"Bautista, Andrea, Cum laude..." narinig niya ang pagbanggit ng kanyang pangalan ng emcee nila.
Ngayong araw magtatapos ng kolehiyo si Andrea sa kursong Fashion Design. Sa kabila ng hirap at pagod ay nagawa niyang makatapos ng pag aaral. Ngunit hindi niya lubos maisip na mag isa na lang siya ngayon na magmamartsa sa entablado.
Umakyat siya sa entablado, nakangiti ngunit makikita sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. Dapat masaya siya lalo na sa mga pagkakataon na ganito, ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya kasama ang kanyang kapatid.
Habang paakyat ay hindi niya maiwasang isipin kung ano nang lagay ng kanyang kakambal na si Althea, kung ano ano ng estado nito sa buhay. Kagaya niya rin kaya ito na umaakyat ng entablado para kumuha ng diploma?
"Andeng! Ikaw naman ang taya habulin mo ako," natatawang sambit ni Althea bago tumakbo.
"Laah, ako na naman? Humanda ka sa akin," saad naman ni Andrea bago tumakbo palapit kay Althea.
Simpleng pamumuhay lang meron silang dalawa. Marahil gawa ng wala masyadong kapitbahay ay mas nagkaroon ng oras ang dalawa sa isa't isa. Bata pa lang ay hindi na rin mapaghiwalay ang mga ito dahil nga kambal sila.
"Taya!" Hingal na tapik ni Andrea sa balikat ni Althea.
Napansin naman niya ang pagtahimik nito. "Anong nangyari, Thea?" tanong niya rito.
Narinig niya ang pagtikhim ni Althea. "Tingnan mo palubog na ang araw ang ganda," sambit nito na tila kumikinang ang mata dahil sa nakikita.
Nilingon niya rin ang bahaging iyon. Hindi niya maiwasang mapanganga sa gandang taglay niyon. Makalipas ang ilang minuto ay naupo ang dalawa sa tabi ng puno at patuloy pa rin sa pagtitig.
"Andeng," pagtawag ni Althea kay Andrea.
"Hmm?"
"Paglaki ko gusto ko maging sikat na fashion designer," pagmamalaki niya.
Sandaling namalagi ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.
"Oo naman magiging sikat tayong dalawa," nakangiting sagot ni Althea sa kaniya.
Nakita ni Andrea kung paano lumiwanag ang mukha ni Althea. Batid niya na iyon na talaga ang gusto nito niyang magiing kurso. Dahil sa halos iisa ang kanilang iniisip at nararamdaman ay nagustuhan na rin iyon ni Andrea.
"Basta ipangako mo na walang iwanan, ha?" wika ni Althea bago tinaas ang pinky finger simbolo ng pangako.
Walang alinlangan naman sinalo ito ni Andrea. " Oo, pangako."
Pero nangyari na ang kinakatakutan nilang dalawa. Kinagabihan ay ginising si Andrea ng kanyang ina.
“Ma, saan po tayo pupunta?” tanong ni Andrea habang kinukusot ang mata.
Huminga muna nang malalim ang kanyang ina. “Basta anak, sumama ka sa akin,” sambit nito bago siya inakay patayo.
“Saglit po gigisingin ko lang si Althea,” sambit niya bago hinanap ang kapatid ngunit napansin niya na wala na ito sa kanyang tabi.
Wala siyang kaalam alam na itinago na ito ng kanyang ama.
Bago pa man makapag-react si Andrea ay binuhat na siya ng kanyang ina palayo sa bahay na iyon.
“Ma, si Althea po,” Pagmamakaawa niya sa kanyang ina. Pero tila wala itong naririnig at pilit siyang pinasakay sa isang tricycle.
Ngunit wala siyang nagawa nang umandar na iyon. Hindi pa man nakakalayo ay nakita niyang tumatakbo si Althea.
“Andeng! Huwag mo akong iwan!” sigaw nito habang umiiyak.
Lumingon si Andrea dito at hindi na rin napigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Gustuhin man niyang bumaba at salubungin ang kapatid niya ay hindi niya magawa.
"Ayoko mahiwalay sa'yo! Andeng!"
