyon dahil iyon ang request ni Mrs. Horman, pero nag-insist ako dahil gusto ko munang mapag-isa. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi mawala sa isip ko ang madilim na parte na iyon. Ace called but I didn't answer him, matapos kung ma-charge ang cellphone ko. Nabasa ko rin ang text-message niya at nag-sorry siya sa akin. Hindi na rin ako nag-reply. Nagpaalam rin ako kay Mrs. Horman na hindi muna ako magpapakita sa kanila ng dalawang linggo hanggang sa dumating na ang time para sa surrogacy. Marami pa kaming pag-uusapan tungkol sa bagay na 'yon, pero hindi na muna sa ngayon dahil sa inis ko kay Ace. At naalala ko din na hindi dito sa bansa mangyayari ang surrogacy, kundi sa ibang bansa. Pinatay ko ang cellphone ko sa inis, dahil ayaw ko munang makayanggap ng kahit anong message o tawag mula sa kahit na sino man. Napatitig ako sa kisame dahil hindi ako makatulog. Sabi ni Eduardo ay misunderstanding l

    Last Updated : 2025-01-01
  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    19- NOTE

    DOMINICE TRAVIS LUCAS POV.NAGISING ako ng tamaan ng sinag ng araw ang mukha ko. Hindi ko kasi sinasarado ang balkonahe sa kwarto ko kaya kapag mataas na ang sikat ng araw at kapag hindi pa ako magising ang sinag ng araw ang nagpapagising sa akin. Parang orasan ko na rin siya. Napadilat ako ng may maalala. Biglang naging buhay ang diwa ko. At nawala ang antok ko. Agad akong tumayo mula sa kama at tinungo ang pintuan. Pagbukas ko ay para akong hinugutan ng hininga dahil nasa harapan ko ay ang isang tao na ubod ng gwapo. Natulala ako at napatingin sa mga mata niyang parang sinusuri ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung bakit iba ang tingin niya sa aking katawan. Naningkit ang kanyang mga mata at napaawang ang labi. Napaismid naman ako at tumingin rin sa sarili ko ng napagtanto kung ano itong suot ko.“Gosh!” gulat na sambit ko at mabilis na isinarado ang pintuan. “D-did he see m-my—" Natakpan ko ang bibig ko at tumili ng walang kaboses-boses at parang maiiyak sa sobrang hiya. “W-wait."

    Last Updated : 2025-01-11
  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    20- MATAPANG NA SI DOMINICE

    DOMINICE TRAVIS LUCAS POVLUMIPAS ang isang linggo at nanatili pa rin ako kay Tiya. Ipinasyal ko si Bonbon at Tiya kahit saan dito sa Manila. Minsan ay hindi pa nakakasama si Tiya dahil sa small business niya. May pa-order kasi siyang natatanggap sa mga client at suki kaya tuwang-tuwa si Tiya at hindi pinapalabas ‘to. Dahil madalang lang naman kasi ang client niya kaya kapag may nag-oorder sa kanya ng mga kakanin, mga ulam for birthdays, kasal, binyag, o ano man na okasyon ay G na G ‘yan si Tiya.Nasa park kami ngayon ni Bonbon, kasama na rin namin ang personal nurse niya. Tahimik lang kaming kumakain ng ice cream na isa sa aming favorite. Noon kasi ay hindi namin ‘to nagagawa, kaya ngayon na kaya ko ng igala siya ay gagawin ko talaga para sa kanya at ma-enjoy niya ang buhay bata. Hindi kasi kami pinapayagan ni Tiya dati e, kahit nasa tamang edad na ako noon ay wala akong lakas upang ipagtanggol ang kapatid ko at sarili ko. Bata pa si Bonbon ng mamatay si MOmmy kaya hindi niya nakila

    Last Updated : 2025-01-15
  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 21

    NANDITO na naman ako sa mansyon ng pamilya Horman. And as usual, kinakabahan na naman ako. Dalawang linggo rin naman ako hindi nagpaparamdam sa pamilya, pero alam naman ‘yon ni Mrs.Horman dahil nagpaalam naman ako sa kanya ng maayos. Dalawang linggo ko rin naman silang Hindi nakita kaya parang naninibago ako. Nanlalamig pa nga ang mga kamay ko dahil sa kaba. Maaga rin akong sinunod ni EDuardo kanina, agad ko kasi siyang sinabihan na pupunta ako dito sa mansyon kaya agad na rin siyang kumilos. Nagulat pa nga ako dahil bigla lang siya dumating sa labas ng bahay. Ang bilis lang kasi talaga niya. Nakakahiya naman kung magtatagal pa ako. Nalaman ko rin mula sa doctor ko na okay naman lahat ng resulta sa medical ko at handa na ako para sa surrogacy. Ngayon na buwan if possible gaganapin ang surrogacy. Handa naman na ako ngunit hindi ko pa rin mapigilan na kabahan. Hindi pa rin kasi mag-sink in sa utak ko na hindi ko anak ang ipagbubuntis ko. “Iha, you’re finally here. I missed you,"

    Last Updated : 2025-03-01
  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 22

    MAIGING tiningnan ni Tita ang portrait nilang mag-pamilya. May ngiti sa labi ngunit may bahid pa rin ng lungkot ang mga mata nito. Hindi ko man alam kung ano ang dahilan ng pagkawala ng kanyang asawa ngunit ramdam ko pa rin na hindi pa nakakalimot si Tita sa kanyang asawa. Hindi naman talaga madaling makalimot lalo na kung mga mahal natin sa buhay ang mga nawala. Mahirap makalimot lalo na kung may malaki silang parte sa buhay natin. Sobrang mahal nga talaga ni TIta ang kanyang asawa. Tinitigan pa lang niya ang kanilang portrait ay parang kalmado at walang ibang iniisip si Tita. May saya sa kanyang mukha ngunit nandun pa rin ang bahid ng lungkot sa kanyang mga mata. Sana'y dumating rin sa buhay ko ang lalaking mamahalin ako ng buong-buo. Iyong pagmamahal na walang labis, walang kulang. At handa akong maghintay basta ibigay lang sa akin ang lalaking mamahalin ako habang-buhay. "His name is Edward Horman. My first and last love. My only husband and the father of my children," mal

    Last Updated : 2025-03-02

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 42

    CHAPTER 42 NANAHIMIK siya saglit at hinila niya ako paupo sa sofa at pinatungan ng kumot ang hita ko upang hindi ako ginawin. Mahangin kasi dito sa veranda ng kwarto kung saan kami ngayon. At ang ganda pa dito sa Gawin namin dahil kitang-kita talaga ang magandang view sa labas, pero dahil gabi ngayon ay tanging kislap na lang ng bituin ang nakikita namin at tanging paghampas na lang ng tubig sa dalampasigan ang maririnig namin. “Honestly, we just had a few conversation, dahil weekend lang ako nakakauwi ng bahay namin kasi malayo ang school na pinapasukan ko. You are a little sister to me dahil sa agwat ng edad nating dalawa." He said and held my hands and massaged it softly. “Nagustuhan mo na ba ako noon?" Hindi ko alam kung bakit iyon pa ang naging tanong ko sa kanya. Lumabas lang sa bibig ko kahit iba naman ang katanungan sa utak ko. “No. Wala akong kahit na anong nararamdaman sa'yo, alam mo kung bakit? Because you were too young for me. Para sa akin ay nakababatang kapatid l

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 41

    CHAPTER 41MALALIM na ang gabi ng matapos ang usapan namin na nauwi na rin sa tawanan dahil sa kakulitan ng magkapatid. Hindi ko pa rin lubos maisip na ganito pala ang nangyari sa buhay ko na akala ko ay sa tv, drama, o sa nabasang libro lang nangyayari ang ganito. Totoo pala talaga na may ganun na pangyayari sa buhay ng tao. Hindi ako makatulog dahil sa dami ng iniisip na hanggang ngayon ay pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga nalaman ko. Masaya at may halong lungkot dahil wala na ang Mama ko, dahil sa sinubukan niya akong iligtas at na-coma pa ang Papa ko. Hanggat hindi namin makukuha ang hustisya ay hindi kami titigil. Salamat sa pamilya dahil hindi nila sinukuan ang pamilya ko. “Hindi ka makatulog?” tanong ni Ace at inabutan ako ng wine. Masaya ko naman na tinanggap ang wine. “Salamat,” ani ko. Ngumiti siya at mas lalong gumwapo sa paningin ko. Akala ko ang suplado niya, marunong din pa lang ngumiti. He looks better when he smiles. “Ano ang iniisip mo? Hindi pa rin ba mag-si

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 40

    SABAY silang nagkatinginan at basi sa mga ekspresyon ng kanilang mga mukha ay parang sinasabi nilang wala na rin ang Papa ko. Bagsak ang balikat ko at bumuntonghininga na lang. Wala na akong mga magulang, pati tunay kong mga magulang ay wala na rin. Ang saklap naman ng buhay ko. Nalaman ko ngayon na hindi ako tunay na anak ng mga kinikilala akong mga magulang, tapos malalaman ko rin na wala na rin pala ang tunay kong mga magulang. Ang sakit sa dibdib na hindi ko man lang sila nakita. Nagbalik na nga ang anak nila pero wala naman na sila. “He is in a come,” sabi ni Mrs. Horman. “Your Father is in state of coma.” Dagdag pa niyang salita. I suddenly felt relieved at nakahinga ng maluwag ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ko dahil kahit humihinga pa siya ay nasa coma naman. “B-bakit po na c-coma? Ano pong nangyari sa kanya?” nauutal kong tanong, pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. “Nasaan po siya ngayon?” sunod-sunod kong tanong.“Nasa isang pribadong hospital siya ngayon n

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 39

    CHAPTER 39 LAHAT sila ay nagkatinginan, mabilis na lumapit sa akin si Sir Ace. Ngumiti siya sa akin at inayos ang itsura ko. Napatitig ako sa kanya, kahit wala siyang sasabihin ay alam kong marami rin siyang gustong sabihin sa akin. "Ikaw may sasabihin ka rin ba sa akin?” tanong ko sa kanya. Natigilan siya sa pag-aayos sa buhok ko. He sighed. He held my hands and caressed it gently. “Marami akong gustong sabihin pero ayaw kong sabihin,” aniya at ngumiti ng nakakaloko. "Bakit naman?” naiinis kong salita at hinampas siya sa balikat. "Sabi mo future Mrs. mo ako, tapos mag-se-sekreto ka sa akin?” ani ko. "Ehem…" it's Eduardo. Lumapit rin siya sa akin. Ang gwapo talaga ng magkapatid na ‘to, pero mas lamang si Ace ko. “Anong future Mrs.? May hindi ba kami nalaman?” Mahinang sabi ni Eduardo at nakakalokong ngumiti sa amin. Natawa naman sina Tiya at Mrs. Horman. "Yes. Dahil magpapakasal na kami ni Domi,” wika ni Sir Ace. Napaubo naman si Eduardo. "Hey, huwag naman gan

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 38

    CHAPTER 38 NASA isang malaking kwarto kami ngayon. Kaming lima nina Mrs. Horman, Tiya, Ace, Eduardo, at Ako. Hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin nila sa akin. At mukhang seryoso talaga ang usapan namin ngayon, pero ang nakapagtataka sa akin ay bakit kailangan pa namin pumunta sa lugar na ‘to? Hindi pa naman ako handa kung ano man ang sasabihin nila sa akin. Nanginginig na rin ang kamay ko at nanlalamig sa sobrang kaba. Lahat ay seryosong-seryoso at walang gustong magsalita. Si Tiya naman ay kanina pa minamasahe ang mga kamay. “Well, Dominice--- Alam kong naguguluhan ka sa pangyayari ngayon, pero hindi pwedeng patagalin pa ‘to. Kailangan mo ng malaman ang totoo. Ang totoong ikaw,” pagbasag ni Mrs. Horman sa katahimikan. Ano ba ang totoong ako? May totoo pa bang ako? Tumango ako dahil wala naman akong sasabihin dahil gulong-gulo pa rin ako. Ang bigat na rin talaga ng dibdib ko at naiiyak ako kahit hindi ko alam kung bakit. “Dominice, please, prepare yourself,” saad pa

