Tintin POV
“Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.
Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa ni Andrew.
Nang matapos kaming manood ng sine ay nagyaya na itong umuwi. Ikinuha niya ako ng taxi, hindi ko naman naisip yung inirereklamo ni Mutya na dapat daw ay si Andrew ang naghatid sa akin pabalik mula sa sinehan. Malay ko ba kung paano makipagdate. Basta ang alam ko lang kanina ay masaya ako kahit pa nakatulog ako.
“Hindi ganyan ang Andrew na kilala ko. Napaka-gentleman nun at very protective. Hindi ako makapaniwalang hinayaan ka niyang magbyahe mag-isa kahit gabi na. May sasakyan naman siyang dala.” ani Mutya.
“Isa pa, ni hindi ka man lang niya niyayang kumain pagkatapos nyong manood.”
“Hay naku, alam mo namang sinasadya niya yun para sumuko na ako.” balewala kong sabi.
“Yun na nga Tin, ipinamumukha nya sayo na hindi ka talaga niya gusto. Maghanap ka na lang ng iba, obvious naman na hindi ka niya gusto. Ang tanga mo!”
“Oo na, tatapusin ko lang itong 7 days namin. Kapag wala talagang nangyari, hindi ko na ipagpipilitan. Aleast sinubukan ko di ba?”
Hindi ako nagsisinungalin nang sabihin ko yun. 4 days na lang at matatapos na ang kasunduan namin ni Andrew. Ibubuhos ko sa natitira pang mga araw para ipakita sa kanya na gusto ko talagang maging kami. Walang kasing sarap sa pakiramdam kung makakatuluyan ang childhood crush ko pero hindi naman habang buhay na susuyuin ko si Andrew. May sariling buhay din naman ako.
*******************
Out ko na pero dumaan muna ako sa nurse station. Malayo pa lang ay kita ko na ang kumpulan ng mga nurse at mukhang may pinagtsi-tsismisan na naman ang mga ito.
“Anong kaguluhan yan?” pangbubulaga ko sa mga nurse na nagkukwentuhan.
Mukhang hindi naman sila nagulat at tuloy lang sila sa kanilang pinag-uusapan.
“Sinabi ko na sa inyo, binata nga yun. Halata naman eh”
“Ay naku lalo tuloy akong inspired na pumasok araw araw.”
“Dati nga ayaw na ayaw ko ng night shift eh. Ngayon gising na gising talaga ako.”
“Pinag-uusapan nyo siguro yung bagong doktor no?” singit ko sa usapan nila.
“Nakita mo na ba siya Kristina? ” ani Liezel.
“Hindi pa, naririnig ko lang kasi palaging laman nang usapan nung mga kasamahan ko sa umaga yung pangalang Dr. Tuazon.” tugon ko.
“Ay grabe! Parang model ang tangkad, ang gwapo pa.” Kilig na kilig si Liezel.
“Tuazon? Parang hindi naman tunog doktor. Parang barangay tanod naman.” ani Tintin.
“Si Kristina lang yata ang hindi interesado sa kanya.” ani ate Beth.
“Ay naku, wag na siyang makigulo sa atin. Sinira na nga nyan ang pantasya natin kay Dok Andrew. Ipagpaubaya na niya sa atin si Dr. Tuazon.” ani Judith
Napatawa ako sa sinabi niya.
“Kristina may bad news ako sayo.” ani ate Beth.
“Ano naman yun?” tanong ko sa kanya.
“Yung ex ni dok Andrew na si doktora Natalia Santos, balita ko maa-assign dito.”
“Patay! May tulog ka ngayon.” ani Liezel.
“Ah yung ex nya.” kunyari ay balewala kong sabi. Ngunit ang totoo ay intresado ako sa balita ni ate Beth.
“Pero siya yung first love ni dok Andrew.”
“Ako naman ang present girlfriend niya ngayon.”
Tawanan ang isinagot nila sa akin. Wala talagang maniwala sa mga ito. Isa pa ay hindi rin nila sineseryoso ang mga sinasabi ko dahil tingin nila ay puro pagbibiro lang ako.