Nakita niya na lang lumiliit na ang pigura nito. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo doon.
Nabalik sa reyalidad si Andrea nang kamayan siya ng Dean of Colleges nila.
"Congratulations, iha," pagbati nito sa kanya na may malawak na ngiti.
Ngumiti naman si Andrea bilang tugon. Ngayon naka-graduate na siya ay unti-unting matutupad ang pangarap nilang dalawa.
Umupo muna siya at hinintay matapos ang seremonya. “Patawad, Althea," sambit niya bago itinuon ang atensyon sa harapan.
“Good morning, Ma,” pagbati ni Andrea sa kanyang ina na si Alicia bago humalik sa pisngi.“Oh! Kumakain ka na muna, may adobong sitaw dyan sa lamesa na bigay ni Aling Pasing,” saad ng kanyang ina bago inayos ang mga labahin niya.Umubo ito at agad naman nilapitan ni Andrea. “Ma, sabi ko naman kasi sa’yo wag na kayong tumanggap ng labada, ako na lang ang bahala,” sambit niya habang hinahaplos ang likod nito.“Nak, hayaan mo na ako, gusto ko rin naman tumulong,” wika nito. Humarap ito sa kaniya. “Ikaw asikasuhin mo rin ang sarili mo pag minsan, ha? Baka mamaya tumanda kang dalaga,” pagbibiro nito kay Andrea.“Ma, saka na 'yon, ang mahalaga,
“Isa pa, Jeff please, pagbigyan mo na ako,” nagmamakaawang sambit ni Andrea sa kaibigan. Gusto niyang magpakalasing ng gabing iyon dahil pakiramdam niya'y iyon ang kailangan niya.Hiyang hiya naman si Jeff sa pinaggagawa ng kaibigan nito. Nung tumawag kasi si Andrea ay papunta na ito sa trabaho nito. Akala nito ay kung ano lang na tambay ang sinasabi ni Andrea, hindi naman nito alam na maglalasing pala siya.“Andrea, tama na sasampalin na kita tamo,” pagbabanta ni Jeff sa kaibigan.Iniharang naman ni Andrea ang mga palad niya sa kanyang pisngi. “Pati ba naman ikaw?” saad niya gamit ang pambata na boses.“Tigilan mo ako sis, umupo ka muna doon at magla-login muna ako,” saad nito bago pinaupo si Andrea sa isang sulok.
Nang gabing din na iyon ay naki-hotspot si Andrea sa kanyang kapitbahay para masearch kung totoo nga ba ang sinabi ng lalaki na iyon na nakilala niya sa Bar.Itinipa ni Andrea ang pangalang Matthew, maraming lumabas na pangalan, pero iisa lang ang tanging nakaagaw ng atensyon niya. Isang lalaking nakasuot na itim na tuxedo. Hindi siya makapaniwala na bigatin pala talaga ito.“Matthew Johnson…” bulalas ni Andrea bago bumalik sa bahay nila.Kinabukasan ay maagang umalis si Andrea para hanapin ang kompanya nito. Naniniwala siya na early bird is equal to early worm.Subalit tila hindi pa rin siya nilulubayan ng kamalasan.“According to our data, may issue ka sa pangongopya ng designs. Sadly, mataas po kas

"Bautista, Andrea, Cum laude..." narinig niya ang pagbanggit ng kanyang pangalan ng emcee nila.Ngayong araw magtatapos ng kolehiyo si Andrea sa kursong Fashion Design. Sa kabila ng hirap at pagod ay nagawa niyang makatapos ng pag aaral. Ngunit hindi niya lubos maisip na mag isa na lang siya ngayon na magmamartsa sa entablado.Umakyat siya sa entablado, nakangiti ngunit makikita sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. Dapat masaya siya lalo na sa mga pagkakataon na ganito, ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya kasama ang kanyang kapatid.Habang paakyat ay hindi niya maiwasang isipin kung ano nang lagay ng kanyang kakambal na si Althea, kung ano ano ng estado nito sa buhay. Kagaya niya rin kaya ito na umaakyat ng entablado para kumuha ng diploma?&