“Robinson! Robinson!” Sigaw ng lalaking may hawak na karatulang may nakasulat na robinson. Sobrang siksikan ngayon at halos hindi na ako makalusot sa mga nag daragsaang tao. Pakiramdam ko ay makakalas na ang mga buto ko sa katawan dahil kanina pa ako nakikipag balyahan sa mga kalalakihan dito na nakalimutan na ata ang salitang ‘gentleman.’ sa diksyonaryo kung hawiin at itulak ako ay basta-basta na lamang.
“Isa pang tulak ilalabas ko na ang tinatago kong tehniques.” Bulong ko sa sarili habang masama ang tingin sa babaeng mukhang sugpo na kanina pa tulak nang tulak dahil nakadikit sa akin ang nobyo niya. Ba't parang kasalanan ko pang siksikan ngayon?
“Isa..dalawa...tatlo...action!” Pag bibilang ko sa isip ko bago umarte na parang nahihirapan na sa pag hinga habang hawak-hawak ang aking tiyan.
“Aray! Huwag n'yo naman ako masyadong ipitin at itulak. Buntis ako ano ba!!” Galit na sigaw ko kunwari at parang may himalang nangyari dahil unti-unting lumuluwag ang paligid at may mga naririnig pa akong bulungan na paunahin daw ako mamayang sumakay pag may dumating ulit na jeep dahil buntis ako.
“Ah–eh..Miss, Pasensya na at nabangga kita kanina, Alam mo na.. Siksikan din kasi talaga. Sana sa susunod huwag ka na mag punta sa ganitong lugar lalo na at buntis ka.” sabi ng lalaking katabi ko na sa tingin ko ay lagas trenta na ito.
“Pasensya na rin po, Ano kasi.. sinundo ko kasi 'yung asawa ko sa bahay ng kabit niya dahil nagugutom na kami ng mga anak niya.” Palusot ko.
“Hala! Talaga ba miss? Oh, Ano nakita mo po ba siya?” usisa niya.
“Ah–eh hindi nga eh,” sabi ko bago humawak sa ulo at pumikit ng bahagya.
“Ayos ka lang ba miss?” Humawak pa siya sa braso ko para alalayan ako.
“Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang dahil hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga.” sabi ko at pasimleng bumulong na sana ay kumagat siya sa plano ko at parang napaka swerte ko naman talaga ngayong araw dahil kinuha niya ang pitaka at nakita kong may hinugot siya roon, bago pa man siya makalingon sa akin pabalik ay naiwas ko na kaagad ang tingin.
Nagulat ako noong kinuha niya ang kamay ko at may nilagay doon na pera. “Miss, Ito dalawang daang piso. Mag bus ka na lang pauwi at bumili ka na rin ng makakain mo.” aniya. Nakonsensya naman ako sa kabaitan na ipinakita ni kuya. Parang ayaw ko ng tanggapin ang perang binigay niya ngunit baka wala kaming makain mamaya ng mga kapatid ko kapag hindi ko ito tinanggap. Ako pa naman ang nakatoka sa pag bili ng ulam ngayong gabi.
“Hala! Kuya nakakahiya naman po.” Nahihiyang kunwaring saad ko bago tiniklop ang aking palad upang mahawakan ang pera. Tinitigan ko si kuya at tinignan ang kaniyang ID, Isa siyang sikyo at binasa ko ang kaniyang pangalan upang tandaan para kapag naging mayaman ako ay hahanapin ko siya para masuklian itong tulong niya. Malay niyo manalo ako sa lotto kahit 'di ako tumataya. Natawa naman ako sa sarili kong biro bago umiling.
“Ayos lang miss, Mahalagang makauwi kang ligtas at ang bata sa tiyan mo.” sabi niya sabay sulyap sa tiyan ko. Nginitian ko naman siya bago nag paalam.
“Salamat kuya. Mauna na po ako.” paalam ko sabay talikod na sa kaniya upang makaalis na sa magulong lugar. See, easy money.
Ito ang gawain ko tuwing hapon, ang mang modus ng tao. Kahit ayaw ko man ay wala akong magawa dahil walang tumatanggap na magandang trabaho sa akin dahil 'di naman ako nakapag tapos ng pag-aaral ngunit kahit na ganun ay masasabi kong ayos lang dahil mas may dapat na inuuna kaysa sa pag-aaral ko.
“Calix, Calixus! Nasaan kayo?” tawag ko sa magkambal. Sampong taon na sila at talagang malulusog ang pangangatawan kahit na salat kami sa buhay.
Ang bahay namin ay hindi kalakihan, sakto lamang ito para sa isang pamilya. May dalawang kuwarto para sa akin at para sa kambal kong kapatid tapos si tatay ay sa sala natutulog dahil may papag naman doon.
“May dala akong pagkain, Tara, dali. Kumain na tayo.” Maya-maya ay narinig ko na ang sigawan at yapak ng mga kapatid ko galing sa kusina.
“Ateee! Nandito ka na!” Maligayang sabay na sabi nila at niyakap ako sa baywang bago kinuha ang pagkain at inihanda.
Ako na ang tumatayong ina nila mula ng iwan kami ng aming ina at pumuntang Japan upang mag trabaho. Sabi niya ay babalik siya ngunit pag kalipas ng dalawang buwan na pag tatrabaho ay hindi na muling nag paramdam. Si tatay at ako ang nag tutulungan upang itaguyod ang kambal upang makapag-aral. Sa ngayon ay nasa ika-apat na baitang na sila at masasabi kong matatalino silang mga bata.
Kinaumagahan ay kinakailangan ko na namang kumayod. Labandera sa umaga, taga hugas ng pinggan sa tanghali ng isang maliit na karinderya at magaling na modus tuwing hapon. Nakakapagod ang buhay ngunit dapat mag sumikap. Hindi lamang ako ang nakasalalay sa trabaho ko sa pang araw-araw kundi pati na rin ang pamilya ko.
“Ano? Calixta, late ka na naman. Aba, baka akala mo ikaw ang amo dito para umasta kang ganiyan!” Sita ni Aling Lolita nang napansin akong papasok sa kusina.
“Sensya na Aling Lolita, madami lang talagang labahin.” Pag dadahilan ko sa kaniya kahit hindi naman talaga ako sobrang nahuli sa trabaho, limang minuto lamang ngunit galit na kaagad siya. Napakamot na lamang ako ng ulo.
“Aba nag dadahilan ka pa diyan. Umalis ka na nga rito at na aalibadbaran ako sa iyo.” aniya at natawa ako. Buntis kasi si Aling Lolita sa ika-pito niyang anak. Pakiramdam ko nga ay ako ang pinag lilihian dahil lagi siyang galit sa akin. Nako, kung ako man ang pinag lilihian niya ay napaka swerte ng magiging anak niya dahil talagang maganda ako. Natural na maputi ang aking mga balat, itim at bilugan ang aking mga mata, matangos ang ilong at natural na mapula ang mga labi.
“Oh, anong itinatawa mo diyan? umalis ka na rito at mag hugas ka na roon bago pa kita mahampas ng sandok.” sabi niya at dali-dali naman akong tumakbo papuntang kusina at nag hugas.
“Una na ako Calixta. Kita na lang ulit tayo bukas.” Paalam sa akin ni Albert sabay kaway ng kaniyang kamay at pabirong nag flying kiss. Alam ko naman na may gusto siya sa akin dahil dati na siyang nag paparamdam ngunit hindi ko pinapansin dahil madami akong pangarap sa buhay at wala sa isip ko ang love life na iyan.
“Calixta, Makisuyo ako saglit. Pasabay ng basura pagkalabas mo.” pakikisuyo ni Aling Lolita na akala mo ay hindi ako sinungitan kanina. Buong oras ng trabaho ko kaya ay galit siya sa akin at panay sita.
“May bayad bente ‘to ha.” sabi ko sabay pulot ng isang plastik ng basura at lumabas ng karinderya
“Miss, Excuse me. Can I ask something?” Napalingon ako sa lalaking biglang nag salita sa bandang likuran ko at halos matisod ako ng makita ko ang kaniyang itsura. Jusko.. nasa langit na ba ako? bakit may anghel sa harapan ko? Isang lalake na naka itim na T-shirt at maong pants with white converse shoes ang nasa harapan ko ngayon. Makapal ang kaniyang kilay, matangos ang ilong, may manipis at mapulang labi, kulay brown ang mga mata at moreno. Omggg! Nasa langit na nga ata talaga ako.
“Miss, Can you please close your mouth? 'Yung laway mo kasi tumutulo.” parang bigla akong nagising sa katotoohanan at napahawak sa labi ko.
“Gago! Pinag loloko mo ba ako?” sabi ko sabay hampas sa kaniya ng bag na dala ko. Yung plastik ng basura nga dapat 'yung ihahampas ko kaso maganda ang kaniyang damit, gwapo at mabango.. amoy mayaman.
“Ouch, you don't need to hurt me.” Reklamo niya habang maarting hinahaplos ang kaniyang braso.
“Huwag mo nga akong english-in dahil hindi tayo mag kakaintindihan.” sabi ko sabay irap sa kaniya. Bwisit na 'to, Ako na nga ang binulabog ako pa eenglish-in, Tss.
“Okay I'm sorry. So yeah.. Ano... nabasa ko kasi 'yung pinasa mong requirements sa Salazar Hotel.” Napatitig ako sa kaniya noong narinig ko iyon dahil sa totoo lang ay hindi naman ako nag-aapply sa mga hotels dahil matataas ang standard, Kahit ata janitor kailangan high school graduate eh pag lilinis naman ang trabaho nun hindi naman mag-aalgebra.
“Woy! Huwag mo akong minomodus ha, Alam ko na iyan. Gawain ko rin 'yan.” Sabi ko at nag patuloy na sa pag lalakad. Grabe, gwapo nga kaso may saltik ata.
“No, Miss ano... Gusto ko sanang personal na sabihin sa iyong nakapasa ka.” natigilan ako sa paglalakad at tinitigan ang lalake. Mukha siyang mayaman ngunit hindi ako mag papaloko.
“Baka modus ka, Nako! Patingin ako ng pitaka mo.” sabi ko sa kaniya. Alam ko kasi ang mga credit cards ng mga mayayaman ay nakahalera sa pitaka nila.
“Here Miss, you can check,” hindi ko inaasahan na papayag siya pero dahil inabot niya na sa akin ang pitaka niya ay kinuha ko iyon. Halos lumuwa ang mata ko noong makita ang mga black at Gold credit cards at napakaraming cash.
“Ah–eh, hahahaha. Ano nga ulit 'yung pag-uusapan natin?” Tanong ko sakaniya sabay bigay ng alangin na ngiti. Alam kong 'di talaga ako ang taong hinahanap niya pero bahala na. Kailangan ko ng mas magandang trabaho.
“Miss, Madali lang 'tong work mo. Need mo lang maging Personal maid ng kaibigan ko.” Ah maid lang pal– WAITTT “Akala ko ba hotel!?” napakamot siya ng ulo sabay bigay sa akin ng alanganin na ngiti.
“Ano.. Nabago na since 'di ka qualified?” Aba't parang 'di pa siya sigurado ha.
“Ikaw! Gwapo ka sana kaso lakas mong mang modus. Kupal ka!” sabi ko at iniwan siya roon. Aba, ako ang reyna ng modus 'tas ako pa ang lolokohin niya? At may pakulo pa talaga siyang mga credit cards at cash sa pitaka niya. Siguro para 'di mahalata na mahirap din kagaya ko at madali siyang makapang loko ng mga tao. Tama-tama, siguro ganoon nga iyon. Nice techniques ha.
Habang nag lalakad ay nag iimagine ako ng mga bagay na gusto kong iparanas sa pamilya ko. Ganito ang lagi kong ginagawa, kagaya niyan may nakita akong mang-inasal, sa susunod ililibre ko diyan si tatay at ang kambal. Iyang Red Ribbon.. sa susunod madali na lamang makabili ng ganiyan kahit araw-araw pa.
“AY RED RIBBON!!” Nagulantang ako nang may sumampal sa mukha kong puting flyer.
“Kainis naman! Sa lahat ng tatamaan ako pa talaga? Sa mukha ko pa talaga?” Galit na sabi ko at inis na binasa ito.
“WANTED PERSONAL MAID” Basa ko sa flyer at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko kung magkano ang sweldo. Potek legit ba 'to? Fifty Thousand Pesos isang buwan for starting!?
“WAHHHHHH!!” Bigla akong nag tatalon at nag sisigaw sa sobrang saya. Niyakap ko ang flyer at hinalik-halikan “Sheyt na malagkit. Ikaw na ata ang sagot sa dalangin ko. Thank you, Lord!!!” At agad ding napatigil sa pag sisigaw ng maalala kong nasa gitna nga pala ako ng kalsada. Madaming tao ang nakatingin sa akin habang nag bubulungan. Akala ata nila ay nasisiraan na ako ng bait. Napakamot na lamang ako ng ulo at nahihiyang binigyan sila ng ngiti sabay takbo.
“Tay, tay! Halika rito,” Sumisigaw na tawag ko kay tatay.
“Ano bang nangyari sa iyong bata ka at parang ang saya-saya mo ata ngayon?” tanong niya habang pinupunas ang basang kamay sa kaniyang damit.
“Syempre tay, kailangan natin mag saya dahil tinupad na ni batma ang dalangin ko.” Nag mamayabang na sabi ko sabay abot sa kaniya ng flyer na dala ko. Inayos ni tatay ang kaniyang salamin sa mata at binasa ito.
“Wanted Personal maid with the salary started at Fifty Thousand Pesos!? Totoo ba ito anak!? Naku! makakapag bayad na tayo ng mga utang natin pag nagkataon.” sabi ni tatay na halos mag tatalon pa sa sobrang tuwa.
“Syempre totoo iyan. Iyang flyer ang swerte ng maganda niyong anak.” Sabi ko tsaka pabirong hinawi ang aking buhok.
“Ito anak may numero ng telepono. Tawagan mo dali.” aniya na parang mas excited pa sa akin.
Kinuha ko ang aking lumang telepono at dali-daling tinawagan ang numero na nakalagay sa flyer. Nanginginig pa ang aking kamay sa sobrang kaba.
“Good evening po.” Bati ko sa kabilang linya pagkasagot na pagkasagot pa lamang ng tawag. Ayaw kong mag sayang ng pagkakataon. Aba, bigatin itong trabahong ito lalo na sa nangangailangan na tulad ko.
“Good evening. What can I do for you?” sagot ng lalaking nasa kabilang linya. Sobrang lalim nang boses nito na parang nasa kuweba. Napalunok ako bigla.
“Hello ulit.. A-ano.. hehe” 'di ko alam kung saan ako mag sisimula sa sobrang kaba at pamilyar din ang kaniyang boses. Hindi ko lang maalala kung saan ko iyon narinig.
“ Miss. Stop wasting my time.” aniya na mas nag pakaba sa akin. Sungit agad huhu.
“Hello. Sorry po kinakabahan po kasi ako. Gusto ko po sanang mag-apply as Personal Maid. May sumampal po kasing flyer sa mukha ko kanina at nakita ko pong hiring kayo. Wala rin pong nakalagay na requirements kaya tinawagan ko na lang po ang numerong nandoon para makapag tanong.” sabi ko at naalala ko na naman kung paano sumampal sa mukha ko ang mahiwagang flyer. Sana ito na ang swerte ko.
“Oh, Okay Miss. Tell me something about yourself.” Aniya at may narinig akong kaluskos. Siguro ay umayos siya ng upo o 'di kaya ay tumayo.
“Dito mo na po ba ako iinterview-in, Sir? hindi na po ba ako mag papasa ng requirements? Hehe” dahil kung hindi niya na ako pag papasahin ng mga requirements ay mas pabor sa akin iyon dahil 'di na ako gagastos.
“Hindi na. Just tell me your full name, age and some information. Tignan ko kung pasok.” sabi niya at namilog ang mata ko roon. Jusko napaka simple lang pala.
“I am Calixta Villanueva, 23 years old. Hindi po ako nakapag tapos ng pag-aaral hanggang second year high school lang po ako pero I can speak and understand english.” sabi ko sabay hawak sa aking bibig.
“Why are you so interested on this job?” napaka cold naman ng boses nito. Daig pa Antarctica sa lamig.
“I want to help my family, Sir. Tsaka 'di na po ako makikipag plastik-an. Kaya rin po ako interesado dahil mataas ang pasahod kumpara sa ibang trabaho. Fifty thousand is unexpected salary for Personal Maid.” seryosong sabi ko kahit nandoon pa rin ang kabog sa dibdib ko.
“Tell me, Why should I hire you? Do you have any personal experience about this job?” Tanong niya at halos mawalan ako ng pag-asa, sabi kasi sa flyer kahit walang karanasan eh. Bumugtong hininga muna ako bago sumagot.
“To be honest Sir wala po. Wala po akong karanasan pero as you can see, I am taking care of my siblings and my father tsaka masarap po ako mag-alaga sir, Hindi mo na kakailanganin ng magic sarap.” sabi ko sabay hagikgik at bigla akong natauhan nang kurutin ako ni tatay sa aking tagiliran at pinang dilatan ng mata.
“Hehehe.. Biro lang po sir, Ibig ko pong sabihin lahat po ng gawaing bahay alam ko kaya ko pong mag laba, magluto, maglinis ng buong bahay kahit mansion pa po iyan na may sampong palapag kaya ko pong linisin ng isang araw lang.” sabi ko kahit alam kong imposible. Lahat na ng pambobola ay ginawa ko para lang makapasa.
Narinig ko muna siyang nag bugtong hininga bago ulit nag salita. “Hmm. Okay last question, Are you trustworthy?” aniya ng may mababang boses.
“Yes po. You can trust me in everything. I am a keeper po.” sabi ko at this time hindi na basta pambobola lang dahil alam kong mapagkakatiwalaan akong tao kahit nang momodus ako, magkaiba iyon. Diskarte ko ang pang momodus pero kaya kong itago ang sikreto mo hanggang sa mamatay ako. Narinig ko ang malalim niyang pag hinga na nakapag papikit sa mata ko nang mariin. Ito na ang hatol sa akin. “Lord, please give me this opportunity please..” dalangin ko sa isip ko at halos maiyak pa.
“Okay. You are hired. You can go at Salazar's agency tomorrow. I will send you an address. Congratulations!” Napatulala ako sa narinig. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pakiramdam at parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Alam kong para sa iba ay ang O.A ko pero potek na iyan! Nakapasa ako sa Salazar's Agency! At kung hindi niyo alam ay isa iyon sa mga sikat na business sa buong mundo.
Kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag-asikaso. Nag luto muna ako ng pagkain ni tatay at ng kambal bago naligo at nag bihis. Suot ko ngayon ang isang maong na palda na hanggang sa ilalim ng tuhod ang haba, Puting polo long sleeve na halos manilaw na sa kalumaan at isang puting sapatos na binili ko sa buraot kanina buti nga at nag kasya kahit medyo masikip sa akin ay ayos lang.“Anak, Nakagayak ka na pala. Sana ay ginising mo ako para mapag baunan kita ng pagkain.” sabi ni tatay ng makita akong nakaharap sa salamin at nag-aayos ng buhok.“Opo tay, Hindi ko na kayo ginising para makapag pahinga pa po kayo nang matagal. Kayo na po muna bahala sa bahay 'tay ha? Pag sigurado na ako rito sa trabahong ito pwede na po kayong tumigil sa pag tatrabaho tutal naman ay malaki ang pasweldo ng boss ko.” sabi ko sabay ngiti. Totoo 'yung sinabi ko kay tatay. Medyo may edad na kasi siya at madami ng sakit sa katawan. Minsan kahit nakaupo lang siya ay
Pag katapos kong mag pakilala ay tumunog ang kaniyang telepono at dali-dali naman siyang umalis ng hindi kami nililingon.“Hmm, Puwede mag tanong?” Tanong ko kay Mr. Modus. Nandito pa rin kami sa opisina ni Sir. Salazar at hinihintay siya para mapag-usapan na namin ang aming kontrata.“Sure what is it? You can ask me anything. By the way, I am Alexzus Montero. You can call me Ajax.” Sabi niya at nag lahad ng kamay.“I'm Calixta.” kinuha ko ang kamay niya upang makipag shake hands.“Can I call you Calix?” he suggested. I shaked my head before I answer his question. “Pangalan ng kapatid ko iyon. You can call me ganda na lang.” sabi ko at natawa noong umarte siya na parang nasusuka.“Kapal ng mukha mo. May kasalanan ka pa sa akin. Aarte ka pang ayaw mo sa ganitong trabaho pero rito rin pala bagsak mo.” he directly said habang nakataas an
“Galit ka ba sa akin?” Tanong ko kay Ajax dahil napapansin kong hindi niya ako masyadong kinikibo at parang iritado rin siya sa akin mula pa kahapon.“Ano sa tingin mo?” Walang gana niyang sagot.Napabugtong hininga ako. “Alam kong galit ka.” Wika ko at malungkot siyang tinignan.“Alam mo naman pala bakit ka pa nag tatanong?” Iritadong usal niya.Alam kong galit si Ajax sa akin dahil sa ginawa kong pag takbo nung nakaraang araw. Oo, dalawang araw na ang lumipas mula nang nakita ko si Khuaqin at tinakbuhan. Kasalanan ko ba? Natakot lang naman ako at idagdag mo pa ang kakaibang kabog ng dibdib ko.“Pasensya na Ajax, Nabigla lang talaga ako. Hindi ko naman sinasadya.” Mahinang usal ko. Ayaw kong sabayan ang init ng ulo niya dahil ginagalang ko pa rin naman siya bilang kaibigan ng amo ko. Hindi porket maayos niya akong kinausap at pinakisamahan nung nakaraang araw ay may ka
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang lumipas mula ng nag punta ako sa loob ng palikuran upang mag buhos ng malamig na tubig. “Hays, Kainis naman.” Sambit ko habang nakaharap sa salamin. “Wala akong pamalit,” Ani ko habang tinititigan ang sarili. Basang-basa ang bandang dibdib ng suot kong damit at amoy sinigang ito. Gusto sanang labhan ngunit baka abutin pa ito ng tatlong oras para lang matuyo kaya sinuot ko na lamang ulit pag katapos kong mag buhos. Napabugtong hininga ako. “Kaya mo iyan Calixta. Lalabas ka lang naman at lilinisin ang kalat.” Pampalakas loob ko sa sarili. Pag labas ko ay naabutang ko si Mr. Salazar na nakaupo sa dulo ng kama patalikod sa aking gawi. Nakayuko siya habang hawak ang kaniyang sintido at hinahaplos iyon nang dahan-dahan. “Ahm... Mr. Salazar ayos lang po ba kayo?” tanong ko at lumapit sa kaniya ng kaunti. Hindi naman siya kumibo kaya nag-alala ako. “May masakit po ba sa inyo?” tanong ko ulit at sa pag kakataong ito ay bumaling siya sa akin
“Oh, Bakit ka lumabas ng kuwarto? Ayos ka na ba?” Tanong ni Ajax na akala mo ay kasintahan niya ito na dapat alam niya ang kinikilos at nararamdaman nito.“I'm perfectly fine.” Aniya ngunit sa akin pa rin nakabaling ang nag susungit niyang mga mata.“Good to know. You want something?” Tanong ni Ajax tsaka inabot sa akin ang paper bag. “Binili kita ng damit. I hope you like it.” Mahinang sambit niya.“Where's my food?” Putol ni Mr. Salazar sa aming usapan bago siya padabog na naupo sa hapagkainan.“Chill bro, Bakit ba ang sungit mo?” Natatawang tanong ni Ajax at naupo na rin sa tabi nito.“Ah.. Iinitin ko pa lang po.” Mahinang sambit ko.“That is shit! Nagawa mong makipag landian pero hindi mo ko magawang pag handaan?” Galit na saad nito na kinayuko ko.“Tyler, It's not flirting, stop your shit right now.” Paliwanag
“Kumusta siya?” Tanong ko kay Ajax ng nakita ko siyang lumabas ng kuwarto ni Mr. Salazar. Dinala niya roon si Khuaqin dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. Gusto ko mang sumama sa loob ay pinigilan ako ni Ajax at sinabing linisan ko na lamang ang naiwang kalat sa kusina. “Pinainom ko ng pampatulog.” Tila walang buhay na sagot nito. “Ligtas ba sa kaniya iyon?” Nag-aalalang tanong ko. Sabi kasi sa akin ni Tatay ay mayroong pagkakataon na iyong mga taong umiinom ng pampatulog ay hindi na nagigising. “Yeah, prescribed by his doctor.” Muling naghari ang katahimikan. “Ajax, gusto sana kitang makausap.” kinakabahang sabi ko sa kanina. Nakapag desisyon na ako. Sa nangyari kanina ay hindi ko na gugustuhin pang ipag patuloy itong trabaho na ito. “Let's talk inside his office. Kuha lang akong maiinom.” Aniya. Sumama ako sa kaniya papuntang kusina. Dumiretso siya sa refrigerator at kumuha ng dalawang beer. “Let's go.”&nb
Ang tao ay may iba't ibang paraan upang ilabas ang kanilang saloobin. Iyong iba ay nagiging matalino sa pag buo ng isang maayos na komunikasyon at ang iba naman ay nagiging padalos-dalos sa kanilang binibitawang salita at kilos, at sa pag kakataong ito ay masasabi kong ako iyong pangalawa.Naalala ko pa noong bata ako, sabi sa akin ng aking lola ay dapat daw tayong matutong iugnay ang ating nararamdaman sa kalikasan na nilikha ng panginoon at iyon ang nakaugalian kong gawin tuwing malungkot ako. Lumaki akong walang matatawag na kaibigan dahil sa murang edad ay kinakailangan ko ng kumayod upang hindi mapasabay sa agos ng buhay. Kung mahirap ka kailangan mong mag sumikap hindi iyong magkakaroon ka ng isiping ‘Pinanganak kang mahirap kaya mamatay kang mahirap’. Matuto tayong mag sumikap at mag tiyaga. Huwag tayong mag pasabay sa agos ng sirang daan kundi dapat tayo mismo ang gumawa ng ating bagong daraanan.“Malungkot ka rin ba tala? Bakit ti
“Anak, kalabitin mo nga ang ate Calixta mo dahil tila tulala na naman.”“Tay, bakit po laging ganiyan si Ate? Para tuloy siyang nakakatakot na monster.” Nag hagikgikan pa ang mag-ama na akala mo ay hindi nila ako katabi para pag-usapan ng ganiyan kalakas.“Salbahe ka Calix, baka pagod lang si ate kaya ganoon.” Pag tatanggol sa akin ni Calixus at tinulak pa nang bahagya ang kapatid.“Oh, masama iyang mag-away, ha. Kayong dalawa talaga ay kay titigas ng ulo ninyo.” sermon ni tatay bago tumayo at umalis para kumuha ng maiinom sa kusina.“Alam mo ba Calix, pakiramdam ko mayaman na tayo.” Binigyan ko ng pansin ang usapan ng mag kambal. Saan kaya nang galing iyang chismis na 'yan ni Calixus, Anong mayaman? kung alam lang nila kung papaano namin ginagapang ang kahirapan para sa kanila.“Paano mo naman nasabi? Dahil ba itlog at sinangag na ang ulam natin kanina at hindi na tuyo na may bagoon
“Bend more baby, show me how much you want me like I do,” bulong nito sa tenga ko habang walang tigil sa pag papaligaya sa'kin gamit ang kaniyang tuhod.“P-Pero..” Hindi ko alam kung anong pinaglalaban ko, nahihiya ako pero damn! Bakit ako nahihiya, eh ilang beses na namin 'tong ginawa? Siguro ay dahil nasa harapan kaming dalawa ng malaking salamin na kung saan kitang kita ko ang bawat galaw ng katawan naming dalawa. Napapanod ko ang sarili kong nagugustuhan ang ginagawa niya sa aking katawan. “You don't want this? You're not in the mood? Tell me, we're not going to make love if you don't want.. We will never do this if you don't want, I will never force you.” sinserong niyang sabi.Tumayo siya ng tuwid at tinigil ang ginagawa, pinihit niya kong paharap sa kaniya. Hinawakan ang aking magkabilang pisngi at tinitigan gumala ang kaniyang tingin sa kabuuan ng aking mukha. Tila pinag aaralan ang bawat hugis nito.“Damn you are so breathtaking beautiful,” ani niya ng buong paghanga. “H-Hi
“Arley Seven Villanueva Salazar..” basa ko sa lapidang kulay ginto.“For some reason.. according to what I have searched Arley means inner wisdom and Seven, because I believed in Lucky Seven,” si Rouge habang binubuksan ang mini candles na nandoon. Akala ko noong una ay nasa normal na libingan lamang ito pero ng puntahan namin ay pumasok kami sa loob ng white house na kung saan may maliit na gate at pinto. Pag pasok namin ay bumungad ang mga pambatang laruang pangbabae at panglalake, may mga kuna, duyan at mga botelya para sa gatas. May nakita rin akong walker at maliliit na anim o higit pang mga drawer kulay pink, gold at blue ang mga 'yon. Ito ay kwarto para sa baby. Halatang halata dahil may mga alphabet at numbers pang nakadikit sa walls. Tumabi ako sa gilid ni Rouge at inilapag ang bulaklak na dala namin. Pag sindi niya ng kandila ay may tumugtog na music box, roon ko lang napansin na may music box palang malapit sa amin, music box na pinasadya dahil may anghel na umiikot habang
“At iyon ang kabaligtaran naming dalawa. Magaling akong kumilatis samantalang tatanga tanga naman siya. Masyadong mabait at sa mundong ito kung 'di ka magiging tuso ay hindi ka aangat. Hindi ka mananalo.” “Pero hindi ka magiging masaya kung kaya mong tumapak ng iba para sa sarili mong kaligayahan.” Tumingin siya sa akin sabay tawa ng malakas. Umiling iling pa na parang isang kahibangan sa kaniya ang sinabi ko. “Iyan ang makakapag pabagsak saiyo! Dahil masyado kayong mababait! Dahil masyado kayong mapag bigay at mapag patawad. Madaming masamang taong nakapaligid sa mundo, 'yung iba ay titirahin ka paharap at may mga duwag na titirahin ka patalikod. Huwag kang mag tiwala kaagad sa mga nakikita ng mga mata mo dahil madaling malinlang 'yan. Madaling mai-manipulate ang nakikita lamang ng mata dahil madaming taong mapag kunwari, kaya nilang magpakita ng mabutihan sa kapwa kahit sa totoo lang ay may kutsilyong unti-unting bumabaon, hinihintay lang nila kung kailan ka iinda.”Nanginig ang a
Dinaanan lang ako ni Ajax paglabas niya ng pintuan tila hindi na nagulat sa aking presensya. Marahan niyang isinarado ang pinto bago niya tuluyang nilisan ang lugar. Isang mahihinang hikbi ang pumaibabaw sa loob ng kwarto at doon lamang ako nahimasmasan, kaagad kong sinakop ang distansya naming dalawa ni Tyler. Nakatayo ito at bahagyang nakasandal nasa kaniyang lamesa habang nakayuko ang ulo.“T-Tyler..” “I trust him.. more than myself.. I hate him Ate..”Bahagya siyang nanghina at napaupo sa sahig. Niyakap nito ang kaniyang nakabaluktot na hita at doon tumangis. Marahas niyang pinupunasan ang masaganang luha.“I hate him Ate.. my heart is breaking.. I hate this feeling.”Tumakbo ako papalapit sa kaniya upang pigilan ang kamay niyang humahagod at humahatak sa kaniyang buhok. “T-Tahan na.. tama na. Huwag mong saktan ang sarili mo. Hindi mo kasalanan ang naging desisyon nilang pananakit saiyo.. wala kang kasalanan.”Tinatagan ko ang aking loob at pilit na inaalo si Khuaqin. Alam kong l
“Siguro na discovered ang salitang marupok nang ipinanganak ako.” Hinihingal na ani ko.“Hmm?”“Ah.. T-Tyler tama na..” sabi ko sabay sabunot sa kaniyang buhok dahil nag uumpisa na naman siya sakaniyang mahihinang mga ulos.Inumaga na kaming dalawa sa ibabaw ng kama, bathroom at kanina sa sofa. Wala kaming kapaguran patunay na talagang namiss namin ang isa't isa kahit palagi naman kaming mag kasama. Halos ilang buwan din naman kasi kaming walang sexual intercourse pero alam kong pagkatapos nito ay aaraw arawin na naman niya ako, bagay na gusto ko rin namang mangyari.. Oo na mas marupok pa ako sa telang nakaimbak sa pabrika ng sampung taon dahil sa karupukan.“Last na..” Malalim na boses niyang sabi sabay dila sa aking leeg.“Pagod na ako.. nanginginig na ang mga hita ko. Wala ka bang awa?” Nakangusong ani ko, nag papaawa dahil talagang masakit na ang pagkababae ko. Hindi naman maliit ang ano niya para kayanin ko hanggang kailan niya gusto.“Aww kawawa naman ang baby ko.” Natatawang sab
Pagkatapos kong magluto ng mga paborito niyang pagkain ay pinuntahan ko si Loyd na nag papalobo ng balloons sa guest room dahil dito ko napiling i-surprise si Tyler.“Pasensya ka na sa istorbo. Kailangan ko lang talaga matapos kaagad.” Ani ko habang inaayos ang lamesa sa gitna.“Ayos lang ma'am pero mag handa ka na. Sa ayos pa lang ng kama mukhang mapapalaban ka talaga.” Nag init ang pingis ko at nilingon siya.Naglagay kasi ako ng kandila sa gilid ng kama at binudburan ng petals ng rosas ang ibabaw. “Hindi ba OA tignan? Tanggalin ko nalang kaya?”“Sweet nga ma'am. Hay nako mapapa-sana lahat nalang talaga ako.” Nang maayos na ang lahat ay inakyat na ni Loyd ang mga pagkain. Inasar pa nga niya akong hindi masarap dahil hindi ko siya pinatikim, aba syempre Tyler first noh. Naupo ako at kinakabahang tinawagan si Tyler na kaagad niya namang sinagot.“Baby.. ang sakit ng tyan ko..”Bungad ko bago masamang tinapunan ng tingin si Loyd dahil mukha itong natatawa sa pinag gagawa ko.“W-why?
“Minanipula ko ang lahat lalo na noong dumating ka, mas lalo ko siyang kinontrol, mas lalo akong naging mas mapangahas, naging sakim at nabaliw.” Pinunasan niya ang kaniyang luha. “Pinalitan ko ang mga medicines niya para mawalan siya ng kontrol. Akala ko kasi lalapit siya sa akin.. pero nagkamali ako dahil nandiyan ka! Tingin ko sa iyo noon ay isang sagabal! Sagabal sa lahat ng plano ko para sa aming dalawa ni Tyler!”“Pero alam mo, kinarma ako.. dahil habang nalalayo sa akin si Tyler ay siyang paglapit ni Ajax.”Gumapang ang tingin ko rito, malinaw pa rin sa aking alaala ang pag amin niya ng nararamdaman, mahal mo 'ko? Really? Huh. Traydor. “Napalapit ako kay Ajax, akala ko walang ibig sabihin ng kabog sa dibdib ko kapag nandiyan siya.. hindi ko 'yon pinansin. Binalewala ko lahat hanggang sa may nangyari sa aming dalawa, nagmakaawa akong tulungan niya ko sa plano kapalit ng katawan ko pero tangina.. I-Inamin niyang may gusto rin siya sa iyo..” Naguluhan ako, hindi ko alam ang bagay
“What's bothering you?” Nilingon ko si Tyler, diretso itong nakatingin sa akin habang tinatanggal ang kaniyang necktie. Napabugtong hininga ako at umiling dahil hindi ko ito gaanong narinig.Kararating lang namin galing sa trabaho, dito kami sa kwarto dumiretso para makapag palit ng damit bago kumain sa baba, si Tyler ay nag sisimulan ng magpalit ng damit samantalang ako ay tulala lamang na nakaupo sa ibabaw ng kama.. malayo ang tingin at lumilipad ang isip.“Kanina pa malalim ang iniisip mo, ayos ka lang ba?” “Pagod lang siguro..” Matamang nakatingin lang ito sa akin, hindi naniniwala sa sinabi ko.Isang linggo pa lang ang nakalipas mula ng bumalik ako sa pag tatrabaho kaya paanong napagod ako? Eh ni hindi nga niya ako masyadong inuutusan dahil ayaw niyang mapagod ako na minsan na naming pinag awayan. Ang gusto ko kasi ay kahit may relasyon kaming dalawa ay magpaka amo pa rin siya sakin. Gusto kong labas ang personal naming relasyon sa loob ng opisina para maging patas sa lahat ng
“A-Ajax..” Nilingon ako nito, pinagmasdan, pagkatapos ay umiling. Mukhang dismayadong makita ako. Napahilamos pa siya ng kaniyang mukha.“Kung nandito ka para manumbat, huwag ngayon. Huwag ngayon!” Walang pasensyang ani nito bago sumakay sa kaniyang sasakyan at walang pasabing pinaharurot.Hindi naman ako lumipat para magalit at manumbat sa kaniya. Sa katunayan ay gusto ko siyang makausap, maintindihan ang side niya. Alam kong mabuti siyang kaibigan dahil si Tyler nga mismong nagawa niya ng 'di maganda ay hindi magawang magalit sa kaniya. Ilang beses ko na ring pinilit si Tyler na sabihin sa akin kung anong nangyari pero nanatili itong tikom. Kahit na kailan ay hindi niya ito siniraan sa akin, hanggang ngayon ay prinoprotektahan pa rin niya ang imahe ni Ajax. Ang lagi niyang sinasabi ay matagal na niyang kaibigan si Ajax at napakabuti nito, si Ajax na tinuturing niyang kapatid, hanggang ngayon ay naniniwala pa rin siyang babalik sila sa dati at naniniwala ako roon. Alam kong matutunaw