Share

Chapter 5

Tintin POV

30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa coffee shop na usapan namin ay magkikita kami. Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para maghintay.

“Bakit hindi ka pa umorder habang wala ako.” yun agad ang bungad niya sa akin.

Sinadya kong wag muna umorder dahil gusto kong matagal ako matapos magkape para hindi kami agad matapos sa date namin.

“Hinintay talaga kita. Anong klaseng date ito kung mag-isa lang akong magme-merienda?”

“Okay.” tumalikod ito at naglakad palapit sa counter para umorder.

Habang umoorder siya ay nagtetext naman ako sa isang katrabaho ko tungkol sa schedule namin. Itinigil ko lang ang pagtetext nang bumalik na si Andrew sa lamesa namin bitbit na ang dalawang kape.

Lihim akong napangiwi ng bigyan niya ako ng iced latte.

“Salamat.” matamis ko pa rin siyang nginitian.

“Anong pag-uusapan natin?” maayos naman itong makipag-usap ngunit wala ka talagang makikita kahit konting kilig sa mga mata niya. Ganun pa rin siya makitungo sa akin, kaibigan pa rin. Professional pa rin kahit pagdating sa bagong relasyon namin, yun bang parang ginagawa lang niya ang tungkulin.

“Akala ko ba, marami ka ng naging girlfriend? Dapat alam mo, na kapag nasa relasyon, hindi mo kailangan ng dahilan para magkita o magdate.”

Hindi nito napigilang mapatawa.

“Alam mo Tintin, kung hindi ka lang cute at nakakatawa, dapat nabuwisit na ako sayo ngayon dahil sa mga ginagawa mo.” anito habang iniinom ang kape niya.

“Alam mo Andrew, kung hindi ka lang gwapo, hindi ko pagtya-tyagaan yang ugali mo.” ganti ko naman.

Aba at napangiti pa ang mokong ng tinawag ko siyang gwapo.

“Maraming namang gwapo dyan, bakit kasi nagtyatyaga ka saken. Kung gusto mo ipakilala kita sa mga kakilala ko.”

“Ang gusto ko kasi, gwapo na doktor pa.”

“Hayaan mo’t ipapakilala ko sayo yung kaibigan kong si Dr.Gray. Gwapo yun bagay kayo. ”

“Oi Andrew, ipapaalala ko sayo na date natin to. Narito ka bilang boyfriend ko.., hindi matchmaker.”

Sumandal sa Andrew sa inuupuan.

“O bakit hindi mo iniinom yang kape? Ano, bored ka na sa akin? Pwede mo na akong i-break kung turn off ka na saken.” pabiro nitong puna nang makitang hindi ko ginagalaw ang kapeng bigay niya.

Alinlangan kong ininom ang kape. Kahit ayaw ko nang inorder niya ay ininom ko pa rin para hindi siya maturn-off sa akin, sabihin pa niya ang arte-arte ko at hindi girlfriend material.

“Bakit naman ako makikipagbreak sayo eh, eh first day natin ngayon bilang magboyfriend.” sagot ko.

“Correction, it’s our 2nd day. Counted na yung kahapon.” anito

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Talagang binabarat ako ng lalaking ito ah. Hindi na lang ako nagreklamo dahil gagawan ko na lang nang paraan para mapalapit ang loob niya sa akin sa natitira pang 5 araw simula bukas.

“Okay basta bukas manood tayo ng sine, wag kang tatanggi dahil alam kong off mo bukas. Alam ko kung anong schedule mo.”

“Bakit? Anong merun bukas?”

“3rd daysarry natin.” ewan ko ba kung san ko nakuha yung salitang yun. Basta bigla ko na lang naisip, para-paraan lang para may maidahilan kung bakit ko siya niyayaya lumabas ulit.

“Tintin, alam kong never ka pang nagka boyfriend, pero ipapaliwanag ko sa yo na hindi kailangang lumabas ng magboyfriend araw-araw.”

“Iba naman tayo Andrew. 7 days lang ang ibinigay mo sa akin. Sige, okay lang saken na saka na tayo manood ng sine, basta i-eextend mo ang pagiging magboyfriend natin eh.”

