His Three Faces

His Three Faces

last updateHuling Na-update : 2023-04-06
By:   Hiraya  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
33 Mga Ratings. 33 Rebyu
73Mga Kabanata
5.5Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Ano ang mga bagay na kaya mong isakripisyo para sa iyong pamilya? Ano nga ba talaga ang mas matimbang, ang hustisya para sa taong biktima o ang kalayaan ng taong mahal mo sa buhay? Kilalanin si Calixta Villanueva, isang ordinaryong babae na nangangarap yumaman, kayang tahakin ang lahat umasenyo lamang sa buhay. Isang araw tila tinupad ng panginoon ang kaniyang dalangin dahil may isang flyer na lumapat sa kaniyang mukha na may nakasulat na WANTED PERSONAL MAID. Akala ni Calixta ay dito na magsisimula ang kaniyang magandang kapalaran ngunit hindi niya inaasahan na ang trabahong kaniyang pinasok ay isang susi para mabungkal ang itinatagong lihim ng kaniyang pamilya. Paano nga ba haharapin ni Calixta ang bawat hamon ng buhay kung ang mga taong kaniyang pinagkukunan ng lakas ay mismong kasangkot sa isang madilim na trahedya.

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata I

“Robinson! Robinson!” Sigaw ng lalaking may hawak na karatulang may nakasulat na robinson. Sobrang siksikan ngayon at halos hindi na ako makalusot sa mga nag daragsaang tao. Pakiramdam ko ay makakalas na ang mga buto ko sa katawan dahil kanina pa ako nakikipag balyahan sa mga kalalakihan dito na nakalimutan na ata ang salitang ‘gentleman.’ sa diksyonaryo kung hawiin at itulak ako ay basta-basta na lamang.“Isa pang tulak ilalabas ko na ang tinatago kong tehniques.” Bulong ko sa sarili habang masama ang tingin sa babaeng mukhang sugpo na kanina pa tulak nang tulak dahil nakadikit sa akin ang nobyo niya. Ba't parang kasalanan ko pang siksikan ngayon?“Isa..dalawa...tatlo...action!” Pag bibilang ko sa isip ko bago umarte na parang nahihirapan na sa pag hinga habang hawak-hawak ang aking tiyan.“Aray! Huwag n'yo naman ako masyadong ipitin at itulak. Buntis ako ano ba!!” Galit na sigaw ko...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

10
100%(33)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
33 Mga Ratings · 33 Rebyu
Leave your review on App
user avatar
Pyrost
atee, hihintayin ko po next update mo hehe.
2024-01-29 22:32:03
0
user avatar
Pyrost
makikigulo lang ako dito hehe. goodnight. next time ulit ako magbabasa.
2022-11-07 22:01:26
1
user avatar
Pyrost
naks, 3.5k na. T•T waahh.
2022-11-07 21:59:40
1
user avatar
Pyrost
3k naaa omg. congratulations. more updates to come ateeee.
2022-10-01 14:19:26
1
user avatar
Jocelyn Marcelino
ganda ng kuwento..
2022-09-24 12:16:17
1
user avatar
Pyrost
Halaaaa, 2.5k naaaa. Congratssss ateeeee.
2022-09-09 22:21:15
1
user avatar
Hiraya
Maraming salamat po sa patuloy na pag subaybay. 🤍
2022-08-20 09:25:31
1
user avatar
Docky
Omg waiting sa update ...️ Worth it naman hintayin kasi magandaaaaa
2022-06-29 10:47:06
1
user avatar
Pyrost
1.4k congrats! Waiting sa next update aaahhh kinabahan ako don sa last chapter mo ate, ano kayang mangyayari shesh, maghihintay si self.
2022-06-23 18:03:35
1
user avatar
Pyrost
Habang tumatagal gumaganda ng gumagandaaaaaa.
2022-06-11 10:45:03
1
user avatar
Pyrost
Good luck ateeeeeeeeee.
2022-06-11 10:43:29
1
user avatar
Pyrost
Fiveee starss. More revelations paaa shemzz.
