Tomorrow will be my wedding day, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako dahil wala pa sa plano ko ang pagpapakasal kay James, ilang taon naman na rin kaming magkasintahan pero marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko pang matupad ang lahat ng mga pangarap ko.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni James hinihintay ko siyang makauwi pero anong oras na ay wala pa rin siya. Kung hindi lang papalugi ang kompanya namin ay baka hindi mapadali ang kasal namin. Nakiusap sa akin ang mga magulang ko na magpakasal na para tulungan na kami ng pamilya ni James, hindi ko naman sila matiis dahil mahal na mahal ko sila.Napalingon na lang ako sa pintuan ng marinig ko ang mga ingay, mabilis akong naghanap ng pagtataguan ko at nakita ko naman ang cabinet ni James kaya mabilis akong pumasok sa loob dun. Nag-iwan lang ako ng kaunting awang para makita ko kung sinong kasama niya. Mula rito ay kita ko ang malawak niyang kama.“Ano ba James, nakikiliti ako.”malanding saad ng isang babae, pamilyar sa akin ang boses pero hindi niya magagawa sa akin ito. Mas nilakihan ko pa ang awang ng cabinet para mas makita ko sila. Napatakip na lamang ako sa bibig ko ng makita ko ang mga kababuyan nilang dalawa. Hindi ko iniisip na magagawa sa akin ito ni Ate Ava, malapit kami ni Ate Ava sa isa’t-isa. Bakit sa dami ng pwedeng gumawa sa akin ng bagay na ito ay ang ate ko pa?Akala ko nasa kaniya na ang lahat, akala ko siya na ang prince charming ko pero nagkamali pala ako. Maraming naiinggit sa akin dahil siya ang boyfriend at mapapangasawa ko pero isa pala siyang gago, isa siyang malaking gago.“Bukas na ang kasal niyo ni Tiffany, paano naman na ako?” maarteng saad ni Ate, hindi ko alam sa malaanghel na mukha ni Ate ay nakatago ang kaniyang kati.“Huwag kang mag-alala, kay Tiffany man ako ikakasal sayo pa rin ako uuwi.”“Ano ba, nakikiliti ako,” hilaw akong natawa sa pinag-uusapan nilang dalawa. Gagawin niyo pa akong tanga pagkatapos ng kasal? Ako ang magiging asawa pero ako ang gagawin nilang kabit? Mga hayup kayo, pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sa akin. Lahat ng pangloloko niyong dalawa! Kinuha ko ang cell phone ko at nirecord ko ang kababuyang ginagawa nila. Gusto ko silang sugurin, gusto kong sampalin at sabunutan si Ate pero pinigilan ko. Hindi ako gaganti sa ganitong paraan, hintayin niyo ang gagawin ko sa inyo. Hintayin niyo lang.Nang marating na nila ang rurok ng kanilang kaligayahan ay mabilis silang nakatulog, kinuha ko namang pagkakataong iyun para lumabas ng kwarto niya at ng bahay nila. Umuwi na ako sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto. Pinunasan ko ang lahat ng mga luhang lumandas sa pisngi ko. Hindi ko sasayangin ang mga luha ko sa isang lalaking gago at manloloko. Hindi nila deserve ang luha ko.Kinuha ko ang USB na gagamitin namin bukas para sa kasal, dinelete ko lahat ng mga videos naming dalawa ni James na ginawa noong pictorial namin. Kaya pala hindi man lang ako nakaramdam ng excitement sa araw ng kasal namin dahil ito pala ang mangyayari, ito pala ang gagawin niya sa akin. Akala ko masyado na siyang perpekto, na hindi niya ako lolokohin, na hihintayin niya ang araw ng kasal namin bago namin gawin ang bagay na iyun. Hindi ko akalain na hindi niya kayang maghintay.KINABUKASANTanghali na pero nakahiga pa rin ako sa kama ko, alas diyes ang simula ng kasal.