The Billionaire's Twin Babies

The Billionaire's Twin Babies

last updateLast Updated : 2022-01-23
By:  Rhea maeCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
46 ratings. 46 reviews
83Chapters
324.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Tiffany Santos thought she had found the prince charming, who turned out to be jerk. Tomorrow will be her wedding day but she finds her fiance sleeping with her sister. Ang akala niya ay hindi na matutuloy ang kasal but her parents said that the wedding must be held, nalulugi na ang kompanya nila kaya kailangan pa ring ituloy ang kasal sa kabila ng nangyari subalit ayaw niya na but her parents said, if she won't marry her fiance then her sister will be the bride. She was devastated, nagpunta siyang bar para makalimutan ang lahat ng sakit subalit nagising na lamang siya kinabukasan na may katabi na siya sa kama at pareho silang walang saplot. It turns out that the guy is actually the richest CEO in the city.

View More

Chapter 1

Simula 1.1

Tomorrow will be my wedding day, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil wala pa sa plano ko ang pagpapakasal kay James, ilang taon naman na rin kaming magkasintahan pero marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko pang matupad ang lahat ng mga pangarap ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni James hinihintay ko siyang makauwi pero anong oras na ay wala pa rin siya. Kung hindi lang papalugi ang kompanya namin ay baka hindi mapadali ang kasal namin. Nakiusap sa akin ang mga magulang ko na magpakasal na para tulungan na kami ng pamilya ni James, hindi ko naman sila matiis dahil mahal na mahal ko sila.

Napalingon na lang ako sa pintuan ng marinig ko ang mga ingay, mabilis akong naghanap ng pagtataguan ko at nakita ko naman ang cabinet ni James kaya mabilis akong pumasok sa loob dun. Nag-iwan lang ako ng kaunting awang para makita ko kung sinong kasama niya. Mula rito ay kita ko ang malawak niyang kama.

“Ano ba James, nakikiliti ako.”malanding saad ng isang babae, pamilyar sa akin ang boses pero hindi niya magagawa sa akin ito. Mas nilakihan ko pa ang awang ng cabinet para mas makita ko sila. Napatakip na lamang ako sa bibig ko ng makita ko ang mga kababuyan nilang dalawa. Hindi ko iniisip na magagawa sa akin ito ni Ate Ava, malapit kami ni Ate Ava sa isa’t-isa. Bakit sa dami ng pwedeng gumawa sa akin ng bagay na ito ay ang ate ko pa?

Akala ko nasa kaniya na ang lahat, akala ko siya na ang prince charming ko pero nagkamali pala ako. Maraming naiinggit sa akin dahil siya ang boyfriend at mapapangasawa ko pero isa pala siyang gago, isa siyang malaking gago.

“Bukas na ang kasal niyo ni Tiffany, paano naman na ako?” maarteng saad ni Ate, hindi ko alam sa malaanghel na mukha ni Ate ay nakatago ang kaniyang kati.

“Huwag kang mag-alala, kay Tiffany man ako ikakasal sayo pa rin ako uuwi.”

“Ano ba, nakikiliti ako,” hilaw akong natawa sa pinag-uusapan nilang dalawa. Gagawin niyo pa akong tanga pagkatapos ng kasal? Ako ang magiging asawa pero ako ang gagawin nilang kabit? Mga hayup kayo, pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sa akin. Lahat ng pangloloko niyong dalawa! Kinuha ko ang cell phone ko at nirecord ko ang kababuyang ginagawa nila. Gusto ko silang sugurin, gusto kong sampalin at sabunutan si Ate pero pinigilan ko. Hindi ako gaganti sa ganitong paraan, hintayin niyo ang gagawin ko sa inyo. Hintayin niyo lang.

Nang marating na nila ang rurok ng kanilang kaligayahan ay mabilis silang nakatulog, kinuha ko namang pagkakataong iyun para lumabas ng kwarto niya at ng bahay nila. Umuwi na ako sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto. Pinunasan ko ang lahat ng mga luhang lumandas sa pisngi ko. Hindi ko sasayangin ang mga luha ko sa isang lalaking gago at manloloko. Hindi nila deserve ang luha ko.

Kinuha ko ang USB na gagamitin namin bukas para sa kasal, dinelete ko lahat ng mga videos naming dalawa ni James na ginawa noong pictorial namin. Kaya pala hindi man lang ako nakaramdam ng excitement sa araw ng kasal namin dahil ito pala ang mangyayari, ito pala ang gagawin niya sa akin. Akala ko masyado na siyang perpekto, na hindi niya ako lolokohin, na hihintayin niya ang araw ng kasal namin bago namin gawin ang bagay na iyun. Hindi ko akalain na hindi niya kayang maghintay.