2022-06-11 10:38:57
1
user avatar
Rona Doctorr
paganda ng pagandaaaaa
2022-06-04 17:06:27
1
user avatar
Pyrost
Naks, level up ate ko. Keep it up.
2022-05-24 22:58:36
1
user avatar
xxmarieeexx
Congratulations! Your book is good. Keep writing!......️
2022-05-21 13:40:12
1
  • 1
  • 2
  • 3
73 Kabanata
Kabanata I
 “Robinson! Robinson!” Sigaw ng lalaking may hawak na karatulang may nakasulat na robinson. Sobrang siksikan ngayon at halos hindi na ako makalusot sa mga nag daragsaang tao. Pakiramdam ko ay makakalas na ang mga buto ko sa katawan dahil kanina pa ako nakikipag balyahan sa mga kalalakihan dito na nakalimutan na ata ang salitang ‘gentleman.’ sa diksyonaryo kung hawiin  at itulak ako ay basta-basta na lamang.“Isa pang tulak ilalabas ko na ang tinatago kong tehniques.” Bulong ko sa sarili habang masama ang tingin sa babaeng mukhang sugpo na kanina pa tulak nang tulak dahil nakadikit sa akin ang nobyo niya. Ba't parang kasalanan ko pang siksikan ngayon?“Isa..dalawa...tatlo...action!” Pag bibilang ko sa isip ko bago umarte na parang nahihirapan na sa pag hinga habang hawak-hawak ang aking tiyan.“Aray! Huwag n'yo naman ako masyadong ipitin at itulak. Buntis ako ano ba!!” Galit na sigaw ko
last updateHuling Na-update : 2022-03-12
Magbasa pa
Kabanata II
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag-asikaso. Nag luto muna ako ng pagkain ni tatay at ng kambal bago naligo at nag bihis. Suot ko ngayon ang isang maong na palda na hanggang sa ilalim ng tuhod ang haba, Puting polo long sleeve na halos manilaw na sa kalumaan at isang puting sapatos na binili ko sa buraot kanina buti nga at nag kasya kahit medyo masikip sa akin ay ayos lang. “Anak, Nakagayak ka na pala. Sana ay ginising mo ako para mapag baunan kita ng pagkain.” sabi ni tatay ng makita akong nakaharap sa salamin at nag-aayos ng buhok.“Opo tay, Hindi ko na kayo ginising para makapag pahinga pa po kayo nang matagal. Kayo na po muna bahala sa bahay 'tay ha? Pag sigurado na ako rito sa trabahong ito pwede na po kayong tumigil sa pag tatrabaho tutal naman ay malaki ang pasweldo ng boss ko.” sabi ko sabay ngiti. Totoo 'yung sinabi ko kay tatay. Medyo may edad na kasi siya at madami ng sakit sa katawan. Minsan kahit nakaupo lang siya ay
last updateHuling Na-update : 2022-03-12
Magbasa pa
Kabanata III
 Pag katapos kong mag pakilala ay tumunog ang kaniyang telepono at dali-dali naman siyang umalis ng hindi kami nililingon. “Hmm, Puwede mag tanong?” Tanong ko kay Mr. Modus. Nandito pa rin kami sa opisina ni Sir. Salazar at hinihintay siya para mapag-usapan na namin ang aming kontrata. “Sure what is it? You can ask me anything. By the way, I am Alexzus Montero. You can call me Ajax.” Sabi niya at nag lahad ng kamay. “I'm Calixta.” kinuha ko ang kamay niya upang makipag shake hands. “Can I call you Calix?” he suggested. I shaked my head before I answer his question. “Pangalan ng kapatid ko iyon. You can call me ganda na lang.” sabi ko at natawa noong umarte siya na parang nasusuka. “Kapal ng mukha mo. May kasalanan ka pa sa akin. Aarte ka pang ayaw mo sa ganitong trabaho pero rito rin pala bagsak mo.” he directly said habang nakataas an
last updateHuling Na-update : 2022-03-12
Magbasa pa
Kabanata IV
