Share

Chapter 5:

HINDI makapaniwala si Kariel na ikakasal na siya sa lalaking ngayon lang niya nakita at nakilala. Buong akala niya ang babaeng pansamantalang nakikituloy sa kanila ay ang babaeng ikakasal para kay Darrius. Ngunit, nagkamali siya. Pilit na ngiti ang iginawad niya sa lalaking kaharap.

“Hi, I'm Jason Laurel. Nice to meet you,” bati sa kanya ni Jason. She faked a smile. “Nice to meet you too,” usal niya.

“Oh by the way. Ano gusto mong orderin?” tanong nito habang tinitingnan ang menu. Nasa loob sila ng isang sikat na korean restaurant sa Manila. Pinilit lamang siya ng ama na kitain ito. Although, nasa kabilang lamesa lang ang ama, kasama ang ama ni Jason.

“Hey, are you okay? Pansin ko parang wala ka sa sarili,” nakangiting anito. 

“Wala, may iniisip lang ako. Order ka lang ‘di naman ako mapili,” saad niya nang mabalik sa ulirat. “Okay,” tipid na tugon ng kaharap. Maya-maya ay tinawag na nito ang waiter para ipahanda ang in-order nito. Kaunti lamang ang tao sa nasabing restaurant kaya tahimik at hindi gaano maingay ang paligid. 

Maya-maya pa, ay dala na ng crew ang order nila. “Here's your order mam/sir enjoy your meal,” anang crew na nag-serve ng pagkain nila.

“Thank you,” nakangiting aniya. Ngumiti naman ang crew bago umalis.

“Eat,” nakangiting lahad ng lalaking kaharap.

“Okay,” tipid na ani Kariel saka kumuha ng pagkain at inilagay sa kanyang plato.

Tahimik silang kumain ng lalaki.  Hindi pa man niya nauubos ang pagkain,  ay kumuha na siya ng tissue at pinunas sa kanyang bibig. 

“Tapos ka na?” takang tanong  nito. tumango  lamang siya bilang tugon.

Napasulyap naman siya sa gawi ng ama at sa ama ng lalaki. Ngumiti naman ang mga ito. At ganun din siya saka muling tumingin sa lalaki.

“Ahm, may I ask something?” tanong sa kanya ng lalaki. Tapos  na rin pala itong kumain nang hindi niya namalayan.

“Ano ‘yon?” tugon niya. 

“Virgin ka pa ba?” walang kapreno-prenong anito. Nanlaki ang kanyang mga mata na tila ‘di inaasahan ang tanong na ‘yon. 

“Aba’y gag* ‘ata ‘to!” pagwala ng kanyang isipan.

“And why?” taas-kilay n’yang ani rito. Tila naalarma ang lalaki sa sinabi  kaya ngumiti na lamang ito.

“Look, I'm sorry. Na-curious  lang kasi ako,” wika nito  na mas lalong  kinainis niya.

“At ano ang tingin sa mo isang Kariel Montgomery? Akala mo ba, isang higad at kaladkaring babae?” kunot-noo'ng saad niya rito. Hindi niya gusto ang tono nang pananalita nito. Naaasiwaan siya sa mga sinabi ng lalaki.

“No, hindi naman sa ganun. Pagpasensyahan  mo na lang ako. And I'm  sorry, kung hindi ka naging komportable sa tanong ko. Kalimutan  mo na lamang  ‘yon at hindi na mauulit,” turan nito.

“Tsk,”

“I’m sorry, pasyal na lang tayo. May alam akong  lugar na tiyak akong magugustuhan mo,” pag-anyaya  nito.

“Saan?”

“Basta. Nakapagpaalam na rin naman ako  kay tito Manolo  at pumayag na siya,” 

Napatingin uli siya sa gawi ng ama at nakita niyang sumenyas ito. She had no choice, kundi sumama sa lalaki. Lumabas sila sa nasabing restaurant at sumakay sa sasakyan nito.

SA KABILANG DAKU, panay ang pagsalin ng alak ni Darrius sa basong hawak habang nakaupo sa swivel chair at nakatingin sa kawalan. Nasa loob siya ng kanyang opisina samantalang ang isip ay nasa kay Kariel.

“Fvck,” usal niya saka tinungga ang laman ng baso. Hindi niya akalaing si Kariel pala ang ikakasal.

He heaved a sigh. Tsaka  tumayo at nagtungo sa gawi ng malapad na glass window,  ng kanyang opisina. Nakapamulsa ang isang kamay niya habang hawak pa rin ng isang kamay ang basong may lamang alak.Tanaw ang malalaki at nagtatayugang mga gusali  ay nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Darrius.

“Boss! Good  news,” tawag nang kanyang atensyon ni Mark. Hindi niya namalayang nakapasok na pala ito sa opisina niya.