“Ate beth alam mo ba kung bakit sila nagbreak?” gusto ko talagang malaman kung bakit sila naghiwalay ni Andrew.
“Oo naman! Ang alam ko yung babae ang nakipagbreak dahil mas pinili niyang mag-aral sa abroad. Mataas kasi ang pangarap niya. Balita ko, dinamdam talaga yun ni dok Andrew kaya 2 years pa bago siya nagka- girlfriend ulit pero wala namang tumagal.”
Hindi ako makapaniwala na yung babae pa ang nakipaghiwalay. Ang tanga naman niya. Samantalang ako, hirap na hirap pasagutin si Andrew, tapos siya ibe-break lang.
“Naku, kung ako sayo Kristina, kalimutan mo na yang si dok, mukhang tagilid tayo dyan lalo na at magbabalik na ang original.” ani Liezel.
Nagkibit balikat lang ako. Ayokong ipahalata na apektado ako.
“Okay, eh di si Dr. Tuazon na lang ang pagtutuunan ko ng pansin. Ano bang schedule niya at nang masimulan ko na ang panliligaw?”
Sabay sabay silang nagtinginan sa akin at mga nagprotesta.
“Hay naku Kristina, ban ka kay Dr. Tuazon. Hindi ka namin gustong karibal.” ani Nancy.
“Mahirap kalaban yang si Kristina. Marami yang baong pick-up lines.” ani ate Beth.
“Pag nagsawa na ako kay dok. Andrew kay dok Tuazon naman ako.” pabiro kong sabi at saka umalis. May pupuntahan pa kasi ako.
****
Habang naglalakad papunta sa coffee shop na tagpuan namin ni Andrew ay hindi mawala wala sa isip ko ang sinabi ng mga ito tungkol sa first love ni Andrew. Babalik siya? Trabaho ba ang babalikan niya o si Andrew? Nagsisimula na akong makaramdam ng kung ano sa aking dibdib ngayon. May kung anong sumusundot na kaba pero madali ko rin naman itong pinawi. Ganito naman talaga ako, ayoko mag-entertain ng negative sa utak. Dapat lang masaya ako dahil magkikita kami ni Andrew maya-maya lang..
As usual ay nauna na naman akong dumating sa tagpuan namin. Kagaya ng bilin ni Andrew na wag ko daw siyang itetext at kukulitin kaya yun ang ginawa ko. Nagkasya na lang akong maghintay sa pagdating niya kahit pa mayat maya na akong tumitingin sa cellphone ko. Tuksong tukso na rin ako na tawagan siya.
Napakislot ako ng marinig kong may tumatawag sa telepono. Dali dali ko itong kinuha upang tingnan kung sino ang tumatawag, ngunit hindi nakaregister ang number sa phonebook ko. Hindi ko ito pinansin. Muli na namang tumunog ang aking cellphone yun pa rin ang number ng tumatawag kaya sinagot ko na ito.
“Hello sino to?” tanong ko agad sa tumatawag.
“Hello, is this Kristina?” boses lalaki ito.
“Ako nga. Sino nga to?”
“Hi…” wika ng lalaki sa kabilang linya-- sakto ring isang matangkad na lalaki ang huminto sa harapan ng lamesa na tinatambayan ko.
Tumingala ako at isang matangkad at napaka-gwapong lalaki ang nakita kong nakangiti habang hawak nito ang cellphone na nakatapat sa kanyang bibig. Nagsalita ito sa harap ng kanyang telepono.
“I’m Gray!” anang nasa sa telepono ganun din ng baritong boses mula sa lalaking kaharap ko ngayon.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit alam niya ang phone number ko at kung bakit nasa harapan ko ang lalaking ito. Siya kasi si Oppa, yung gwapong lalaki na bumangga sa akin nung isang araw sa harapan ng hospital.
Wanna know what my secret superpower is? -- I can write a beautiful story without relying on a toxic male character or unhealthy settings, providing readers with a thrilling yet stress-free experience, full of exciting chapters they'll look forward to. -- KARA NOBELA
Tintin POVIbinaba ko ang telepono at buong pagtatakang tumingin sa nagpakilalang Gray.Samantalang isinuksok nito sa kanyang bulsa ang cellphone at ngumiti sa akin.“Can I?” anito na humihingi ng permiso na maupo sa harapan ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay naupo na agad ito.“Hindi makakarating si Andrew dahil may importante siyang pupuntahan ngayon.” Oh so padala pala siya ng boyfriend kong hilaw.“Importante? San daw siya pupunta?”“Merun siyang kailangang sunduin sa airport, biglaan kasi. it’s a long story… pero yun nga hindi na siya makakarating dito kaya ako ang pinapunta niya rito.”“Ah ganun ba, sige nice meeting you na lang Mr. Gray.” paalam ko rito.Tatayo pa sana ako pero pinigilan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kamay niya at bigla niyang inalis ang pagkakahawak sa akin.“I’m sorry… andito na kasi tayo, baka pwedeng magcoffee muna tayo. My treat.”Tatanggi pa sana ako nang magpatuloy ito sa pagsasalita.“Ano bang coffee ang gusto mo?’Saglit akong natigilan. Tinan
Tintin POV 5th day na namin ngayon ni Andrew. Alam kong pang-umagang shift na siya ngayon. Malapit nang matapos ang shift ko pero hindi pa rin siya nagtetext sa akin. Gusto ko sana siyang puntahan sa ER kaso busy ako. Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay nagtungo agad ako sa pwesto niya. Narinig ko na busy daw ito kaya hindi muna ako umuwi at hinintay siya. “Oh Kristina, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Nancy na kadarating lang. “Hinihintay ko boyfriend ko.” sagot ko. Napatawa lang si Nancy. “Okay.” tugon nito na parang sinasakyan lang ang sinabi ko na hindi talaga naniniwala na boyfriend ko na si Andrew. Lihim na lang akong napangiti. Mamaya pagdating ni Andrew ay magugulat na lang ang mga ito pag mismong sa bibig ni Andrew manggagaling na kami na. Kaya sa ngayon hindi ko na muna ipagpipilitan. Excited na akong makita ang kanilang mga mukha na parang nalaglag ang mga panga. Unti-unti nang nagdadatingan sa nurse station ang iba pang mga nurse. “Oh Kristina, bakit k
Tintin POVWalang puknat ang aking pag iyak kahit kanina pa akong nakauwi dito sa condo. Ang sakit ng puso ko ngayon. Bakit ba naman kasi na sa lahat naman ng tao, kung sino pa yung mahal ko siya pa ay siya pang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Pagdating ko sa loob ay humarap ako sa salamin. Maganda naman ako ah.., bakit hindi niya ako magustuhan? Kasalanan ko bang hindi pang beauty queen ang height ko kaya mukha pa rin akong bata sa paningin niya? Sa loob ng 5 days hindi man lang siya nag-aksayang pagmasdan at kilalanin ako, so paano niya ako magugustuhan? Ni hindi ko nagkaroon ng pagkakataong ipakita sa kanya ang Tintin bilang isang babae, ang side ko na hindi pa niya nakikilala.Hinubad ko ang aking damit at walang itinirang saplot. Umikot ikot ako at pinagmasdan ang aking hubad na katawan sa harapan ng salamin.Sinapo ng mga palad ko ang ibabang parte ng aking dalawang dibdib at saka itinaas baba. Malulusog naman ang dibdib ko.Ibinaba ko