 “Galit ka ba sa akin?” Tanong ko kay Ajax dahil napapansin kong hindi niya ako masyadong kinikibo at parang iritado rin siya sa akin mula pa kahapon.“Ano sa tingin mo?” Walang gana niyang sagot. Napabugtong hininga ako. “Alam kong galit ka.” Wika ko at malungkot siyang tinignan.“Alam mo naman pala bakit ka pa nag tatanong?” Iritadong usal niya.Alam kong galit si Ajax sa akin dahil sa ginawa kong pag takbo nung nakaraang araw. Oo, dalawang araw na ang lumipas mula nang nakita ko si Khuaqin at tinakbuhan. Kasalanan ko ba? Natakot lang naman ako at idagdag mo pa ang kakaibang kabog ng dibdib ko.“Pasensya na Ajax, Nabigla lang talaga ako. Hindi ko naman sinasadya.” Mahinang usal ko. Ayaw kong sabayan ang init ng ulo niya dahil ginagalang ko pa rin naman siya bilang kaibigan ng amo ko. Hindi porket maayos niya akong kinausap at pinakisamahan nung nakaraang araw ay may ka
last updateHuling Na-update : 2022-03-21
Magbasa pa
Kabanata V
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas mula ng nag punta ako sa loob ng palikuran upang mag buhos ng malamig na tubig. “Hays, Kainis naman.” Sambit ko habang nakaharap sa salamin. “Wala akong pamalit,” Ani ko habang tinititigan ang sarili. Basang-basa ang bandang dibdib ng suot kong damit at amoy sinigang ito. Gusto sanang labhan ngunit baka abutin pa ito ng tatlong oras para lang matuyo kaya sinuot ko na lamang ulit pag katapos kong mag buhos. Napabugtong hininga ako. “Kaya mo iyan Calixta. Lalabas ka lang naman at lilinisin ang kalat.” Pampalakas loob ko sa sarili. Pag labas ko ay naabutang ko si Mr. Salazar na nakaupo sa dulo ng kama patalikod sa aking gawi. Nakayuko siya habang hawak ang kaniyang sintido at hinahaplos iyon nang dahan-dahan. “Ahm... Mr. Salazar ayos lang po ba kayo?” tanong ko at lumapit sa kaniya ng kaunti. Hindi naman siya kumibo kaya nag-alala ako. “May masakit po ba sa inyo?” tanong ko ulit at sa pag kakataong ito ay bumaling siya sa akin
last updateHuling Na-update : 2022-03-24
Magbasa pa
Kabanata VI
 “Oh, Bakit ka lumabas ng kuwarto? Ayos ka na ba?” Tanong ni Ajax na akala mo ay kasintahan niya ito na dapat alam niya ang kinikilos at nararamdaman nito.“I'm perfectly fine.” Aniya ngunit sa akin pa rin nakabaling ang nag susungit niyang mga mata.“Good to know. You want something?” Tanong ni Ajax tsaka inabot sa akin ang paper bag. “Binili kita ng damit. I hope you like it.” Mahinang sambit niya.“Where's my food?” Putol ni Mr. Salazar sa aming usapan bago siya padabog na naupo sa hapagkainan.“Chill bro, Bakit ba ang sungit mo?” Natatawang tanong ni Ajax at naupo na rin sa tabi nito.“Ah.. Iinitin ko pa lang po.” Mahinang sambit ko.“That is shit! Nagawa mong makipag landian pero hindi mo ko magawang pag handaan?” Galit na saad nito na kinayuko ko.“Tyler, It's not flirting, stop your shit right now.” Paliwanag
last updateHuling Na-update : 2022-04-01
Magbasa pa
Kabanata VII
“Kumusta siya?” Tanong ko kay Ajax ng nakita ko siyang lumabas ng kuwarto ni Mr. Salazar. Dinala niya roon si Khuaqin dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. Gusto ko mang sumama sa loob ay pinigilan ako ni Ajax at sinabing linisan ko na lamang ang naiwang kalat sa kusina. “Pinainom ko ng pampatulog.” Tila walang buhay na sagot nito. “Ligtas ba sa kaniya iyon?” Nag-aalalang tanong ko. Sabi kasi sa akin ni Tatay ay mayroong pagkakataon na iyong mga taong umiinom ng pampatulog ay hindi na nagigising. “Yeah, prescribed by his doctor.”  Muling naghari ang katahimikan. “Ajax, gusto sana kitang makausap.” kinakabahang sabi ko sa kanina. Nakapag desisyon na ako. Sa nangyari kanina ay hindi ko na gugustuhin pang ipag patuloy itong trabaho na ito.  “Let's talk inside his office. Kuha lang akong maiinom.” Aniya. Sumama ako sa kaniya papuntang kusina. Dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng dalawang beer. “Let's go.”&nb
