Share

CHAPTER FIVE - PAGTAKAS

HANDA na ako ngayon para  sa operation ni Bonbon, at kampante ako dahil ang gagaling ng mga doctor na mag-o-opera sa kanya. Sana’y maging successful ang lahat at maging okay na rin si Bonbon. Siya na lang natira sa akin.

"Hmm..Don't you like coffee?" Mrs. Horman asks.

"Masarap po ma'am," nakangiting tugon ko sa kanya. Ang bait ni Mrs.Horman.

Nakipag meet ako kay Mrs. Horman, dahil wala na akong ibang pag pipiliin kung hindi ang tanggapin ang alok niya. Kahit mahirap pa rin sa akin dahil ang una kong ipapanganak ay hindi sa akin. Desperada na akong maging SURROGATE MOM.

"Please, don't be too formal when you're in front of me. I know that I am not mistaken at choosing you as my son's SURROGATE mom." She said and sipped her coffee.

"Ma'am, I had no choice and I don't know po kung ano nakikita n'yo sa akin para ako ang kunin niyo bilang surrogate ng anak niyo po." Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako. Nagkasalubong lang naman kami sa kumpanya kung saan ako nag-apply ng trabaho, tas ngayon ay magiging surrogate ako ng anak niya.

"Hmmm.. Unang-una, nag background check ako sa ‘yo. I investigate everything about you, at wala akong nakitang mali o problema sa ‘yo. And I like your beauty.” Nakangiting wika niya.

“And I am sure those guys who tried to do bad things on you, already paid for their crimes," Nagulat ako sa sinabi ni Mrs.Horman. Pati pala dun sa nangyari sa akin two years ago ay pina-imbestigahan din niya. Mahalaga ay wala akong krimen na ginawa.

"Hindi ko po alam kung deserve po ba akong maging surrogate ng anak n’yo, Mrs.Horman.”

"I'll do everything na maibalik sa inyo ang pinaghirapan ng mommy mo. And yes, you deserve to be my son SURROGATE mom kasi alam kung responsable ka at mabait na bata. At magaan ang loob ko sa ‘yo." Dahil sa sinabi niya ay napaluha ako ng maalaala lahat ng sakripisyo ng mama nung nabubuhay pa siya, na mi miss ko siya bigla.

"Salamat mo Mrs Horman. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang pagbubuntis ko." Sabi ko na lang.

"I know." She said,

Matapos naming mag-usap ay dumeretso na ako sa hospital. Sana okay na siya ngayon at gising na.

Pagdating ko sa hospital ay tulog pa si Bonbon. Kinausap ko ang doctor kung successful ba ang operation. And they said, kailangan pa nilang obserbahan ang pasyente.Tumor is not an easy illness to cure. Na kapag na-operahan na ay okay na talaga. Pero matibay ang paniniwala ko na successful ang operation ni Bonbon.

"Tiya, kumain na po muna kayo." Gising ko kay Tiya kasi buong araw nandito lang siya sa hospital nagbabantay kay Bonbon.

"Anak nandito kana pala. Kumusta ang lakad mo?" Tanong nito. Dapat ko bang sabihin?

"Okay naman po Tiya, wala naman pong problema. Tinanggap ko na po ang trabaho." Sabi ko na lang, baka bukas ko na sasabihin sa kanya at dapat Alalam din ni Bonbon, para di siya mag-alala sa akin. Malapit na din birthday niya.

"Ikaw kumain kana din!" Pag-yaya sa akin ni Tiya.

"Sige po." Matapos naming kumain ay umuwi muna ako sa dating bahay para kumuha ng mga gamit ni Bonbon,kasi magtatagal pa raw siya sa hospital. Sabi nung doctor.

Nasa labas na ako ng bahay ng may mapansin akong tao na umaaligid sa labas kaya kinakabahan ako bigla. Dali-dali kong ni lock and gate at umalis, kailangan ko pang mag lakad sa may kabilang kanto para makahanap ng taxi o sasakyan. Binilisan ko paglalakad pero parang nakasunod talaga ito sa akin. 

"Miss Lucas?" Napahinto ako ng may tumawag sa last name ko. Dahan dahan akong lumingon at biglang tumakbo papalayo sa tao.

"Wag niyo ako susundan," sigaw ko habang tumakbo. Feeling ko ang layo ko na kaya huminto ako. "Nasaan na ako? Hindi ito ang daan papuntang kanto." Hinihingal kong salita at naiiyak na sa sobrang takot.

I had no choice but to walk and find another way to get out of this small street. I have never been here so I am not familiar. Medyo malaki ang bahay na nakatayo dito sa street nato. Hindi rin naman maliit ang daanan at may mga sasakyan na nakaparada sa bawat garahe.

* Incoming phone calls *

Dali-dali kung sinagot ang tawag ni Mrs.Horman. Mabuti at tumawag siya ngayon. Nanginginig na ang aking kamay dahil sa takot.

"Mrs.Horman? " sagot ko sa kabilang linya habang nagtatago sa isang sulok.

"Yes,Iha." Tugon naman niya.

"Its already 3 AM na po, you're supposed to be in bed by now. " Wala sa sariling salita ko kay Mrs Horman. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko nang ma-realized ang sinabi ko.

Nanginginig rin pati ang pananalita. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at namamawis na ako sa sobrang takot. Sino kaya ang lalaki sumunod sa akin kanina?

“Sorry po, Mrs. Horman.”

"Para akong senesermonan ng nanay ko." aniya at tumawa. “I can't sleep. My driver told me that you ran away, why?" Tanong nito na parang naiinis.

"Po?" Gulat na Sabi ko

"Eduardo was there to fetch you but you suddenly run away, why?" Eduardo is ‘yong driver ni ma'am na gwapo?

"Hala. Akala ko po kasi ay masamang tao. Hindi kasi agad nagpakita sa akin. At nakatago pa sa madilim.” agad na paliwanag ko.

Tumawa naman si Mrs.Horman ng malakas. Nawala bigla ang takot at kabog sa aking dibdib. Nakahinga rin ako ng maluwag.

"I see. Kasalanan pala ng batang ‘yon. Nasaan kana ba?" Tanong niya.

“Hindi ko po alam eh..." Sabi ko na lang kasi naliligaw na ata ako.

"Wait for Eduardo there. He is also with someone.” she said.

She turned off the call. Di na ako umalis sa kinatatayuan ko para mahanap ako agad.

I been waiting for one hour, but no one came to fetch me. Kanina pa ako natatakot dito. Baka uulan na, dahil sa kulog. Maya-maya pa ay umuulan na nga.

Tumayo ako nang marinig ang busina ng kotse. Baka si Eduardo na ito. Lumabas ako sa pinagtaguan ko at sinalubong ang sasakyan.

"Miss Lucas, sorry masyado kasing maliit yung daan eh. Di agad kami nakalusot.” Paliwanag ni Eduardo habang tumatakbo patungo sa akin. May dala siyang payong. Ang cute niya.

"Okay lang po. Kasalanan ko po kasi." salita ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status