Share

CHAPTER 4

Author: AteJAC09
last update Huling Na-update: 2022-05-01 17:43:01

Seira Anthonette's P. O. V.

Hawak ko ng mahigpit ang cellphone ko. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Jairus posted a photo of him with Vinalyn sa mall. The caption was...

"Official."

Binitawan ko ang cellphone ko at bumagsak ito sa kama. Bakas ang saya sa mga mata ni Jairus. Ganoon din naman siya sa akin, pero pakiramdam ko espesyal talaga pagdating kay Vinalyn. Hindi ko siya masisisi, lahat na ng aspeto nasa babaeng 'yon. Ideal girl eka nga nila.

Nagtungo ako sa kusina. Dahil magla-lunch na at sabado ngayon nasa bahay lang ako. Piprituhin ko na ang manok na minarinate ko kaninang umaga. Tulog pa si Mama at gigising 'yon ng lunch, at matutulog na naman. Mostly ang gising niya ay 3 pm para mag-ayos dito sa bahay at gumayak.

Habang nagpiprito ako ng manok ay hindi ko maiwasang hindi malungkot, akala ko talaga hindi na sasagutin ni Vinalyn si Jairus. Umaasa ako na baka pwedeng kami na lang. He never had sex with anyone, just me. Paano kapag nakipag-sex din siya kay Vinalyn dahil sila na? Kakalimutan na ako ni Jairus.

"Seira, aba! Kanina ka pa nakatulala diyan!"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Mama. Sa taranta ko ay agad kong binaling ang manok, sakto at luto na ito pero hindi naman nasunog.

"G-Gising na po pala kayo," ani ko.

"Bumalik ba dito ang kuya mo?" tanong niya at kumuha ng plato.

"Hindi po, Ma."

"Nag-text ba sa 'yo?"

"Hindi rin po."

"Huwag mo na siyang pansinin."

Napatitig ako kay Mama sa sinabi niya. Ganoon niya ba kadaling talikuran si Kuya? Anak niya pa rin si Kuya Benjie kahit nakagawa siya ng kasalanan. Pinatay ko ang kalan saka sinalin sa plato ang manok.

"Kaya ikaw, magtapos ka ng pag-aaral," ani Mama at umupo sa upuan.

Tumabi ako sa kaniya at nagsandok ng kanin.

"Malapit na po ako gumraduate, Ma. Next year okay na po."

"Oo, maghanap ka kaagad ng magandang trabaho para maganda kinabukasan mo. Huwag ka tumulad sa kuya mo, nagpamilya kaagad. Tignan mo siya ngayon, kung kani-kanino nangungutang wala pang magandang trabaho. Hindi pa kasi nakapag-antay, kaunti na lang makakatapos na siya. Sinayang lang lahat ng ginastos ko sa pag-aaral niya."

Nasamid naman ako sa sinabi ni Mama. Kumuha ako ng tubig at uminom.

"Nagkamali lang naman po si Kuya, nakikita ko naman pong mahal niya po pamilya niya--"

"Mahal? Nakikita mo ba ginagawa sa mag-iina niya? Naglasing ang Kuya mo pinabayaan yung anak at asawa. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana samantalang hindi naman ganiyan ang Papa mo noong nabubuhay siya."

Napayuko ako. Hindi na lang ako magsasalita dahil baka mali na naman ang masabi ko. Kumain lang ako habang si Mama ay nagsesermon.

"Pangarap kasi sa inyo ng Papa niyong makapagtapos kayo. May nobyo ka na ba? Baka nagbo-boyfriend ka na pala," ani Mama.

"P-Po? Wala po akong boyfriend," ani ko.

"Huwag ka muna mag-aasawa. Seira, napakahirap ng buhay ngayon. Kita mo dina-daos kita sa pagca-call center agent ko. Napakalaki pa ng tuition mo, hindi naman tayo kasing yaman nila Jairus."

"Matataas naman po yung grades ko. Sigurado po akong makukuha agad ako sa trabaho."

"Oo, hindi naman tayo kagaya ng pamilya ni Jairus. Kung noon, kapantay lang natin sila noong nabubuhay ang Papa mo. Simple lang din ang buhay nila, tignan mo ngayon ang laki na ng bahay nila. Ganiyang bahay din ang ipagawa mo pag nakatapos ka na."

Pakiramdam ko ay dinidiktahan na ni Mama ang magiging kapalaran ko. Binilisan ko na lang ang pagkain para matapos na ito.

"Sa susunod na pupunta ang kuya mo, tapos wala ako. Sabihin mo huwag na siya bumalik."

"Ma, hindi niyo na po ba mahal si Kuya dahil nagkamali siya?" hindi ko napigilan ang magsalita.

"Anak, kung mahal ako ng kuya mo, rerespetuhin niya ako, ang paghihirap ko para pag-aralin kayo. Yung sakripisyo ko na sa lahat sa akin. Mula nang mawala ang Papa mo nakita niyo naman kung paano ako naging ilaw at haligi ng tahanan na 'to. Seira, ano bang tanong 'yan?"

"S-Sorry po, Ma."

Binitawan ni Mama ang hawak niyang buto ng manok. Uminom siya ng tubig at saka tumayo.

"Kung kaya mong maglaba bukas, maglaba ka na, para ako na lang ang mamamlantsa," ani Mama bago bumalik sa kaniyang kwarto.

"Sige po, Ma."

Niligpit ko na ang mga plato at nagsimulang hugasan ito sa lababo. Naiisip ko si Kuya, naaawa ako sa kaniya. Mabait sa akin si Kuya noong bata pa lang kami kaya noong nag-asawa siya, na-miss ko siya pero napariwara talaga ang buhay niya bigla.

Sana lang gumawa na si Kuya ng paraan para umayos ang buhay nilang magpa-pamilya.

***********

Pagsapit ng hapon. Nagwawalis ako ng bahay nang bigla na lang pumasok si Jairus sa gate namin. Agad na lumundag ang puso ko sa tuwa nang makita ko siya. Binitawan ko ang walis na hawak ko saka tumakbo palabas ng bahay.

"Jairus!" ani ko.

"G*go! Kami na talaga!" sigaw ni Jairus.

Tumalon siya at bigla na lang akong niyakap. Nawala ang saya na nararamdaman ko. May kirot sa puso ko ngayong nakikitang ganito kasaya si Jairus.

"Hoy, hindi ka makapaniwala, 'no? Ganyan din sinabi nila Gil. Prank daw, mga ul*l!"

"Wow! Congratulations!" pilit kong sambit.

"Parang 'di ka masaya. Tagal ko nang hinihintay 'to, Seira."

"Kaya nga, masaya ako para sa 'yo. Imagine, isang taon kang nanuyo sa kaniya tapos ngayon heto na sinagot ka na," ani ko at ngumiti.

"Nakita mo na ba post ko sa social media ko? Bakit hindi ka pa naka-heart doon?" tanong niya.

"H-Ha? Aling picture?" patay malisya kong sambit.

"Nag-post ako. Sh*t napakaganda niya talaga. Pero maganda ka din, tapos sexy," mapang-asar niyang sabi.

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking beywang saka nilabas ang cellphone niya. Napasandal ako sa matipuno niyang balikat saka tinignan ang cellphone niya. Pilit kong tinatago ang lungkot na nararamdaman ko.

"Ang ganda nga niya," kumento ko.

"Salamat talaga, Seira. Kung hindi dahil sa tulong mo noon at pagsuporta mo, baka sumuko ako kay Vinalyn. Alam mo naman, madami akong kaagaw, gandang babae kasi," nakangiti niyang sabi.

Ngumiti rin ako sa kaniya. Lumayo siya sa akin at binulsa ang cellphone niya. Napatingin siya sa loob ng bahay.

"Naglilinis ka pa ba?"

"P-Patapos na, bakit?"

"May nakita akong cotton candy sa kanto, bili tayo? Hindi ba paborito mo 'yon?"

Tumango ako. Napatingin naman ako sa suot ko.

"Dapat binilhan mo na ako, tignan mo suot ko nakapambahay lang ako. Ikaw naka-jeans. Mukha na naman akong Yaya!" reklamo ko.

"Sus! Sa kanto lang naman. Naka-kotse kasi ako kanina, hinatid ko si Vinalyn sa bahay nila kaya hindi na ako nakahinto sa cotton candy."

"Tsk, bili mo na lang ako."

"Sumama ka na kasi! Lalakad lang naman, mabilis lang 'yon." Hinila niya ang kamay ko, wala akong nagawa kundi sumama sa kaniya.

Habang nasa kalsada na kami ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

Gusto kong mag-assume na baka gusto niya rin ako. Pero dahil magkaibigan kami sa loob ng sampung taon, tila ba normal na lang sa amin 'to. Kahit ang paghalik niya sa labi ko, parang wala lang para sa kaniya.

Halik kaibigan lang talaga...

**********************

Kaugnay na kabanata

  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 5

    Madeline's P. O. V.Hinila ni Raven ang dalawang balikat ko patayo. Napatitig ako sa mga mata niya. Bakit pakiramdam ko ay nag-aalala siya?"Huwag ka na makisali sa away ng pamilya ko," malungkot kong sambit."They will be my family too, you will become my wife soon." Napaiwas ako ng tingin, parang ang awkward naman nito. Talagang kine-claim niya na magiging asawa niya ako, wala ba siyang ibang babaeng gusto at okay lang na ikasal siya sa kagaya ko?"B-Bitawan mo na 'ko," nauutal kong sambit at tinanggal ang kaniyang kamay na nakahawak sa balikat ko."Maddy, ayokong magkaroon ng gulo. I want us to unite, we need cooperation." Napataas ang kilay ko sa kaniya."Ikaw lang naman kasi yung makikinabang sa kasal na 'to. Yayaman ka, pero ako? Mawawala yung teenage life ko dahil lang kasal ako sa 'yo?" Napa-cross arms siya at sumeryoso ang mukha nito sa akin. Hindi ako nagpatalo at mas tinarayan ko pa siya."Ano bang akala mo? I'll make you pregnant after the wedding?" Napaawang ang labi

    Huling Na-update : 2022-05-03
  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 6

    Madeline's P. O. V. Pagsapit ng dapit-hapon, habang abala ang lahat sa pag-aayos dahil uuwi na sila at tapos na ang kasalan namin. Ako ay mag-isang naglakad patungo sa dalampasigan para panoorin ang paglubog ng araw. "Napakabilis ng araw..." bulong ko. Napahalukipkip ako nang madama ang malamig na hangin. Pinapanood ko ang mga bata na naglalaro ng buhangin sa tabi ko. Bahagya akong napangiti nang makagawa ito ng castle na gawa lamang sa sand. Pumalakpak ang batang babae sa tuwa, tila ba achievement ang kaniyang nagawa. "Kuya, tignan mo gawa 'ko!" sigaw ng bata sa lalakeng nasa tabi ng tubig at kumukuha ng tubig alat sa kaniyang cup. "Bakit nakagawa ka? Bumabagsak yung sa akin!" bakas ang inis sa boses ng lalakeng bata. "Konting tubig lang, Kuya. Igagawa kita," ani ng batang babae at naglagay ng buhangin sa kaniyang cup. "Ang daya mo!" Nanlaki ang mga mata ko nang sinadyang sipain ng lalake ang ginawa ng batang babae, bumagsak ang buhangin at nawala ang korte nitong parang cast

    Huling Na-update : 2022-05-03
  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 7

    WARNING: NOT SUITABLE FOR MINORS! THIS CHAPTER CONTAINS MATURED CONTENTS.Seira Anthonette's P. O. V. Nakahawak sa beywang ko si Raiko habang si Gil naman ay hawak ang braso ko. Lumabas kami ng bar, dahan-dahan kaming naglalakad habang nasa harapan namin si Vinalyn at Jairus. Hindi naman ako lasing, pero nahihirapan na ako ibalanse ang katawan ko dahil inaantok na ako."Seryoso, may problema ka ba talaga?" tanong ni Raiko sa akin."Wala.""Kanina pa 'yan, ininom ba naman yung alak ko," ani Gil.Huminto kami sa kotse ni Vinalyn. Tignan mo, may kotse naman pala ang babaeng 'to tapos nagpapahatid at sundo pa kay Jairus. Mabuti na lang at hindi siya lasing, makakapag-drive pa si Vinalyn. "Ingat kayo, I'll go now. Have a good night, guys!" sigaw ni Vinalyn at kumaway sa amin bago pumasok sa kaniyang kotse.Pilit akong ngumiti. Tinanggal ko ang suot kong leather jacket at inabot kay Raiko. "Mauna na rin kami, mga 'Tol. Itong si Sammy, babagsak na," ani Luke."Sige, pre. Ingatan mo 'yang

    Huling Na-update : 2022-05-04
  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 8

    Seira Anthonette's P. O. V.Habang naglalaba ako dito sa likod ng aming bahay kung saan karugtong ng dirty kitchen. Pakiramdam ko ay nagmamanhid na ang kamay ko kakapiga ng mga damit na galing sa washing machine na hinahagis ko sa batya na may malinis na tubig."Seira, anak?" tumayo ako para puntahan si Mama."Po?" "Hindi ka pa pala nagsa-saing? Hindi naka-bukas ang kalan pero may lamang bigas 'tong kaldero!" ani Mama.Napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa sobrang lutang ko at sa dami ng iniisip ko, nakalimutan kong buksan ang kalan."S-Sorry po, nakalimutan ko po," ani ko."Oh siya, hayaan mo na. Mabilis namang maluto ito. Nasaan na yung pinrito mong longganisa?" tanong ni Mama."Nasa lamesa na po," ani ko."Mabuti ka pa napapakinabangan ko at nakakatulong sa akin. Samantalang ang kuya mo walang binigay kundi sakit sa ulo." Ayan na naman si Mama at nagrereklamo tungkol kay kuya. Ang akin lang, palagi pa niya binabanggit si Kuya, hindi naman maganda ang sasabihin niya."Kapag nainin

    Huling Na-update : 2022-05-05
  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 9

    Seira Anthonette's P. O. V.Tumulong ako sa paglalagay ng pizza sa lamesa. Naglabas ako ng soft drinks saka naglagay sa pitsel since wala silang maid dito, ako ang tumutulong kala Jairus."Wait! Nandito na raw si Vinalyn. Sunduin ko lang sa labas," ani Jairus at kumaripas ng takbo.Nabitawan niya pa ang mga basong ilalabas niya. Kinuha ko ang mga iyon mula sa lababo at nilagay sa lamesa. "Kilala mo ba yung girlfriend ni Jairus?" tanong ni Tita at naupo sa hapag."O-Opo, pero hindi ko siya kaklase, hindi rin po kaklase ni Jairus dahil magkaiba sila ng room, pero pareho po silang entrepreneurship ang course," ani ko."Ikaw, Accountancy ka, 'no?" ani Tito."Opo."Bigla namang bumukas ang main door. Nakita ko si Jairus na nakaakbay pa kay Vinalyn habang papasok sila dito sa loob ng bahay. Napaiwas ako ng tingin, ngayon hindi lang ako ang inaakbayan ni Jairus kundi ang girlfriend na niya."Good afternoon po, Tita, Tito!" masiglang bati ni Vinalyn.Nanatili akong nakatayo sa dulo ng hapag

    Huling Na-update : 2022-05-07
  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 10

    Seira Anthonette's P. O. V.Lumipas ang ilang linggo."Ang saya kaya, feeling ko perfect na perfect na lahat," ani Jairus habang naglalakad kami sa kalsada patungo sa kanto kung saan sakayan ng trycicle."Hhhmmm, baka feeling mo lang. Hindi ko nga alam paano nagkagusto sa 'yo si Vinalyn," natatawa kong sabi para maitago ko ang sakit na nararamdaman ko.Nagulat naman ako nang akbayan niya akong muli. Napatigil kami sa paglalakad."Ikaw, kapag dumating yung araw na nagkaroon ka ng boyfriend. Kasama rin dapat ako. You witnessed my love life so, I should witness yours too," aniya habang nakatitig sa mga mata ko."A-Ano ka ba!? Busy ako, wala pa akong balak mag-boyfriend," ani ko at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko.Nauna akong naglakad, pero hinabol niya ako. Ayoko nang maramdaman na may pag-asa ako sa kaniya dahil alam kong wala na talaga, ngayon pang settled si Vinalyn sa pamilya ni Jairus."Bakit, lagi ka nga nagpapaganda kaya para kanino 'yon?" mapang-asar niyang tanong."Para s

    Huling Na-update : 2022-05-08
  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 11

    Seira Anthonette's P. O. V.Kasama ko ang mga kaklase ko dito sa library, sabay-sabay kaming nagsauli ng libro na ginamit namin. Lahat kami ay pagod na pagod sa pag-aaral pero worth it naman dahil maganda ang grado na nakuha namin kanina lang."Kailan ba Christmas break natin?" tanong ni Sandra.Lumabas kami ng library."Mag-eexam pa tayo, bago mag-break," sabat ni Jayve."P*ta, kailan ba matatapos 'to?" inis na sambit ni Emman. Sabay-sabay kaming napabuntong hininga habang naglalakad patungo sa aming building. "Last year na 'to, malapit na tayo gumraduate," ani Shiela."Ang tanong ga-graduate ba?" ani Lyn. "Huwag kayo maging negative. Kayang-kaya natin 'to, walang maiiwan," ani ko."Tama, manalig tayo kay Seira," pabirong sabi ni Ezreal.Natawa naman kami at nang tuluyan kaming makarating sa building namin ay nakasalubong namin si Jairus na nagmamadali pababa ng hagdanan."Seira!" sigaw ni Jairus.Halos mapalingon ang lahat ng estudyante sa lakas ng boses ni Jairus. "Yung boyfrie

    Huling Na-update : 2022-05-09
  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 12

    Seira Anthonette's P. O. V.Makalipas ang ilang linggo, sumapit ang araw ng pasko. Kasalukuyan kong binabalot ang munti kong regalo kay Jairus, isang bracelet na ako mismo ang gumawa, may kasama din itong panyo na ako ang nagkurba ng pangalan niya. Wala naman kasi akong maraming pera para ibili siya ng mamahaling bagay, na halos lahat mayroon na siya. Sa tingin ko, effort ang maibibigay ko, at ito iyon. Naglagay ako ng maliit na papel kung saan nakasulat ang pagbati ko sa kaniya. Idinikit ko iyon sa gift wrapper. "Seira, hugasan mo na 'tong mga kasirola!"Iniwan ko sa kama ko ang regalo na hawak ko. Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Mama na nagluluto ng noche buena namin, kaunting-kaunti lang ang niluto niya, yung sapat lang para sa aming dalawa. Mayroong spaghetti, pancit. Nagprito siya ng hotdog. May limang piraso na barbeque at 1.5 liter na soft drinks. "Seira, bukas ng umaga mag-sisimba tayo kaya maaga ka gumising." "Opo, Ma."Bigla namang may kumatok sa pinto namin. May

    Huling Na-update : 2022-05-11

Pinakabagong kabanata

  • Hidden Love and Lies   Chapter 30

    Seira Anthonette's P. O. V.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Amoy ko ang bango ng alcohol sa paligid, noon ko napagtanto na nasa loob ako ng hospital. Nakita ko si Dorothy na nasa tabi ko at nakayuko."D-Dorothy..." bulong ko.Napaangat siya ng tingin sa akin, bakas ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang braso niya."How come that you're pregnant?" tanong niya kaagad."K-Kamusta ba ang baby ko?" Napaiwas siya ng tingin."Okay naman, you bleed due to stress. The Doctor said, you must rest atleast a week." Tumayo siya. Pinanood ko siyang kumuha ng isang paper bag na puno ng pagkain."Binili ni Iverson bago siya umalis," cold niyang sabi sabay abot sa akin ng paper bag.Sinilip ko ito, una kong kinuha ang vegetables salad. Akmang kakainin ko na ito pero pansin ko pa rin ang galit sa mukha ni Dorothy."Dorothy... Sorry, hindi ko lang alam kung paano ko aaminin 'to.""Seira, kumain ka na. Kailangan 'yan ng baby mo. Magkwento ka lang, makikinig ako sa 'yo." Sumanda

  • Hidden Love and Lies   Chapter 29

    Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira."Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya."Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami."Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.Sumama ako sa kaniya patungo

  • Hidden Love and Lies   Chapter 28

    Jairus Gael's P. O. V Hawak ko ang aking cellphone, hindi pa rin nase-seen ni Seira ang mga messages ko. Mag-iisang buwan na siyang out of reach. "Babe, here's your cookies. Malamig na, let's eat it in our balcony. What do you think?" nakangiting tanong ni Vinalyn.Narito ako ngayon sa bahay nila, wala ang parents niya at kukuhanin ang gown na pinatahi pa. Nahahanda na ang lahat para sa kasal, ngunit hindi pa rin matahimik ang loob ko patungkol kay Seira."Babe?" biglang hinawakan ni Vinalyn ang pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya."Y-Yes, Babe. Let's go." Hinawakan ko ang kamay niya.Sabay kaming naglakad paakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang kuwarto kung saan mayroong balcony. Nilapag ko ang cookies sa lamesa.Binulsa ko na ang cellphone ko dahil baka makita pa niya ang messages ko kay Seira, baka mag-away na naman kami."Babe, check my dresses. Pumili ka ng isusuot ko bukas kapag pumunta tayo sa reception ng kasal," aniya at hinila ang kamay ko.Sumama ako sa kaniya patungo

  • Hidden Love and Lies   Chapter 27

    Jairus Gael P. O. V. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Isang linggo na akong nababaliw kakahanap kay Seira, dahil isang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Minsan ay nakikita ko na lang ang sarili kong umiiyak, hindi ko kailan man kinaya na hindi siya kausapin sa loob ng isang araw. Sampung taon, hindi ko akalain na mawawala na lang siya bigla.Narito ako ngayon sa tapat ng pinto ng bahay nila Seira, nagbabakasakali na kakausapin na ako ni Tita Sonya matapos niya akong palayasin kahapon dahil sa kakatanong ko kung nasaan si Seira. Tila ba naglayas siya, galit sa kaniya si Tita Sonya. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin, kung pwede ko naman siyang ampunin na lang, dito na lang siya sa bahay."Tita Sonya!" sigaw ko at muling kinatok ang pinto.Ilang minuto na akong nakatayo rito. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako dahil hindi ako mapakali. Kailangan ko malaman kung nasaan siya, kung may problema ba, kung napaano na ba siya, at kung anong lagay niya ngayon?"Tita Sony

  • Hidden Love and Lies   Chapter 26

    Seira Anthonette's P. O. V.Paglapag ng eroplano, muli kong binuksan ang cellphone ko para i-message si Dorothy na nandito na ako. Nag-usap kami na susunduin niya ako sa terminal three, dahil dito ang labas ko. Kinuha ko na ang baggage ko mula sa baggage center saka tumayo sa labas. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, palubog na ang araw. Biglang lumabas ang notification sa aking cellphone, ang daming missed calls ni Jairus at messages. Wala na akong balak i-seen ang mga iyon. Hindi na niya ako kailangan, nariyan na si Vinalyn sa tabi niya habambuhay.Tinanggal ko ang sim card ng aking cellphone. "Seira!" napalingon ako sa gilid ko.Nakita ko si Dorothy, nakangiti ito habang sinasalubong ako. Hindi ko napigilan ang maiyak, sa wakas ay nagkita na kami matapos ang ilang taon na sa cellphone lang kami nag-uusap.Niyakap ko siya, napasubsob ako sa balikat niya at hinayaang bumuhos ang luha ko. Hinagod niya ang aking likod. "Oh, Seira! Bakit ka umiiyak? Does something happened?" a

  • Hidden Love and Lies   Chapter 25

    Jairus Gael's P. O. V.Hawak ko ang isang magazine, puno ito ng litrato pangkasal. Gusto kong si Seira mismo ang pumili ng gusto niyang masuot sa araw ng kasal ko. Kailangan ko ito gawin, this is the only way I thought of... Para manatili kaming magkaibigan."Seira?" tawag ko at akmang bubuksan ang gate ng bahay nila.Bigla kong nakita si Tita Sonya na may hawak na isang walis tambo. Lumakad ito papalapit sa akin. "Tita, nasaan po si Seira?" tanong ko at tuluyan kong binuksan ang gate nila.Lumapit ako at kinuha ang kamay ni Tita Sonya para magmano. Rinig ko naman malalim nitong paghinga."Umalis." Tumango ako at ngumiti, itinago ko sa likuran ko ang magazine na hawak ko."Saan po pumunta?""Hindi ko alam," walang gana niyang sagot."Anong oras po kaya siya babalik?"Hindi niya ako sinagot, nawala ang ngiti sa aking labi nang talikuran niya ako. Akmang hahabulin ko si Tita Sonya pero mukhang galit siya. Napabuntong hininga lamang ako at kinuha ang cellphone ko na nasa aking bulsa."

  • Hidden Love and Lies   Chapter 24

    Seira Anthonette's P. O. V.Kakatapos lamang ng graduation namin, nakita ko ang mga tropa ko na nagtatalunan sa tuwa. Gusto ko ring makitalon pero may iniingatan akong bata sa sinapupunan ko. Bigla akong nilapitan ni Sammy."Girl! Picture naman tayo," aniya sabay ayos sa aking suot na toga."Tara, barkada goals!" ani ko.Tumayo kami sa harapan ng stage. Tinawag ni Sammy ang isang kaklase nila para picture-an kami nina Gil, Raiko at Sammy. Bigla namang tumakbo si Jairus papalapit sa amin. "T*ngina niyo! Hindi niyo 'ko inaaya!" sigaw ni Jairus. Nagulat ako nang tumabi ito sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa aking balikat at mahigpit na hinawakan ang balikat ko. Dikit na dikit ang katawan niya sa akin."Tingin na dito!" sigaw ng estudyante na kukuha sa amin ng litrato."One! Two! Three! Smile!"This is, our last picture together...Balak ko nang bumili ng ticket ngayong araw. Bibilhin ko ang maagang flight dahil gusto ko na agad makaalis, makalayo, makapagsimulang muli.Nanin

  • Hidden Love and Lies   Chapter 23

    Seira Anthonette's P. O. V. Hawak ko ang aking tiyan, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ngayong alam ko na talaga na buntis ako, parang sobrang arte ng pag-iingat ko sa sarili ko. Ngayon kasi ay nagpa-practice kami ng graduation ceremony, paulit-ulit kaming lumalakad sa stage at nagba-bow. Kinakabahan naman ako na baka matagtag ang katawan ko at mapasama ang baby ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mong may laman ang tiyan mo, nabubuhay na kailangan mong ingatan. Nagiging praning na ako."Seira, gusto mo ng tubig?" Napatingin ako kay Jairus, nakatayo ito sa gilid ko at may hawak na bottled of water."Salamat," ani ko at tinanggap ito.Pinunasan ko ang aking pawis saka uminom ng tubig na ibinigay niya. Umupo siya sa tabi ko, napakunot naman ang noo ko, baka mamaya makita na naman kami ni Vinalyn at bumunganga na naman siya."Seira, mamaya alam mo na." Napabuntong hininga ako, heto na naman siya para ipaalala ang proposal na magaganap mamaya. "Oo, na-set up naman na." "Bu

  • Hidden Love and Lies   CHAPTER 22

    Seira Anthonette's P. O. V.Itinago ko ang pregnancy test at ultrasound sa isang kahon ng luma kong sapatos. Inilagay ko ito sa ilalim ng vanity mirror ko, nagdarasal na huwag iyon galawin ni Mama. Hindi ko pa alam paano ko sasabihin sa kaniya, hindi niya pwedeng malaman 'to lalo na't hindi pa ako guma-graduate ng kolehiyo.Ano na lang ang iisipin niya? Na kagaya lang ako ni Kuya Benjie, nagpabaya sa pag-aaral at nabuntis. Saka ko na sasabihin kay Mama ito. Kailangan ko lang maging settled financially. Kailangan ko ng pera para sa ultrasound at vitamins na kailangan ko i-take ngayong buntis ako. Ayoko ito ipalaglag, hindi ko papatayin ang sarili kong anak. Kinuha ko ang cellphone ko at napahiga sa kama ko. Tinawagan ko si Dorothy, nakakadalawang missed ko na ako, ayaw niya sumagot. Kailangan ko ng pera..."Dorothy!" hiyaw ko nang sagutin niya ang tawag."Ano na? Kamusta pagpapakatanga mo. Ang dami mo pa lang missed call, naliligo ako, beh!" aniya.Napangiti ako, siya lang ang malalap

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status