“Tiffany anak, ano ba tanghali na parang hindi araw ng kasal mo ah. Bumangon ka na diyan at kumain para maayusan ka na.” rinig kong sigaw ng Mommy ko sa pintuan.“Ako na pong bahala sa kaniya Tita,” rinig ko ang boses ni James, mabilis naman akong bumangon sa higaan ko. Ayaw kong makasama siya dito sa kwarto ko ng mag-isa pagkatapos kung ano-anong mga kalokohan ang sasabihin sa akin.“I’m awake, no need.” Walang emosyon kong saad saka tuluyang lumabas ng kwarto ko at nagtungong kusina. Inasikaso naman ng mga maid namin ang kakainin ko, hindi ko pinansin si James na sumunod pala sa akin.“Bakit naman ganiyan ang itsura mo? hindi ka ba excited sa kasal natin?” gusto kong isupalpal sa bunganga niya ang bacon na kinakain ko. Sinong tangang excited na ikakasal sa isang gago? Magpakasal ka mag-isa mo. Mabuti na lamang pala ay nahuli ko na kayo bago pa man nangyari ang kasal nating dalawa. “Hon tell me, is there something wrong? May bumabagabag ba sayo?” malambing pa niyang tanong sa akin, sinamaan ko siya ng tingin. Gusto ko siyang murahin pero ayaw kong masira ang plano ko ngayong araw.“Bakit ka ba nandito? Hindi ba at bawal ng magkita ang bride at groom? Magkita na lang tayo mamaya.” Usal ko saka ko isinubo ang huli kong pagkain saka siya tinalikuran. Umakyat naman na ako sa kwarto ko at naligo. Hintayin niyo lang ako James at Ate, hindi lang ako mananahimik sa isang sulok lang.Bumaba na rin ako ng kwarto ko, naabutan ko naman ang make-up artist na mag-aayos sa akin. Naupo na lamang ako sa malaking salamin at sinimulan naman na nila ang paglalagay sa akin ng kung ano-anong kolorete.Pagkalipas ng maraming oras ay natapos din kami, inaayos naman na nila ang gown ko. Napansin ko naman ang kapatid kong pababa na rin ng hagdan at nakasuot na rin. Kung titingnan mo para rin siyang bride sa suot niya, gusto mang-agaw atensyon? Tsss. Sa pagkakaalam ko ay isa lamang simpleng dress ang isusuot niya bilang bride’s maid ko pero bakit parang nakawedding gown na rin siya sa suot niya?“Iyan ba talaga ang isusuot mo? hindi ba baka naman pagkamalan kang bride at ako ang maid mo?” mapang-asar kong tanong sa kaniya pero para siyang inosenteng tumawa lang.“Ikaw naman Tiff, masyado mo akong binobola. Paanong mapagkakamalan akong bride e mas mahaba ang gown mo? bakit ba ganiyan ang itsura mo? hindi ka ba excited?”“Hindi ko alam, baka kinakabahan lang.”“Huwag kang kabahan, dapat nga mas maging masaya ka pa dahil ang swerte mo sa pangangasawa mo.”“Swere nga ba Ate?”“Oo naman, ang gwapo gwapo kaya ni James. Napabilis lang ang kasal niyo dahil sa mga magulang natin.” alam ko namang hindi ka naging masaya sa planong ito ng mga magulang natin dahil plano mo pang agawin siya sa akin para kayong dalawa ang ikasal. Anyway wala naman na akong pakialam.Dumating na ang oras, nandito na ako ngayon sa garden kung saan gaganapin ang kasal naming dalawa. Binigay ko na rin sa kanila yung USB.Humugot muna ako ng malalim na hininga. Nang sumenyas na ang organizer na pumasok na ako ay sumunod na ako. Walang emosyon ang mukha ko, lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Ang iba ay naiiyak pa maging ang mga magulang ko. Akala mo talaga ay magiging masayang seremonya ang araw na ito.