“What is it?” aniya nang ligunin ito.

“Siguraduhin mong magandang balita ‘yan,” paninigurado niya sa assistant.

“Ah, eh, boss. Actually, good news at bad news, ang nakalap kong balita. Sabi ng kontak ko— 

“Ano ba talaga? Nalilito ako sa mga pinagsasabi mo!” 

“Tingnan niyo na lang po,” nakangising anito sabay abot ng isang brown envelop.

Agad niyang hinablot ito at bumalik sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair. Binuksan at inisa-isa  niya ang laman ng brown envelope. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang laman nito.

“Fvck!” tiimbagang usal niya. 

“Pag-igihan niyo pa ang pagmanman sa kanya,” dikta  sa assistant saka binalik ang mga dukomento at litrato sa envelope saka nilagay sa mini vault na nasa ilalim ng kanyang lamesa.

“Okay po.  Sinabihan ko na po silang ‘wag alisin ang tingin sa mga ‘yon,” tugon nito.

 He nodded. “Good.”

“Oo nga pala, boss. Tumawag si sir Manolo na umuwi daw po kayo ng maaga. May gusto daw s’yang sabihin sayo,” turan ng assistant. 

“Bakit hindi siya tumawag sa ‘kin?” nagtatakang saad niya.

“Hindi niya daw po kayo makontak. Kaya sa ‘kin na lang siya tumawag,” paliwanag ng assistant. Tumango-tango na lamang siya ng maalalang hindi siya nakapag-charge kagabi kaya madaling na-lowbat ang kanyang cellphone.

“Labas na muna ako boss,” paalam nito.

Hindi na siya muling nagsalita at itinuon na lamang ang atensyon sa mga nakatambak na dukomento sa kanyang lamesa. Inisa-isa niyang binuklat at pinermahan ang mga dukomentong dapat n’yang pirmahan. Narinig na lang niyang nagsara ang pinto ng kanyang opisina.

 Lumipas ang mga oras at hindi na namalayan ni Darrius dahil sa dami nang mga pinirmahang papeless.

“Boss, ala-singko na. Aalis na ba tayo?” bungad ng assistant nang pumasok ito sa kanyang opisina.

“Hmp. Sige,” pagtugon niya. Agad s’yang tumayo  at kinuha corporate suit na nakasabit sa valet stand coat rack na nasa gilid lang ng kanyang mesa.

“Let’s go,” 

“Okay po,” wika nito  at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkalabas  ng opisina  ay iilan na lang ang mga empleyadong naroon. Halos  nakauwi na ang iba. Ang iba naman ay naghahanda pa lang na umalis. Hindi naman siya masyadong  strikto sa kanilang  mga empleyado kaya nakuha niya  ang respito at atensyon ng mga ito, kahit na ampon lang siya ng mga Montgomery.

“Hi sir, uwi na po  kayo?” ani ng isang empleyadong nakasalubong nila sa hallway.  Tumango  at nginitian niya ito.At  nagpatuloy  sa paglalakad hanggang  makarating  sila sa parking lot.

 

PAGKARATING ng mansyon ay agad n’yang inilinga ang ulo  na tila may hinahanap. 

“Wala pa   si señorita Kariel, señorito,” wika ng mayorduma na tila nahulaan ang nasa isipan niya.

“Ganun ba,” tugon niya. Agad s’yang tumuloy sa kanyang silid at nagbihis bago tumungo  sa library ng ama.

“Good evening po, dad. Bati niya sa ama pagkapasok sa library nito. Tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng silid. 

“Maupo ka,” saad nito. Agad niya itong sinunod. Umayos  siya ng upo sa  upuang nasa harap ng lamesang inuupuan ng ama-amahan.

‘Ano po ang paguusapan natin, dad?” tanong niya rito.

 Manolo clearred his throat. “Its all about  the company,  alam mo  namang ayaw  ng mga kapatid mong lalaki na mamahala sa kompanya. Kaya, naisipan kong i-train mo muna  si Kariel na pamahalaan ang kompanya,” turan nito na ikinagulat niya.

“Ho! Alam na po ba ito ni Kariel?” usisa niya.   “Hindi pa, balak kung ipaalam ito bukas nang umaga. Umaasa akong matuturuan mo nang maayos  ang kapatid mo, Darrius,” sambit nito.

“Okay po, makaaasa kayong tuturuan ko siya ng mga bagay-bagay at kung paano patakabuhin ang kompanya,” paniniguro ni Darrius sa ama. 

“Sige, makaaalis ka na.” 

Agad naman s’yang tumayo. Pagkatapos  magpaalam ay agad na s’yang lumabas ng silid

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ang bastis Nung kadate ni Kariel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status