KINABUKASAN

Tanghali na pero nakahiga pa rin ako sa kama ko, alas diyes ang simula ng kasal.

“Tiffany anak, ano ba tanghali na parang hindi araw ng kasal mo ah. Bumangon ka na diyan at kumain para maayusan ka na.” rinig kong sigaw ng Mommy ko sa pintuan.

“Ako na pong bahala sa kaniya Tita,” rinig ko ang boses ni James, mabilis naman akong bumangon sa higaan ko. Ayaw kong makasama siya dito sa kwarto ko ng mag-isa pagkatapos kung ano-anong mga kalokohan ang sasabihin sa akin.

“I’m awake, no need.” Walang emosyon kong saad saka tuluyang lumabas ng kwarto ko at nagtungong kusina. Inasikaso naman ng mga maid namin ang kakainin ko, hindi ko pinansin si James na sumunod pala sa akin.

“Bakit naman ganiyan ang itsura mo? hindi ka ba excited sa kasal natin?” gusto kong isupalpal sa bunganga niya ang bacon na kinakain ko. Sinong tangang excited na ikakasal sa isang gago? Magpakasal ka mag-isa mo. Mabuti na lamang pala ay nahuli ko na kayo bago pa man nangyari ang kasal nating dalawa. “Hon tell me, is there something wrong? May bumabagabag ba sayo?” malambing pa niyang tanong sa akin, sinamaan ko siya ng tingin. Gusto ko siyang murahin pero ayaw kong masira ang plano ko ngayong araw.

“Bakit ka ba nandito? Hindi ba at bawal ng magkita ang bride at groom? Magkita na lang tayo mamaya.” Usal ko saka ko isinubo ang huli kong pagkain saka siya tinalikuran. Umakyat naman na ako sa kwarto ko at naligo. Hintayin niyo lang ako James at Ate, hindi  lang ako mananahimik sa isang sulok lang.

Bumaba na rin ako ng kwarto ko, naabutan ko naman ang make-up artist na mag-aayos sa akin. Naupo na lamang ako sa malaking salamin at sinimulan naman na nila ang paglalagay sa akin ng kung ano-anong kolorete.

Pagkalipas ng maraming oras ay natapos din kami, inaayos naman na nila ang gown ko. Napansin ko naman ang kapatid kong pababa na rin ng hagdan at nakasuot na rin. Kung titingnan mo para rin siyang bride sa suot niya, gusto mang-agaw atensyon? Tsss. Sa pagkakaalam ko ay isa lamang simpleng dress ang isusuot niya bilang bride’s maid ko pero bakit parang nakawedding gown na rin siya sa suot niya?

“Iyan ba talaga ang isusuot mo? hindi ba baka naman pagkamalan kang bride at ako ang maid mo?” mapang-asar kong tanong sa kaniya pero para siyang inosenteng tumawa lang.

“Ikaw naman Tiff, masyado mo akong binobola. Paanong mapagkakamalan akong bride e mas mahaba ang gown mo? bakit ba ganiyan ang itsura mo? hindi ka ba excited?”

“Hindi ko alam, baka kinakabahan lang.”

“Huwag kang kabahan, dapat nga mas maging masaya ka pa dahil ang swerte mo sa pangangasawa mo.”

“Swere nga ba Ate?”

“Oo naman, ang gwapo gwapo kaya ni James. Napabilis lang ang kasal niyo dahil sa mga magulang natin.” alam ko namang hindi ka naging masaya sa planong ito ng mga magulang natin dahil plano mo pang agawin siya sa akin para kayong dalawa ang ikasal. Anyway wala naman na akong pakialam.

Dumating na ang oras, nandito na ako ngayon sa garden kung saan gaganapin ang kasal naming dalawa. Binigay ko na rin sa kanila yung USB.

Humugot muna ako ng malalim na hininga. Nang sumenyas na ang organizer na pumasok na ako ay sumunod na ako. Walang emosyon ang mukha ko, lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Ang iba ay naiiyak pa maging ang mga magulang ko. Akala mo talaga ay magiging masayang seremonya ang araw na ito.