Tiningnan ko si James na nakangiti sa akin habang kunwari ay umiiyak pa. May paiyak-iyak ka pang nalalaman akala mo isa kang mabuting lalaki, akala mo wala sa pagmumukha niya ang magiging manloloko. Sinalubong niya naman na ako at sabay kaming humarap sa pari na siyang magkakasal sa amin. Nakaplay pa rin ang mga pictures naming dalawa ni James sa malaking screen sa harap, tiningnan ko iyun ng magsimula ng makarinig ng mga ungol.
“Ahhh, fuck me harder James please.” Malalakas na ungol ang maririnig namin ngayon sa buong hardin.“Anong nangyayari?! Patayin niyo yan!” malakas na sigaw ni James, nagkakagulo na rin ang mga bisita at nakatutok ang lahat ng mga mata nila sa big screen. Tiningnan ko ang kapatid ko na tinatakpan niya na ang mukha niya. “Hon please, that is not true. Huwag kang maniniwala sa nakikita mo.” pakiusap niya sa akin subalit isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya.“Tiffany!” malakas na tawag sa akin ng aking ina pero hindi ko siya pinansin. Sinampal ko pa ng isang beses si James at alam kong nasa amin na ang atensyon ng lahat ng mga bisita. Tiningnan ko pa ang Ate kong nakayuko pa rin.“Mga baboy kayo, ito ang gagawin niyo sa akin? Ikakasal na tayo James pero nagawa mo pa rin akong lokohin! At ikaw naman Ate, akala mo kung sino kang painosente pero may kati ka rin palang tin
Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila Daddy ang sagot ko pero isa lang ang maririnig nila sa akin, hinding hindi ako magpapakasal kay James. Ang kakapal pa ng mukha nilang magpakita sa amin pagkatapos ng ginawa ng anak nila sa akin? Para bang utang ko pa ang ginawa ko sa araw ng kasal namin.“Please talk to me Tiff, hindi ko naman sinasadya eh. Dala lang ng alak ang nangyari sa amin ng Ate mo. Hindi ko alam ang ginagawa ko noong gabing iyun.” Pagmamakaawa sa akin ni James, nandito sila ngayon ng mga magulang niya at tinatanong kung itutuloy pa ba ang kasal. Para bang wala lang nangyari, tila isang normal lang ang nangyari sa amin.“Lasing? Lasing ba talaga ang matatawag mo dun? James kitang kita ng mga mata ko! rinig na rinig ko ang pag-uusap niyo ni Ava. Matagal niyo na akong niloloko, at anong sabi mo? ako ang pakakasalan mo pero si Ava ang uuwian mo? nahihibang ka na ba?!”“Alam mo namang may pangangailangan
Nakita ko naman ang maraming mga taong nagsasayawan sa gitna kaya umalis ako sa kinauupuan ko at nagtungong dance floor. Nakisiksik na ako sa maraming tao at nakipagsayawan. Hilong-hilo na ako pero wala akong pakialam kung anong kahihinatnan ko.“Hi baby, mukhang mag-isa ka lang ha?” bulong sa akin ng isang lalaki pero hindi ko siya pinansin.“Ano ba!” sigaw ko sa kaniya ng hawakan niya ang pwet ko, alam kong lasing na ako pero hindi ako papayag na itake advantage nila ako.“Kung gusto mo sa hotel na lang tayo, ibibigay ko sayo ang pinakamasayang gabi.” Pervert pang saad ng lalaki, ayaw ko ng magsayaw. Paalis na sana ako ng dance floor ng bigla niya nanaman akong hilain.“Kung gusto mo makaraos, dun ka sa pokpokan. Doon marami pag-aagawan ka pa.” lasing kong saad sa kaniya.“Pakipot ka pa alam ko namang gusto mo rin.”“Ibaba mo ako!” s
