Si Seira Anthonette at Jairus Gael ay matalik na magkaibigan mula pagkabata. Nang sila ay lumaki at natuto, nakaramdam sila ng pagnanasa sa isa't isa. Kahit na mayroong nangyayareng milagro sa kanila ay hindi pa rin nawala ang pagkakaibigan nila. Nahulog ang puso ni Seira kay Jairus. Samantalang si Jairus ay may ibang napupusuang babae na balak niyang pakasalan. Nang malaman ni Seira na nagdadalang tao siya at napag-alaman niyang magpapakasal si Jairus sa kaniyang nobya. Mas pinili ni Seira na lumayo at itago ang batang dinadala niya. Anong mangyayare kung muling magtagpo ang landas nila Seira, Jairus at ng kanilang anak? Anong mararamdaman ni Jairus kapag nalaman niyang tinago sa kaniya ni Seira ang katotohanan?
View MoreSeira Anthonette's P. O. V.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Amoy ko ang bango ng alcohol sa paligid, noon ko napagtanto na nasa loob ako ng hospital. Nakita ko si Dorothy na nasa tabi ko at nakayuko."D-Dorothy..." bulong ko.Napaangat siya ng tingin sa akin, bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang braso niya."How come that you're pregnant?" tanong niya kaagad."K-Kamusta ba ang baby ko?" Napaiwas siya ng tingin."Okay naman, you bleed due to stress. The Doctor said, you must rest atleast a week." Tumayo siya. Pinanood ko siyang kumuha ng isang paper bag na puno ng pagkain."Binili ni Iverson bago siya umalis," cold niyang sabi sabay abot sa akin ng paper bag.Sinilip ko ito, una kong kinuha ang vegetables salad. Akmang kakainin ko na ito pero pansin ko pa rin ang galit sa mukha ni Dorothy."Dorothy... Sorry, hindi ko lang alam kung paano ko aaminin 'to.""Seira, kumain ka na. Kailangan 'yan ng baby mo. Magkwento ka lang, makikinig ako sa 'yo." Sumanda
Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira."Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya."Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami."Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.Sumama ako sa kaniya patungo
Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira."Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya."Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami."Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.Sumama ako sa kaniya patungo
Jairus Gael P. O. V. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Isang linggo na akong nababaliw kakahanap kay Seira, dahil isang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Minsan ay nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak, hindi ko kailan man kinaya na hindi siya kausapin sa loob ng isang araw. Sampung taon, hindi ko akalain na mawawala na lang siya bigla.Narito ako ngayon sa tapat ng pinto ng bahay nila Seira, nagbabakasakali na kakausapin na ako ni Tita Sonya matapos niya akong palayasin kahapon dahil sa kakatanong ko kung nasaan si Seira. Tila ba naglayas siya, galit sa kaniya si Tita Sonya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin, kung pwede ko naman siyang ampunin na lang, dito na lang siya sa bahay."Tita Sonya!" sigaw ko at muling kinatok ang pinto.Ilang minuto na akong nakatayo rito. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako dahil hindi ako mapakali. Kailangan ko malaman kung nasaan siya, kung may problema ba, kung napaano na ba siya, at kung anong lagay niya ngayon?"Tita Sony
Seira Anthonette's P. O. V.Paglapag ng eroplano, muli kong binuksan ang cellphone ko para i-message si Dorothy na nandito na ako. Nag-usap kami na susunduin niya ako sa terminal three, dahil dito ang labas ko. Kinuha ko na ang baggage ko mula sa baggage center saka tumayo sa labas. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, palubog na ang araw. Biglang lumabas ang notification sa aking cellphone, ang daming missed calls ni Jairus at messages. Wala na akong balak i-seen ang mga iyon. Hindi na niya ako kailangan, nariyan na si Vinalyn sa tabi niya habambuhay.Tinanggal ko ang sim card ng aking cellphone. "Seira!" napalingon ako sa gilid ko.Nakita ko si Dorothy, nakangiti ito habang sinasalubong ako. Hindi ko napigilan ang maiyak, sa wakas ay nagkita na kami matapos ang ilang taon na sa cellphone lang kami nag-uusap.Niyakap ko siya, napasubsob ako sa balikat niya at hinayaang bumuhos ang luha ko. Hinagod niya ang aking likod. "Oh, Seira! Bakit ka umiiyak? Does something happened?" a
Jairus Gael's P. O. V.Hawak ko ang isang magazine, puno ito ng litrato pangkasal. Gusto kong si Seira mismo ang pumili ng gusto niyang masuot sa araw ng kasal ko. Kailangan ko ito gawin, this is the only way I thought of... Para manatili kaming magkaibigan."Seira?" tawag ko at akmang bubuksan ang gate ng bahay nila.Bigla kong nakita si Tita Sonya na may hawak na isang walis tambo. Lumakad ito papalapit sa akin. "Tita, nasaan po si Seira?" tanong ko at tuluyan kong binuksan ang gate nila.Lumapit ako at kinuha ang kamay ni Tita Sonya para magmano. Rinig ko naman malalim nitong paghinga."Umalis." Tumango ako at ngumiti, itinago ko sa likuran ko ang magazine na hawak ko."Saan po pumunta?""Hindi ko alam," walang gana niyang sagot."Anong oras po kaya siya babalik?"Hindi niya ako sinagot, nawala ang ngiti sa aking labi nang talikuran niya ako. Akmang hahabulin ko si Tita Sonya pero mukhang galit siya. Napabuntong hininga lamang ako at kinuha ang cellphone ko na nasa aking bulsa."
