Labing isang taong gulang si Andrea nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa paghihiwalay ng mga ito, naghiwalay din ang landas nila ng kanyang kakambal na si Althea. Napunta siya sa kanyang ina kung saan nakaranas sila ng labis na paghihirap na kanilang pinagdaanan. Pero mukhang habulin si Andrea ng malas, natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuhan na kompanya kung saan nagde-design siya ng mga damit. At sa pagkakataong iyon, doon naman nagbukas ang oportunidad sa kanya nang makilala niya ang lalaking si Matthew nang minsang magpunta siya sa bar at yakapin siya nito. Dahil may sarili itong designing company, nagtrabaho siya rito. Hanggang sa nakilala niya ito at tuluyang nahulog ang loob nila sa isa't isa. Inalok siya ng kasal ni Matthew at pumayag siya dahil mahal na nga niya ito. Nagsimula ang masayang relasyon nila na akala niya'y magtatagal. Hanggang sa isang araw, bumalik ang kakambal niyang si Althea. Ano'ng dalang pasabog ni Althea sa kaniya? Babalik pa ba sa dati ang kanilang relasyon bilang kambal o ito ang sisira sa masaya niyang buhay kasama si Matthew?
view moreNang gabing din na iyon ay naki-hotspot si Andrea sa kanyang kapitbahay para masearch kung totoo nga ba ang sinabi ng lalaki na iyon na nakilala niya sa Bar.Itinipa ni Andrea ang pangalang Matthew, maraming lumabas na pangalan, pero iisa lang ang tanging nakaagaw ng atensyon niya. Isang lalaking nakasuot na itim na tuxedo. Hindi siya makapaniwala na bigatin pala talaga ito.“Matthew Johnson…” bulalas ni Andrea bago bumalik sa bahay nila.Kinabukasan ay maagang umalis si Andrea para hanapin ang kompanya nito. Naniniwala siya na early bird is equal to early worm.Subalit tila hindi pa rin siya nilulubayan ng kamalasan.“According to our data, may issue ka sa pangongopya ng designs. Sadly, mataas po kas
“Isa pa, Jeff please, pagbigyan mo na ako,” nagmamakaawang sambit ni Andrea sa kaibigan. Gusto niyang magpakalasing ng gabing iyon dahil pakiramdam niya'y iyon ang kailangan niya.Hiyang hiya naman si Jeff sa pinaggagawa ng kaibigan nito. Nung tumawag kasi si Andrea ay papunta na ito sa trabaho nito. Akala nito ay kung ano lang na tambay ang sinasabi ni Andrea, hindi naman nito alam na maglalasing pala siya.“Andrea, tama na sasampalin na kita tamo,” pagbabanta ni Jeff sa kaibigan.Iniharang naman ni Andrea ang mga palad niya sa kanyang pisngi. “Pati ba naman ikaw?” saad niya gamit ang pambata na boses.“Tigilan mo ako sis, umupo ka muna doon at magla-login muna ako,” saad nito bago pinaupo si Andrea sa isang sulok.
“Good morning, Ma,” pagbati ni Andrea sa kanyang ina na si Alicia bago humalik sa pisngi.“Oh! Kumakain ka na muna, may adobong sitaw dyan sa lamesa na bigay ni Aling Pasing,” saad ng kanyang ina bago inayos ang mga labahin niya.Umubo ito at agad naman nilapitan ni Andrea. “Ma, sabi ko naman kasi sa’yo wag na kayong tumanggap ng labada, ako na lang ang bahala,” sambit niya habang hinahaplos ang likod nito.“Nak, hayaan mo na ako, gusto ko rin naman tumulong,” wika nito. Humarap ito sa kaniya. “Ikaw asikasuhin mo rin ang sarili mo pag minsan, ha? Baka mamaya tumanda kang dalaga,” pagbibiro nito kay Andrea.“Ma, saka na 'yon, ang mahalaga,
"Bautista, Andrea, Cum laude..." narinig niya ang pagbanggit ng kanyang pangalan ng emcee nila.Ngayong araw magtatapos ng kolehiyo si Andrea sa kursong Fashion Design. Sa kabila ng hirap at pagod ay nagawa niyang makatapos ng pag aaral. Ngunit hindi niya lubos maisip na mag isa na lang siya ngayon na magmamartsa sa entablado.Umakyat siya sa entablado, nakangiti ngunit makikita sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. Dapat masaya siya lalo na sa mga pagkakataon na ganito, ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya kasama ang kanyang kapatid.Habang paakyat ay hindi niya maiwasang isipin kung ano nang lagay ng kanyang kakambal na si Althea, kung ano ano ng estado nito sa buhay. Kagaya niya rin kaya ito na umaakyat ng entablado para kumuha ng diploma?&
"Bautista, Andrea, Cum laude..." narinig niya ang pagbanggit ng kanyang pangalan ng emcee nila.Ngayong araw magtatapos ng kolehiyo si Andrea sa kursong Fashion Design. Sa kabila ng hirap at pagod ay nagawa niyang makatapos ng pag aaral. Ngunit hindi niya lubos maisip na mag isa na lang siya ngayon na magmamartsa sa entablado.Umakyat siya sa entablado, nakangiti ngunit makikita sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. Dapat masaya siya lalo na sa mga pagkakataon na ganito, ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya kasama ang kanyang kapatid.Habang paakyat ay hindi niya maiwasang isipin kung ano nang lagay ng kanyang kakambal na si Althea, kung ano ano ng estado nito sa buhay. Kagaya niya rin kaya ito na umaakyat ng entablado para kumuha ng diploma?&...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments