Share

Chapter 13: Escaped

“Anak, pagpasensyahan mo ako, nagpadalos-dalos ng desisyon ang daddy. Dahil sa kagustuhan kong maikasal ka sa pamilya Laurel, tulad nang naipangako ko sa dating kaibigan, ay muntik ka nang mapahamak. Hindi ko na kasi kinilatis ang kanilang tunay na pagkatao,” turan ng ama ni Kariel habang nakaupo sila sa sala.

“Wala ho iyon, dad. Sa totoo nga po, dapat magpasalamat na lang tayo dahil hindi natuloy ang kasal at hindi naisakatuparan ang plano nila. May awa pa po talaga ang panginoon, dad. Hindi niya hinayaang magtagumpay ang masama nilang balak.” Agad na niyakap ni Kariel ang ama dahil bakas sa mukha nito ang guilt dahil kamuntikan s’yang ang malagay sa panganib pati na rin ang pamilya nila.

“Hindi na nila tayo magagambala pa anak. Nasampahan ko na ng kaso ang mag-amang ‘yon. Nakapiyansa man ang ama ni Jason, pero natitiyak kong mabubulok naman siya sa kulungan sa patong-patong na kasong isinampa sa kanya ng batas laban sa mga illegal n'yang aktibidad,” kuwento pa ng ama ni Kariel.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
paano nakatakas?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status