Tintin POVKahit anong pilit kong iwaksi sa isipan ang nakita ko sa opisina ni Andrew ay hinding hindi talaga siya mawala sa utak ko. Alam ko namang na kaibigan lang ako para kay Andrew, alam ko rin kahit paano ang tungkol sa ex girlfriend nito pero iba pala talaga kapag sinampal ka na ng katotohanan sa harapan mo. Pakiramdam ko ay kinalog ng malakas ang aking ulo para magising sa aking kahibangan.Tama si Andrew. 22 years old na nga ako pero hindi pa rin ako nakakawala sa 17 years old Tintin na na-inlove sa kanyang ultimate crush. Hindi ako nag grow at nabubuhay pa rin ako sa isang fairy tale na binuo ko at si Andrew ang aking prince charming. Mapakla akong napangiti nang marealized ang aking kahibangan.Okay Andrew, masakit mang aminin pero tama ka. Napaka-childish ko. Tama ka na sa una pa lang ay hindi ka na dapat pumayag.., at hindi ko rin dapat ipinagpilitan ang aking sarili.Habang nasa biyahe ay tumutulo ang aking luha. Hindi rin nakatulong ang malulungkot na kanta na pinatutu
Tintin POVKunot noo akong nakatingin sa cellphone. Sino naman kaya itong prankster nato?“Kristina!” malakas na sigaw ang pumukaw sa pag-iisip ko. Si nurse Maricel.“Sabay na tayo.” anito.“San ka nagpunta kahapon, bigla ka na lang nawala? Usually tumatambay ka pa pagka-out mo na.” tanong nito habang naglalakad kami papasok ng hospital.“Nainip ako kaya umuwi na agad ako.”“Ngayon ka pa nainip kung kelan sabay na ang shift nyo ni dok Andrew.”“Eh ano naman kung sabay kami? Balewala kong sagot.“Wow ha, kunyari ka pang hindi excited kay hashtag boyfriend mo…. Teka, bagong kulay ba yang buhok mo?” anito at sinipat sipat ang buhok kong nakapusod. Nakatali palagi ang buhok ko sa trabaho kaya wala namang makakapansin ng pagbabago.“Oo nagpagupit din ako, sobrang haba na eh.”Nasa tapat na kami ng locker room.Natanaw ko si Andrew sa di kalayuan. May kausap itong pasyente. Napatingin siya sa akin, samantalang dire-diretso lang ako papasok sa locker room.Kung dati rati ay hindi ako magkama
Tintin POV“Honey?!?!” Gulat na bigkas ni Andrew.Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Gray na ngayon ay nakalapit na, sunod ay tumingin ito sakin. Inirapan ko sya pagkuway ngumiti ako kay Gray.“Hi Gray.” bati ko sa kanya ng makalapit na ito sa amin.“Hi Honey!” maaliwalas ang mukha nitong nakangiti sa akin. Saglit itong sumulyap kay Andrew nang marinig ang boses nito.“What did you say? Bakit tinatawag mo syang honey?” kunot noong tanong ni Andrew kay Gray.“Eh ano naman ngayon sayo?” masungit kong sabi. Ano bang pakialam niya?“Why!” giit ni Andrew na mukhang hindi titigil hanggat hindi nasasagot ang tanong niya.Tumawa ni Gray sa naging reaksyon ni Andrew.“Her name is Honeylet.” ani Gray.“And?” si Andrew na kunot noo pa rin.“I asked her if I can call her Honey.., and she said yes!” paliwanag ni Gray. Bumaling ito sa akin at ngumiti.Kunot na napatingin saken si Andrew. Hanggang kelan ba niya ako kukunutan ng noo. Kung tutuusin ay ako naman dapat ang gumagawa nun.“Dyan
