Sumasakit ang ulo ko, dahil ito sa hang-over. Napasarap ang inuman namin sa Bar kagabi kasama ang barkada ko. Ngayon ay late na ako sa trabaho. Nakapikit lang ako buong byahe dahil gusto ko pa talagang matulog, pero hindi pwede, dahil ako ang CEO ng company.
"Sir Jairus, nandito na po tayo."
Napadilat ako nang magsalita ang driver ko. Tumingin ako sa paligid, nakita ko naman ang mga employee na nakapila sa entrance. Heto na naman sila para bumati ng sabay-sabay, araw-araw na lang.
Binuksan ng secretary ko ang pinto ng kotse. Yumuko siya habang papalabas ako, nagsipag-yukuan din ang mga empleyado na nakapila sa entrance ng building.
"Good morning, Mr. Jairus Gael Alvarez--"
"Ano bang sabi ko? Ayoko nang nakapila pa kayo tuwing papasok ako. Hindi ba kayo nagsasawa kakabati sa akin?" irita kong sabi.
Pakiramdam ko mas lalong sasakit ang ulo ko.
"Sir, pinag-uutos po ito ng Papa ninyo. Nasa office na siya at naghihintay sa inyo," ani ng Secretary kong si Philip.
Lumakad ako sa mga napila na employees, tinuro ko sila habang naglalakad ako.
"Kayo, ah! Bukas kapag may nag-greet na naman sisipain ko na," ani ko.
"Yes, Sir!" sabay-sabay nilang sambit.
Nakita ko naman ang paborito kong employee na si Kairo, may hawak siyang kape na kakakuha niya lang sa vending machine dito sa ground floor. Nakasuot siya ng salamin, masarap siyang bwisitin dahil pikon siya pero wala naman siyang magagawa dahil boss na ako.
Lumapit ako sa kaniya, bago pa man niya mahipan ang kape ay kinuha ko iyon sa kamay niya. Nagulat naman si Philip sa ginawa ko.
"Mukhang masarap 'to, ah?" ani ko kay Kairo.
"Opo, Sir. Para po talaga sa inyo 'yan," aniya at ngumiti kahit halata sa mukha niya ang pagka-inis.
"Natapos mo na ba yung proposal?" tanong ko.
"Hindi pa po."
"Bilisan mo, tapusin mo ngayong araw. Kapag wala akong naipakita kay Papa malalagot na naman ako," ani ko sa kaniya.
"Ise-send ko na lang ang soft copy sa email ninyo," aniya at tumayo ng tuwid.
"Very good!" Tinapik ko ang balikat niya sabay higop ng kape.
Sinadya kong patunugin ang paghigop ko dito para asarin siya. Tumatawa akong naglakad papunta sa elevator.
"Sir, ang schedule mo ngayong araw ay reviewing of business proposal 'till 11 am. After lunch, may meeting po kayo with Mr. Roxas at Roxas building, exactly 1 pm dapat po nandoon na kayo. 3 pm naman ay checking ng sales--"
"Ang dami naman," reklamo ko habang umiinom ng kape.
"Sir---"
"Oo na, alam ko na. Kalma. Iisa lang ako," ani ko at tumawa.
Tila ba nawala ang sakit ng ulo ko sa kape na hawak ko. Nakangiti akong pumasok ng office ko pero nawala ang ngiti ko nang makita si Papa na pinapakialamanan ang mga papel sa lamesa ko.
"JAIRUS, YOU'RE LATE!" sigaw ni Papa.
"Pa... It's better to be late than absent--"
"Huwag mong gawing biro ang trabaho mo, Jairus. Kailan ka ba magseseryoso? Bakit may mga drawing itong mga papel mo? This is a business and not a kindergarten school!" sigaw ni Dad.
Itinaas niya ang isang papel. Mayroong drawing doon ng lalake, natatandaan ko na, kahapon ko iyon dinrawing habang may kausap akong employee. Nagdi-discuss siya habang ako ay ginuguhit ang pangit niyang mukha.
"Ah, wala lang 'yan, Pa."
"Stop making fun of everything, Jairus. You're a CEO. Act like one. Hindi yung papasok ka ng late, halos araw-araw kang late!" bulyaw niya.
Inubos ko ang kape ko. Inabot ko kay Philip ang basyo na cup saka lumakad papalapit kay Papa.
"Nakukuha mo pang magkape, sa dami ng gagawin mo?" aniya.
Napakamot ako sa batok ko.
"Pa, chill ka lang. Ako nang bahala dito---"
"Paano ako magtitiwala sa 'yo? Tignan mo 'tong ginagawa mo. Your papers aren't organized! They are mess!" reklamo niya at hinagis ang mga papel ko na nasa folder.
Tinignan ko si Philip, dapat pala araw-araw inaayos niya 'to bago kami umuwi. Si Papa naman, palagi na lang nangengealam. Para saan pa na ako ang CEO kung wala siyang tiwala na kaya ko i-handle ang company.
"I will fix this," ani ko at pinulot ang mga papel na hinagis ni Dad.
"Isa pang late na pagpasok mo, Jairus. Hindi kita papauwiin, dito ka matutulog at magtatrabaho ka lang!" ani Papa.
"I just want to have fun, hindi naman hadlang 'yon kahit na CEO ako--"
"Buti sana kung hindi ka nagpapabaya, kahit na alam mong nag-iisa ka naming anak. Can you please have a consideration? Our ancestors build this company, you inherit all of this. Ikaw, ang nag-iisa kong anak, I want you to treasure everything."
Tinitigan niya ako sa mga mata ko. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Okay, I will."
Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga bago tuluyang maglakad palabas ng office ko. Lumapit sa akin si Philip para pulutin ang mga papeles.
"Are you okay, Sir?"
"Ako pa ba? Okay na okay ako, sa gwapo kong 'to, syempre naman!" ani ko.
"Hihingi na lang ako ng bagong hard copy ng mga 'to, Sir." Tumayo siya at kinuha lahat ng mga papel.
Tumango ako at pinanood siyang lumabas ng silid. Naupo ako sa aking swivel chair, binuksan ko ang mini cabinet ng aking lamesa para kumuha ng sigarilyo, pero nakita ko ang isang bracelet doon.
Kinuha ko ito, tandang-tanda ko kung kanino galing ang bracelet na ito. Sa babaeng bigla na lang nawala na parang bula, hindi ko na rin alam kung nasaan na siya. She's the best person I ever met and sa 10 years na nagkasama kami, hindi ko akalain na aalis siya na wala man lang paalam.
"Seira, my the one that got away."
*******************
Lumabas ako ng Roxas building, kakatapos lang ng meeting. Narito ako sa tapat ng building at hinihintay si Philip na na-traffic. Akmang kukuha ako ng sigarilyo sa bulsa ko pero nakakita ako ng vendor, nagtitinda ito ng cotton candy.
Isang masayang alaala ang bumalik sa akin. Ito ang paborito naming kainin ni Seria noong mga bata pa lang kami. Bigla ko na naman siyang na-miss. Napagdesisyonan kong bumili rin noon. Habang papalapit ako sa vendor, nakarinig ako ng hikbi ng isang bata.
"Mama..."
Napahinto ako sa paglalakad, napatingin ako sa puno na nasa gilid ko, mayroong batang lalake na nakaupo doon habang nakatingin sa vendor.
"Mama ko..."
Napakunot ang noo ko, mukhang nawawala siya.
"Pst! Bata!" tawag ko sa kaniya.
Tinignan niya lang ako. Nilapitan ko siya, yumuko ako para magpantay kami.
"Nasaan ang Mama mo? Akalain mo ba namang iiwan ka niya dito? Ang daming masasamang tao rito. Anong pangalan ng Mama mo?" tanong ko.
Kinuha ko ang cellphone ko para tumawag ng pulis. Mahanap man lang nila ang Mama nito.
"Ano nga pangalan ng Mama mo?" tanong ko.
Hindi pa rin siya sumagot. Napansin kong nakatingin pa rin siya sa cotton candy. Napabuntong hining ako at nilahad ang palad ko.
"Tara, ibibili kita no'n. Gusto mo ba 'yon?"
Tumango siya at agad na tinanggap ang kamay ko.
"Putcha, akalain mo nga naman magiging baby sitter ako," bulong ko at naglabas ng wallet.
Bumili ako ng dalawang supot ng cotton candy. Tuwang-tuwa naman ang bata nang i-abot ko ito sa kaniya. Mawawala ang batang 'to. Tumatanggap sa hindi niya kakilala, parang hindi tinuruan ng magulang. Kanino kayang anak 'to?
"Salamat po, kuya."
"Bata, anong pangalan mo?" tanong ko habang kumakain siya.
"Wayne Yves po."
Napangiti ako sa ka-cute-an ng batang ito. Although hindi ako mahilig sa bata pero sa paningin ko, sobrang cute niya.
"Wayne Yves, ganda ng name mo. Pero sa susunod huwag ka sasama sa ibang tao, ha?" ani ko.
Tumango siya.
"Sabihin mo na sa akin ang pangalan ng Mama mo, para mahanap na natin siya," ani ko.
"WAYNE!"
Napatigil ako, biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko makakalimutan ang boses na iyon. Limang taon kong hindi narinig, pero tandang-tanda ko pa rin. Napalingon ako sa likuran ko. Isang magandang babae ang tumatakbo habang may dalang mga plastic na puno ng iba't ibang produkto. Pawis na pawis itong tumakbo papalapit sa amin.
Ngunit napatigil siya nang magtama ang mga mata namin. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Sa loob ng limang taon, ngayon ko na lang ulit siya nakita.
"Seira..."
************
6 years ago"Seira, ang bagal mo! Huwag ka na magpaganda, walang magkakagusto sa 'yo. Nangungulangot ka tapos pinapahid mo sa pader!" sigaw ni Jairus.Niyukom ko ang kamao ko at nagpipigil ng inis. Umagang-umaga, mamumwisit siya. Palibhasa, nag-aayos ako para magmukhang presentable sa kaniya. Siya lang naman 'tong manhid, hindi makaramdam."Seira, kanina pa sa sala si Jairus. Napakatagal mo namang gumayak, school ang pupuntahan mo, ha? Hindi mo na kailangan mag-make up." Pumasok si Mama sa kwarto ko.
SeiraAnthonette'sP.O.VDala ko ang mga libro para sa accounting, ibabalik ko na sa locker. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdanan ay nakita ko si Jairus na kumakaripas ng takbo papalapit sa akin."Oh? Sinong humahabol sa 'yo?" tanong ko."T*ngina! Nakuha ko papel mo, nagkapalit tayo ng yellow pad kagabi! Nagalit tuloy prof. ko! Sino daw ba yung Seira Anthonette."Hawak niya ang pad paper, nakit
Seira Anthonette P.O.V.Sinarado ko ang libro ko sa accounting nang makita ang wall clock, oras na para pumunta kala Jairus. Inayos ko ang kama ko at ang gamit ko ay ibinalik ko sa aking bag. Humarap ako sa vanity mirror ko at magsuklay ng buhok. Kinuha ko rin ang paborito kong perfume para magpisik sa katawan ng pabango."Solo na ulit kita," bulong ko habang tinatanggal ang hikaw ko.Lumabas na ako ng bahay at nakita kong wala na ang kotse ng magulang ni Jairus. Pumasok ako sa bahay nila ng walang kahirap-hirap dahil bukas ito, nilo-lock lang ni Jairus ang gate kap
Seira Anthonette's P. O. V.Hawak ko ng mahigpit ang cellphone ko. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Jairus posted a photo of him with Vinalyn sa mall. The caption was..."Official." Binitawan ko ang cellphone ko at bumagsak ito sa kama. Bakas ang saya sa mga mata ni Jairus. Ganoon din naman siya sa akin, pero pakiramdam ko espesyal talaga pagdating kay Vinalyn. Hindi ko siya masisisi, lahat na ng aspeto nasa babaeng 'yon. Ideal girl eka nga nila.Nagtungo ako sa kusina. Dahil magla-lunch na at sabado ngayon nasa bahay lang ako. Piprituhin ko na ang manok na minarinate ko kaninang umaga. Tulog pa si Mama at gigising 'yon ng lunch, at matutulog na naman. Mostly ang gising niya ay 3 pm para mag-ayos dito sa bahay at gumayak. Habang nagpiprito ako ng manok ay hindi ko maiwasang hindi malungkot, akala ko talaga hindi na sasagutin ni Vinalyn si Jairus. Umaasa ako na baka pwedeng kami na lang. He never had sex with anyone, just me. Paano kapag nakipag-sex din siya
Madeline's P. O. V.Hinila ni Raven ang dalawang balikat ko patayo. Napatitig ako sa mga mata niya. Bakit pakiramdam ko ay nag-aalala siya?"Huwag ka na makisali sa away ng pamilya ko," malungkot kong sambit."They will be my family too, you will become my wife soon." Napaiwas ako ng tingin, parang ang awkward naman nito. Talagang kine-claim niya na magiging asawa niya ako, wala ba siyang ibang babaeng gusto at okay lang na ikasal siya sa kagaya ko?"B-Bitawan mo na 'ko," nauutal kong sambit at tinanggal ang kaniyang kamay na nakahawak sa balikat ko."Maddy, ayokong magkaroon ng gulo. I want us to unite, we need cooperation." Napataas ang kilay ko sa kaniya."Ikaw lang naman kasi yung makikinabang sa kasal na 'to. Yayaman ka, pero ako? Mawawala yung teenage life ko dahil lang kasal ako sa 'yo?" Napa-cross arms siya at sumeryoso ang mukha nito sa akin. Hindi ako nagpatalo at mas tinarayan ko pa siya."Ano bang akala mo? I'll make you pregnant after the wedding?" Napaawang ang labi
Madeline's P. O. V. Pagsapit ng dapit-hapon, habang abala ang lahat sa pag-aayos dahil uuwi na sila at tapos na ang kasalan namin. Ako ay mag-isang naglakad patungo sa dalampasigan para panoorin ang paglubog ng araw. "Napakabilis ng araw..." bulong ko. Napahalukipkip ako nang madama ang malamig na hangin. Pinapanood ko ang mga bata na naglalaro ng buhangin sa tabi ko. Bahagya akong napangiti nang makagawa ito ng castle na gawa lamang sa sand. Pumalakpak ang batang babae sa tuwa, tila ba achievement ang kaniyang nagawa. "Kuya, tignan mo gawa 'ko!" sigaw ng bata sa lalakeng nasa tabi ng tubig at kumukuha ng tubig alat sa kaniyang cup. "Bakit nakagawa ka? Bumabagsak yung sa akin!" bakas ang inis sa boses ng lalakeng bata. "Konting tubig lang, Kuya. Igagawa kita," ani ng batang babae at naglagay ng buhangin sa kaniyang cup. "Ang daya mo!" Nanlaki ang mga mata ko nang sinadyang sipain ng lalake ang ginawa ng batang babae, bumagsak ang buhangin at nawala ang korte nitong parang cast
WARNING: NOT SUITABLE FOR MINORS! THIS CHAPTER CONTAINS MATURED CONTENTS.Seira Anthonette's P. O. V. Nakahawak sa beywang ko si Raiko habang si Gil naman ay hawak ang braso ko. Lumabas kami ng bar, dahan-dahan kaming naglalakad habang nasa harapan namin si Vinalyn at Jairus. Hindi naman ako lasing, pero nahihirapan na ako ibalanse ang katawan ko dahil inaantok na ako."Seryoso, may problema ka ba talaga?" tanong ni Raiko sa akin."Wala.""Kanina pa 'yan, ininom ba naman yung alak ko," ani Gil.Huminto kami sa kotse ni Vinalyn. Tignan mo, may kotse naman pala ang babaeng 'to tapos nagpapahatid at sundo pa kay Jairus. Mabuti na lang at hindi siya lasing, makakapag-drive pa si Vinalyn. "Ingat kayo, I'll go now. Have a good night, guys!" sigaw ni Vinalyn at kumaway sa amin bago pumasok sa kaniyang kotse.Pilit akong ngumiti. Tinanggal ko ang suot kong leather jacket at inabot kay Raiko. "Mauna na rin kami, mga 'Tol. Itong si Sammy, babagsak na," ani Luke."Sige, pre. Ingatan mo 'yang
Seira Anthonette's P. O. V.Habang naglalaba ako dito sa likod ng aming bahay kung saan karugtong ng dirty kitchen. Pakiramdam ko ay nagmamanhid na ang kamay ko kakapiga ng mga damit na galing sa washing machine na hinahagis ko sa batya na may malinis na tubig."Seira, anak?" tumayo ako para puntahan si Mama."Po?" "Hindi ka pa pala nagsa-saing? Hindi naka-bukas ang kalan pero may lamang bigas 'tong kaldero!" ani Mama.Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa sobrang lutang ko at sa dami ng iniisip ko, nakalimutan kong buksan ang kalan."S-Sorry po, nakalimutan ko po," ani ko."Oh siya, hayaan mo na. Mabilis namang maluto ito. Nasaan na yung pinrito mong longganisa?" tanong ni Mama."Nasa lamesa na po," ani ko."Mabuti ka pa napapakinabangan ko at nakakatulong sa akin. Samantalang ang kuya mo walang binigay kundi sakit sa ulo." Ayan na naman si Mama at nagrereklamo tungkol kay kuya. Ang akin lang, palagi pa niya binabanggit si Kuya, hindi naman maganda ang sasabihin niya."Kapag nainin
Seira Anthonette's P. O. V.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Amoy ko ang bango ng alcohol sa paligid, noon ko napagtanto na nasa loob ako ng hospital. Nakita ko si Dorothy na nasa tabi ko at nakayuko."D-Dorothy..." bulong ko.Napaangat siya ng tingin sa akin, bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang braso niya."How come that you're pregnant?" tanong niya kaagad."K-Kamusta ba ang baby ko?" Napaiwas siya ng tingin."Okay naman, you bleed due to stress. The Doctor said, you must rest atleast a week." Tumayo siya. Pinanood ko siyang kumuha ng isang paper bag na puno ng pagkain."Binili ni Iverson bago siya umalis," cold niyang sabi sabay abot sa akin ng paper bag.Sinilip ko ito, una kong kinuha ang vegetables salad. Akmang kakainin ko na ito pero pansin ko pa rin ang galit sa mukha ni Dorothy."Dorothy... Sorry, hindi ko lang alam kung paano ko aaminin 'to.""Seira, kumain ka na. Kailangan 'yan ng baby mo. Magkwento ka lang, makikinig ako sa 'yo." Sumanda
Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira."Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya."Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami."Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.Sumama ako sa kaniya patungo
Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira."Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya."Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami."Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.Sumama ako sa kaniya patungo
Jairus Gael P. O. V. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Isang linggo na akong nababaliw kakahanap kay Seira, dahil isang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Minsan ay nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak, hindi ko kailan man kinaya na hindi siya kausapin sa loob ng isang araw. Sampung taon, hindi ko akalain na mawawala na lang siya bigla.Narito ako ngayon sa tapat ng pinto ng bahay nila Seira, nagbabakasakali na kakausapin na ako ni Tita Sonya matapos niya akong palayasin kahapon dahil sa kakatanong ko kung nasaan si Seira. Tila ba naglayas siya, galit sa kaniya si Tita Sonya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin, kung pwede ko naman siyang ampunin na lang, dito na lang siya sa bahay."Tita Sonya!" sigaw ko at muling kinatok ang pinto.Ilang minuto na akong nakatayo rito. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako dahil hindi ako mapakali. Kailangan ko malaman kung nasaan siya, kung may problema ba, kung napaano na ba siya, at kung anong lagay niya ngayon?"Tita Sony
Seira Anthonette's P. O. V.Paglapag ng eroplano, muli kong binuksan ang cellphone ko para i-message si Dorothy na nandito na ako. Nag-usap kami na susunduin niya ako sa terminal three, dahil dito ang labas ko. Kinuha ko na ang baggage ko mula sa baggage center saka tumayo sa labas. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, palubog na ang araw. Biglang lumabas ang notification sa aking cellphone, ang daming missed calls ni Jairus at messages. Wala na akong balak i-seen ang mga iyon. Hindi na niya ako kailangan, nariyan na si Vinalyn sa tabi niya habambuhay.Tinanggal ko ang sim card ng aking cellphone. "Seira!" napalingon ako sa gilid ko.Nakita ko si Dorothy, nakangiti ito habang sinasalubong ako. Hindi ko napigilan ang maiyak, sa wakas ay nagkita na kami matapos ang ilang taon na sa cellphone lang kami nag-uusap.Niyakap ko siya, napasubsob ako sa balikat niya at hinayaang bumuhos ang luha ko. Hinagod niya ang aking likod. "Oh, Seira! Bakit ka umiiyak? Does something happened?" a
Jairus Gael's P. O. V.Hawak ko ang isang magazine, puno ito ng litrato pangkasal. Gusto kong si Seira mismo ang pumili ng gusto niyang masuot sa araw ng kasal ko. Kailangan ko ito gawin, this is the only way I thought of... Para manatili kaming magkaibigan."Seira?" tawag ko at akmang bubuksan ang gate ng bahay nila.Bigla kong nakita si Tita Sonya na may hawak na isang walis tambo. Lumakad ito papalapit sa akin. "Tita, nasaan po si Seira?" tanong ko at tuluyan kong binuksan ang gate nila.Lumapit ako at kinuha ang kamay ni Tita Sonya para magmano. Rinig ko naman malalim nitong paghinga."Umalis." Tumango ako at ngumiti, itinago ko sa likuran ko ang magazine na hawak ko."Saan po pumunta?""Hindi ko alam," walang gana niyang sagot."Anong oras po kaya siya babalik?"Hindi niya ako sinagot, nawala ang ngiti sa aking labi nang talikuran niya ako. Akmang hahabulin ko si Tita Sonya pero mukhang galit siya. Napabuntong hininga lamang ako at kinuha ang cellphone ko na nasa aking bulsa."
Seira Anthonette's P. O. V.Kakatapos lamang ng graduation namin, nakita ko ang mga tropa ko na nagtatalunan sa tuwa. Gusto ko ring makitalon pero may iniingatan akong bata sa sinapupunan ko. Bigla akong nilapitan ni Sammy."Girl! Picture naman tayo," aniya sabay ayos sa aking suot na toga."Tara, barkada goals!" ani ko.Tumayo kami sa harapan ng stage. Tinawag ni Sammy ang isang kaklase nila para picture-an kami nina Gil, Raiko at Sammy. Bigla namang tumakbo si Jairus papalapit sa amin. "T*ngina niyo! Hindi niyo 'ko inaaya!" sigaw ni Jairus. Nagulat ako nang tumabi ito sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at mahigpit na hinawakan ang balikat ko. Dikit na dikit ang katawan niya sa akin."Tingin na dito!" sigaw ng estudyante na kukuha sa amin ng litrato."One! Two! Three! Smile!"This is, our last picture together...Balak ko nang bumili ng ticket ngayong araw. Bibilhin ko ang maagang flight dahil gusto ko na agad makaalis, makalayo, makapagsimulang muli.Nanin
Seira Anthonette's P. O. V. Hawak ko ang aking tiyan, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ngayong alam ko na talaga na buntis ako, parang sobrang arte ng pag-iingat ko sa sarili ko. Ngayon kasi ay nagpa-practice kami ng graduation ceremony, paulit-ulit kaming lumalakad sa stage at nagba-bow. Kinakabahan naman ako na baka matagtag ang katawan ko at mapasama ang baby ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong may laman ang tiyan mo, nabubuhay na kailangan mong ingatan. Nagiging praning na ako."Seira, gusto mo ng tubig?" Napatingin ako kay Jairus, nakatayo ito sa gilid ko at may hawak na bottled of water."Salamat," ani ko at tinanggap ito.Pinunasan ko ang aking pawis saka uminom ng tubig na ibinigay niya. Umupo siya sa tabi ko, napakunot naman ang noo ko, baka mamaya makita na naman kami ni Vinalyn at bumunganga na naman siya."Seira, mamaya alam mo na." Napabuntong hininga ako, heto na naman siya para ipaalala ang proposal na magaganap mamaya. "Oo, na-set up naman na." "Bu
Seira Anthonette's P. O. V.Itinago ko ang pregnancy test at ultrasound sa isang kahon ng luma kong sapatos. Inilagay ko ito sa ilalim ng vanity mirror ko, nagdarasal na huwag iyon galawin ni Mama. Hindi ko pa alam paano ko sasabihin sa kaniya, hindi niya pwedeng malaman 'to lalo na't hindi pa ako guma-graduate ng kolehiyo.Ano na lang ang iisipin niya? Na kagaya lang ako ni Kuya Benjie, nagpabaya sa pag-aaral at nabuntis. Saka ko na sasabihin kay Mama ito. Kailangan ko lang maging settled financially. Kailangan ko ng pera para sa ultrasound at vitamins na kailangan ko i-take ngayong buntis ako. Ayoko ito ipalaglag, hindi ko papatayin ang sarili kong anak. Kinuha ko ang cellphone ko at napahiga sa kama ko. Tinawagan ko si Dorothy, nakakadalawang missed ko na ako, ayaw niya sumagot. Kailangan ko ng pera..."Dorothy!" hiyaw ko nang sagutin niya ang tawag."Ano na? Kamusta pagpapakatanga mo. Ang dami mo pa lang missed call, naliligo ako, beh!" aniya.Napangiti ako, siya lang ang malalap