THIRD PERSON POV“I want you to find that woman as soon as possible.” Seryosong utos ni Samuel sa kaniyang mga tauhan. Hindi maalis sa isip niya ang dalaga tila ba nadissapoint pa ito ng makita niya ang limang libo na pera sa side table kung saan sila nagpalipas ng gabi ni Tiffany. Hindi niya matanggap na pagkatapos ng masayang gabi nila ay iniwan na lang siya nito ng wala man lang paalam at nag-iwan pa ng pera na tila ba binayaran kung anong nangyari sa kanila. “You can’t escape from me woman, a five thousand pesos? Seriously?” hindi niya makapaniwalang saad habang napapangisi, tila ba mayroon ang dalaga na hindi maalis sa kaniyang isipan.Bagsak ang balikat niya ng makita niyang wala na siyang katabi nang magising siya.“Excuse me Sir, your mom is here.” Agaw atensyong saad ng kaniyang tauhan. Tumango na lamang si Samuel at hinintay ang pagpasok ng kaniyang ina.“Fi
Hindi niya na napigilan ang luhang lumandas sa kaniyang mukha, gulat pa rin siya hanggang ngayon dahil sa ginawang pagsampal ng kaniyang ina sa kaniya. Noong bata pa siya ay halos ayaw siyang ipakagat sa lamok, sa tuwing nadadapa siya at nagkakasugat ay dinadala agad siya sa hospital para ipagamot, minsan ay kahit hindi naman malala ay ipinapaconfine siya.Mabilis siyang tumakbo papapalabas ng kanilang bahay at sumakay sa kaniyang kotse, hindi niya matanggap na ang pamilyang inaasahan niya ay sila pa ang tatalikod sa kaniya. Umaasa siyang muli siyang tatanggapin ng pamilya o papansinin, wala siyang ginawang kasalanan pero parang siya pa itong nagkamali, nang dahil lang sa pera ay nagkakaganun ang kaniyang pamilya. Malabo ang kaniyang paningin habang nagdadrive ng kaniyang kotse, tanging hikbi na lamang niya ang maririnig niya sa loob ng kaniyang kotse.Kahit na kulay pula ang kulay ng traffic light ay mabilis pa rin ang patakbo niya, wala na siyang pakialam
“What do you think?” muling napayuko si Tiffany dahil hindi niya alam na ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking nakasama niya sa isang hotel. Naramdaman niya ang pang-iinit ng kaniyang mukha dahil sa kahihiyan.“Alam kong isang malaking pagkakamali ang nangyari sa ating nung gabing yun. Pasensya ka na hindi ko kasi alam ang ginagawa ko.” nahihiya pa rin niyang aniya. Tila ba bumagsak ang balikat ni Samuel dahil sa narinig, na isang pagkakamali lamang ang lahat. Hindi niya na lamang pinansin iyun at seryosong kinausap si Tiffany.“I can help you with your problems young lady but in one condition.” Sinalubong ni Tiffany ang mga tingin ni Samuel. “You can tell me if what do you want to do so I can help you.”“Sino ka ba para tulungan ako? ni hindi mo ako kilala para alukan ng tulong mo. Who are you?” kunot noong tanong ni Tiffany. Napahilot naman panandalian sa noo si Samue
TIFFANY POVNaglalakad-lakad pa rin ako sa loob ng mansion niya. Mag-isa niya lang dito pero ganito kalaki ang tinutuluyan niya. Ang mga mayayaman nga talaga, mahilig gumastos ng malalaking pera. Nagtungo ako ng sala at kinuha ang remote ng napakalaki niyang tv. Kung susukatin mo ito ay parang hindi na sila magkakalayo ng nasa sinehan. Nakakapanuod pa ba iyun ng palabas kung ganun siya kabusy na tao? Inilipat ko na lamang ang chanel hanggang sa napahinto ako sa isang drama kung saan sinampal ng isang babae ang isa pang babae. Hindi ko alam kung sino ang bida sa kanilang dalawa.“Kaibigan kita pero ito ang gagawin mo sa akin? Pinagkatiwalaan kita Nicole pero inahas mo pa ang boyfriend ko! akala mo kung sino ka pang concern sa tuwing nag-aaway kaming dalawa pero ikaw pala ang nasa likod ng lahat!!” napangisi ako sa palabas, wala kaming pinagkaiba. Mapa-palabas man o mapa-totoong buhay ay nagkalat ang ahas, akala ko sa gubat lang s
Nandito ako ngayon sa garden at mag-isa. Pumasok sa kompanya niya si Samuel, ilang araw na akong nananatili dito sa bahay niya at halos araw-araw ko ring tinitingnan ang cell phone ko at naghihintay ako kung tatawagan ba ako ng pamilya ko o kung kakamustahin at tatanungin kung nasaan na ba ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Maging ang social media ko ay napakatahimik. Ang pangyayari sa kasal namin ni James ay hindi man lang naibalita sa mga media. Iba talaga ang nagagawa ng pera para mapatahimik lang ang lahat. Hanggang ngayon umaasa pa rin akong maaalala ako ng pamilya ko, pero kahit ano yatang titig ang gawin ko sa cell phone ko ay hindi nila ako tatawagan at tatanungin kung bakit hindi pa rin ako umuuwi.Napabuntong hininga na lang ako, ganun nila kadali kalimutan ang lahat para lang sa pera. Handa silang isakripisyo ang mga anak nila para lang sa pera.Bukas na ang kasal nila Ate Ava o dapat ko pa nga ba siyang tawaging Ate sa lahat ng nagawa niya
“Para saan ba talaga ang kwintas na yan Samuel?” panggugulo sa akin ni Noah. Ilang gabi ko na itong pinagpupuyatan at gusto ko ako mismo ang nagdesign ng kwintas na ‘to. Alam kong ang alam ni Tiffany ay marami akong ginagawa sa kompanya, ginagabi ako dahil pagkatapos ng trabaho ko ay ito naman ang ginagawa ko. Gusto kong maperfect ang design na ‘to. “Alam mo nagdududa na talaga ako sayo pare eh, pinakasalan mo ba si Tiffany dahil mahal mo siya o dahil lang talaga sa mana?” “Shut up.” “Masyado ka diyang seryoso, pre bagong kasal ka pero nandito ka sa opisina mo gabing gabi tapos yung asawa mo naghihintay sayo, kung naghihintay nga ba.” Napatigil na lang ako sa ginagawa ko dahil sa bwisit na bubwit na ‘to. “Joke lang, di ka naman mabiro.” “Get out, “Biro lang, sige na mananahimik na ako rito sa gilid.” “I said get out!” inis ko ng saad sa kaniya. Wala na siyang ginawa kundi ang bwisitin ako sa tuwing ito na ang ginagawa ko. Kakamot kamot naman siya sa ulong lumabas. Damn you Noah. G
Tahimik naman naming tinahak ang daan patungo sa kaniya. Gusto ko rin siyang makausap muna bago si Ava. Lahat naman kami nagkakamali, nakakagawa ng hindi tama. Nakakapag-isip ng hindi maayos, mapupuno ng galit ang puso mo at ang galit mo ay walang magandang patutunguhan, ang paghihiganti na akala mo ay makakapagbigay sayo ng satisfaction pero mali pala dahil hindi ka kayang pasayahin ng paghihiganti mo. Hayaan mong batas ang gumawa at tadhana na ang bahala.Ang mga akusasyon ni Ava na mali, masyado niya lang kasing napapansin ang mga taong nasa paligid niya. Hindi niya lang nararamdaman ang pagpapahalaga sa kaniya ng ibang tao dahil mas sinisilip niya ang iba.Mabilis naming tinahak ang daan papunta kay Ava matapos namin sa kaniya. Lumabas na rin ako sa kotse ng makarating kami, panay din ang yuko ng mga pulis na nakakasalubong ko.“Dadalawin ko sana si Ava Bautista.” Saad ko sa front desk. Pumasok naman na ako sa silid kung saan pw
