Share

Chapter 3

Author: MarkusJuan
last update Last Updated: 2022-02-04 19:35:03

Nang gabing din na iyon ay naki-hotspot si Andrea sa kanyang kapitbahay para masearch kung totoo nga ba ang sinabi ng lalaki na iyon na nakilala niya sa Bar.

Itinipa ni Andrea ang pangalang Matthew, maraming lumabas na pangalan, pero iisa lang ang tanging nakaagaw ng atensyon niya. Isang lalaking nakasuot na itim na tuxedo. Hindi siya makapaniwala na bigatin pala talaga ito.

“Matthew Johnson…” bulalas ni Andrea bago bumalik sa bahay nila.

Kinabukasan ay maagang umalis si Andrea para hanapin ang kompanya nito. Naniniwala siya na early bird is equal to early worm.

Subalit tila hindi pa rin siya nilulubayan ng kamalasan.

“According to our data, may issue ka sa pangongopya ng designs. Sadly, mataas po kasi ang standard ng Venus Co., ” pagpapaliwanag ng HR na iyon sa kanya nang subukan niyang mag-apply.

Napatulala naman si Andrea dahil sa narinig. Hindi niya akalain na lalabas yun sa record niya. Paano na siya nito ngayon? Kung halos lahat ng company ay aayawan siya dahil sa credentials niya.

“Ma’am, would you give me a chance to prove myself?” tanong ni Andrea sa kausap. Nagbabakasakali na makalusot o mapagbigyan siya nito. "Kita niyo naman po siguro ang mga designs ko and that's would tell you that I have an ability to fit in with your company," pilit niya.

“I’ve love to, Ma’am, but 'yon po kasi ang rules ng company. We can't accept an employee with a copying issue sinusunod lang namin iyon. And besides Venus Co., is a well known company at pinapangalagaan namin ang reputasyon ng kompanya,” sagot naman nito at tumayo.

Lumaylay ang balikat ni Andrea dahil sa mga narinig. “Sige po, salamat po,” saad niya rito at nakipag kamay. Wala na siyang nagawa pa kahit ipilit niyang hindi naman siya nangopya ng designs.

Lumabas na si Andrea ng room at nilibot ang tingin sa loob ng Venus Co. Hindi na nagtataka si Andrea kung bakit mataas ang standard ng kompanya na ‘to. Halata naman sa bawat structure nito kung gaano kaganda at ka-elegante iyon. Mga mukhang mabait din ang mga tao rito at halatang mga professional, kumpara sa dati niyang company na akala mo kung sino.

Nang makalabas siya ng kompanya ay huminga muna siya nang malalim. Akala niya ay may sagot na sa problema nila ng kanyang ina, pero bokya rin pala.

Nasa ganoon siyang posisyon nang tumunog ang cellphone niya. “Hello,” sagot niya rito.

“Girl pumunta ka rito dali,” bungad ni Jeff.

“Bakit anong meron? Mamaya pa ang shift ko ah?’ naguguluhan ni Andrea na tanong. Base kasi sa boses ni Jeff ay mukhang kabado o problemado ito.

“Pumunta ka na, kung ayaw mo pang mawalan ng trabaho,” huling sinabi ni Jeff bago pinatay ang tawag. 

Hindi lubos maisip ni Andrea kung ano bang nangyari at ganun na lang ang mga sinabi ni Jeff.

Nang makarating siya sa bar ay nakita niya roon si Jeff na nag-aabang sa kanya. “Girl, ano naman ba itong ginawa mo?” bungad sa kanya nito.

“Huh?” naguguluhan namang tanong ni Andrea rito.

Lumapit ito sa kanya at hinila papunta sa room ng boss nila. “Pumasok ka na para malaman mo,” turan nito sa kanya.

Kahit naguguluhan ay tuloy pa rin si Andrea. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. Pagpasok niya ay nakita niyang nakaupo roon ang boss niya at katabi nito ang isang balbas sarado na lalaki.

“Ikaw?” pag kumpirma ni Andrea sa lalaki na iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay ito yung lalaki kagabi.

“See? Ganito ba ang ugali ng mga empleyado niyo rito? I’m so disappointed,” Umiiling na wika nito.

Tumingin si Andrea sa boss niya. “Boss, pinatawag niyo raw po ako,” wika niya. Hindi niya rin pinansin ang matatalim na titig ng lalaki sa kaniya.

“Actually, Andrea, nagbabawas na kasi ako ng empleyado rito, hindi sana ikaw yon, pero may nagreklamo kasi sa’yo, ayaw ko naman madungisan ang bar na ito kaya wala akong choice para tanggalin ka,” malumanay na paliwanag nito.

Hindi mawari ni Andrea kung concern ba talaga ang boss niya sa kanya o gusto lang nito pagaanin ang loob niya, pero sa huli ay sisisantihin pa rin siya nito.

“Pero, boss–” hindi na natuloy ni Andrea ang sasabihin niya nang sumabat na naman ang lalaki.

“Aba, sumasagot ka pa ha?” sambit nito at tila nagagalit na dahil sa biglang pagtaas ng boses nito.

Nagulat naman si Andrea at napatungo. Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang paghikbi. Sobra na ang mga nangyayari sa kanya.

“Makakaalis ka na Andrea, ipapadala ko na lang kay Jeff ang sahod mo last week,” mahinahon na saad nito.

“Sige po, salamat,” pag tango ni Andrea. Bagsak ang balikat niyang lumabas ng silid na iyon. Sa paglabas niya ay hindi niya alintana ang lihim na pag ngisi ng lalaki na iyon.

Nang makalabas si Andrea ay sinalubong siya nang yakap ni Jeff. Nang maramdaman niya ang yakap nito ay hindi niya na pigilan ang humagulgol.

“Bakit ganoon? Gusto ko lang naman mamuhay nang tahimik?” sambit ni Andrea sa pagitan nang pag iyak niya.

Sa sobrang bigat ng nararamdaman niya ay halos kapausin na siya ng hininga.

“Ayos lang yan, makakahanap ka rin ng bagong trabaho,” pampalubag loob ni Jeff sa kaniya. Marahan naman nitong hinaplos ang likod niya para mabawasan ang habag na nararamdaman niya.

Makalipas ang ilang minuto ay pinaupo muna ni Jeff si Andrea. Kumuha itong tubig at inabot sa kanya.

“Oh uminom ka muna ng tubig, mag-iinom ka ba? Sige, sagot ko na,” sabi ni Jeff sa kanya.

Tumango naman si Andrea bilang tugon. Sa ganitong panahon ay alak na talaga ang kailangan niya. 

Nag-umpisa na ngang uminom si Andrea, habang lumalalim ang gabi ay parami na rin nang parami ang naiinom niya.

“Girl, hinay-hinay hindi ka naman mauubusan, e,”suway sa kanya ni Jeff.

Tiningnan lang ni Andrea ito at nagpatuloy na ulit sa pag inom. “Hayaan mo na muna ako,” sambit niya. "Gusto kong kahit saglit nakalimutan ang lahat ng nangyari. Masyado ng mabigat, Jeff."

Napailing na lamang si Jeff at hinayaan si Andrea sa gusto niya.

Habang nag papakalunod si Andrea sa alak ay may lalaki na tumapat sa kanya.

“Pwede ba kitang samahan at sabayan d'yan?” tanong kay Andrea ng lalaki. Susungitan niya sana ito nang makita niya kung sino ang lalaki na nasa harapan.

“M-Matthew?” nauutal na tanong ni Andrea. Hindi niya akalain na makikita niya ulit ang lalaki na ito.

“So, pwede?” natatawang turan ni Matthew.

“Oo,” wika ni Andrea.

Umupo si Matthew sa tapat niya at sumenyas sa waiter ng alak. “Kumusta? I’m glad you’ve still remembered me,” sambit nito.

“Ah! Oo, bigatin ka nga pala talaga,” tugon ni Andrea bago nilagok ang alak. “Nakakaasar lang na pati ang kompanya mo ay hindi ako tinanggap,” reklamo niya. “Kesyo may record daw ako na nangopya ng designs, aba grabe naman taas ng standard niyo,” inis na dagdag pa niya. "Isa, hindi naman talaga ako nangopya ng designs. I have my own designs, I can create my own masterpiece at hindi ko kailangan mangopya sa designs ng iba."

“Oh! Nag-apply ka pala, wala kasi ako kanina roon,” sagot nito sa kanya bago uminom ng alak.

“Ah! Basta napaka-judgemental talaga, paano kung hindi naman talaga totoo yung credentials ko?" sambit niya bago inilapag ang baso. Itinuon ni Andrea ang kanyang siko sa lamesa at dinuro si Matthew. “Bakit hindi niyo man lang ako bigyan ng chance na patunayan ang sarili ko?" sumbat niya rito.

Napangiti naman si Matthew sa mga asal ni Andrea. Tila pinapabilis nito ang tibok ng puso niya.

Ngumiti ulit ito bago inilapit ang mukha kay Andrea. “Don’t worry, you’ll get the job,” sambit nito. Nakasubsob na si Andrea sa lamesa dala ng kanyang nainom. Hindi malaman kung narinig ba niya ang sinabi nito.

“Judgemental…” bulalas pa ni Andrea bago bumalik sa pagtulog.

Lihim naman na napatawa si Matthew dahil dito habang pinagmamasdan si Andrea na halatang lasing na sa dami ng nainom niyang alak.

Related chapters

  • Two Flames In A Dress   PROLOGUE

    "Bautista, Andrea, Cum laude..." narinig niya ang pagbanggit ng kanyang pangalan ng emcee nila.Ngayong araw magtatapos ng kolehiyo si Andrea sa kursong Fashion Design. Sa kabila ng hirap at pagod ay nagawa niyang makatapos ng pag aaral. Ngunit hindi niya lubos maisip na mag isa na lang siya ngayon na magmamartsa sa entablado.Umakyat siya sa entablado, nakangiti ngunit makikita sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. Dapat masaya siya lalo na sa mga pagkakataon na ganito, ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya kasama ang kanyang kapatid.Habang paakyat ay hindi niya maiwasang isipin kung ano nang lagay ng kanyang kakambal na si Althea, kung ano ano ng estado nito sa buhay. Kagaya niya rin kaya ito na umaakyat ng entablado para kumuha ng diploma?&

    Last Updated : 2022-02-03
  • Two Flames In A Dress   Chapter 1

    “Good morning, Ma,” pagbati ni Andrea sa kanyang ina na si Alicia bago humalik sa pisngi.“Oh! Kumakain ka na muna, may adobong sitaw dyan sa lamesa na bigay ni Aling Pasing,” saad ng kanyang ina bago inayos ang mga labahin niya.Umubo ito at agad naman nilapitan ni Andrea. “Ma, sabi ko naman kasi sa’yo wag na kayong tumanggap ng labada, ako na lang ang bahala,” sambit niya habang hinahaplos ang likod nito.“Nak, hayaan mo na ako, gusto ko rin naman tumulong,” wika nito. Humarap ito sa kaniya. “Ikaw asikasuhin mo rin ang sarili mo pag minsan, ha? Baka mamaya tumanda kang dalaga,” pagbibiro nito kay Andrea.“Ma, saka na 'yon, ang mahalaga,

    Last Updated : 2022-02-04
  • Two Flames In A Dress   Chapter 2

    “Isa pa, Jeff please, pagbigyan mo na ako,” nagmamakaawang sambit ni Andrea sa kaibigan. Gusto niyang magpakalasing ng gabing iyon dahil pakiramdam niya'y iyon ang kailangan niya.Hiyang hiya naman si Jeff sa pinaggagawa ng kaibigan nito. Nung tumawag kasi si Andrea ay papunta na ito sa trabaho nito. Akala nito ay kung ano lang na tambay ang sinasabi ni Andrea, hindi naman nito alam na maglalasing pala siya.“Andrea, tama na sasampalin na kita tamo,” pagbabanta ni Jeff sa kaibigan.Iniharang naman ni Andrea ang mga palad niya sa kanyang pisngi. “Pati ba naman ikaw?” saad niya gamit ang pambata na boses.“Tigilan mo ako sis, umupo ka muna doon at magla-login muna ako,” saad nito bago pinaupo si Andrea sa isang sulok.

    Last Updated : 2022-02-04

Latest chapter

  • Two Flames In A Dress   Chapter 3

    Nang gabing din na iyon ay naki-hotspot si Andrea sa kanyang kapitbahay para masearch kung totoo nga ba ang sinabi ng lalaki na iyon na nakilala niya sa Bar.Itinipa ni Andrea ang pangalang Matthew, maraming lumabas na pangalan, pero iisa lang ang tanging nakaagaw ng atensyon niya. Isang lalaking nakasuot na itim na tuxedo. Hindi siya makapaniwala na bigatin pala talaga ito.“Matthew Johnson…” bulalas ni Andrea bago bumalik sa bahay nila.Kinabukasan ay maagang umalis si Andrea para hanapin ang kompanya nito. Naniniwala siya na early bird is equal to early worm.Subalit tila hindi pa rin siya nilulubayan ng kamalasan.“According to our data, may issue ka sa pangongopya ng designs. Sadly, mataas po kas

  • Two Flames In A Dress   Chapter 2

    “Isa pa, Jeff please, pagbigyan mo na ako,” nagmamakaawang sambit ni Andrea sa kaibigan. Gusto niyang magpakalasing ng gabing iyon dahil pakiramdam niya'y iyon ang kailangan niya.Hiyang hiya naman si Jeff sa pinaggagawa ng kaibigan nito. Nung tumawag kasi si Andrea ay papunta na ito sa trabaho nito. Akala nito ay kung ano lang na tambay ang sinasabi ni Andrea, hindi naman nito alam na maglalasing pala siya.“Andrea, tama na sasampalin na kita tamo,” pagbabanta ni Jeff sa kaibigan.Iniharang naman ni Andrea ang mga palad niya sa kanyang pisngi. “Pati ba naman ikaw?” saad niya gamit ang pambata na boses.“Tigilan mo ako sis, umupo ka muna doon at magla-login muna ako,” saad nito bago pinaupo si Andrea sa isang sulok.

  • Two Flames In A Dress   Chapter 1

    “Good morning, Ma,” pagbati ni Andrea sa kanyang ina na si Alicia bago humalik sa pisngi.“Oh! Kumakain ka na muna, may adobong sitaw dyan sa lamesa na bigay ni Aling Pasing,” saad ng kanyang ina bago inayos ang mga labahin niya.Umubo ito at agad naman nilapitan ni Andrea. “Ma, sabi ko naman kasi sa’yo wag na kayong tumanggap ng labada, ako na lang ang bahala,” sambit niya habang hinahaplos ang likod nito.“Nak, hayaan mo na ako, gusto ko rin naman tumulong,” wika nito. Humarap ito sa kaniya. “Ikaw asikasuhin mo rin ang sarili mo pag minsan, ha? Baka mamaya tumanda kang dalaga,” pagbibiro nito kay Andrea.“Ma, saka na 'yon, ang mahalaga,

  • Two Flames In A Dress   PROLOGUE

    "Bautista, Andrea, Cum laude..." narinig niya ang pagbanggit ng kanyang pangalan ng emcee nila.Ngayong araw magtatapos ng kolehiyo si Andrea sa kursong Fashion Design. Sa kabila ng hirap at pagod ay nagawa niyang makatapos ng pag aaral. Ngunit hindi niya lubos maisip na mag isa na lang siya ngayon na magmamartsa sa entablado.Umakyat siya sa entablado, nakangiti ngunit makikita sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. Dapat masaya siya lalo na sa mga pagkakataon na ganito, ngunit hindi niya magawa dahil hindi niya kasama ang kanyang kapatid.Habang paakyat ay hindi niya maiwasang isipin kung ano nang lagay ng kanyang kakambal na si Althea, kung ano ano ng estado nito sa buhay. Kagaya niya rin kaya ito na umaakyat ng entablado para kumuha ng diploma?&

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status