Tintin POV Mahina kaming nagbubulungan ni Mutya habang naglalakad kami papunta sa mini bar na nasa basement ng bahay nila. “Bakit ba kailangan yung brief pa ni Andrew at yung nagamit na?”usisa ni Mutya. Napasimangot naman ako. “Aba ay malay ko ga sa albularyong yun. Basta nakalagay sa listahan nya eh.” “O tapos? Anong gagawin?” tanong pa nito. Nagbubulungan na kami pero mas inilapit ko pa ang aking bibig sa kanyang teynga para siguradong walang makakarinig. “Amuyin ko raw sa loob ng isang oras tapos ihilamos ko sa mukha ko.” Nanlaki ang mga mata ni Mutya. “Anooo?!?! Gagawin mo yun?” gulat at malakas na sabi nito. Humagalpak naman ako ng tawa. “Joke lang.., ano ka ba?“ namimilipit ako sa katatawa habang nakaturo sa mukha ni Mutya na ngayon ay gulat na gulat. “Para kang tanga! Kadiri yang imagination mo.” ani Mutya na hindi maipinta ang mukha ngunit kalaunan ay tumawa na rin ng tumawa. Halos manakit ang tiyan namin kaya’t hindi na namin namalayan na kanina pa pala kami pinap
Tintin POVBigla kong narealized ang aking katangahang ginawa dahil baka isipin niyang ang cheap ko naman.Yikes! Ang cheap naman talaga ng ginawa ko. Hindi rin ganito ang first kiss na pinapangarap ko.Matapos ko siyang itulak ay tumalikod agad ako at tumakbo papalayo sa kanya. Patakbo akong bumalik sa aking inuupuan ngunit bago pa man ako makita nina Mutya ay huminto ako at marahang naglakad upang hindi nila mahalata na nagmamadali ako, baka magduda pa ang mag-asawa.Katakot takot na kabog ang nararamdaman ko ngayon dahil sa halo halong emosyon. Naiparating ko nga kay Andrew ang nais kong sabihin ngunit nais ko namang kutusan ang aking sarili, dahil sa kahihiyan. Ngayon ako biglang nagsisi sa aking ginawa. Lalo tuloy ako nitong tagilid kay Andrew, baka kung ano pa ang iisipin nito at maturn off siya sa akin. Nakakahiya!Napahawak ako sa aking labi at hindi mawala wala sa pakiramdam ko ang paglapat ng kanyang labi sa akin. Parang nararamdaman ko pa rin na magkalapat ang mga ito kaya
Tintin POV“Ang bigat niya talaga!”Kanina pa namin sinusubukang akayin si Andrew pero hindi namin magawa ni Mutya. Hindi lang dahil mabigat kundi dahil napakatangkad nito, samantalang hindi naman kami katangkaran ni Mutya.“Dito ko na lang kaya siya hubaran” suhestyon ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Mutya“Dito? Baka biglang magising si Drake. Di naman ganun kadami ang nainom ng asawa ko.” ani Mutya. Tumahimik ito at mukhang nag-iisip, pagkuway biglang umaliwalas ang mukha.“Alam ko na, tatawagin ko lang yung driver namin.” anito at nagmamadaling umalis.Ilang sandali pa ay bumalik na ito kasama ang driver nila.“Lasing na lasing ah.” puna ni mang Berting nang makitang bulagta ang magkapatid sa sofa.Mukhang nasabihan na agad ito ni Mutya ng gagawin dahil dumiretso agad ito kay Andrew. Naitayo niya agad ito at ikinawit sa kanyang batok ang braso ni Andrew ng walang kahirap hirap. Itinuro ni Mutya kung saan dadalhin si Andrew. May kwarto namang malapit, ilang hakbang lang ang layo a
Tintin POV “Yan na ba talaga yun?” pabulong na tanong ni Liezel at sinisipat ang hawak kong maliit na bote. “Oo. kailangang maipainom ko agad ito sa kanya bago matapos ang araw na to, kundi mawawala ang bisa.” mahina kong tugon. “Basta hintayin mo lang yung text ko, ibig sabihin nun nasa opisina na niya si dok.” ani Liezel. “Okay, basta wag na wag mong kakalimutan ha. Sayang naman ang effort ko pag nagkataon. Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko para lang makumpleto ‘to.” “Kinuha mo talaga yung brief ni dok?” namimilog ang mga mata ni Liezel habang nagtatanong. Agad ko siyang sinaway. “Ssshh.. Hinaan mo yang boses mo. Oo kagabi, kaya pag-uwi ko ginawa ko agad ito.” gayuma ang aking tinutukoy. “Eh di nakita mo?” pilyang tanong nito. Pinamulahan ako ng mukha at hindi nakasagot. Nanlaki pang lalo ang mga mata ni Liezel. “Oh my gosh! Nakita mo nga.” halos patiling sabi nito. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at baka may ibang makarinig. “Ang ingay mo!” saway ko sa kanya. “
Tintin POVKahit anong pilit kong iwaksi sa isipan ang nakita ko sa opisina ni Andrew ay hinding hindi talaga siya mawala sa utak ko. Alam ko namang na kaibigan lang ako para kay Andrew, alam ko rin kahit paano ang tungkol sa ex girlfriend nito pero iba pala talaga kapag sinampal ka na ng katotohanan sa harapan mo. Pakiramdam ko ay kinalog ng malakas ang aking ulo para magising sa aking kahibangan.Tama si Andrew. 22 years old na nga ako pero hindi pa rin ako nakakawala sa 17 years old Tintin na na-inlove sa kanyang ultimate crush. Hindi ako nag grow at nabubuhay pa rin ako sa isang fairy tale na binuo ko at si Andrew ang aking prince charming. Mapakla akong napangiti nang marealized ang aking kahibangan.Okay Andrew, masakit mang aminin pero tama ka. Napaka-childish ko. Tama ka na sa una pa lang ay hindi ka na dapat pumayag.., at hindi ko rin dapat ipinagpilitan ang aking sarili.Habang nasa biyahe ay tumutulo ang aking luha. Hindi rin nakatulong ang malulungkot na kanta na pinatutu
Kanina pa lihim na naiiling si Gigi sa pinag-uusapan ng mga ito. Kababasa lang niya ng article tungkol sa Ebyte crypto. Ito yung binanggit niya kahapon kay Drake na binabasa niya, yung isa sa mga links na ipinasa ni Drake sa kanya.Natatawa siya mga amiga ni Mrs. Tuazon dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Ito yung sinabi niya kay Chairman na porke may pera, feeling negosyante na. Mga pumapasok sa investement na walang kaalalam alam. Ni hindi man lang nagresearch or pinag-aralan.Biglang natahimik ang lahat matapos marinig ang sinabi niya.Maya maya pa ay pagak na natawa si Mrs. Martinez.“Darling, when grown ups are talking–”“AzuraTech ang company na gumawa sa kanila. Gumagawa sila ng coins under different names, at may pattern sila na biglang taas ang halaga, then bigla rin babagsak. Meaning, same team, same strategy. Kung mababasa nyo sa article, nabanggit dun na developers might unlock the liquidity pool this weekend. Kung mangyari yun malaki ang posibility na magka
3rd Person POVSinubukang iwasan ni Gigi si Gray pagkatapos ng engkwentro nila sa silid nito. Nag-aalala siya na baka gumanti ito sa kanya dahil alam niya kung gaano ito kapikon lalo na kapag pagkalalakí na nito ang pinag-uusapan. Mabuti na lang at hindi na ito nangungulit ngayon. Nagkukwentuhan sila habang sabay na nagdi-dinner pero wala itong binanggit tungkol sa nangyari kanina. Hindi niya tuloy malaman kung matutuwa ba o kakabahan.Matapos maghapunan ay bumalik na sila sa kani-kanilang mga silid. Hindi na niya nakita pa si Gray hanggang sa makatulog siya ng gabing yun. Nagising na lang siya ng 4 AM na may nakayakap na naman sa kanya at nakasuksok ang kamay sa loob ng kanyang bra– syempre wala yung iba kundi si Gray. Parang nasasanay na rin siyang magigising sa umaga na nakapulupot ito sa kanya. Maya maya pa ay kumalas na ito pagkatapos siyang dampian ng halik sa batok. Tumayo ito at nagsuot ng damit dahil naka-boxer lang ito kung matulog. Pagkatapos ay dire-diretso itong lumaba