Tiningnan ko si James na nakangiti sa akin habang kunwari ay umiiyak pa. May paiyak-iyak ka pang nalalaman akala mo isa kang mabuting lalaki, akala mo wala sa pagmumukha niya ang magiging manloloko. Sinalubong niya naman na ako at sabay kaming humarap sa pari na siyang magkakasal sa amin. Nakaplay pa rin ang mga pictures naming dalawa ni James sa malaking screen sa harap, tiningnan ko iyun ng magsimula ng makarinig ng mga ungol.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(46)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
46 ratings · 46 reviews
Write a review
user avatar
Tintin Ladan
ganitong mga story talaga gusto ko Yung may anak kayo pero di alam ni boy tapos makalipas ang ilang magkikita bigla like A night with mafia...
2025-03-30 22:02:42
0
default avatar
Debra Richardson
Ynor nothing
2024-05-16 12:59:53
1
user avatar
Winelyn Niebres Gecale
Nice story
2024-04-20 22:01:56
0
user avatar
ELsa Arsolon Alburo
Ang ganda..
2024-04-18 14:14:41
0
user avatar
Joce Lyn Buyacao
highly recommended...may magandang aral kang mapupulot sa story na eto
2024-04-10 13:39:39
0
user avatar
Mulan
a total package... ambilis ng twist ng story ganda ng.pagkakaportray ng mga characters.sobrang intense ang mga episodes na talgang d mo bibitiwan. True romance at love of family, with lessons to learn. Short but precise story.. You nailed it author Congratulations!!!!!
2024-04-08 21:34:14
0
user avatar
Lo Renz
Da Best!!!!
2024-02-21 06:24:47
0
user avatar
buj gqab
ganda po ng story...really nice to read
2024-02-18 11:51:22
0
user avatar
Ailasor Varona Semillano
Ganda Ng story mo Ms writer kahit Hindi KO pa Tapos basahin
2024-02-02 11:47:38
0
user avatar
Cherona Manuel
thank you, it is a very beautiful story that you made
2023-12-26 21:02:57
0
default avatar
Abby Oroso
Its very nice
2023-12-18 01:54:53
1
user avatar
NenEtH Basagre
very nice story galing ng author kpupulotan ng aral tlga sa mga readers...
2023-12-01 09:51:28
0
user avatar
Liramae Dala
grabe ang galing ng nagsulat nito at grabe ang ganda ng story dami kong iyak dto nadadala ako sa story
2023-09-25 14:04:59
1
user avatar
Jekk 'Ii
Highly recommend Nice story.. una kung nabasa ang A Night with Mafia.. kaya isunod ko lahat ng story mo Ms.A
2023-09-09 04:24:40
1
user avatar
Cheene Gapi
sobrang Ganda ng story
2023-07-21 08:33:21
2
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
83 Chapters
Simula 1.1
Tomorrow will be my wedding day, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil wala pa sa plano ko ang pagpapakasal kay James, ilang taon naman na rin kaming magkasintahan pero marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko pang matupad ang lahat ng mga pangarap ko.Nandito ako ngayon sa kwarto ni James hinihintay ko siyang makauwi pero anong oras na ay wala pa rin siya. Kung hindi lang papalugi ang kompanya namin ay baka hindi mapadali ang kasal namin. Nakiusap sa akin ang mga magulang ko na magpakasal na para tulungan na kami ng pamilya ni James, hindi ko naman sila matiis dahil mahal na mahal ko sila.Napalingon na lang ako sa pintuan ng marinig ko ang mga ingay, mabilis akong naghanap ng pagtataguan ko at nakita ko naman ang cabinet ni James kaya mabilis akong pumasok sa loob dun. Nag-iwan lang ako ng kaunting awang para makita ko kung sinong kasama niya. Mula rito ay kita ko ang malawak niyang kama.“Ano ba Jam
last updateLast Updated : 2021-11-12
Read more
Simula 1.2
“Ahhh, fuck me harder James please.” Malalakas na ungol ang maririnig namin ngayon sa buong hardin.  “Anong nangyayari?! Patayin niyo yan!” malakas na sigaw ni James, nagkakagulo na rin ang mga bisita at nakatutok ang lahat ng mga mata nila sa big screen. Tiningnan ko ang kapatid ko na tinatakpan niya na ang mukha niya. “Hon please, that is not true. Huwag kang maniniwala sa nakikita mo.” pakiusap niya sa akin subalit isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya.“Tiffany!” malakas na tawag sa akin ng aking ina pero hindi ko siya pinansin. Sinampal ko pa ng isang beses si James at alam kong nasa amin na ang atensyon ng lahat ng mga bisita. Tiningnan ko pa ang Ate kong nakayuko pa rin.“Mga baboy kayo, ito ang gagawin niyo sa akin? Ikakasal na tayo James pero nagawa mo pa rin akong lokohin! At ikaw naman Ate, akala mo kung sino kang painosente pero may kati ka rin palang tin