Napakamot naman ng ulo si Andrew.

“Okay, sige bukas.” naiiling nitong sabi.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Mrs. de leon kanina.

“Uminom ka ng maraming gatas bago tayo manood ng sine bukas ha.”

“Bakit naman?” tanong nito bago humigop ng kape. Nakangiti na agad ito dahil akala siguro niya ay magbabato na naman ako ng pick-up line.

“Baka kasi mauhaw ka sa loob ng sinehan, dedehen mo pa ako.” walang patumpik tumpik kong sabi.

Kitang kita ko kung paano nito naibuga ang kapeng iniinom niya. Mabuti na lang at hindi siya nakaharap sa akin, kung hindi baka nabasa nako. Napahagalpak ako nang tawa sa naging reaksyon niya. Ang sarap niya talagang biruin.

Medyo umuubo ubo pa ito ngayon habang pinupunasan ng napkin ang kanyang bibig.

“Sino bang pinagkaka-usap mo at natututo ka na ng mga ganyang salita? Ang bata mo pa para magbiro ng mga ganyan.”

“Andrew, baka nakakalimutan mo, 22 na ako. Hindi na ako yung 17 years old na kilala mo. Buksan mo yang mga mata mo para makita mong dalaga na ako.”

“Kahit pa, lalaki ako at hindi ka dapat nagbibitaw ng mga ganyang jokes sa mga lalaki.”

“Nagbibiro lang ako noh. Unless gusto mo rin, hindi talaga kita tatanggihan.”

Nanlaki lalo ang mga mata ni Andrew. Mukhang sesermunan na naman ako.

“Joke lang, dika na nasanay saken.” tuwang tuwa na naman ako sa reaksyon nito.

Sa bandang huli ay napapayag ko rin siya na sumama sa akin na manood ng sine bukas. Nang maubos nya ang kanyang kape ay nagpaalam na agad ito sa akin. Akala mo naman ay palaging nagmamadali, if i know gusto lang niya akong takasan agad.

“Ihahatid na kita.” wika ko.

“What?” gulat na tanong ni Andrew.

“Diba papunta ka sa trabaho ngayon? Sabi ko, ihahatid na kita. Dyan lang naman sa tapat ang hospital eh.”

Napatawa naman si Andrew.

“Kapag nagka boyfriend ka ng totoo, siguradong mapapasaya mo siya ng todo.” anito na hindi mawala wala ang ngiti sa labi.

“Bakit? Totoo namang boyfriend kita ah.”

“Okay, sinabi mo eh. May pupuntahan pa ako, kaya dimo na ako kailangang ihatid.” anito habang naiiling na lang at tumayo na sa kinauupuan

“Para-paraan para umiwas.” hindi kasi ako naniniwala na may daraanan pa siya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

“Kailangan kong icheck ang sched ko bukas kaya wag mo akong kukulitin. Itetext na lang kita what time at kung saang sinehan tayo magkikita.”

Sigurista talaga sa isip-isip ko. Hindi na ako umangal dahil okay na sa akin na pumayag itong manood kami ng sine. Magni-ninja moves na lang ako bukas sa sinehan.

“Okay.” pagsang-ayon ko.

Agad na itong umalis. Hindi ko naman siya pinigilan at kinulit pa. Akala siguro ni Andrew ay naniniwala ako na may dadaanan pa siya ngayon. Kaya lang naman hindi ko siya kinulit dahil, nag-aalburuto na kasi ang aking tyan ngayon. Yun ang dahilan kung bakit iced coffee lang ang palagi kong inoorder. Hindi lang dahil sa paborito ko yun. Mahina kasi ang tiyan ko sa gatas kaya hindi ako umoorder ng latte pero hindi yun alam ni Andrew.

Dali-dali akong tumakbo sa restroom bago pa man ako abutin dito sa labas. Mabuti na lang at nakaalis na siya at hindi ako inabot sa harapan niya. Kung nagkataon, nakakahiya baka ibreak niya agad ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status