3rd person POVNagmamadaling bumalik ng silid si Gigi. Tawa siya ng tawa mag-isa nang makabalik sa sariling silid. At the same time ay gusto niyang tuktukan ang sarili kung bakit ba naman kasi sa lahat ng pwedeng sabihin ay ‘balat’ pa talaga ang lumabas sa bibig niya. Bigla kasi niyang naalala yung Oblation Statue sa UP nung minsan magtour ang school nila dun. Ang sabi ni Santi, puro balat daw yung ‘ano’ ng Statue. Tawa sila ng tawa nun ni Nica kaya naging joke na sa kanila yun. Hindi naman niya akalain na bigla niya yung sasabihin sa harapan ni Gray. At siguradong lagot na naman siya nito, hindi naman kasi totoo yun– kabaligtaran kasi yung nakita niya. Nung una niya itong makita, medyo madilim pa. Pero kanina, maliwanag na –malapitan pa. Parang bigla tuloy nagbago ang isip niya at parang ayaw na muna niyang mag-asawa kung ganun kalaki pala ang papasok gabi gabi sa kuweba niya. Kanina nga ay pinagbataan pa siya nito na sa susunod daw ay siguradong mararamdman at hindi niya mak
Gigi POV Dumiretso si Gray sa silid nya, ako naman ay sa silid ko. Nang mainip ako ay tinungo ko ang kusina para kumuha ng maiinom at para makipagkwentuhan na rin kina Sheryl. Hindi pa kasi kami ako tapos makinig sa mga kwento niya dahil hinanap ako ni Mrs. Tuazon kaninang umaga para isama sa cafe. Si Nancy agad ang una kong nakita. Huli ko na naman silang nagchi-chismisan. Pero nang makita nila ako ay hindi na sila nagulat sa halip ay nagkukumahog pa nga ang mga ito na lapitan ako. “Anong chika natin dyan?” tanong ko. Naglakad ang dalawa palapit sa akin na nanghahaba ang mga nguso. “Naku miss Gi, nandyan na naman ang bruha.” anito. Tinakpan pa ang gilid ng bibig pero anlakas naman ng boses. “Sino, si Danica?” tanong ko. Eh, sino pa ba ang bruha sa mansion na ito? “Mismo.” sagot ni Sheryl na nakasimangot. Pagtingin ko kay Nancy ay hindi rin maipinta ang mukha nito. Mukhang pati pala mga kasambahay ay imbyerna kay Danica. “Narinig ko silang nag-uusap ni Madam nung da
Gigi POVDi rin naman ganun nagtagal ang tea time ni Mrs. Tuazon kasama ng mga amiga niya. Pansin ko ambilis nilang nagpaalaman. Kesyo may nagmamadali, merung emergency sa bahay, merung schedule na kailangang puntahan. Nag-alisan na sila eh hindi pa nga kami nakaka-order, wala tuloy tsibugang naganap. Para lang akong tangang nakasunod kay Mrs. Tuazon pabalik ng sasakyan. Tahimik lang siya pero poised pa rin ang upo kahit nasa loob ng sasakyan. Hindi mo talaga iisiping dati siyang kasambahay, ang galing niyang magdala ng sarili. Kaso may mga tao talagang huhusgahan ka dahil lang sa kung ano ang iyong pinagmulan. Parang gusto ko tuloy maawa sa kanya dahil hanggang ngayon labandera pa rin ang tingin ng mga pekeng kaibigan niya. Pero parang deserve naman, ako nga kung maliitin niya, akala mo hindi siya dating mahirap.Nang sulyapan ko siya, halatang may iniisip ito, kumikibot kibot pa ang bibig nito. Siguro iniisip niya yung mga pekeng kaibigan niya.Nagulat ako ng bigla na lang siyan
3rd Person POVNapangiti si Danica nang makita si Mrs. Tuazon na lumabas ng malaking pintuan ng mansion, Narito siya sa labas ng kanyang magarang sasakyan. Pero mabilis din nawala ang kanyang ngiti nang makitang kasunod ni Mrs. Tuazon ang malditang si Gigi. Nakasimangot si Danica hanggang sa makalapit sa pwesto niya ang dalawa.Maaliwalas ang mukha nang ginang na nilapitan siya.“Iha, I’m glad nakarating ka.” anito at nagbeso ang dalawa.Hindi sumagot si Danica sa halip ay mataray ang tingin na ipinukol kay Gigi na ngayon ay nakatayo at mukhang bagot na bagot.“Mukhang maldita talaga.” bulong ni Danica sa sarili niya.Magtatanong pa lang siya pero inunahan na siya ng ginang.“I know.” bulong ni Mrs. Tuazon. Pagkatapos ay binalingan nito si Gigi.“Mauna ka na sa loob.” anitoi.Wala namang pag-aalinlangang pumasok si Gigi sa loob ng sasakyan. Nang makapasok ito ay saka pa lang nagtanong si Danica.“What was that tita? Don’t tell me, boto ka na sa kanya? ” usisa niya.“Of course not. Da
Gigi POV Napakamot na lang ako ng aking ulo nang makita ang itsura niya ngayong nakadapa at walang ibang suot kundi boxer. Buti na lang at tulog siya, kundi mamumula naman ang aking mukha pag nagtama ang aming mga mata habang ganun ang itsura niya. Mabuti na lang at hindi niya nahigaan ang kumot kaya inayos ko ito at ikinumot sa kanya, baka kasi lamigin ang pwét niya eh. Matapos ko siyang kumutan ay nagtungo na ako sa banyo para magshower. Paglabas ko ay nakapantulog na ako. Muli na naman akong napalingon kay Gray na nasa ganun pa ring pwesto, ni hindi man lang kumilos. Bigla ko ring naitanong sa sarili kung ano bang ginagawa niya rito sa silid ko? Para saan pa at magkaiba kami ng kwarto kung gabi gabi rin naman ay dito siya natutulog. Eh di hamak namang mas maganda ang kwarto niya. Bigla akong nagka ideya, dun na lang kaya ako matulog sa silid niya? Inayos ko muna ang setting ng ilaw. Dim light kasi ang gusto ni Gray, pareho kami ng gusto kaya yun ang ginawa ko. Nang okay n
Gigi POV Nang dumating ang pagkain at maamoy ito, saka ko pa lang naramdaman ang gutom at naubos ko pang lahat. Nang lingunin ko si Gray ay ngingiti ngiti lang itong nakatingin sa pinggan kong wala ng laman. Busog na busog ako at gusto ko pa nga sanang dumighay kaso nahiya naman ako dahil katabi ko siya kaya nilunok ko na lang. Nang matapos kaming kumain ay umuwi na rin kami sa bahay. Agad kong tinungo ang silid ko para magpalit at ayusin ang aking mga gamit pabalik ng Manila. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Gray na nakaupo sa single sofa, nakasandal ito at bahagyang nakatingala. Nakapikit siya, mukhang tulog. Inaantok pala siya, sana dun siya natulog sa itaas– sa kwarto ko, char! Maingat akong naglakad para hindi siya magising. Nagtungo ako sa kusina para lumabas at puntahan si String Bean. Kailangan ko rin siyang iready para sa pagbalik namin sa Manila mamaya, ayoko siyang iwan dito. “Hindi mo na sana dinala dito yan. Pwede mo namang iutos sa mga maid na pakainin siy
Gigi POV Ano daw? Misis? Tama ba ang narinig ko? Muli akong napatingin sa kanya, nakangiti lang ito sa akin. Nasa tabi namin ang parents ko kaya medyo nahiya tuloy ako dahil alam kong narinig nila ang sinabi ni Gray. Pero nang lingunin ko ang mga magulang ko, nakangiti lang ang mga ito at hindi man lang kumontra. Halatang botong boto talaga sila dito. “Sige na, nang makakain na tayo. “ yaya ni itay at nauna na silang naglakad para magtungo sa jeepney na sinakyan namin kanina. Hinatid ko sila ng tingin ko hanggang sa makasakay na sila. “May kasalanan ka pa sakin.” napaigtad ako ng marinig ang boses ni Gray. Nawala ang ngiti ko at taka akong napatingin sa kanya. Wow, ha…, ako pa pala itong may kasalanan ngayon. Ang naaalala ko kasi , siya itong nagpa-iyak saken. Yun sana ang sasabihin ko kaso napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya nang mapansin nito ang naging reaksyon ko. Eh kasi naman, normal lang sa kanya na hinahawakan niya