last updateLast Updated : 2021-11-12
Read more
Kabanata 1.1
Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila Daddy ang sagot ko pero isa lang ang maririnig nila sa akin, hinding hindi ako magpapakasal kay James. Ang kakapal pa ng mukha nilang magpakita sa amin pagkatapos ng ginawa ng anak nila sa akin? Para bang utang ko pa ang ginawa ko sa araw ng kasal namin.“Please talk to me Tiff, hindi ko naman sinasadya eh. Dala lang ng alak ang nangyari sa amin ng Ate mo. Hindi ko alam ang ginagawa ko noong gabing iyun.” Pagmamakaawa sa akin ni James, nandito sila ngayon ng mga magulang niya at tinatanong kung itutuloy pa ba ang kasal. Para bang wala lang nangyari, tila isang normal lang ang nangyari sa amin.“Lasing? Lasing ba talaga ang matatawag mo dun? James kitang kita ng mga mata ko! rinig na rinig ko ang pag-uusap niyo ni Ava. Matagal niyo na akong niloloko, at anong sabi mo? ako ang pakakasalan mo pero si Ava ang uuwian mo? nahihibang ka na ba?!”“Alam mo namang may pangangailangan
last updateLast Updated : 2021-11-12
Read more
Kabanata 1.2
Nakita ko naman ang maraming mga taong nagsasayawan sa gitna kaya umalis ako sa kinauupuan ko at nagtungong dance floor. Nakisiksik na ako sa maraming tao at nakipagsayawan. Hilong-hilo na ako pero wala akong pakialam kung anong kahihinatnan ko.“Hi baby, mukhang mag-isa ka lang ha?” bulong sa akin ng isang lalaki pero hindi ko siya pinansin.“Ano ba!” sigaw ko sa kaniya ng hawakan niya ang pwet ko, alam kong lasing na ako pero hindi ako papayag na itake advantage nila ako.“Kung gusto mo sa hotel na lang tayo, ibibigay ko sayo ang pinakamasayang gabi.” Pervert pang saad ng lalaki, ayaw ko ng magsayaw. Paalis na sana ako ng dance floor ng bigla niya nanaman akong hilain.“Kung gusto mo makaraos, dun ka sa pokpokan. Doon marami pag-aagawan ka pa.” lasing kong saad sa kaniya.“Pakipot ka pa alam ko namang gusto mo rin.”“Ibaba mo ako!” s
last updateLast Updated : 2021-11-12
Read more
Kabanata 2.2
THIRD PERSON POV“I want you to find that woman as soon as possible.” Seryosong utos ni Samuel sa kaniyang mga tauhan. Hindi maalis sa isip niya ang dalaga tila ba nadissapoint pa ito ng makita niya ang limang libo na pera sa side table kung saan sila nagpalipas ng gabi ni Tiffany. Hindi niya matanggap na pagkatapos ng masayang gabi nila ay iniwan na lang siya nito ng wala man lang paalam at nag-iwan pa ng pera na tila ba binayaran kung anong nangyari sa kanila. “You can’t escape from me woman, a five thousand pesos? Seriously?” hindi niya makapaniwalang saad habang napapangisi, tila ba mayroon ang dalaga na hindi maalis sa kaniyang isipan.Bagsak ang balikat niya ng makita niyang wala na siyang katabi nang magising siya.“Excuse me Sir, your mom is here.” Agaw atensyong saad ng kaniyang tauhan. Tumango na lamang si Samuel at hinintay ang pagpasok ng kaniyang ina.“Fi
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
Kabanata 2.3
Hindi niya na napigilan ang luhang lumandas sa kaniyang mukha, gulat pa rin siya hanggang ngayon dahil sa ginawang pagsampal ng kaniyang ina sa kaniya. Noong bata pa siya ay halos ayaw siyang ipakagat sa lamok, sa tuwing nadadapa siya at nagkakasugat ay dinadala agad siya sa hospital para ipagamot, minsan ay kahit hindi naman malala ay ipinapaconfine siya.Mabilis siyang tumakbo papapalabas ng kanilang bahay at sumakay sa kaniyang kotse, hindi niya matanggap na ang pamilyang inaasahan niya ay sila pa ang tatalikod sa kaniya. Umaasa siyang muli siyang tatanggapin ng pamilya o papansinin, wala siyang ginawang kasalanan pero parang siya pa itong nagkamali, nang dahil lang sa pera ay nagkakaganun ang kaniyang pamilya. Malabo ang kaniyang paningin habang nagdadrive ng kaniyang kotse, tanging hikbi na lamang niya ang maririnig niya sa loob ng kaniyang kotse.Kahit na kulay pula ang kulay ng traffic light ay mabilis pa rin ang patakbo niya, wala na siyang pakialam