Andrew POVSaglit akong tumingin sa aking relo, may 30 minutes na akong naka-park di kalayuan sa condominium. Sa tingin ko ay sapat na ang oras na ‘to para paghintayin siya.Kinuha ko ang aking cellphone at nagtype. Nang matapos na ako ay pinindot ko ang send button. Napangiti ako dahil ilang segundo pa lang ay nakareceived na agad ako ng reply. Pababa na daw siya.Hindi ko muna itinago ang aking cellphone dahil may kailangan pa akong tawagan, may hinihintay lang ako. Wala pang limang minuto ay lumabas na sa building ang taong inaasahan ko. Halatang nagmamadali ito at kitang kita ang excitement sa kilos at mukha nito. Hindi ko mapigilang mapangiti muli.May tinawagan muna ako at mabilis naman itong sinagot.“Andyan na siya. Yung nakadilaw na tshirt.” wika ko sa aking kausap.“Okay boss.” sagot sa kabilang linya.Matapos kong marinig ang sagot nito ay tinapos ko na ang tawag. Nakita kong pumarada sa harap condominium ang taxi na minamaneho ng driver na kausap ko sa cellphone, Maya maya
Andrew POV I had a meeting with the hospital's board members and directors. Pagkatapos nito ay ipinakilala ang bagong doktor na si Dr. Natalia Santos– the girl I used to date in college, almost a decade ago. Hindi na ako nagulat ng ipakilala siya bilang pinakabagong doktor sa aming hospital. This news has been circulating among the hospital staff over the past few weeks. Schoolmate ko siya noong high school but we started dating during college days. She isn’t my first girlfriend pero siya pinaka seryoso at pinakamatagal kong nakarelasyon dahil umabot din kami ng 3 taon. We were deeply in love, but she made the sudden decision to pursue her studies overseas after receiving a scholarship. When she left, I cried a river and begged her not to leave. Sinundan ko pa siya sa Amerika para lang kumbinsihin na bumalik ng Pilipinas ngunit bigo ako dahil mataas ang kanyang pangarap. Bago kami tuluyang maghiwalay ay sinabi kong hihintayin ko siya because I was so in love with her. Hindi ko
Tintin POV Pagkalabas ko sa silid ng pasyente, malayo pa lang ay tanaw ko na agad aking mga kasamahang nurse na tila may pinagkukumpulan sa nurse station. Kita sa kanilang mga mukha ang excitement at kasiyahan. Bigla akong nacurious kung anong nangyayari kaya lumapit ako para maki-usyoso. Nang makita nila akong papalapit sa kanila ay sabay-sabay silang ngumiti. Sinenyasan nila ako na bilisan ko ang paglalakad. Kaya naman, patakabo akong lumapit. “Ano kayang merun?” excited na tanong ko "Eto na ang babaeng sobrang haba ng buhok." sabi ni Maricel, na may hawak na kahon ng donuts. "Oi, para sa'yo ito," sabi pa ni Nurse Jeff, na may bitbit na tray ng kape. "May nagpadala ng donuts at cafe latte dito sa department natin." anito pa. “Saken?” nagtataka kong tanong habang papalapit sa kanila. "Sino naman ang nagpadala nito?" tanong ko habang sinisipat ang mga donuts at kape. "May note na kasama, dali basahin mo." sagot ni Maricel, iniabot nya sa akin ang isang maliit na card. Inaabang
Tintin POVKatatapos ko lang manggaling sa silid ng mga pasyente ay narinig kong may nag-page ng pangalan ko at ipinapatawag ako sa front desk. Mabilis naman akong tumalima at nagtungo dun. Malayo pa ay tanaw ko na ang mga tao sa front desk na parang nag-aabang sa aking pagdating.Pansin ko agad ang isang delivery man na may dala-dalang malaking bouquet ng mga bulaklak."Nurse Tintin, para po sa inyo. Pakipirmahan na lang po." sabi ng delivery man habang iniabot ang resibo at bouquet ng red roses ganun.Nagulat ako at hindi ko napigilan ang mapangiti."Kanino naman kaya galing to?" tanong ko sa aking sarili.Matapos kong pirmahan ay nagpaalam na ang delivery man. Mabilis akong pinagkumpulan ng mga kasamahan ko at nakiusyoso na rin habang binabasa ko kung saan galing ang mga bulaklak."From Andrew!" tumitiling sabi ni Leah isa sa mga front desk.Napatakip naman ako ng teynga. Sobrang lapit niya sa akin dahil halos isubsob nito ang mukha sa tagiliran ko para basahin kung kanino galing