last updateHuling Na-update : 2022-04-08
Magbasa pa
Kabanata VIII
Ang tao ay may iba't ibang paraan upang ilabas ang kanilang saloobin. Iyong iba ay nagiging matalino sa pag buo ng isang maayos na komunikasyon at ang iba naman ay nagiging padalos-dalos sa kanilang binibitawang salita at kilos, at sa pag kakataong ito ay masasabi kong ako iyong pangalawa.Naalala ko pa noong bata ako, sabi sa akin ng aking lola ay dapat daw tayong matutong iugnay ang ating nararamdaman sa kalikasan na nilikha ng panginoon at iyon ang nakaugalian kong gawin tuwing malungkot ako. Lumaki akong walang matatawag na kaibigan dahil sa murang edad ay kinakailangan ko ng kumayod upang hindi mapasabay sa agos ng buhay. Kung mahirap ka kailangan mong mag sumikap hindi iyong magkakaroon ka ng isiping ‘Pinanganak kang mahirap kaya mamatay kang mahirap’. Matuto tayong mag sumikap at mag tiyaga. Huwag tayong mag pasabay sa agos ng sirang daan kundi dapat tayo mismo ang gumawa ng ating bagong daraanan.  “Malungkot ka rin ba tala? Bakit ti
last updateHuling Na-update : 2022-04-13
Magbasa pa
Kabanata IX
“Anak, kalabitin mo nga ang ate Calixta mo dahil tila tulala na naman.”“Tay, bakit po laging ganiyan si Ate? Para tuloy siyang nakakatakot na monster.” Nag hagikgikan pa ang mag-ama na akala mo ay hindi nila ako katabi para pag-usapan ng ganiyan kalakas.“Salbahe ka Calix, baka pagod lang si ate kaya ganoon.” Pag tatanggol sa akin ni Calixus at tinulak pa nang bahagya ang kapatid.“Oh, masama iyang mag-away, ha. Kayong dalawa talaga ay kay titigas ng ulo ninyo.” sermon ni tatay bago tumayo at umalis para kumuha ng maiinom sa kusina.“Alam mo ba Calix, pakiramdam ko mayaman na tayo.” Binigyan ko ng pansin ang usapan ng mag kambal. Saan kaya nang galing iyang chismis na 'yan ni Calixus, Anong mayaman? kung alam lang nila kung papaano namin ginagapang ang kahirapan para sa kanila.“Paano mo naman nasabi? Dahil ba itlog at sinangag na ang ulam natin kanina at hindi na tuyo na may bagoon
last updateHuling Na-update : 2022-04-14
Magbasa pa
Kabanata X
“Calixta! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap!” Hinihingal na sabi ni Aling Lina.Nandito ako ngayon sa palengke at bumibili ng itlog para mas makamura. “Bakit po? May problema po ba?” Kunot noong tanong ko.“Iyong bahay ninyo, pinagkakaguluhan ng mga kapit-bahay!” Kapos hiningang sabi nito bago humawak sa aking balikat bilang suporta.“Huh? Bakit, anong nangyayari?” Nag-aalalang tanong ko.“Kasi ano..ano kasi..” tila nag dadalawang isip pa ito kung sasagutin ang aking tanong. Nang napansin kong wala akong makukuhang impormasyon sa kaniya ay dali-dali akong naglakad ng may mabibilis at malalaking hakbang papuntang bahay. Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang mga kabit-bahay naming nag-uumpukan habang nakatingin sa gawi ng aming bahay.“Nandiyan na si Calixta! Paraanin ninyo,dali!” Natatarandang sigaw ng lalaking nakaupo sa may inu
last updateHuling Na-update : 2022-04-16
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status