Seira Anthonette's P. O. V.Kakatapos lamang ng graduation namin, nakita ko ang mga tropa ko na nagtatalunan sa tuwa. Gusto ko ring makitalon pero may iniingatan akong bata sa sinapupunan ko. Bigla akong nilapitan ni Sammy."Girl! Picture naman tayo," aniya sabay ayos sa aking suot na toga."Tara, barkada goals!" ani ko.Tumayo kami sa harapan ng stage. Tinawag ni Sammy ang isang kaklase nila para picture-an kami nina Gil, Raiko at Sammy. Bigla namang tumakbo si Jairus papalapit sa amin. "T*ngina niyo! Hindi niyo 'ko inaaya!" sigaw ni Jairus. Nagulat ako nang tumabi ito sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at mahigpit na hinawakan ang balikat ko. Dikit na dikit ang katawan niya sa akin."Tingin na dito!" sigaw ng estudyante na kukuha sa amin ng litrato."One! Two! Three! Smile!"This is, our last picture together...Balak ko nang bumili ng ticket ngayong araw. Bibilhin ko ang maagang flight dahil gusto ko na agad makaalis, makalayo, makapagsimulang muli.Nanin
Seira Anthonette's P. O. V. Hawak ko ang aking tiyan, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ngayong alam ko na talaga na buntis ako, parang sobrang arte ng pag-iingat ko sa sarili ko. Ngayon kasi ay nagpa-practice kami ng graduation ceremony, paulit-ulit kaming lumalakad sa stage at nagba-bow. Kinakabahan naman ako na baka matagtag ang katawan ko at mapasama ang baby ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong may laman ang tiyan mo, nabubuhay na kailangan mong ingatan. Nagiging praning na ako."Seira, gusto mo ng tubig?" Napatingin ako kay Jairus, nakatayo ito sa gilid ko at may hawak na bottled of water."Salamat," ani ko at tinanggap ito.Pinunasan ko ang aking pawis saka uminom ng tubig na ibinigay niya. Umupo siya sa tabi ko, napakunot naman ang noo ko, baka mamaya makita na naman kami ni Vinalyn at bumunganga na naman siya."Seira, mamaya alam mo na." Napabuntong hininga ako, heto na naman siya para ipaalala ang proposal na magaganap mamaya. "Oo, na-set up naman na." "Bu
Seira Anthonette's P. O. V.Itinago ko ang pregnancy test at ultrasound sa isang kahon ng luma kong sapatos. Inilagay ko ito sa ilalim ng vanity mirror ko, nagdarasal na huwag iyon galawin ni Mama. Hindi ko pa alam paano ko sasabihin sa kaniya, hindi niya pwedeng malaman 'to lalo na't hindi pa ako guma-graduate ng kolehiyo.Ano na lang ang iisipin niya? Na kagaya lang ako ni Kuya Benjie, nagpabaya sa pag-aaral at nabuntis. Saka ko na sasabihin kay Mama ito. Kailangan ko lang maging settled financially. Kailangan ko ng pera para sa ultrasound at vitamins na kailangan ko i-take ngayong buntis ako. Ayoko ito ipalaglag, hindi ko papatayin ang sarili kong anak. Kinuha ko ang cellphone ko at napahiga sa kama ko. Tinawagan ko si Dorothy, nakakadalawang missed ko na ako, ayaw niya sumagot. Kailangan ko ng pera..."Dorothy!" hiyaw ko nang sagutin niya ang tawag."Ano na? Kamusta pagpapakatanga mo. Ang dami mo pa lang missed call, naliligo ako, beh!" aniya.Napangiti ako, siya lang ang malalap
Sumasakit ang ulo ko, dahil ito sa hang-over. Napasarap ang inuman namin sa Bar kagabi kasama ang barkada ko. Ngayon ay late na ako sa trabaho. Nakapikit lang ako buong byahe dahil gusto ko pa talagang matulog, pero hindi pwede, dahil ako ang CEO ng company."Sir Jairus, nandito na po tayo."Napadilat ako nang magsalita ang driver ko. Tumingin ako sa paligid, nakita ko naman ang mga employee na nakapila sa entrance. Heto na naman sila para bumati ng sabay-sabay, araw-araw na lang.Binuksan ng secretary ko ang pinto ng kotse. Yumuko siya habang papalabas ako, nagsipa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments