Tintin & Andrew Love story -- from YOUR HERO YOUR LOVER 17 years old pa lang si Tintin ay crush na crush na niya si Andrew. Nagnurse siya upang mapalapit sa lalaki na noon ay nag-aaral pa lang ng kursong medisina. Hindi lingid sa kaalaman ni Andrew ang nararamdaman ng dalaga sa kanya ngunit masyadong bata pa ang tingin niya dito. Samantalang gagawin ni Tintin ang lahat upang mapa-ibig niya si Andrew ngunit hanggang kailan niya susuyuin ang binata lalo na ngayon na dumating ng ang ex-girlfriend ni Andrew?
View MoreTintin POV
“Sige na po ate Beth, last na po talaga to… promise!” Kanina pa nakikiusap si Tintin sa charge nurse ng department nila na siyang nag-aasikaso ng schedule ng mga nurse sa hospital na pinagtatrabahuhan niya. “Hay naku Kristina, palagi mo na lang sinasabi yan. Nakailang last ka na sa akin. Ilang beses na rin kitang pinagbigyan.” mariing tanggi ni Beth. “Hindi naman pwedeng lagi na lang nating papalitan yang schedule mo, para lang ka-shift mo palagi si dok.’ patuloy nito. “Promise talaga, last na to. Hayaan nyo po kapag ikinasal kami ni Dok Andrew kayo ang una kong padadalhan ng invitation. Tapos dun ko pa kayo ipupuwesto sa VIP table.” buong kumpiyansang saad ni Tintin. Tumawa naman ng malakas sina Beth at iba pang mga nurse na naroroon ngayon. “Yan ang gusto ko kay Kristina, lakas ng fighting spirit. Sige ipagpatuloy mo lang yan.” sulsol pa ni Sara, isa sa mga nurse. Ngumiti si Tintin dito at humarap kay Beth ng taas noo. Tinaasan naman siya ng kilay ni Beth. “Nagpapatawa ka ba? Yung maging boyfriend mo nga lang si dok suntok na sa buwan, kasal pa kaya?” natatawang komento ni Beth. “Sige makinig ka sa mga yan kung gusto mong tumandang dalaga.” dugtong pa nito. Bagsak ang balikat na umupo si Tintin. Mukhang hindi nga talaga siya pagbibigyan ni Beth na ngayon ay may binabasang text message na kare-received lang nito. “Ang lakas mo kay Lord, nagtext si Josie, nakikipagpalit ng schedule niya this week, darating daw ang magulang niya.” anito. Umaliwalas ang mukha ni Tintin sa narinig. “O kita mo na ate Beth, mismong langit na yung gumagawa ng paraan na magkasama kami. Destined kasi kami, hindi pa lang niya narerealized yun.” anito. Napailing lang ang may edad na nurse sa sinabi niya. “Oy kayo hindi ko to ginagawa para kay Kristina ha, nagkataon lang na may nakikipagpalit. Ayokong may maririnig na kinukunsinti ko siya sa kabaliwan niya.” paglilinaw ni Beth sa mga katrabaho. “Gusto kong malaman nyo na fair ako sa inyong lahat.” dugtong pa nito. “Wag kayong mag-alala ate Beth wala namang magrereklamo kahit gawin nyo yan, sino ba namang hindi nakakaalam na patay na patay tong si Kristina kay dok. Kahit nga yung mga pasyente dito alam na alam nila.” tumatawang sabi ni Mae, isa sa mga nurse. Napuno ng tawanan ang nurse station. Sino ba namang hindi? 4 months nang nagtatrabaho si Tintin sa Neumann Hospital at 4 months na ring siyang vocal sa nararamdaman niya kay dok Andrew. Si Andrew Rufino ay ang kanyang long time crush. 17 years old pa lang siya ay crush na crush na nya ito. Kapatid kasi ito ni Drake Rufino na asawa ng bestfriend niyang si Mutya. Si Drake ang CEO nang kompanyang nagmamay-ari ng Neumann Hospital. Ilang taon na lang ay isasalin na rin kay Dr. Andrew ang pamamalakad sa lahat ng hospitals na pagmamay-ari ng pamilya nito. 30 years old si Andrew at ito ang pangalawang taon niya bilang ganap na doktor. Nung 17 pa lang si Tintin ay pangarap na niya ang makatapos ng kursong HRM ngunit nang malaman niyang estudyante ng medicine si Andrew ay biglang nag-iba ang kanyang pangarap. Naging pangarap niya si Andrew… este ang makatapos ng kursong nursing. 22 years old na siya ngayon at kagagraduate lang niya ng college. Nang makagraduate siya ay nag-apply siya sa hospital kung saan naroon si Andrew. Hindi naman nahirapang mag-apply sa hospital na yun si Tintin dahil malakas nga ang kapit niya sa itaas. “Hindi ka ba natatakot na maging biyenan sina Don Antonio at Donya Agatha? Balita ko nakakatakot daw yung si Don Antonio?” curious na tanong ni Beth kay Tintin. Sumabat si Sara. “Ilang beses ko na nakita si Don Antonio, grabe ang lakas ng awra. Nakaka-intimidate talaga, Nakakatakot at baka mali ang masabi mo. Si Donya Agatha naman, sobrang sosyal, nagmumukha akong mabaho kapag lumalapit siya sa amin.” salaysay ni Sarah. “Bakit naman ako matatakot kung maganda naman ang intensyon ko sa anak nila?” balewalang sagot ni Tintin. Nagtawanan ang mga naroroon ngayon. “Isa pa, kinausap ko na kaya si Don Antonio. Ang sabi ko, pakakasalan ko ang anak niya pagkagraduate ko.” ani Tintin. “Seryoso ka? Paano mo naman siya nakausap?” di makapaniwalang tanong ni Beth. “Sa binyag ng apo niya. Isa ako sa mga ninang. Bestfriend ko kasi yung manugang nila.” ani Tintin. “Talaga? Oh eh anong sagot sayo ni Don Antonio?” pahabol na tanong ni Beth. “Sabi niya Goodluck!” ani Tintin. Muli na namang napuno ng tawanan ang nurse station. Totoo ang sinabi ni Tintin. Nung tumayo siyang ninang sa panganay na anak ni Mutya ay kasama nila sa iisang table ang mga Rufino dahil parang pamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanila. “Andrew, pagkagraduate ko ng nursing, pakakasalan kita.” balewalang sabi ni tintin habang kumakain sila. Napailing na lang si Andrew sa kanya dahil nasanay na rin ito kay Tintin na palaging nagtatapat ng damdamin tuwing nagkikita sila. Dahil dun ay katakot takot na sermon ang natikman nya mula sa kanyang ina nang makauwi sila. Ganunpaman ay napatawa niya ang supladong si Don Antonio dahil sa sinabi niya. “Good luck!” anito na nakangiti sa inosenteng si Tintin na noon ay first year college pa lang. “Kapag naging kayo, sagot ko na ang first date nyo.” pabirong tugon ni donya Agatha na cute na cute sa kanya. Basta may event sa buhay ni Mutya ay palagi silang imbitado. Kung ilag ang mga tao sa pamilya Rufino, kakaiba itong si Tintin. Hindi kasi nito narerealized na mga bigating tao ang mga ito dahil napaka-inosente ng dalaga. Isa pa ay naging normal na sa kanya ang makita palagi ang pamilya ng mga Rufino. ****** “Sino na naman ang kinulit mo ngayon para lang makipagpalit ng schedule sayo?” naiiling na tanong ni Andrew nang makitang si Tintin na naman ang makakasama niyang nurse ng gabing yun. “Wala ah. Grabe ka namang magbintang dyan, nakakasakit ka ng damdamin ah.” painosenteng tugon ni Tintin. Bago pa man makapagsalita si Andrew ay naagaw na agad ang atensyon nila ang isang stretcher na parating at mabilis na itinutulak ng dalawang nurse. Mabilis na pinuntahan yun ni Andrew upang saklolohan. Awtomatiko na sinundan siya ni Tintin dahil normal na sa kanila ang eksenang yun sa emergency room. Biktima ng pananaksak ang lalaking pasyente. Mabilis naman yung naagapan ni Andrew. Samantalang si Tintin naman ay kanina pang gustong masuka dahil sa dami ng dugo. Hindi naman siya palaging ganito. Dumadaan lang talaga minsan na nakakaramdam siya ng ganun lalo na at sobrang dami ng dugong dumadaloy. Mas matindi pa nga siya nung intern pa lang siya sa probinsya. Mabilis siyang masuka ngunit nakasanayan na rin niya ang makakita ng dugo kaya kahit paano ay hindi na siya naaapektuhan, subalit paminsan minsan ay dumadaan talaga na sinasamaan siya ng lasa kagaya ngayon. Nilalabanan lang talaga niya ito dahil si Andrew ang kasama niya ngayon, siguradong magagalit na naman ito dahil hindi ito ang unang beses na masusuka sa harapan nito pag nagkataon. Nung nakaraan ay nagsuka talaga siya sa harapan nito. Diring diri naman si Andrew dahil pati ang white coat nito ay natilamsikan ng isinuka ni Tintin. Laking pasalamat niya ng natapos ang pagtahi sa sugat ng pasyente na hindi siya nasuka. Naglakad na papaalis si Andrew at kasunod si Tintin nang unti unting makaramdam ng panghihina ang dalaga at bago pa man siya tuluyang nawalan ng malay ay agad siyang kumapit sa likod ni Andrew. ******** Tintin POV Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Mukha agad ni Andrew ang aking nasilayan. Nakaupo ito sa gilid ng hinihigaan ko. “Umuwi ka na at magpahinga.” bungad nito sa akin. Ramdam ko agad sa boses nito na hindi ito natutuwa sa nangyari. “Ayos lang ako.” tanggi ko. “Bahala ka. Pasalamat ka at ako lang ang nakakita sayo. Bakit ba kasi nagnurse ka kung takot ka naman sa dugo?” anito at tumayo. “Ipalilipat kita sa regular medical ward. Simula bukas dun ka na naka-aasign.” anito. “Andrew… wag naman!” naiiyak kong sabi. “Kapag nalaman ng management na takot ka sa dugo baka mas lalo ka pang mamroblema.” ani Andrew. “Andrew–” “This conversation is over. If you want to plead, talk to the higher-ups, but I won’t put up with this anymore. Pinalusot na kita noong una, but it won’t happen again.“ mariing sabi nito bago tuluyang umalis. Bagsak ang aking balikat at parang gusto kong maiyak ng mga oras na yun. Lumabas na rin ako. Nakita kong nagmamadaling lumapit si Liezel sa akin, ang pinaka close kong katrabaho dahil halos sabay lang kaming natanggap dito sa hospital. “Anong nangyari sayong bruha ka? Nakita kong buhat buhat ka ni dok kanina.” pabulong na tanong nito. “Hinimatay ako. Lintik na dugo kasing yun, kung kelan duty ako tsaka nagpakitang gilas.” inis na sagot ko habang naglalakad kami. “Ipapalipat tuloy ako ni dok sa medical ward. Mahihirapan na tuloy akong mapasagot siya.” padabog kong sabi. “Gayumahin mo kaya?” ani Liezel. Natawa ako sa sinabi nito. “Nagpapaniwala ka naman sa ganun.” nawala tuloy ang inis ko. “Totoo yun, Sabi ng kuya ko, yung kaibigan daw niya ganun ang ginawa sa nililigawan, ayun asawa na ngayon. Dalawa na ang anak. Sa albularyo daw yun humingi ng tulong.” seryoso sabi ni Liezel. Napatigil ako sa narinig at nilingon siya. “Seryoso ka? Baka ginu-gudtym mo lang ako ha” paninigurado ko. “Bakit naman kita lolokohin, eh alam kong naman kung gano mo kagusto si dok.” buong sinseridad na sagot ni Liezel. “Talaga? Samahan mo ko dun sa albularyong sinasabi mo.” parang bigla tuloy akong nabuhayan ng loob. “Oo ba, pareho naman tayong off sa Thursday, puntahan natin yung sinasabi ni kuya na albularyo.” suhestyon ni Liezel na agad ko namang sinang-ayunan. “Okay sige!” ************** 3rd Person POV “Dadasalin mo lang itong nakasulat sa pulang papel. Dapat ay kumpleto ang mga gamit na nasa listahan. Pagkatapos ay ipapainom mo sa kanya yang recipe ng gayuma na tinimpla mo. Nakasulat na rin dyan ang ingredients.” wika ng albularyo. “Kapag naman gusto mong alisin ang bisa ng gayuma ay itong asul na papel naman ang dadasalin mo. Pareho lang naman ang recipe ng gayuma at mga gamit na kokolektahin mo." Ipinapaliwanag nito kay Tintin ang lahat ng mga dapat niyang gawin at paano timplahin ang gayuma. Inabot din nito ang listahan ng mga dapat kolektahin ni Tintin upang makumpleto ang orasyon. Listahan ng mga dapat kolektahin para sa orasyon: ●Kandila ●Picture ng taong manggagayuma ●Picture na taong gagayumahin ●Brief ng taong gagayumahin (Kailangang gamit na at hindi pa nalalabhan) . Napamulagat sina Tintin at Liezel sa nabasa “Ay sigurado ga ho kayo dine tatang, kailangan ga talaga ng brief?!?!” gulat na tanong ni Tintin. Dahil sa pagkagulat ay hindi na naikubli ang puntong batangas nito. “Tandaan mo, hindi basta brief, dapat yung ginamit niya at hindi pa nalalabhan.” seryosong tugon ng albularyo. “Paano ko naman ho makukuha yun? Ano? Sasabihin ko sa kanya na -Andrew.., pwede ba akina lang yang brief mo tutal marumi na?” hindi maipinta ang mukha ni Tintin dahil imposible ang hinihingi ng albularyo. Tumawa naman tumawa si Liezel dahil sa sinabi niya. “Nasa sa inyo naman yan kung gagawin nyo o hindi. Hindi ko kayo pinipilit, Kusa kayong lumapit sa akin, ako naman ay tumutulong lang.” pagalit na sagot ng albularyo. Napabuntong hininga na lang si Tintin. Imposible ang hinihingi sa listahan ni manong albularyo. “Sya sige na nga, magkano ga ho at nang kami eh makalayas na dine.” ani Tintin. “1000 na lang sa yo.” tugon ng albularyo. Napakamot ng ulo si Tintin. “Ang mahal naman!” pabulong na sabi niya. “Ano yun?” tanong ng matanda. “Wala ho, sabi ko aalis na kami.” ani Tintin. Lumabas sila ni Liezel sa bahay ng albularyo na hindi masaya. Hinatid naman sila ng tanaw ng matandang albularyo. “Diba sabi mo nurse ang mga yan?” tanong nito sa asawang babae na umaasiste sa kanya. “Ay bakit ang tatanga? Hanggang ngayon ay nagpapaniwala pa rin sa mga gayuma.” nakabungisngis na sabi nito. Pinagtawanan ng mag-asawa ang magkaibigang kaaalis lang. . Samantalang inis pa rin si Tintin dahil sa listahan ng orasyon..., naghihintay sila ngayon ng masasakyan pauwi. “Pasensya na, hindi ko naman alam na ganun pala kahirap mang gayuma.” ani Liezel na nakikisimpatya sa kaibigan. Naglabas ng malalim na buntong hininga si Tintin. Kinuha niya sa bag ang kanyang cellphone at dinayal yun. Nagring ang phone number na tinawagan nya. “Hello.” wika ng nasa kabilang linya kaya nagsalita si Tintin. “Hello Mutya .., kailangan ko ng tulong mo!”Gigi POV Ano daw? Misis? Tama ba ang narinig ko? Muli akong napatingin sa kanya, nakangiti lang ito sa akin. Nasa tabi namin ang parents ko kaya medyo nahiya tuloy ako dahil alam kong narinig nila ang sinabi ni Gray. Pero nang lingunin ko ang mga magulang ko, nakangiti lang ang mga ito at hindi man lang kumontra. Halatang botong boto talaga sila dito. “Sige na, nang makakain na tayo. “ yaya ni itay at nauna na silang naglakad para magtungo sa jeepney na sinakyan namin kanina. Hinatid ko sila ng tingin ko hanggang sa makasakay na sila. “May kasalanan ka pa sakin.” napaigtad ako ng marinig ang boses ni Gray. Nawala ang ngiti ko at taka akong napatingin sa kanya. Wow, ha…, ako pa pala itong may kasalanan ngayon. Ang naaalala ko kasi , siya itong nagpa-iyak saken. Yun sana ang sasabihin ko kaso napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya nang mapansin nito ang naging reaksyon ko. Eh kasi naman, normal lang sa kanya na hinahawakan niya
Gigi POV “Ay si dok pala. Kumusta po.” bati ni Santi nang makilala si Gray, ganun din si Nica. Tumango si Gray sa mga ito. “Congrats.” bati niya sa mga kaibigan ko. Pagkuway muling sumeryoso at dumako ang tingin kay Jeff. “Pasensya na, pero may pupuntahan pa kami ng girlfr—” “Ninong!” kinakabahang putol ko sa sasabihin niya kaya nahinto siya sa pagsasalita. “Sige po ninong, magpapaalam lang ako sa kanila.” balisang sabi ko at saka tulirong humarap sa mga kaibigan ko. “Sige, mauna na ako, nakalimutan ko may lakad nga pala kami eh. Chat chat na lang ha.” sabi ko sa mga ito at hindi na nakapagpaalam ng maayos. Paalis na rin ang mga ito kaya hindi na rin siguro nila napansin ang ikinilos ko. Agad akong lumakad palayo sa kanila. Kahit nga si Gray, naiwan ko na. At nang medyo malayo na ‘ko ay saka pa lang ako huminto. Pagkatapos ay pumihit ako para lingunin si Gray pero napaatras ako nang bahagya dahil nasa likuran ko pala siya. Sisitahin ko pa sana siya dahil sa muntik
Gigi POV Anong ginagawa nya rito? Dapat ay nasa trabaho siya ngayong oras na ito. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya rito sa mismong araw ng graduation ko. Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na. Parang huminto ang oras at bigla akong nabingi. Yung parang wala akong naririnig na ingay, wala rin akong ibang nakikita maliban sa kanya. Inabot ng isang staff sa kanya ang medal. Tinanggap niya yun tapos ay marahang naglakad palapit nang hindi inaalis sa akin ang tingin. Nang nasa harap ko na siya, tumingala ako dahil sa tangkad niya. Bahagya siyang yumuko para magpantay ang aming mga mata, saka niya ako binati ng isang matamis na ngiti. Ayun, nahulog na naman ang puso ko, ni hindi ko man lang nasalo. Marahan niya inangat ang kanyang mga kamay habang hawak ang medal saka unti unting isinabit sa akin. Akala ko ay okay na pero hindi pa pala…. Naglakbay ang mga kamay niya sa aking likod at hinawi ang buhok na natatabunan ng ribbon ng
Gigi POV Kinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay. Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray. FROM SUGAR DADDY: “Bakit hindi mo sinabing aalis ka?” “Bakit ka umalis?” “Kailan ka uuwi?” Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang biglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun. FROM SUGAR DADDY: Umuwi ka na! . Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba. “Gigi, sagutin mo nga a
Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply
My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni
Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si
Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n
Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments