Share

CHAPTER TWO - LIPAT BAHAY

Pagdating ko sa bahay, wala sina Tita at Alysa, naiwan na lang si Bon-bon ang bunso kong kapatid. He is just five years old. Nasaan ba si Kalsey? Naglakwatsa na naman ba?

Alysa and Kalsey are my step-sisters.

"Bon, where are they?" tanong ko kay bunso.

"Tita went to the grocery store together with Alysa, and ate Kalsey is with your ex-boyfriend. And I am left here alone again,” he said, sounding so sad and lonely.

"I’m sorry, Bon, if I don’t have time to take care of you. Tita has a lot of demands, and if I don’t follow what she says, she will kick us out of the house," I said sadly as I carried him.

Bon has an illness, and I am deeply saddened for him. He is too young to suffer from an illness, so I really need to work hard. I will take any job as long as it is honest and legal.

But I suddenly remembered how my Tita sold me to an old man at a bar. I was only 18 at that time, and thankfully I escaped and planned to work abroad.

........

MAKALIPAS ang ilang araw, wala pa rin akong natanggap na tawag mula kay Mrs. Horman. Nag-expect pa naman ako na tatawag siya kasi hinire niya na akong personal assistant niya. Sana hindi na lang ako umalis noong araw na iyon. May trabaho na sana ako ngayon. Hindi ko talaga maiwasan na magalit at maiyak sa sobrang inis.

"Kasalanan mo ito, Tita. It's your fault kung bakit hindi ako tinawagan ng bago kong amo sana. She hired me as her personal assistant but look now, because of you hindi na ako tinawagan. Kung hindi ka lang sana tumawag kahapon, edi sana may trabaho na ako," paninisi ko kay Tita.

"What? Are you blaming me dahil sa katangahan mo? Look, Dominice. Ipaalala ko lang sa iyo na ako na ang may karapatan sa bahay na ito, at kaya kitang palayasin kung kailan ko gusto," galit niyang sigaw sa akin habang nakapikit ang mga ngipin.

"Oo. Sa iyo ang bahay na ito dahil inagaw mo ito sa akin. FYI, akin pa rin ang bahay na ito dahil hindi naman kayo kasal ni Papa. So, shut up. Dahil wala kang karapatan sa bahay na ito," galit na sigaw ko.

"Aba, aba, sinigawan mo na ako? Hindi nga kami kasal pero sa akin na ang lahat ng nandito. Kaya wag kang tanga," galit niyang sigaw habang dinuro-duro ako.

Lumapit siya sa akin at bigla akong sinampal at sinabunutan.

"Tita, ano ba? Binitawan mo nga ako," galit kong sigaw habang hawak ang kamay niya. "Pwede kitang i-report sa police dahil sa pananakit mo sa akin at sa kapatid ko." Sigaw ko. Tumigil siya at itinulak ako ng malakas.

"Sige, magsumbong ka at ikakalat ko rin sa lahat kung anong klaseng tao ka," pagbabanta niya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Kasalanan mo rin iyon, Tita. Hindi ako maduming tao. Biktima lang din ako dahil sa iyo. Kaya ikaw ang pananagutin ko sa lahat ng nangyari sa akin," galit kong sigaw sa kanya.

Kitang-kita ko naman sa mukha niya ang gulat. Never akong nag-back talk sa kanya, pero hindi ko na papayagan na saktan niya ako ulit.

"Hmm.. Pagkatapos ng death anniversary ng Papa mo, aalis ka na sa bahay na ito. Walang silbi," galit na sigaw niya at umakyat sa taas.

Pumasok ako sa kwarto ni Bonbon at nadatnan ko siyang umiiyak na naman dahil sa sakit ng ulo niya.

"Bon, uminom ka na ba ng gamot mo?” Umiiyak na tanong ko sa kanya at kinuha ang gamot niya. Labis ang sakit na nararamdaman ko tuwing masakit na naman ang ulo niya.

"Ate, umalis na tayo dito. Sinasaktan ako ni Tita at hindi pinapakain kapag wala ka dito sa bahay," umiiyak niyang sumbong. Nakoyom ko ang aking kamay dahil sa narinig.

"Kaya ba nagkapasa ka nung isang araw? Dahil ba iyon kay Tita?" tanong ko sa kanya, dahil sabi niya lang sa akin na nadapa siya at natamaan ang braso niya sa bato.

"Opo, pati na din po si Ate Kalsey. Sinipa niya ang paa ko kahapon," humihikbi niyang salita.

Napatayo ako na parang gusto kong sugurin sila, pero gagawin ko lang iyon kapag naialis ko na si Bonbon dito sa bahay.

"Aalis tayo at pupunta muna tayo kina Tiya Marta." Mabilis kong inampake ang gamit niya at iniwan ko na lang ang mga gamit ko.

Lumabas kami ng bahay at sumakay ng taxi. Timing naman, may taxi na dumaan.

"Hindi ko sila mapapatawad.”

Hinatid ko na si Bonbon sa bahay ni Tiya, at siya na muna ang bahala sa kanya doon. Kampante naman ako na aalagaan ni Tiya si Bonbon habang ako’y maghahanap muna ng trabaho online.

Habang naglalakad at nagse-search ng work sa internet, may biglang tumawag sa akin. Nagulat ako kasi unknown ang tumawag.

"Hello!" sagot ko.

"Hi dear. Sorry for not reaching you for a few days, I was just busy. Well, if you still need work, are you free tonight?" Speechless. Surprised.

"Mrs. Horman??" gulat na sambit ko. I heard a loud laugh.

"Yeah, yeah. It's me. Just come to my house. My driver will fetch you any time soon, just wait for him," she said and hung up the call.

“Does she know where I am?”

Fifteen minutes passed by and may biglang bumusina kaya napatingin ako. Isang magarang sasakyan ang huminto sa aking harapan. May mangilan-ngilan tao sa paligid ko kaya nakatingin din sila sa akin.

"Miss Lucas, I am Eduardo. Mrs. Horman’s driver," he said at nakipag-shake hands.

Natameme ako kay Kuya driver. Matangkad, makisig, at parang artista ang dating.

"Paano niyo ako nahanap?" tanong ko dahil curious lang.

"Well, we have high-tech technology nowadays that can capture people everywhere," he said.

"I was amazed.”

"Thank you po," sabi ko na lang.

"Shall we?" he said and extended his hand to me.

"Po?"

"Mrs. Horman is waiting for you in the mansion! We need to go; she's impatiently waiting." He said and guided me into the car. I didn’t have a chance to speak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status