“Good morning, Ma,” pagbati ni Andrea sa kanyang ina na si Alicia bago humalik sa pisngi. “Oh! Kumakain ka na muna, may adobong sitaw dyan sa lamesa na bigay ni Aling Pasing,” saad ng kanyang ina bago inayos ang mga labahin niya. Umubo ito at agad naman nilapitan ni Andrea. “Ma, sabi ko naman kasi sa’yo wag na kayong tumanggap ng labada, ako na lang ang bahala,” sambit niya habang hinahaplos ang likod nito. “Nak, hayaan mo na ako, gusto ko rin naman tumulong,” wika nito. Humarap ito sa kaniya. “Ikaw asikasuhin mo rin ang sarili mo pag minsan, ha? Baka mamaya tumanda kang dalaga,” pagbibiro nito kay Andrea. “Ma, saka na 'yon, ang mahalaga,
Last Updated : 2022-02-04 Read more