Isang linggo na rin ang lumipas simula noong mangyari ang araw na yun. Noong mga nakaraang araw ay ramdam mo pa ang takot sa mga anak ko, halos hindi sila makatulog at makakain ng maayos. Mas pinili rin nilang manatili na lang sa loob ng bahay kaya medyo nahirapan talaga kaming kausapin sila pero ngayon okay naman na. Nakakatawa at nakakapaglaro na uli sila ng maayos at walang iniisip. “Daddy look out!” sigaw pa ni Daniel ng muntik tamaan ng bola ang Daddy niya. Mabilis namang nasalo ni Samuel ang bolang dapat ay tatama sa kaniya. Wala akong narinig kundi ang tawanan nilang mag-aama. “Mommy, ayaw mo po sumali?” “Kayo na lang muna baby, mas nag-eenjoy si Mommy na panoorin kayong naglalaro.” Sagot ko kay Sammy, nilingon naman ako ni Samuel at ngumiti kaya ngumiti na lang din ako. Masasabi kong kompleto na ang pamilya namin, wala ng ibang iniisip kundi ang kasiyahan ng bawat isa. “Bakit ang daya naman? Bakit kayo magkakampi?” rinig ko pan
“Pakiusap Samuel, makinig ka na lang.” “Pero Tiffany,” “Just listen to her, isipin mo ang mga anak natin. Hindi dapat nila ito nararanasan.” Nilingon ko naman siya at ipinakita ko sa kaniyang okay lang, magiging okay lang ang lahat. Wala naman na siyang nagawa at umatras na saka nakihalobilo sa mga taong nasa gilid. Nilingon ko naman si Ava. “Pakawalan mo na ang mga anak ko, ako lang naman ang kailangan mo at hindi sila. Nakikiusap ako sayo bilang ina, pakiusap Ava huwag mo namang iparanas sa mga bata ang ganitong klaseng pangyayari. Parang awa mo na.” “Oh sige, papayag ako. Meet your parents in paradise.” Anas niya saka itinutok sa akin ng mabuti ang hawak niyang baril. Lumandas sa pisngi ko ang maiinit na likido, nilingon ko si Samuel na nag-aalalang nakatingin sa akin. Ang mga anak ko ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito, hindi dapat ‘to nangyayari dahil alam kong tatatak sa isip nila ang lahat. Naipikit ko na lamang
Dahil sa pag-uusap naming dalawa kahapon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. May ngiti akong pumasok ngayon sa kompanya niya at nababati ko na pabalik ang mga empleyado niyang bumabati sa akin. Ngayon na rin namin itutuloy ang naudlot na photoshoot namin kahapon. “Sigurado ka ng itutuloy natin ang photo shoot?” “Oo naman, ang tagal na nito saka medyo okay na ako oh.” Ipinakita ko pa sa kaniya ang ngiti kong hindi pilit kaya natawa na lang siya. “Okay, let’s go.” Anas niya kaya sabay na kaming nagtungo kung saan gaganapin ang photoshoot. Inayusan naman na ako ng make up artist saka ko isinuot ang damit na gagamitin ko. Alam kong magiging maayos din ang lahat, tiwala lang. “Okay ready!” muling sigaw ng photographer kaya umayos na ako saka ako ngumiti sa camera. “Good, nice one!” pagpupuri niya, inayos ko naman na ang performance ko ngayong araw dahil hindi na pwedeng macancel pa ito. Alam ko rin namang marami pang gagawin ang mga
Tumayo naman na ako at nilibot ang bahay na ‘to. Nakasunod lang naman si Nanay Belen habang kwenekwento niya ang tungkol sa mga magulang ko. Pumasok din kaming dalawa sa kwarto niya at ibinigay sa akin ang isang photo album, kinuha ko naman iyun at binuklat. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang lumalandas ang mga luha ko. Nahaplos ko na lamang ang imahe ng mga magulang ko habang masayang nakatingin sa akin. Base sa nakikita ko ay galing talaga ako sa masaya at mapagmahal na pamilya, ipinagkait lang sa akin ng mga Santos ang bagay na yun.Nakita ko rin ang picture naming dalawa ni Ava ng magkasama at ganun na rin ng mga magulang niya. Magiging matalik sana tayong magkaibigan kapag nagkataon, kapag hindi lang nangyari ang lahat ng ito.“Alam po ba ni Ava ang tungkol sa ginawa ng mga magulang niya?”“Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na yun, nalaman niya lang na hindi kayo tunay na magkapatid ay noong bago
“Okay ready!” sigaw ng photographer ng maiset na nila ang lahat. Tumayo naman na ako sa gitna at sinubukan kong ituon dun ang atensyon ko pero parang hindi ko magawa. “Ms. Tiffany, may problema po ba?” umiling naman ako sa photographer saka sinubukan uling ngumiti sa camera pero naibaba na lang niya ang paningin niya sa camera. “Nakangiti ka pero hindi ang yung mga mata, magpahinga na po muna tayo dahil alam ko namang kagagaling niyo lang sa hospital.” “No its’s okay, wala pa tayong nasisimulan tapos pahinga agad?” “Okay lang po Ms. Tiffany hindi rin naman po tayo makakapagsimula kapag ganiyan pa rin ang itsura niyo.” Anas niya, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko lang talaga maituon yung atensyon ko sa shoot. Naupo naman na muna ako sa couch at uminom ng tubig, hindi ko naman na nilingon kung sino ba ang umupo sa tabi ko. Nakakailang buntong hininga na ako, inaalala ko pa rin sila Mommy at Daddy, naging magulang ko rin naman sil
“Naku Ma’am kami na po rito, magpahinga na lang po muna kayo ron. Kalalabas niyo lang po ng hospital eh.” Pagtatanggi niya naman. “Just listen to her Tiff, magpahinga ka na muna.” Singit naman ni Samuel na bagong pasok ng kusina. “Pero nababagot na ako, pakiramdam ko tuloy hindi na nagana iba kong kalamnan dahil sa tagal kong nakatulog at nakahiga sa hospital.” “Sinabi naman ng Doctor na huwag mong bibiglain ang sarili mo diba? Ano bang gusto mo magtrabaho pagkatapos ay manatili nanaman sa hospital? You choose.” Napabuntong hininga na lang ako, ang galing talaga magpapili. Wala naman na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng kwarto niya. “Ano bang gagawin natin dito?” “Sinabi ko naman sayong magpahinga ka na muna.” “Pero pwede naman sa pool o sa garden na lang ako, huwag lang sa kwarto.” Pinaupo niya naman ako sa kama niya habang nakatayo siya sa harapan ko kaya tiningala ko siya.
Mabilis namang lumipas ang mga araw. Masaya akong makakalabas na rin ako ng hospital, hindi naman nagmukhang hospital yung room ko dahil feeling ko nasa bahay lang ako. Pinadala naman na lahat ni Samuel ang mga gamit namin sa mga body guard niya kanina kaya wala kaming dala dala ngayong naglalakad palabas ng hospital. “Diretso na ba tayo sa bahay?” “Oo naman, saan mo pa ba balak pumunta? Namimiss ko na ang mga bata kaya sila muna ang pupuntahan ko.” “Baka gusto mo lang kasing pumunta muna sa condo mo.” “Dun na muna tayo sa mga bata. Gusto ko na silang makita.” Saad ko, hindi naman na umimik pa si Samuel. Marami na siyang nabiling mga pasalubong sa mga bata dahil iniutos niya na ito sa mga tauhan niya. Halos tatlong linggo ko silang hindi nakita kaya alam kong katulad ko ay nalulungkot din sila. Halos hindi ako makapaghintay bumaba ng buksan na ng mga security guard niya ang gate. Nang maiparada na rin ni Samuel ang sasakyan