Tintin POV Kung dati-rati ay nauubos ang oras ko para magpaganda bago magtungo sa anumang event merun sa pamilya nina Mutya, ngayon naman ay nag pulbos lang ako at manipis na lipstick para lang wag maputla ang labi ko. Inilugay ko lang ang aking bagong gupit na buhok. Hindi na rin ako bumili ng bagong damit. Nag-suot lang ako ng simpleng dress na ginamit ko na dati. Dati kasi ay todo pustura pa ako para kay Andrew ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Basta siniguro ko lang na mukha akong presentable ngayon para sa birthday ni Mutya. Simpleng dinner lang naman ito kasama ang pamilya niya sa isang restaurant. Sa pagkakakilala ko sa mga biyenan ni Mutya, kahit sila-sila lang ay siguradong sa mamahaling restaurant nila ito ise-celebrate. Dahil sa traffic ay 5 minutes akong late. Nahihiya tuloy akong lumapit sa table nila pagdating ko. Kumpleto na ang buong pamilya nila. Magkatabi sina Mutya at Drake. Ang mga anak nilang napaka-cute ay nakaupo sa kani-kanilang high chair. Magkatabi sina
Manghang nakatitig si Chairman Tuazon sa project plan ng mga estudyante. “I wasn’t expecting this.” stunned na wika niya. “What about the team, nasan na sila?” tanong pa niya. “Their team consists of four members. Yung leader nila ang nagdesign ng system architecture and nagsulat ng mga computation models and trajectory logic. And according sa coach nila, this kid has exceptional skills sa Applied Mathematics.” tugon ni Ms. Han “Anong klaseng skill?” “Real-time vector analysis po. Kayang kaya niyang magsolve ng kinematic equation sa utak. Hindi niya kailangang gumamit ng calculator. Math is part of her and it’s instinctive to her.” “Rules ng competition ay wag ipakita ang full details ng project plan to protect the design. Para hindi makopya ng iba. Kaya sinubukan kong bilhin na lang sa kanila ang design pero tinanggihan ng estudyante.” “Subukan mong alukin ng mas malaking halaga.” Umiling si Ms. Han. “The student is very determined not to sell it. Gusto niyang si
Nang matapos ang meeting ay agad na bumalik ng kanyang opisina si Chairman Tuazon nang may bigat sa bawat hakbang. Pagkatapos ay agad niyang isinara ang pintuan at diretsong nagtungo sa kanyang lamesa. Bago siya umupo sa kanyang executive chair ay napabuntong hininga muna siya at halos pabagsak na isinandal ang kanyang likuran sa upuan. Kapag ganitong patong patong ang problema sa kumpanya, parang ayaw na muna nyang umuwi. Madaragdagan lang ang stress niya sa bahay kapag nakita ang nag-iisang anak na si Gray, na 3 days ago lang ay nalaman niyang nakipagrelasyon sa isang napakabatang babae na halos pamangkin na nito. Ang mga huling napag-usapan sa meeting ay nagpapasakit ng kaniyang ulo. Tatlong buwan na ang lumipas nang simulan nila ang pagdevelop ng surgical robot. Maraming nasayang hindi lang oras, pati na rin ang malaking budget na inilaan nila sa project na hanggang ngayon ay hindi pa rin makikitaan ni katiting na pag-asa. Hindi niya magawang hindi mag-alala dahil hindi lang
1 month ago…. InovaTech Corporation – Leading tech innovator sa Pilipinas, kilala sa pagdevelop ng advance systems para sa automation, transport, energy and medical innovation. Kabilang dito ang mga smart device, diagnostic tools, at ilang automated systems na ginagamit sa ilang hospitals at private sectors. At sa bawat high stakes-project, isa lang ang goal ng kumpanya, to stay on top sa buong bansa laban sa mga karibal na kumpanya, no matter what it takes 11:00 AM Sa 18th floor ng main building ng InovaTech Corporation, sa kanilang executive conference hall, nagtipon-tipon ang mga top executives ng kumpanya para sa isang emergency meeting. Nasa dulo ng lamesa si Chairman Eduardo Tuazon, may-ari ng kumpanya. Naka-itim na business suit ito, nakatayo at nakapatong ang kamay sa mesa. Hindi ito nagsasalita pero dama ang tensyon sa kabila ng katahimikan sa buong silid. Nasa harapan niya ngayon ang mga matataas na opisyal sa Medical Technology Division: Head of Engineering, Head of
Napaigtad sina Mom at Danica sa lakas ng boses ni Dad kaya lalo nang hindi nakapagsalita ang mga ito. Maging ako ay nagulat sa sigaw niya lalo na ng makita ko ang madilim na mukha nito ngayon. Nang wala pang magsalita sa dalawa ay binalingan ni Dad si Danica. “Mabuti pang umuwi ka na muna.” malamig nitong sabi sa kanya. Hindi na sumisigaw si Dad pero halatang nagpipigil ito ng matinding emosyon. “Tito, kasi–” Magsisimula pa lang magsalita si Danica pero pinutol na agad siya ni dad. “Not today Danica!” Natigilan pang muli si Danica. Nagkatinginan sila ni Mom, tila nagulat pareho at hindi inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ni Dad Maging ako ay naguguluhan. What the héll is going on? Bakit parang hindi si Danica na anak ni Chairman Aurelio Gonzales kung kausapin niya ito. Of all people, Danica is the last person my Dad wants to upset, maaaring makarating ito sa parents niya. Pero sa nakikita ko, bakit parang hindi man lang nababahala si Dad. “Let’s go Da
Gray POV Bago bumaba ng sasakyan ay tumunog ang aking cellphone. Message yun galing sa hospital. Binasa ko na rin ang mga nauna pang text messages. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang unread message mula kay ‘Sugar baby.’ From Sugar Baby: Okay :) Sh*T! Napamura tuloy ako. Bakit hindi ko agad nabasa? Tiningnan ko kung anong oras yun dumating. Yun ang time na nasa Osteria na kami. Huling check ko ng cellphone ko ay nung nagpadala ako ng message kay Gigi na pauwi na ako. Next is nung nasa labas na ako ng bahay nina Andrew. “Stupíd!” mura ko na naman sa aking sarili at nahampas ko pa ang manibela. Nang tawagan ko si Gigi kanina sa labas ng bahay ni Andrew ay hindi ko na nakita ang pop-up notification ng message nito dahil natabunan na ito ng mga bagong text messages na dumating. Napahilamos ako ng mukha. Nilingon ko ang pintuang pinasukan ni Gigi, at parang nakikita ko pa siya dun na papasok. Napabuntong hininga na lang ako. Habang iniisip ang katangahang nagawa ay natana
Ilang sandali ring napuno ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Maya maya pa ay tumukhim muna si Gray at saka nagsalita. “Gusto mo bang bumili muna tayo ng sweets para kainin mamaya…., after nating kainin ang mga niluto mo?” tanong nito kay Gigi. Labas sa ilong na natawa si Gigi. “Baka naman magsuka ka na. Katatapos niyo lang kumain diba.” ani Gigi Muling natahimik si Gray. Nabanggit lang nya ang tungkol sa ‘sweets’ dahil hindi niya alam kung saan niya sisimulan ang usapan. “Isa pa kailangan ko nang umuwi. Naiwan ko nga pala yung robot ko kahapon sa tabi ng pool, baka kung anong nangyari na dun.” ani Gigi kaya hindi na lang nagpumilit si Gray at nagdrive na lang pauwi. Tahimik sila buong biyahe. Hindi na nagsalita pa si Gray dahil baka mali na naman ang masabi niya. Wala ni isa sa dalawa ang nagsasalita hanggang makabalik sa mansion. Ibang iba sa sitwasyon nila ngayon kumpara kaninang umaga na mas masigla. Inihinto ni Gray ang sasakyan sa mismong tapat ng bahay. Sinulyap