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 37

    CHAPTER 36 NAPATULALA na lang ako ng makita ang loob ng malaking bahay. Paano naging akin ang bahay na ‘to, lumaking mahirap naman ako? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa or ano? Hindi ko alam kung bakit naging akin ang lugar na ‘to? Hindi kasi ako makapaniwala. Hawak ni Sir Ace ang kamay ko at marahan n’yang pinisil ang kamay ko. Hindi ko rin s’ya na-tanong kasi ang daming pumapasok sa utak ko, hindi na alam kung ano ang sasabihin ko. He just gently smiled at me at iginaya ako papasok sa isang malaking kwarto. Nakakalula na nga kanina ang sala, mas lalong nakakalula ‘tong kwarto ng pinasukan namin. “And ganda ng view dito, you will definitely love this place,” nakangiting salita ni Sir Ace at hinila ako papalapit sa kanya. “Look. Ganito ang view ng araw-araw mong nakikita noon,” mahinang salita n’ya. Nagtataka at naguguluhan akong tumingala sa kanya. Anong sinasabi niya? Unang beses ko lang nakapunta sa lugar na ‘to kaya paanong--- “Alam kagabi pa talaga ako nagugulu

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 36

    CHAPTER 36FINALLY dumating na rin kami sa aming destinasyon, at sobrang pagod ng buong katawan ko. Pero agad naman ‘yon napawi ng makita ang nakakamanghang views ng lugar. Kanina pa nga ako namamangha sa magandang tanawin, but the place seems familiar na para bang nakapunta na ako sa lugar na ‘to. Hindi ko lang talaga alam kung anong meron sa lugar na ‘to at nagpunta kami dito. Iginala ko ang aking paningin sa bawat sulok ng lugar at sobrang ganda talaga. Hindi ko maipaliwanag ang ganda ng kalikasan. Nasa entrance pa lang naman kami nakatayo para bang may hinihintay kami na dumating. Dito na kami bumaba ng makapasok na kami sa malaking gate. Parang resort lang ang lugar at para bang magbakasayon kami dito.“Thank goodness na nandito na kayo, safe and sound,” biglang lumabas mula sa kung saan ni Mrs. Horman at sa likod n’ya naman ay si Sir Ace. Agad akong niyakap ni Mrs. Horman at nagbeso pa sa kanya. “Domi, kumusta ang biyahe?” tanong sa akin ni Sir Ace at hinawakan ang kamay ko.

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 35

    CHAPTER 35 BAKIT para akong hinihila pailalim? Bakit nahihirapan akong huminga na para bang sinasakal ako? Bakit ang dilim, at wala akong marinig? Bakit ang ginaw na para bang binabalot ako ng yelo? Natatakot ako! Nasaan ba ako? “Mama. Mama. Tulong! Tulong!” “Mama, t-tulungan mo ako!” Habang sumisigaw, nanghihingi ng tulong ay nakita ko ang batang babae sa yati. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Hindi ko siya kilala pero pamilyar siya sa akin, sino ba siya? Bakit hindi niya ako tinulungan? Bakit niya ako itinulak sa yati? “Mama! Mama! Tulungan mo ako! T-tulong!” unti-unti ng nanghihina ang katawan ko at tuluyan na ngang nahulog sa kailaliman ng dagat. Mama? Sino ba ang mama ko? Bakit may tinawag akong Mama? Matagal ng wala ang Mommy ko. Sino ba sila at hindi ko sila kilala? Ang batang babae, sino siya? Kilala ko ba siya? Galit ba siya sa akin? Bakit hindi niya ako tinulungan? Bakit mukhang galit siya sa akin? Anong kasalanan ko sa kanya? “Dominice? Dominice

  • THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )    KABANATA 34

    CHAPTER 34 MATAPOS namin maghapunan ay pumasok na ako sa kwarto ni Bonbon sa kwarto niya ako matutulog ngayon. Nang nasa higaan na ako ay hindi ako makatulog at panay ikot dito, ikot doon. Hindi talaga ako mapalagay kakaisip kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Naguguluhan na ako. Mabuti na lang at tulog na si Bonbon. At dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag message kay Eduardo. Nababagabag talaga ako, at anong oras na ba hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Sa totoo lang kapag ganito pakiramdam ko ay hindi talaga ako mapalagay hanggang sa malaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari. ‘HEY! PWEDE BA SABIHIN MO SA AKIN ANG TOTOO? HINDI TALAGA AKO MAPALAGAY AT NATATAKOT AKO KAHIT WALA NAMAN AKONG KINALAMAN SA BUHAY NINYO! HINDI AKO MAKATULOG KAKAISIP SA INYO!’ To: Eduardo I waited for his reply pero nakailang message na ako wala pa rin reply. Naiiyak na ako sa kaba dito, paano kung may nangyari

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status