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
Kabanata 3.1
“What do you think?” muling napayuko si Tiffany dahil hindi niya alam na ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking nakasama niya sa isang hotel. Naramdaman niya ang pang-iinit ng kaniyang mukha dahil sa kahihiyan.“Alam kong isang malaking pagkakamali ang nangyari sa ating nung gabing yun. Pasensya ka na hindi ko kasi alam ang ginagawa ko.” nahihiya pa rin niyang aniya. Tila ba bumagsak ang balikat ni Samuel dahil sa narinig, na isang pagkakamali lamang ang lahat. Hindi niya na lamang pinansin iyun at seryosong kinausap si Tiffany.“I can help you with your problems young lady but in one condition.” Sinalubong ni Tiffany ang mga tingin ni Samuel. “You can tell me if what do you want to do so I can help you.”“Sino ka ba para tulungan ako? ni hindi mo ako kilala para alukan ng tulong mo. Who are you?” kunot noong tanong ni Tiffany. Napahilot naman panandalian sa noo si Samue
last updateLast Updated : 2021-12-02
Read more
Kabanata 3.2
TIFFANY POVNaglalakad-lakad pa rin ako sa loob ng mansion niya. Mag-isa niya lang dito pero ganito kalaki ang tinutuluyan niya. Ang mga mayayaman nga talaga, mahilig gumastos ng malalaking pera. Nagtungo ako ng sala at kinuha ang remote ng napakalaki niyang tv. Kung susukatin mo ito ay parang hindi na sila magkakalayo ng nasa sinehan. Nakakapanuod pa ba iyun ng palabas kung ganun siya kabusy na tao? Inilipat ko na lamang ang chanel hanggang sa napahinto ako sa isang drama kung saan sinampal ng isang babae ang isa pang babae. Hindi ko alam kung sino ang bida sa kanilang dalawa.“Kaibigan kita pero ito ang gagawin mo sa akin? Pinagkatiwalaan kita Nicole pero inahas mo pa ang boyfriend ko! akala mo kung sino ka pang concern sa tuwing nag-aaway kaming dalawa pero ikaw pala ang nasa likod ng lahat!!” napangisi ako sa palabas, wala kaming pinagkaiba. Mapa-palabas man o mapa-totoong buhay ay nagkalat ang ahas, akala ko sa gubat lang s
last updateLast Updated : 2021-12-02
Read more
Kabanata 4.1
Nandito ako ngayon sa garden at mag-isa. Pumasok sa kompanya niya si Samuel, ilang araw na akong nananatili dito sa bahay niya at halos araw-araw ko ring tinitingnan ang cell phone ko at naghihintay ako kung tatawagan ba ako ng pamilya ko o kung kakamustahin at tatanungin kung nasaan na ba ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Maging ang social media ko ay napakatahimik. Ang pangyayari sa kasal namin ni James ay hindi man lang naibalita sa mga media. Iba talaga ang nagagawa ng pera para mapatahimik lang ang lahat. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong maaalala ako ng pamilya ko, pero kahit ano yatang titig ang gawin ko sa cell phone ko ay hindi nila ako tatawagan at tatanungin kung bakit hindi pa rin ako umuuwi.Napabuntong hininga na lang ako, ganun nila kadali kalimutan ang lahat para lang sa pera. Handa silang isakripisyo ang mga anak nila para lang sa pera.Bukas na ang kasal nila Ate Ava o dapat ko pa nga ba siyang tawaging Ate sa lahat ng nagawa niya
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more
Kabanata 4.2
Pumasok kaming dalawa sa elevator at pinindot niya naman na ang floor na pupuntahan naming dalawa. Hindi na lang ako nagsalita, magsasalita lang naman siguro siya kapag may sasabihin siya sa akin. Nang makalabas kami ng elevator ay iginiya kami ng isang staff sa isang kwarto. Nang makapasok kami ay inilibot ko ang paningin ko, isa siyang restaurant pero walang katao tao maliban sa mga staff. Ano ba talagang plano niya? bakit wala man lang ibang customer sa restaurant na ito maliban sa aming dalawa.Nang makaupo na kami ay tiningnan ko si Samuel, hindi ko na kayang manahimik na lamang lalo na at kasama ako sa mga plano niya pero hindi niya naman ako kinakausap.“What is this? Bakit wala man lang katao tao rito maliban sa ating dalawa at sa mga staff?” kunot noo kong tanong sa kaniya.“Don’t worry, wala namang makakakita sa atin dito bukod sa kanila. Sinabi ko naman sayong sisimulan natin ang plano pagtapos ng kasal ng fia
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status