Isla Haraya : Elora

Isla Haraya : Elora

last updateLast Updated : 2024-04-22
By:  Reynang Elena  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
25Chapters
1.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Isla Haraya; an exclusive Island for people who wants to forget from their heartaches and unwind to the toxic city, a place where you are free to do everything you want inside the premises; Elora Faye Sanchez, a restaurant manager got the chance to set her feet to the said Island, to forget; to collect and fixed her broken heart, where she will meet Sebastian Mikael Evans -a mysterious and savagely handsome billionaire. Hindi naging madali sa kanila ang lahat dahil maraming dumating na problema sa kanilang dalawa. At nang akala nila ay maayos na ang lahat sa kanilang relasyon ay may bagong pagsubok na naman ang darating, isang pangyayari na magbibigay sa kanila ng labis na lungkot at sakit. Magagawa kayang hilumin ng pagmamahal ang sakit na darating sa kanila? Ipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang pagmamahalan gayo'ng palaging may nakahadlang sa kanila? Will they choose each other despite the pain? Hatred Anger. Trust. Love.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

"That's uh, well, chilling?" Hindi alam ni Mayumi kung ano dapat ang maging respond niya sa narinig, alam niya na hindi lang siya—lahat sila."I mean, yes," sagot ni Elora, "Pero it was our own stories naman diba?""Oo naman," sagot ni Karina, "Ikaw, Elora? May kwento ka rin ba gaya nila?" dugtong niya, kaya napatigil ito at tumingin sa dalaga, na nakangiti lang sa kaniya."Well—""Uy, Elora! I heard you got an award from your latest book!" singit ni Mayumi bago pa ako makapagsalita.Agad na tumango naman ito at kinuha ang maliit na bag sa aking gilid. "Yup, swertehan lang naman, sinubukan ko lang naman mag sulat ng mga panahon buntis ako at walang magawa sa bahay," pilit kung tinatago ang hiya na nararamdaman sa harap ng mga bago kung kaibigan."Where did you get your inspiration in writing such a crazy idea? My god! Base sa experience mo 'yon?"Isang mahinang tawa ang pinakawalan ko, nang marinig ang matinis na boses ng kaibigan niya, "Come on, tell us!" pangungulit pa nito sa kanya

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
LichtAyuzawa
highly recommended
2024-03-22 12:10:20
0
25 Chapters

Prologue

"That's uh, well, chilling?" Hindi alam ni Mayumi kung ano dapat ang maging respond niya sa narinig, alam niya na hindi lang siya—lahat sila."I mean, yes," sagot ni Elora, "Pero it was our own stories naman diba?""Oo naman," sagot ni Karina, "Ikaw, Elora? May kwento ka rin ba gaya nila?" dugtong niya, kaya napatigil ito at tumingin sa dalaga, na nakangiti lang sa kaniya."Well—""Uy, Elora! I heard you got an award from your latest book!" singit ni Mayumi bago pa ako makapagsalita.Agad na tumango naman ito at kinuha ang maliit na bag sa aking gilid. "Yup, swertehan lang naman, sinubukan ko lang naman mag sulat ng mga panahon buntis ako at walang magawa sa bahay," pilit kung tinatago ang hiya na nararamdaman sa harap ng mga bago kung kaibigan."Where did you get your inspiration in writing such a crazy idea? My god! Base sa experience mo 'yon?"Isang mahinang tawa ang pinakawalan ko, nang marinig ang matinis na boses ng kaibigan niya, "Come on, tell us!" pangungulit pa nito sa kanya
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 1 - Betrayal

Elora POV"Elora! Inutil ka talaga! Sunog na naman ang sinaing mo! Punyeta!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw ng aking nanay mula sa unang palapag ng bahay.Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumaba, muntik pa akong madulas dahil nakakalat ang mga damit ng kapatid ko na si Stella, "Nay! Nandyan ka na pala!" Dumako ang tingin ko sa wall clock na nasa taas ng tv at nakita kung alas siyete pa lang ng gabi. "Ang aga mo yata nakauwi?""Tigilan mo ako! Nasa labasan pa lang ako, amoy na amoy ko na 'yan!" Gigil na hinampas ako ng hawak nitong timba, "Ang mahal ng gas, punyeta ka talaga! Ano akala mo sa akin, tumatae ng pera, huh?"Napakamot na lang ako sa aking noo habang hinahaplos ang braso na nabugbog ng ginto niyang timba, mas matanda pa yata kasi sa kanya 'yon. "Sorry na nay, may trabaho kasi ako. Medyo nakalimutan ko na,"- "Heh! Manahimik ka! Kahit kailan ka talaga, wala ka nang ginawang tama sa bahay na 'to. Puro sa reklamo at rason! Wala kang kwen---""Naaaa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2 - First Encounter

Elora POV"Welcome! Enjoy your stay, our dear visitor!" Ito ang bungad sa akin ng makababa ako sa bangka na aking sinasakyan,may kalayuan din ang naging biyahe o kaya ramdam ko ang pagod at pananakit ng katawan. Nilibot ko ang aking paningin at tama nga si Charline, eksklusibo and naturang isla. Wala akong ibang masabi kung hindi sobrang ganda ng lugar at alam kung magiging masaya at payapa ang bakasyon ko.Sinalubong kami ng tour guide na si Cara, siya daw ang magiging kasama namin sa unang dalawang araw sa isla habang hindi pa namin kabisado ang lugar. Sa tingin ko ay ako lang ang first timer dito dahil ang ilan sa mga kasama ko ay halatang nakapunta na dito."Miss Elora, this will be your room, feel yourself at home. Tawagan mo lang ako kung sakali na may kailangan ka," Tumango lang ako at ngumiti ng pagak, nang makaalis si Cara ay tinignan ko ang paligid. May dalawang single sofa, isang centre table, isang cabinet, sa kabilang side ay nando'n ang mini kitchen, at comfort room. Nak
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3 - Maria Girl

Charline POV"Aba, bruha! Tanghali na, tulog ka pa rin? Edi sana pala sa inyo ka na lang natulog at hindi diyan sa Isla!" napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Charline ang bumungad sa akin ng sagutan ko ang tawag nito na sana ay hindi ko na lang ginawa."Pwede bang mamaya ka na tumawag? Ang sakit kasi ng ulo ko at saka fyi lang ha, galing ako sa isang birthday part kagabi. I even made friends, mamaya mo na ako bulyawan!" napabaling ang tingin ko sa orasan at nakita niyang alas diyes na ng umaga. "Nasaan ka ba? Nakauwi ka na?" tanong ko pa."Pauwi pa nga lang ako galing sa trabaho. Antok na antok na ako girl, straight duty kasi ako ngayon kaya nakakainis din," sagot naman nito. Hindi na nagtagal ang pag uusap namin dahil nagpaalam na din ako, gusto ko na kasing kumain dahil kanina pa tumutunog ang tiyan ko. Naligo lang ako saglit, nagsuot ng simpleng dress at saka lumabas para maghanap ng makakainan.Nakarating ako sa isa sa sikat na kainan dito sa Isla kaya umorder agad ako ng kan
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4 - Talks

Elora POVHindi ko man lang namalayan ang araw at mag iisang linggo na ako dito sa isla. Sa mga araw ng pananatili ko ay madalas kung kasama si Sebastian, hindi ko nga maipaliwanag kung bakit ang bilis gumaan ng loob ko sa lalaking 'yon kahit na dapat ay galit ako sa mga 'to, pero syempre hindi naman siya ang ex boyfriend ko para idamay ko. Sa mga araw na magkasama sila ay unti unti na nilang nakikilala ang isa't isa. May pagkamoody ang ugali ng binata kaya minsan mabait, minsan naman ay suplado.Ngayon ay nandito na naman sila malapit sa dagat habang tinatanaw ang alon. "Ang peaceful ng paligid 'no?" biglang bulalas ko at nakita ko naman ang mabilis na pagtingin nito sa akin. "Sana gano'n din ang buhay, palaging tahimik, palaging masaya at walang problema," dagdag ko pa."This world is cruel, hindi laging masaya at tahimik. Nabuhay tayo para pagdaanan ang lahat ng bagay. Asan ang thrill do'n kung puro saya lang diba? Kung walang problema na dadating sa buhay natin paano tayo magiging
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5 - Meeting Skyler

Elora POV"Elora!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko at nakita kung si Aling Lauren 'to. Ilang araw ko din siyang hindi nakita dito sa isla."Magandang umaga po," nakangiting bati ko sa kanya ng makarating ako sa pwesto nito."Magandang umaga din sayo iha, ang ganda ganda mo talaga," anas nito."Nambola na naman po kayo, ang tagal na din ng huli po tayong nagkita ah," saad ko."Masyado kasing maraming ginagawa kaya hindi ako makalibot. Nasaan si Sebastian? Hindi mo yata siya kasama ngayon," may panunuksong tanong nito."Tulog mantika po 'yon kaya siguradong hindi pa gising," sagot ko."Naku ha, sabi ng asawa ko lagi niyang nakikitang magkasama kayong dalawa," "Masyado po yatang nahuhumaling sa akin ang lalaking 'yon kaya gano'n. Biro lang po ha, baka mamaya makarating sa kanya." natawa pa ako ng sabihin ko 'yon."Bagay naman kayong dalawa kaya ayos lang 'yan." pang aasar nito sa akin dahilan para mapailing ako."Nay Lauren!" habang nag uusap kami ay
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6 - Jealousy

Elora POVNaistobo ang tulog ko dahil sa sunod sunod na kalampag sa aking pintuan , wala naman ako maalala na may bisita ako ng ganito kaaga. Inis akong napabangon kahit na ang totoo ay inaantok pa ako, mukha kasing walang balak na manahimik ang kung sino man na tao ang kumakatok, pagbukas ko ng pinto ay bumalandra ang pagmumukha ng kaibigan kung si Charline kasama ang kanyang anak."Ba't ang tagal mo naman buksan? Kanina pa kaya ako tawag ng tawag dito," reklamo nito.Inirapan ko naman siya. "Aba, malay ko bang darating ka dito ng walang pasabi diba?""Hello, Tita Elora,""Hello, bay girl," nakangiting bati ko sa aking inaanak."Your place is beautiful, ninang!" masiglang wika nito."So bakit ka napadpad dito?" tanong ko sa kaibigan ko ng tuluyan na kaming makapasok sa loob."May leave kasi ako ng isang linggo kaya napagpasyahan ko na puntahan ka na lang dito, paano ba naman kasi hindi mo man lang magawang mag update, malay ko ba naman kung buhay ka pa dito," sagot nito at saka umupo
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7 - Confession

Elora POVKanina pa ako aligaga simula ng magising ako dahil may lakad kami ni Sebastian, halos halughugin ko na ang laman ng maleta ko para lang maghanap ng susuotin."Alam mo, Elora, para kang tanga. Kanina pa sumasakit ang ulo ko sayo," napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang boses ng kaibigan kung Charline."Hindi ko din maintindihan ang sarili ko Cha, kinakabahan kasi ako kahit na lagi ko naman nakakasama ang lalaking 'yon." saad ko at naupo sa kama.Naglakad naman siya palapit sa akin. "Tapatin mo nga akong bruha ka, may gusto ka na ba kay Sebastian?" tanong nito.Bigla naman ako natahimik, maski ako ay hindi ko alam kung paano sasagutin ang kanyang tanong. Alam ko naman sa sarili ko na habang lumilipas ang mga araw na nakakasama ko si Seb ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso, hindi ko maipaliwanag ng maayos pero no'ng una ko pa lang nakita ang lalaking 'yon ay humanga na ako sa kanya pero syempre hindi ko aamin 'yon dahil ayaw kung masira ang pagkakaibigan namin."Oh
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 8 - Steamy Night

Elora POVNang matapos kaming kumain ng dinner ay niyaya ako ni Seb na pumunta sa isang malapit na bar, ang balita ko ay opening nito ngayong araw at mukhang masaya naman 'yon kaya pumayag na ako dahil maaga pa naman at wala din naman akong gagawin. Halos dalawang oras lang naman ang itinagal namin do'n dahil nagyaya na akong umuwi ng makaramdam ako ng hilo, mabilis kasi akong malasing.Hinatid niya ako sa bahay na tinutuluyan, nakaalalay lang siya sa akin hanggang sa makapasok kami sa loob. "I should get going," bulong ni Sebastian sa aking tainga na naghatid ng kakaibang kiliti sa akin. The vibrations of his deep voice shimmering across my skin, sending sinful shivers running the full length of my spine.Nagpeke lang ako ng ngiti at tumango bilang sagot. Pero ang totoo, ayaw ko pa talaga na umalis siya, hindi ko maintindihan ang sarili, marahil ay dala ito ng alak na lumulukob sa aking sistema, kung nasa normal lang ako ngayon ay alam kung hindi ako aakto ng ganito."Ingat ka. Tawag
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 9 - Bad News

Elora POVNagising ako na sobrang sakit ng buong katawan, bigla kung naalala ang nangyari sa amin ni Sebastian kaya dali dali akong napatingin sa paligid at napagtanto kung nasa kwarto na ako. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat. Halos hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ako nitong inangkin, hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin dahil sa nangyari.Napatingin ako sa orasan at nakita kung tangahali na kaya bumangon na ako at dumiretso sa banyo para makapag ayos, kahit masakit ang gitnang hita ko ay tinitiis ko. Sigurado akong nakauwi na ang kaibigan ko, ang tanging hiling ko lang na sana ay hindi nito naabutan si Seb dahil panigurado akong katakot takot na tanong ang ibubungad sa akin ng babaeng 'yon.Nang matapos akong mag ayos ay agad na lumabas ako sa kwarto at naabutan ko ang mag ina na nanonood ng palabas sa tv. "Anong oras kayo dumating?" tanong ko kay Charline."Kaninang mga alas syete siguro ng umaga," tumango lang ako sa sagot nito at nag
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status