Natahimik si Gray dahil sa sinabi ni Gigi. Pakiramdam niya ay ginisa siya sa sariling mantika. Tinapunan pa niya ng mabilis na tingin ang plastic bag na hawak nito. Pagkain daw ang laman nun at si Gigi ang nagluto. Hindi niya yun inaasahan dahil wala sa itsura nito ang marunong magluto. “Ikaw ba talaga ang nagluto niyan?” tanong niya. “Hindi mo nabanggit sa akin na marunong ka palang magluto.” patuloy ni Gray. “Kailangang i-announce?” tanong nito. Hindi siya nakasagot. “Luto lang yun. Normal lang yun at wala namang special dun. Karamihan naman talaga sa mga Pilipino, marunong magluto. Kase.., hindi naman lahat may kasambahay kagaya nyo.” balewalang sagot nito at saka umayos ng upo ay naglaro ng cellphone. Natahimik na lang si Gray dahil sa sinabi nito. Hindi niya mapigilang hindi ito lihim na sulyapan at obserbahan. She’s the kind of person who’s often misunderstood. Sa unang tingin, she seemed like a happy-go-lucky girl, carefree and impulsive. Pero may mga ginagawa itong mg
Sabay sabay silang nagtungo sa Osteria. Pagdating sa restaurant ay naupo agad ang mga babae. Lahat sila ay pasta ang kinain, maliban kay Gray na sandwich lang ang inorder. “Dok, hindi ka ba mahilig sa pasta?” tanong ni Grace kay Gray. Tumingin si Gray dito, batid niyang kanina pa ito nakamasid sa kanya. Hindi naman bago sa kanya yun. Nilunok muna ni Gray ang kinakain saka sinagot ang babae. “Mahilig ako sa pasta. Nagkataon lang na busog ako ngayon” paliwanag ni Gray. Ngumiti si Grace habang tumatango tango. “Noted po. Kapag nagluto ako ng specialty ko na Ragu alla Bolognese, ipapatikim ko sa inyo.” ani Grace sabay sulyap kay Gray. Napatingin naman si Gray sa babae at tipid na ngumiti. “Sure.” aniya. “Wow, marunong kang magluto Grace?” tanong ni Dahlia, ang isa sa mga nurse na kasama nila. “Simple dish lang naman. Gusto ko kasi pag nag-asawa ako, aalagaan ko ang husand ko. Yun bang tipong uuwi siyang pagod galing sa trabaho pero may madadatnan siyang pagkaing nakar
Pumasok muli si James sa loob ng locker room dahil nakalimutan nito ang clipboard sa table. Napatingin si Gray sa orasan at nagmamadali syang tumayo ay isinuot ang cellphone sa bulsa.“Ano kayang merun sa cellphone na yan.” makahulugang tanong ni James. Hindi talaga ito tumitigil sa pang-uusisa dahil napapansin niyang may kakaiba ngayon sa kaibigan.Napapailing na lang si Gray dahil alam niyang kanina pa siya nito pinag-aaralan.“Trauma surgeon ka, hindi Psychiatrist.” pabiro niyang sabi sa kaibigan.“Mauna na ‘ko.” sabi pa niya sa halip na pansinin ang mga sasabihin pa ni James saka nagmamadaling nagtungo sa ER.Halos hilahin na ni Gray ang orasan para mag-alas dos at nananalangin na walang emergency na mangyari para makauwi siya sa oras. Mukhang nagkatotoo nga ang hiling niya dahil after nung huli niyang tinahi sa braso ay wala na ulit silang bagong pasyente sa queue. Pero mukhang hindi naman yun nakatulong. Ngayon ay wala na siyang masyadong ginagawa kaya parang mas bumagal la